Share

6

Author: MM16
last update Last Updated: 2023-09-09 12:08:29

6

BLAZE'S CUSTODY

Kinakabahan ako na nae-excite. Yakap ko pa rin ang ginintuang portfolio at nakatayo pa rin ako , pero nakahanda akong kumaripas ng takbo kung pagsusungitan niya ako.

Nag-u-umpisa na siyang mamintas. Umiiral na ang kanyang pagiging yayamanin. Pangit ang ibig niyang sabihin sa pangalan ng pinapasukan ko pero paiikutin ko siya na parang trumpo.

Sige, magtanong pa siya.

"How old is your child?" tanong niya bigla sa akin kaya napatigalgal ako.

That’s too personal.

Ang galing din ng lalaking ito. Parang ako ang pinaiikot nito.

Ano ba ito? Napakurap ako.

"C-Chairman ano po, mag-aahente lang po ako ng kabaong, b-bakit po ang dami niyo namang tanong?" di napigil na sabi ko sa kanya. Kung ayaw niya sana e di huwag na niya akong interview-hin na para bang sa kanya ako mag-a-apply ng trabaho.

Kainis naman kasi, talo pa niya ang pulis kung mag-imbestiga. Daig ko pa ang kriminal sa mga tanungan niya. Baka sa susunod ay itanong niya kung ilan na ang naging asawa ko!

Salubong na ang kilay ko sa inis.

"Just answer my question and I'll buy every casket you're offering," sumimsim ito ng alak.

Ano? Lumaki literal ang mga mata ko at nalaglag ang mga panga. Seryoso ba siya? Adik yata siya. Edad lang ng baby ko ang sasagutin ko tapos bibilhin na niya ang lahat ng kabaong ko? Naku! Tiba-tiba ako nito. Baka ipapapatay na niyaang lahat ng kalaban niya sa negosyo. Bongga! Ikaw na Chairman! Lab na kita!

Napahagikhik ako sa isip.

Sige. Sasagutin ko sya. Pati birthday sasabihin ko na rin at gender. Isasama ko na rin ang pangalan. Susko! Sayang ang komisyon! Si Nanay ay isasama ko na rin para lahat talaga ay bilhin na ng adik na ito.

"Four years old po. Birthday po ay September 1, 2019. Ang pangalan po ay Blaze Red Vera. Lalaki po si Blaze." buong detalye kong sabi.

Baka pakuhanin ako ng certification of live birth ay tatakbo kaagad ako sa bahay basta mabili lang niya lahat ng kabaong ko.

Kinagat ko ang labi ko sa paghihintay ng sagot niya. Naatat ako. Bwisit! Parang gusto kong hilahin ang dila niya para magsalita na siya.

Ano ba? May depekto yata ang utak niya. Ang tagal mag proseso ng mga isasagot niya sa akin.

“S-Si Nanay po gusto niyo rin pong itanong ang edad at pangalan at lahat?” ani ko kaagad para makahabol.

"How much do you need for your coffins? All?" tanong niya na ikinapalakpak ko.

“Diyos ko!”

Napatalon pa ako sa tuwa. "Yeeey!" parang batang tili ko sabay takip sa bibig ko.

Baka ihulog niya ako sa balkon ng building sabi ni Sir Nico.

Pumormal ako at tumikhim.

"Bibilhin niyo po lahat? Twenty coffins po ang dala ko sa application ko pero marami pa po ako sa kumpanya," tumingala ako sa kisame at ganoon na lang ang pagkagimbal ko nang bigla yung bukas at kitang-kita ko ang kalangitan salaming bubong na yun.

Sa halip na makapag-kalkula ako ay nadiskaril ang takbo ng isip ko. Ang ganda ng langit! At himalang hindi tumatagos ang init sa loob ng office.

Ang yaman talaga ng lalaki. Kakainggit.

"Who's the father of your Blaze?" tanong niya pa sa akin na parang di ko narinig.

