Share

KABANATA 1

HINDI alam ng dalagang si Margaux kung bakit gustong-gusto niyang patayin ang nag-iingay ngayon na alarm clock sa bedside table niya.

Wala naman siyang naalala kung siya ba ang nag-set niyon dahil alas singko y media pa lang naman ng madaling araw.

Pikit ang mga mata ay gumilid siya, inabot ang bedside table, kinapa ang alarm clock at walang pagdadalawang-isip na itinapon iyon sa kung saan.

"Aww that was considered as my morning coffee." Napamulat siya nang mata, gulat sa narinig na boses dahilan na bumaba ang tingin niya sa paanan niya.

Then she saw her father. Nakaangat ng bahagya ang isang kilay nito at hawak ang....alarm clock?

Kung ganoon?

Binalingan niya ang bagay na itinapon kanina at laking gulat niya nang makita ang paboritong tasa ng kape ng ama ang naitapon pala niya sa dingding na ngayon ay basag na basag na at nagkalat ang bubog niyon sa sahig.

She bit her lip at muling binalingan ang ama.

"Anong oras ka na naman nakauwi kagabi ha?" Tanong nito at nakikinita niya sa tono ng ama na galit nito.

Kapagkuwan ay bumangon siya sa kama at isinandal ang likuran sa headrest habang nakatalukbong pa rin ng kumot.

"Dad, this is not a day you will give me a speech. Sinabihan naman kita diba, na may trabaho ako—"

"At ano ang trabaho mo kung ganoon? For pete's sake Margaux matanda ka na. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang trabaho mo sa dis-oras na ng gabi." Naipikit niya ang mga mata dahil sa sobrang lakas ng boses nito.

Kung hindi niya patitigilin ang ama niya ay talagang magigising na rin maging ang mga kapitbahay nila.

Palaging ito ang matatanggap niya mula sa ama kapag nalaman nitong lumabas siya sa bahay ng dis-oras na ng gabi.

"Huwag mo nang uulitin ang kabaliwan mo noong college ka pa. Hindi ka na bata Margaux, may sariling buhay na iyong si Declan—"

"Alright stop, daddy!" Naiinis kasi siya kapag naririnig ang pangalan ng lalaking iyon.

She hates everything na may kinalaman si Declan Heisenberg!

Umuusok talaga ang kanyang ilong kung magkataon mang may magbanggit ng pangalang iyon.

Ngumiti ang kanyang ama nang sinalubong niya ang tingin nito.

"Dalawang taon na ang nakalipas at hindi mo pa rin nakalimutan ang ginawa ng batang iyon." Then her father laughed dahilan na mas lalong nagpabaga sa galit niya.

Of course, sino ba naman ang hindi magagalit? Declan Heisenberg rejected her offer for marrying him, dahil pabagsak na noon ang kompanya ng mga magulang niya.

Hindi siya sanay na ma-reject, hindi siya sanay sa kahihiyan at lalong hinding-hindi niya nagugustuhan ang tabas ng dila ng lalaking iyon noong araw.

College pa lang siya noon at talagang hanggang ngayon, saulo pa rin ni Margaux ang katarantaduhang ginawa nito sa kanya.

And that man really annoyed her to the core lalo pa at engrande ang naging proposal niya noon para sana sa binata, pero ang gago. Pinahiya pa siya.

Saulong-saulo pa nga niya ang sinabi nito sa kanya;

"Hinding-hindi na mangyayaring magugustuhan kita, gusto ko lang ay paglaruan ang puso nang mga kababaehan.

"Ikaw, handa ka bang maging kabilang sa mga girls collection ko?"

That statements gaves her so much insult.

Maganda siya, may hubog ang katawan ngunit ang sinabi ng lalaking iyon ang siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang galit niya para rito.

Hindi siya sanay na ipinapahiya, hindi siya sanay na iniignore at siguro tanga na siya kung bakit palagi nalang niyang napapanagipinan na pinapatay niya ang isang Declan Heisenberg sa tuwing matutulog na siya.

"Oh saan ka na naman pupunta?" Tanong ng kanyang ama ng bigla ay tumayo siya.

"I am going out to have some fresh air, dad!" Sagot naman niya, subalit ang panliliit ng mga mata nito ang natanggap niya pagkatapos.

"Ang sabibin mo pupuntahan mo na naman iyang trabaho mo—"

"I'm not alright!" Dahil tapos na ang racket niya kagabi pa. Dala niya pa nga ang matagumpay na ngiti nang makauwi na siya.

"What's with that smile? Margaux kapag nalaman ko talagang may ginawa kang kabalastugan ay talagang malilintikan ka sa akin—"

"Dad! I told you, alright! Walang masama sa ginagawa ko. In fact, pareho tayong makabenepisyo rito." Napakunot ang noo nito dahil sa sinabi niya.

"What do you mean, by that?" Isang malapad na ngiti lang ang isinagot niya sa ama bago siya muling nagsalita.

"You will see daddy, you will see." Hindi na nakipagtalo pa si Alfonso—ang ama niya at napagkawala pa ito ng isang mahaba na pagbuntong-hininga.

