The Self-centered Billionaire's Lady Makulit

The Self-centered Billionaire's Lady Makulit

By:Ā Ā MM16Ā Ā Ongoing
Language:Ā Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 Mga Ratings
56Mga Kabanata
17.8Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:Ā Ā 

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Bradenton is the center of attraction, center of the limelight and center of wealth. Wala siyang balak na mag-asawa dahil ang focus niya lang ay sa sarili niya at kanyang milyong dolyar na halaga ng kumpanya. Ang tanging kailangan lang niya ay tagapagmana. When he thought of that thing and came up to a certain realization, he decided to buy a woman who will bear his child for a certain price...and nothing more.

view more
The Self-centered Billionaire's Lady Makulit Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealistaļ¼Œnais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isangĀ  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Marieta Sumampong Tubil
so kilig to bone... love it.
2024-04-26 17:31:34
0
user avatar
Dianne Martinez
very nice story...worth reading...
2023-09-21 06:15:33
0
user avatar
Moon Tacu
I like it na kaka tuwa mag enjoy kA tlaga
2023-09-20 18:15:06
0
56 Kabanata
1 - Mature Content
First NightNanginginig ang mga kamay ko sa nerbyos habang hinihintay ko ang gwapong lalaki na nakabili sa akin.Nakatayo ako sa may bintana ng kwarto na ito sa isang five star hotel, habang ang mga mata ko ay tutok na tutok sa pintuan at nakikiramdam sa pagdating niya.Binili niya ako for three hundred thousand pesos.Para sa katulad kong mahirap pa sa pesteng daga ang buhay, ayos na yun! Maidudugtong ko na yun sa buhay ng nanay-nanayan kong walang kasing bait.Sana maabutan ko pa siyang buhay pagkatapos ng isang linggong ito na mamamalagi ako rito sa loob ng hotel na ito para gumawa ng bata.May duktor pang nagcheck sa amin kung kailan ang pinaka fertile days namin. Grabe. Wala talaga kaming kawala.Hayy buhay. Ano ba?Bumuntong hininga ako sa labis na pagkadismaya sa sarili ko. Hindi ko pwedeng pabayaan si Inay. Siya lang ang karamay ko sa buhay kahit na hindi niya ako totoong anak.Mayroon siyang sakit at hindi na kayang tunawin ng gamot ang mga bato niya sa apdo, o gallst
Magbasa pa
2
The Billionaire's SonNgumiti ako nang makita ko si Blaze na naglalaro sa salas habang naglalakad ako palapit sa aming maliit na bahay.Natanggal na kaagad ang pagod ko pagkasulyap ko pa lang sa kanya.Apat taon na ngayon ang anak ko simula nang gabi na yun na binili ang puri ko, at kayod marino ako para mabuhay siya.Lahat na nga pinapasok ko na. Wala akong inaatrasan basta maibigay ko lang ang magandang kinabukasan niya.Tulong naman kami ni Nanay. Naipaopera ko ang kanyang gallbladder. Oo, buhay siya. Salamat sa Diyos! Salamat sa bilyonaryo na Tatay ng anak ko, na pagkatapos ng mangyari sa aming dalawa at mabayaran ako ay hindi na nagpakita sa akin kahit dulo ng anino man.Lumipas na ang limang taon ay hindi man lang nakaalala ang lalaking nakabuntis sa akin, o kahit na tumawag sa Agency na pinasukan ko.Nagtapat ako kay Inay ng nagawa ko at naunawaan niya ako. Hiyang-hiya iyon sa akin pero totoong ina ang tingin ko sa kanya kaya hindi ko siya pinabayaan. Mahal na mahal ko s
Magbasa pa
3
3How Hard Life is?Bilis bilis akong tumakbo papalayo sa anak kong si Blaze nang hinatid ko sa school niya. Nagmamadali na kasi ako dahil mahuhuli na ako sa aking date.Date sa aking best friend na si Chinita. Kasama ko iyon sa trabaho bilang ahente, at ngayon ay may target kaming pasukin sa Makati.Kailangan namin mag-doble kayod at magsipag sa paghahanap ng mga tao dahil napakahirap na sa mga normal na tao lang kami mag-aalok.Mga yayamin na sobra ngayon ang target namin. Sana ay pagpalain kami ng Diyos para makakuha ng mga pag-a-ahentehan. "Bye, Mommy!" sigaw niya pa sa akin kaya napilitan akong lingunin siya para tapunan ng ngiti. Muntik pa akong madapa dahil sa pagmamadali. Buti na lang ay nakabalanse pa ako. Hindi ko kasi pwedeng hindi pansinin ang anak ko kahit na gaano pa ako nagmamadali. Mabilis akong sumakay ng tricycle at sinabi sa driver ang punta ko nang makarating ako sa labasan. Mabuti na lamang at may tumigil kaagad na pampasaherong sasakyan sa may harapan ko. Sino