Nakanganga pa rin ako sa itaas. Ano raw sabi niya?

"Am I?" tanong niya kaya kaagad akong napatingin sa kaniya.

Ha?

At sa pagkagimbal ko ay nanlaki ang mga mata ko na parang gusto nang tumikal sa pagkakakabit sa mukha ko.

Sunud-sunod ang lunok ko nang rumehistro sa akin ang gwapo niyang mukha matapos kong pakatitigan. Pamilyar siya! Sandali! Hindi ko pwedeng makalimutan ang mga mata na iyon.

In-imagine kong may suot siyang maskara ni Zorro.

Siya nga!

Hesus mahabagin!

Mas bata pa siya noon pero di hamak na mas gwapo siyang tunay ngayon.

He smirked at me. His eyes became fierce and seductive.

Pusang gala! Syang sya nga! Nanginit ang pisngi ko nang biglang maalala ang gabi na yun na binuntis niya ako.

Parang gusto kong ulitin yun. Hay ano ba Emman? Umayos ka! Nagiging manyak ka na naman!

Isinilid niya ang mga kamay sa bulsa niya at hindi itinitikal sa mukha ko ang paningin niya.

Ang puso ko ay nagkukumawala dibdib ko. Bakit ako kinakabahan? Siya ito! Siya ang ama ng anak ko! Nabuhay siya mula sa kung saang lupalop siya napunta.

Nawala ang ngisi niya. Malamang ipinaalala lang niya sa akin na siya nga yung lalaking bumili sa akin sa paraan ng ngisi niyang iyon.

Bumili. Tama. Bigla akong dinapuan ng hiya dahil naalala ko kung ano ako sa mga panahon na iyon.

Wala akong maapuhap na salita. Nanlalambot ang mga tuhod ko at parang hihimatayin yata aki sa disbelief at sa kapogihan niya.

Naialis ko sa kaniya ang paningin ko. Hindi dapat ganito. Si Blaze and dahilan kaya ito nagpapakilala sa akin.

Naconscious ako bigla sa hitsura ko. Baka ang pangit - pangit ko. Parang gusto kong tumakbo sa harap ng salamin at mag-retouch ng pink lipstick ko , saka magsuklay ng buhok ko.

Eh bakit ko ba yun iniisip? Dahil ba pogi siya ng sobra talaga? Nahihiya ako sa kanya pero nilabanan ko yun nang pilit.

Wala siyang karapatan sa pagkataranta ko. He doesn’t deserve it though he’s gwapo. Baka kukunin na niya si Blaze. Susko. Hindi pwede yun.

Isa pa ay iniwan naman niya kami. Bakit niya kukunin ang anak ko? Wala nga sya ni singkong duling na iniabot noong nanganak ako. Bahala sya sa buhay niya.

Saka di naman siya ang umiri ah! Kahit hirap na ako at ang laki ng bata ay pinilit kong iiri kahit ikamatay ko na kasi wala akong pang Cesarean operation.

Hirap na sa pag-iri, hirap pa ako sa pagtae. Samantalang siya ay nakahiga sa kamang ginto at nagpapasarap sa buhay. Letse siya!

Kahit pa bayaran niya ako nung Porsche 911, hindi ko na ibibigay ang anak ko sa kaniya. Total ay akin naman ang custody dahil bata pa ang anak ko. Kaya lang, mayaman siya at mahirap ako. No, napakayaman niya at napakapobre ko. Wala akong laban sa kanya.

Susko.

Lihim akong ngumiwi. Di ako ako mananalo. Parang gusto kong umiyak sa kaisipan na mawawala sa akin ang anak kong nakasama ko na mula pa lang nang magbuntis ako.

Noon, pinasok ko ang trabaho sa kaisipan na kaya ko at pikit mata kong pababayaan kung kukunin sa akin pero ngayon na ako ang umako ng lahat at pilit kong ginagampanan ang pagiging ama at ina kay Blaze, parang di ko na kaya na kunin sa akin ang anak ko.