"Kapag may mangyaring masama sa'yo Margaux, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Ikaw na lang ang natitirang alaala na iniwan sa akin ng mommy mo nang namatay siya. So please—"

"Daddy naman, magda-drama na naman ba tayo?" Niyakap niya ito dahil alam niyang anumang oras bubuswak na sa mga mata nito ang luha.

Bigla ay nakunsensya siya.

"Walang masamang mangyayari sa akin okay? I can assure you that. Malakas yata itong anak mo." Pampalubag loob niya sa ama at niyakap na rin s'ya nito kalaunan.

Then her father bid goodbye bibisitahin 'raw nito ang firm nila sa Batangas. 

Si Margaux naman ay nahanap niya ang sarili na binabaybay ang tahimik na daan papatungo sa bahay ng kaibigan niyang may asawa na.

Si Everly. Ito rin ang taong mapagkakatiwalaan niya sa kung ano ang mga pinaplano niya sa buhay.

Bigla ay nakarinig siya nang humahaguros na sasakyan at kung tama ang kalkulasyon niya, papatungo ito sa kinaroroonan niya.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa sobrang takot at kaba. Napa-sign of the cross na lang siya dahil siguradong wala talaga siyang kawala.

Nakapwesto ang mga kamay niya sa dibdib at umuusal ng isang panalangin na sana, kung mamatay man siya ay huwag sanang hahayaan ng panginoon ang ama niya.

Given the fact that she was the only one left with her father, panigurado ay mababaliw talaga iyon kapag tuluyang bawian na rin siya ng hininga.

Diretso na sana ang kaluluwa niya sa langit at hindi sa impyerno dahil magdudurusa lang ang napakagandang katawan niya roon.

Ipinikit niya ang mga mata dahil palapit na palapit na nga ang sasakyan. Kagat ang labi ay handa nang sumalpok ang katawan niya sa hood ng sasakyan nito.

Ngunit nang marinig niya ang isang marahas na pagpreno kasabay niyon ay ang pagmumura ng isang lalaki na padabog pang isinarado ang pintuan sa sasakyan tanda na kaagad itong lumabas.

"Fuck, woman! Do you want to kill yourself?"

Nagmulat siya nang mga mata ngunit hindi niya makita ang mukha nito dahil nakapokus sa kanya ang signal light ng sasakyan nito.

Then she heard him gasped.

"M-Margaux Anson?" Napakunot ang noo niya. Kilala siya ng lalaki?

Literal na nga talagang patok sa iba't-ibang madla ang beauty niya dahil talaga namang maganda siya.

Nanatili lang siyang nakatayo sa pinakagitna, ngunit nang mawala sa paningin niya ang silaw na nanggaling sa sasakyan nito ay nagkaroon pa siya nang difficulties upang kilalanin ito.

Then all of a sudden, Declan Heisenberg appeared in her front. Nakapamulsa ang mga kamay nito at madilim ang mukhang nakatingin lamang sa kanya.

Biglang naalala niya ang nakaraan, nakaraan na hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa utak niya simula nang mangyari iyon.

"Well, do you want to kill yourself?" Pukaw nito sa pananahimik niya and Margaux is really boiling her rage nang nagsimulang naglakad ito papalapit sa kanya..

Nakabulsa ang mga kamay ay nababanayad niya sa awra nito ang pagkamaotoridad.

Pero hindi iyon naging epekto sa kanya.

"Are you okay?" Bigla ay hinawakan nito ang braso niya ngunit tinabing niya lang ang mga kamay nito.

"Don't you dare touch me, Declan!"

"Oh, my bad. I just think you need to be touch—"

"Fuck you, get the hell out of my sight!" Bigla ay natuod ito sa kinatatayuan na parang may na-oorganisa na kung ano sa sinabi niya.

"Y-you? Ikaw ba ang babaeng iyon kagabi sa Muchàs Gràcias—"

"Diyan ka na!" Ngunit bago pa man siya makahakbang paalis, mabilis nitong kinabig ang katawan niya dahilan na napasandal siya sa dibdib nito.

Then she heard his fast heartbeat, only to finds out that she was feeling the same.

"D-Declan, ano ba—"

"I see, she's not you. Mas mabango pa rin ang babaeng iyon kaysa sa'yo." Sa sinabing iyon ng lalaki ay binitawan na siya kaagad nito.

Maya-maya pa ay idinistansya ng binata ang sarili at pinakatitigan siya habang nakabulsa pa rin ang mga kamay nito.

Ngumiti ito. Ngiti na alam niyang isang insulto na naman iyon.

"You have the perfect shape of body—" ibinaba nito ang tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. "—but still, you are the same Margaux Anson I met a few years ago." Wika nito sabay wink sa kanya at tinalikuran na siya.

"You witch!" Bago niya paman masuntok ito sa likuran, humarap bigla ang binata sa kanya sabay hawak nito sa nakaangat na kanang kamay niya.

Bigla ay napamaang siya, noon lang niya na-realized na hawak pala nito ang bewang niya bilang suporta upang hindi siya tuluyang bumulagta sa maruming lupa.

Declan then spoke.