Magbasa pa
4
THE CHAIRMAN Ubos ang energy ko nang matapos ang discussion ko. Bwisit! Haggard na naman ako. Sa inaraw-araw kong paulit-ulit ng pagpapalinwanag tungkol sa mga bagay na inaalok ko ay memoryado ko ng tunay, at kahit yata tulog ako ay kaya itong i-recite na parang libro ng Science. Sumandal ako sa upuan at tumitig sa berdeng dahon ng nakadisplay na halaman, para marelax ang mga mata at utak ko. Nanunuyo na ang lalamunan ko. Kung oral exam ito, malamang ay sobra pa ako sa pasado. Narito ako sa may waiting area. Dito raw naghihintay ang mga aplikante. Nasa floor din ito ng chairman pero medyo malayo. "Beautiful," tawag sa akin ng lalaki sa may likuran ko. Agad akong lumingon. Naks! Feeling ko yata ay over ako sa self confidence. "Naks!" anang lalaking CFO. Nakapamulsa ito at naglalakad palapit sa akin, ā€œLingon kaagad.ā€ Cool talaga ito at hindi matapobre. Ang laki ng ngiti nito na parang nang-gu-goodtime pa, dahil sa paglingon ko sa pagtawag niyang beautiful sa akin. Magkahiwala
Magbasa pa
5
I FOUND HER LOOKING outside the glass window seeing the entire city, I can see her from the reflection. Nakatayo siya ilang metro mula sa akin. Pinag-aaralan ko ang itsura niya. Nakasuot siya ng palda kung hindi ako nagkakamali. Iba na siya. Sa unang tingin ay hindi siyang babaeng iyon sa loob ng hotel, maraming taon na ang nakalilipas. How old was she at that time? Eighteen siya sa pagkakatanda ko. Ibig sabihin ngayon ay bente tres na siya. I was really looking for this lady. Ipinahahanap ko na siya at siya ang dahilan kaya ako pumirmi sa Pilipinas at binago ang sentro ng aking negosyo. Sa Brazil ako naka-base buong buhay ko pero dahil may kailangan ako ay dito na ako. Emmanuelle Veraā€¦ Long time no see. Napatingin ako sa hawak kong wine glass at muling sumimsim ng alak. Sino kaya ang ama ng anak niyang sinasabi? Am I successful five years ago? Nakabuo ba ako ng bata na magiging successor ko? ā€œChairman,ā€ aniya, ā€œPwede na po bang magsimula?ā€ she asked, skiling awkwardly. Komi
Magbasa pa
6
6BLAZE'S CUSTODYKinakabahan ako na nae-excite. Yakap ko pa rin ang ginintuang portfolio at nakatayo pa rin ako , pero nakahanda akong kumaripas ng takbo kung pagsusungitan niya ako.Nag-u-umpisa na siyang mamintas. Umiiral na ang kanyang pagiging yayamanin. Pangit ang ibig niyang sabihin sa pangalan ng pinapasukan ko pero paiikutin ko siya na parang trumpo.Sige, magtanong pa siya."How old is your child?" tanong niya bigla sa akin kaya napatigalgal ako.Thatā€™s too personal. Ang galing din ng lalaking ito. Parang ako ang pinaiikot nito.Ano ba ito? Napakurap ako."C-Chairman ano po, mag-aahente lang po ako ng kabaong, b-bakit po ang dami niyo namang tanong?" di napigil na sabi ko sa kanya. Kung ayaw niya sana e di huwag na niya akong interview-hin na para bang sa kanya ako mag-a-apply ng trabaho.Kainis naman kasi, talo pa niya ang pulis kung mag-imbestiga. Daig ko pa ang kriminal sa mga tanungan niya. Baka sa susunod ay itanong niya kung ilan na ang naging asawa ko!Salubong na a
Magbasa pa
7
