SERENITY'S POV"Lola, hindi po kaya magalit si Ethan?"Nasa harap kami ngayon ng condo ni Ethan dahil gusto ni Lola Amanda na isama siya sa lakad namin. Alanganin naman ako sa gustong iyon ni Lola dahil baka magalit lamang si Ethan. Kagabi nga lang ay tila napilitan lang siyang matulog sa kwarto dahil sa sobrang pagod niya."Katatapos lang ng concert ng apo ko kaya marami siyang oras ngayon. Dapat ay sa atin niya ibigay ang oras na iyon," nakangiting sabi ni Lola."Lola? Anong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ni Ethan nang buksan niya ang pinto. Nakasando lang siya at nakashorts kaya mabilis akong umiwas ng tingin."Pupunta kami ngayon sa mall, samahan mo kami," sagot naman ni Lola."Lola, alam niyo namang hindi pwede dahil makikita ako ng mga tao."Muli akong napatingin kay Ethan. Hindi pwede? E samantalang sa mall nga kami unang nagkita. Hindi nagsalita si Lola Amanda, imbes ay pumasok siya sa condo kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya. "Ang kalat naman ng condo mo,"
SERENITY'S POV"Pangako?" nalilitong tanong ko."Give me 6 months. Pagkatapos ng lahat ng ito ay maghihiwalay tayo. Just tell me how much you need for your silence," malamig niyang sagot sa akin.Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng damit ko habang si Ethan ay pabagsak na nahiga sa bed. "Bayaran ba talaga ang tingin mo sa akin?" hindi ko napigilang itanong habang nanatiling nakatayo sa gilid ng kama."Hindi ba? Hindi ba't binayaran ka nina Lolo para pakasalan ako? Na hindi mo kilala noong una."Mapait akong napangiti. Sa iilang minuto pa lamang na kausap ko siya ay tila biglang nawala ang imaheng iniidolo ko. Ibang iba siya sa TV na napanood ko noon. Ibang iba siya sa Ethan na kumakanta sa stage."Ang totoo? Ako ang ipinambayad utang ng mga umampon sa akin. Pero tama ka naman, parang binayaran nga para maikasal sa 'yo. But sad to say, hindi ako ang nakinabang sa perang 'yon."Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Ethan. Mabilis akong kumuha ng damit ko at pumasok sa CR upang mal
SERENITY'S POVHindi ko alam kung anong sasabihin pa kay Ethan dahil nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Wala na akong nagawa kun'di ang laruin na lamang ang mga daliri ko dahil sa kaba. Hindi naman siguro ako papagalitan nina Lolo at Lola dahil nagpahatid ako sa isang lalaki. Ipapaliwanag ko na lamang sa kanila ang lahat at sana ay paniwalaan nila ako."Dito ka ba nakatira?" walang emosyong tanong sa akin ni Ethan nang huminto siya sa tapat ng bahay nina Lolo Armando."Dito nga," mahinang sambit ko.Bumisina si Ethan at nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang malaking gate. Pumasok ang sasakyan at binati pa ng guard si Ethan."A-anong?" hindi ko maituloy ang itatanong ko.Hindi nagsalita si Ethan. Bumaba siya ng sasakyan habang ako ay nakasunod lang ng tingin sa kaniya. At nanlamig ang buong katawan ko nang salubungin siya ng mag-asawa. Nagmano pa si Ethan sa mga ito. Agad akong bumaba ng sasakyan."Buti naman at tinupad mo ang pangakong uuwi ka pagkatapos ng concert mo," narinig kong s
SERENITY'S POVTila tumigil na naman ang mundo ko nang makita kong muli ng malapitan si Ethan. Hindi ko magawang igalaw ang buong katawan ko at wala akong ibang magawa kun'di ang mapatitig na lamang sa kaniya. Nabablangko ako at napakabilis ng tibok ng puso ko."So, nasaan ang boyfriend mo?" tanong pa niya sa akin na siyang nagpabalik sa ulirat ko."A ano, kasi, ano."Gusto ko na lamang magpalamon sa lupa dahil hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Wala naman kasi talaga akong boyfriend. Ang mayroon ako ay asawa na hindi ko pa nakikilala."Malayo-layo pa ang bayan dito. Sumabay ka na sa akin," walang emosyong sambit pa niya."A. Hindi na. Ayos lang ako," pagtanggi ko naman kahit ang totoo ay gustong gusto ko nang sumakay sa kotse niya. Isang pambihirang pagkakataon iyon na hindi ko dapat pinalalampas ngunit hindi ko alam kung bakit may pumipigil sa akin na i-grab ang pagkakataong ito."Okay."Mabilis akong napalingon kay Ethan dahil muli niyang ini-start ang kotse niya. Agad naman ako
SERENITY’S POV“Hello, guys,” masayang bati ni Ethan sa amin nang matapos niyang kantahin ang song na nagpasikat sa kaniya.Napuno naman ng tilian at sigawan ang buong venue habang ako ay nakangiting nakatitig lang kay Ethan kahit na hindi ko siya gaanong maaninag dahil nga malayo kami sa stage.“I have an announcement to make. Bago pa man ang concert na ito ay maraming bali-balita na ang kumakalat tungkol sa akin,” seryosong sabi niya.Napatango ako. Alam ko ang tinutukoy niya dahil may isang litrato siyang nag-viral. Ang litratong ito ay isang kuha ng hindi kilalang tao. Sa litratong ito ay may kasama siyang isang babae, si Camila Ceres, isa sa mga pinakasikat na mga artista. Malaking balita ito sa lahat sapagkat iyon ang kauna-unahang beses na may na-link na babae kay Ethan. Kaya marami na ang nag-conclude na baka magkarelasyon na ang dalawa. Iyon din kasi ang kauna-unahang beses na makita siyang may kasamang babae.Naalala ko pa ang isang interview noon ni Ethan. Tinanong siya kun
SERENITY'S POV"Paalis ka na ba, Hija?" magiliw na tanong sa akin ni Lola Amanda."Opo, Lola Amanda."Simula kasi kagabi noong nagpaalam ako sa kanila na manonood ako ng concert ni Ethan ay sinabihan na nila akong tawagin ko na lamang silang lolo at lola. Buong akala ko nga ay hindi pa nila ako papayagan na umalis ngayon dahil mukhang bad mood sila kagabi. Ngunit laking gulat ko na wala silang pagdadalawang isip na pinayagan ako. Nakakapagtaka pa nga na parang mas natuwa pa sila na manonood ako ng concern. Ngunit gayunpaman ay hindi na ako nagtanong o nangulit pa dahil baka maiba na naman ang mood nila.Mamaya pa namang 7pm ang simula ng concert ngunit sinabi sa akin ni Cindy na dapat ay maaga pa lang ay nasa venue na kami. Sold out kasi ang tickets kaya paniguradong maraming tao mamaya. Kaya kahit alas kwatro pa lamang ng hapon ay nakagayak na ako. "O siya, mag-iingat ka ha. Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid sa driver mo?" tanong pa sa akin ni Lola.Marahan naman akong umili