"Hindi ka pa rin talaga nagbago, Ikaw pa rin si Margaux Anson na habol ng habol sa ka-gwapuhan ko."

"Fuck you, Declan!" Marahas niyang binawi ang kamay na hawak nito at narinig niya pa ang nakakabingi nitong halakhak.

Mukha na siyang tanga na gusto nang umbagin ang kaharap ngunit ang hangal na Declan ay nginisihan lang siya.

"It's nice to see you again, Margaux. See you around." Then he turned his back and slid himself in the car.

Nanggagalaiti sa galit si Margaux nang binusinahan siya nito dahilan na idinistansya niya ang sarili palapit sa pedestrian lane upang hindi masagasaan niyong huli.

Nang tumapat ang binata sa pwesto niya, ibinaba kaagad nito ang bintana ng kotse at nahuli niya ang mga mata nito na nakatuoon lamang sa maumbok niyang dibdib pababa sa....

"Pervert!" She shouted in annoyance at nabuhay na naman ang galit niya sa lalaki.

But then again, Declan just laughed.

"Iyan ang dahilan kung bakit hinding-hindi kita pinagpapantasyahan Margaux. Yes you are sexy, but that doesn't change the fact that you are a baby....for me!" Pagkatapos na sabihin iyon ni Declan, ay mabilis na nitong pinaharurot ang sasakyan samantalang naiwan naman siyang hindi maimprenta ang mukha dahil sa nararamdaman na inis sa binata.

Napasabunot si Margaux sa sariling buhok at kung may dala lang siyang bazooka sa mga oras na iyon, siguradong bukas makalawa ibabalita na sa radyo ang kamatayan ng dakilang Declan Heisenberg na iyon na kung inisin siya ay parang wala ng katapusan.

Declan Heisenberg is the root cause of her annoyance, dahil nagawa nitong ipapahiya siya sa harapan ng nakakarami kahit na wala naman iyong basehan.

"Napakasarap mong patayin, Declan! Urggh."

Ipinagpatuloy niya na ang paglalakad papatungo sa bahay ng kaibigan niyang si Everly na ganoon pa rin ang sistema at galit ang namutawi sa kanyang didbib.

Ilang distansya lang naman ang layo ng bahay nila kaya ay nilalakad niya na lang. Nagpupuyos pa rin siya sa galit bago pinindot ang doorbell ay kaagad siyang sinalubong ng asawa ng kaibigan niyang si Everly.

"M-Margaux!," Bati sa kanya ni Damon. 

Sinilip niya muna ang looban ngunit tahimik lamang ang kabahayan.

Kapagkuwan ay muling nagsalita ang kaharap.

"If you are looking for Everly, natutulog pa siya at nasa itaas. Halika tuloy!"

"Ah no, Damon! Okay lang—"

"She misses you too kaya puntahan mo na siya sa itaas," noon lang niya nakita ang anak nina Everly na kargang-karga nito. Buhaghag ang buhok ni Damon at bahagya pang gusot ang damit.

"D-Damon, would you mind if I will take good care of baby, Derly?" Nakikita niya kasi sa mukha ng binata na kulang ito sa tulog, patunay na nga niyon ang eyebags na nabubuhay na sa ilalim ng mga mata nito.

"Uh..hindi, okay lang Margaux. Sige na, akyatin mo na si Everly sa itaas. I am pretty sure if she sees you, mabubuhay na naman ang katawang-lupa niyon." Damon heave a sexy laugh. Idinistansya rin nito ang sarili upang makapasok na siya sa kabahayan.

"Sigurado ka bang, okay ka lang Dame?"

"I am. I am not feeling exhausted taking care of my daughter." Damon smiled at her.

Tumango na lang siya at pumasok na nga sa kabahayan.

She found herself taking some steps towards Damon and Everly's room.

Nabungaran niya ang kaibigan na may kausap sa telepono.

"Everly!" Tili niya dahilan na napabaling ang kaibigan niya sa kanya.

"Margaux!" Pabalang na sigaw rin nito sabay tayo bago nagpaalam sa kausap na telepono bago siya dinaluhan nito.

"To whom are you talking over the phone?"

"It's Declan. Kinukulit ako kung makakahanap ba ako nang sekretarya na pamalit sa tinanggal niya na naman kahapon."

She forgot, pinsan pala ng kaibigan niya ang lalaking kinaiinisan niya.

"Saan kaya ako makakahanap ng pamalit para sa sekretarya ng lalaking iyon? Pihikan pa naman si Declan at sigurado akong—"

"I can apply for his secretary if you want." Maya-maya ay naiusal niya, nakatabingi pa ang ulo ni Everly na bahagyang binalingan siya.

"Are you sure, Margaux?" Paninigurado nito ngunit kakaibang kislap naman sa mga mata nito ang nakita niya sa kaibigan.

"Of course, I am pretty sure." Dahil nagsimula nang naglayag ang utak niya sa kung ano nga ba ang gagawin niya upang makapaghiganti ng bonggang-bongga sa lalaking walang patawad na inisin at ipahiya pa siya.

Lihim na natawa si Margaux. Ito na marahil ang simula nang malupit niyang paghihiganti.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status