At hindi. Lalaban ako sa karapatan ko sa anak ko. Kahit pa may pinirmahan ako, tulad ng matandang ito na pa-expired naaa mundo, expired na rin ang kontrata na iyon!

Naramdaman kong nagtagis ang mga bagang ko. Napakatagal ko siyang hinanap sa mga pahayagan pero wala man lang akong nalaman na kahit na ano. Mukha na akong tanga.

Umarko ang kilay niya, "what's with that stiffened face?" tanong niya.

Naiintindihan ko ang mga sinasabi niya at marunong na rin naman akong mag-ingles.

I glared at him. Dapat ipakita ko na ako ang dapat na masunod ngayon kahit pa ubod niya ng yaman.

"I'm sorry, Chairman. Hindi ko po kayo kilala kaya paano pong maanakan niyo ako?" kunwari wala akong alam, na hindi ko siya kilala.

His lips twitched, "Really?" tumango tango siya at ako ay pasimpleng humawak sa armrest ng uapuan.

"How about let me remind you how we did it… baby " humakbang siya papalapit sa akin at inikutan ako.

Inaaay! Yun din yung tawag niya sa akin noon, at ipaaalala raw niya kung paano namin ginawa si Blaze.

Heat flushed my on my cheeks. That night was the night I always remember even in my dreams. Paano na?

Parang inaamoy niya ako nang maramdaman ko siya sa likod ko. He aged, yes but he doesn’thave wrinkles or what. Ang sarap maging mayaman, di tumatanda.

Susko! Ang baho ko yata.

"H-Hindi po kayo ang ama ng bata. Marami pong dumaan na lalake sa buay ko pagkatapos nun," I lied.

"Sanggano po ang ama niya at hindi Chairman," ng kagwapuhan! Gusto kong idugtong pero hindi dapat.

Napalunok pa ako sa sarili kong kadaldalan. Di pwedeng kunin niya ang anak ko. Mamamatay ako kapag nawala sa akin si Blaze.

"Stop fooling me, lady!" singhal niya sa akin.

Ganun na lang ang gulat ko.

Mabilis siyang lumayas sa may likuran ko at kitang-kita ko ang nagngangalit niyang mga panga.

"I'll buy all your damn coffins, but leave this place right away! I'll get my successor! Total bayad ka na! That's all you wanted, right, money?" tanong niya na tila ba nakakainsulto.

Napapikit ako sa lakas ng boses niya.

Nainsulto ako ng sobra. Parang gusto kong umiyak pero hindi. Bakit ako iiyak? Alam ba niya ang rason kung bakit ko yun ginawa? Hindi naman ah! Ang kapal ng h*******k na ito para daldalan ako ay siya itong naging buhay na multo.

Itinaas ko ang noo ko at inayos ang sarili kong sistema. Gusto niya ng katotohanan? O sige, ibibigay ko sa kanya ang katotohanan.

"I'm sorry chairman but I've changed my mind. Used na po ang lahat ng kontrata kong pinirmahan. At hindi niyo po makukuha sa akin ang anak KO." matigas na salitang binitiwan ko na lalong ikinadilim ng mukha niya.

Tinalikuran ko siya at taas noong naglakad ako papunta sa may pinto niya.

"You'll never win. Tomorrow, his custody will be mine,” sabi niya gamit ang baritonong malat na boses niya.

Natakot ako pero tuloy-tuloy akong lumabas. Para akong kinakapos ng hangin at parang mamamatay. I am suffocated.

Bakit naman ganito? Si Blaze na lang at si Nanay ang meron ako, bakit kukunin pa naman ng isang Bradenton tanda Izquierdo…weirdo?

Ngayon ay malinaw na sa akin ang pangalan mo. Halimaw ka! Di ako papayag sa gagawin mo.

Ibabalik ko ang three hundred thousand mo, at akin ang anak ko.. Kahit mamatay pa ako…sa kapogihan mo este sa kabwisitsan mo!