7THE FIGHTER EMMANMabilis na akong dumiretso sa elevator pagkalabas ko ng opisina ng Chairman. Nanlulumo pa ang mga tuhod ko pero pinilit kong lumakad. Bahala na si Chinita. Wala na akong pakialam kung uuwi man ako at walang makukumisyon kahit na singko.Hindi maganda ang araw ko. Hindi maganda ang bunga ng pagpunta ko rito. Ang dami ko na ngang problema, dumagdag pa ang multong ama ni Blaze.Malalaki ang hakbang ko, lumalagatak sa sahig ang takong ng suot kong sapatos at pinagtitinginan ako.Sino ba naman kasi ang lalabas sa opisina ng chairman na nagmamaktol, plus pa ang may mga bantay salakay na mga lalaking naka-itim sa may pinto ng opisina niya?Gusto kong marahas na kamutin ang anit ko hanggang sa magkabaklas-baklas. Baka sakaling nananaginip lang ako na isang kisap mata, mawawala na sa akin ang kaisa-isang anak ko.Napaiyak ako lalo. Hindi ko isusuko si Blaze sa hukluban nun na ama. Kahit magsabunutan pa kaming dalawa ng Chairman. Kahit ang laki niya at ang liit ko, di ko si
Magbasa pa
8
8 SO CONCEITED Susko! He's staring at me like he is going to swallow me with just a single gulp. He doesn't blink, not even once, pero hindi ako sumuko. Paninindigan ko ang sinabi ko sa kanya. Napakahirap na lumaban sa tulad ng lalaking ito. Nararamdaman ko na kung gaano ako kaliit at kung gaano siya kalaking tao. Siya ang may-ari ng Kings. Siya ang may-ari ng lahat ng mga magagarang sasakyan na iyon dito sa building na ito. Baka ang building na pag-aari nito ay masa otsenta bilyones. Baka kahit na buong Maynila ay kayang bilhin ng lalaking ito.Gusto ko ng kumurap. Baka mahanginan ako at matulala na lang habambuhay. "Sit," sa wakas ay sabi niya sa mahinahon pero makapangyarihan pa rin na boses. "Ayoko," umirap ako sabay halukipkip. I bended one of my knees and posed like he's just in front of me. Sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko na napahilot siya ng noo. Nabubwisit siya sa akin, nakikita ko. But I gained satisfaction. Natutuwa ako habang pinagmamasdan ko siya. I'm getting
Magbasa pa
9
9 HE'S A DEVIL PARA akong napaso bigla nang rumeshistro sa utak ko ang posisyon naming dalawa ng lalaking ito. Napatalon ako paalis sa kandungan ng hudyo. Inayos ko ang sarili ko dahil tumaas nang kaunti ang mini skirt ko. Nakita ko siyang nakatitig sa legs ko. Aba, napakamanyak ng matandang ito. "Stop looking at me! Isang tingin, isang bayad!" sigaw ko sa kanya at hindi ko alam saan ko hinuhugot ang mga kalokohan kong makatotohanan kahit na problemado ako. Hindi na ako makaalis dito sa building samantalang mag-aalok lang naman ako ng mga gamit pampatay. Nagdilim na naman ang anyo niya at ang mga mata niya ay nagbabagang hindi maialis sa akin. Ano bang problema ng lalaking ito sa akin? Natural na ipagdamot ko ang anak ko. Hindi ba niya maintindihan iyon? Ano ba ang gusto niya, um-oo na lang ako at period na. Karugtong ng hininga ko ang batang pinag-uusapan namin, na hinugot ko sa kasuluk-sulukan ng baga ko, habang nasa loob ako ng delivery room. Kalbaryo ang inabot ko nang ip
Magbasa pa
10
10 NOT HIS TYPE Daig ko pa ang lantang gulay nang dumating ako sa eskwelahan ng anak ko. Naupo ako sa wooden bench doon. Nakalimutan ko na baka sabog pa rin ang buhok ko kaya sinuklay ko gamit ang mga daliri ko sa kamay, syempre sa kamay alangan namang sa paa. Haaay! Pinagsiklop ko ang mga braso ko. Mababaliw na ako at mas mababaliw ako sa offer ni Chairman sa akin na five hundred thousand na bayaran ko para mabawi ko ang anak ko sa poder niya. Di ako makakalaban. Kaya niyang baliktarin ang mundo sa yaman niya. Wala akong binatbat sa kanya. "Mommy!" tawag ni Blaze sa akin mula sa kung saan. Tumingin kaagad ako sa direksyon niya. Naglalakad siya kasabay ang mga kaibigan niya. Nakangiti siya sa akin at kumakaway. Kumaway ako pero parang tinusok ang puso ko sa kaisipan na sa isang araw ay di ko na siya maisasama sa pag-uwi ko. Doon na siya sa ama niyang damuho uuwi. Susunduin siya ng magarang kotse, matutulog sa malambot na kama at may aircon, pero wala ako sa tabi niya kapag kai
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status