Bwisit Ka! Impakto!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Sanaan A. Tanog
sayang Ang ganda p nmn ng kwinto pero para may pag ka oi
goodnovel comment avatar
Mabel G.
thank you miss
goodnovel comment avatar
Asjaymitern Tan
kunsumihin nyo si chairman ni blaze para lalo magurang sa kunsumisyon hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   56

    WEDDING DAYHulaan niyo kung nasaan ako.Nandito ako sa labas ng simbahan kasama si Nanay na nakasuot ng puti. Hindi sya ililibing ha. Baka sabihin niyo eh patay na sya. Hindi noh. Buhay na buhay ito at sumisipa na parang kabayo.Para itong donya na naman na nalipasan ng tagasibol at inabot kaagad ng tag-lagas. Matanda na kasi ang nanay kong mahal pero the best nanay ito para sa akin. Walang tatalo kahit na ako ay hindi galing sa kwelyo ng matris nito. Nanay ko ito para sa kin at hindi yun magbabago.Ikakasal ako kay honey ko. Ganito pala ito, teary eyed ang lola niyo. Wala namang drama sa buhay ko kasi tapos na. Nandito ang totoong Mama ko at ang Papa ko na may kasamang pulis at nakaposas. Hindi ang pulis ang nakaposas, kundi ang aking Papa. Pero hindi ko ito ikinahihiya.Sabi ni Pap ay hindi niya ginahasa ang ina ni Kuya Nico na adik. Hindi lang daw nun matanggap na si Mama ang minahal ni Papa kahit may asawa si Mama. Naniniwala ako sa papa ko na clown.Oo, palatawa iyon kabi

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   55

    54COMPLETE EMMAN GANDAEmman'sNakatulala ako kay honey my so gwapo nang sabihin niya na may kinalaman sya sa pagkakakulong ng Papa kong clown."Ginahasa ba niya si Mommy ala bruha y surayda de pormalin?" tanong ko sa kanya.Umiling sya.Nagkatinginan kami sa rearview mirror.Hindi naman ako makaramdam ng sama ng loob sa kanya. Nakakaramdam lang naman kasi ako ng sama ng kalooban ay kapag kinakabagan ang lola niyo, nauutot kasi syempre ako noh. Pero ngayon, wala akong hard feelings kasi walang sasabog na atomic bomb. Ewan ko mamaya. Wait lang.Hinawakan ko ang tuhod niya. Paakyat ako sa hita niya kaya natawa na tuloy sya, eh kanina lang parang guilty sya na may kasalanan daw sya sa pagkakakulong ni Papa clown."Eh ano?" itinaas ko pa ang kamay ko kaya bigla niyang inihinto ang sasakyan sa tabi ng kalsada at kinalas ang belt niya.Seat belt hindi belt. Lindol na naman kapag yun ang nakalas.Pero totoong lumapit sya kaya napaatras ako at sumalpok ang ulo ko sa headrest.Aww

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   54

    MY MAMAEMMAN'SNapatingin ako kay Sweet Kanton habang sakay kami ng sasakyan niya. Sweet na ang flavor niya kasi bati na kami. Noong kaaway ko sya ay Spicy kanton sya.Tumingin ako sa kanya kasi nasa tapat kami ng isang bahay na hindi ko alam kung kanino."Kaninong bahay ‘yan?" tanong ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.Sumulyap pa sya sa bahay saka ibinalik ulit ang tingin niya sa akin."Nasa loob ang Mama mo," sabi niya.Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ko. Pumait ito na parang kapeng barako. Nag-iwas ako ng paningin sa kanya at pinagsiklop ang mga braso ko sa dibdib ko."Ayoko syang makilala. Please kanton, ayokong umiyak. Masaya na ako at ayoko na malaman pa ang lahat," di pa man lang ay naiiyak na ako kaya iniusog niya ang katawan niya palapit sa akin."Just this once. I'm here. Para makilala mo ang Papa mo," ngumiti sya kaya tiningnan ko pa."Nandyan ba yung ate kong aso?" ismid ko.Tumawa si Kanton ko, "Wala, ang Mama mo lang ang nandyan." sabi niya."Game,

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   53

    53BACK AGAINBradenDito lang siya. Ang totoo ay masamang-masama ang loob ko nang araw na yun dahil nakaharap ko ang Mommy ko. I confronted her after the doctor accepted the samples and gave me a result.Pinagsalitaan niya ako na balang araw ay iiwan ako ni Emmanuelle para sa mas bata at mabait na lalaki. Hindi ko alam kung bakit ganun ang Nanay ki sa akin. Iisa ang mahal niyang anak, ang kapatid ko lang. Kahit daw magsubukan kami ay hindi siya magkakamali ng tingin kay Emmanuelle.Ako na tanga ay sumunod sa ina ko nang magukuban ako. I wanted to pribe her wrong but Emman really walked away when I acted being possessed by my rage.I was so wrong. Involve na si Blaze sa lahat, at ang drama ko ay hindi maganda sa paningin ng bata, ng anak namin.Lalong nadagdagan ang galit ko nang malaman ko na si Anelyn ay kasabwat ng surrogate mother ko sa planong pagkuha ng lahat ng yaman ko. When marriage didn’t succeed, plane crash was executed. Wala na ang mga yun dinampot na ng mga pulis.

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   52

    52Sorry NaEmman'sKaagad kong ininom ang tubig na binigay ni spicy kantot, my ex so seloso, so sungit and so bwisit.Not to mention, so pogi.Haaaay! Napangiti ako nang matapos ang ubo ko. Natakot ang lola niyo baka mamaya ay pumuslit ang anak ko dahil sa lakas ng samid ko. Naramdaman ko ang kamay ni spicy kantot sa likod ko, hinihimas ako habang pinupunasan ko ang bibig ko ng laylayan ng coat niya.Eh ano ba? Wala akong panyo eh. Pag tumanggi sya eh sasapakin ko sya, makita niya.Parang iba ang himas niya. Tiningala ko sya sabay duro ko sa kanya gamit ang hinliliit ko. May arthritis kasi yung iba kong daliri kaya hinliliit ang ginamit ko."Chinachansingan mo ako noh?" pumameywang ako at nilabian ko sya.Hihi! Sige pa. Chansingan mo pa ako. Sa harap naman oh my spicy kanton.Napaatras ang ulo niya at nakusot ang noo niya, tapos ay bumuga sya ng hangin. Mabango ang bibig niya pa rin. Parang ang sarap papakin.Tumingin sya sa mga mata ko, "Come home." biglang sabi niya kaya

  • The Self-centered Billionaire's Lady Makulit   51

    51Pregnant Emman BilyonaryaEmman'sIsang bwan na ang lumipas simula nung huli kaming magkita ni Kanton. Hindi ko naman sya nakalbo kasi naawa ako. Nilayasan ko na lang sya. Pati longganisa niya ay iniwan ko rin. Paulit-ulit niya akong sinabihan na umalis na ako. Inalam kpng pilit ang problema niya, ang tungkol sa nanay niya, sa surrogate mother niya pero ayaw niya akong bahaginan kahit kaunti lang. Ang nakatatak sa utak niya ay nilayasan ko siya.Pilit kong idinikit ang sarili ko. Nakiusap ako na kahit sabihin lang niya ang tungkol sa crash pero wala.Bakit ganun? Ang inakala kong tama ay mali pala. Hindi pala solusyon na nilayasan ko siya kahit na mampapatay na siya ng tao. Dapat pala hinintay ko siyang bumalik. Napakatanga ko. Aminado ako. May asawa na nga pala ako, at obligasyon ko na damayan siya kahit na gaano pa man dsiya kabigat unawain.Pero tapos na, hiwalay na kami dahil hindi na rin niya ako pinatawad. Umiyak ako, sobra. Maling-mali ako.Binibisita niya si Blaze a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status