Share

Chapter Thirteen

Naalimpungatan ako ng gising nang maramdaman ko ang init na tumatama sa 'king katawan. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata at tumama sa 'kin ang nakakasilaw na sinag ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana. Hindi pa masyadong mataas ang sikat ng araw kaya kung susumahin ay nasa alas-syete pa lang ng umaga at tumama nga ang hinala ko ng dumako ang paningin ko sa orasang nasa side table.

Takte, alas-syete na pala. May mga kapatid pa akong aasikasuhin. Ang ingot mo talaga, Nyx.

Agaran akong napabalikwas ng bangon na pinagsisihan ko dahil sa sakit ng nasa pagitan ng mga hita ko. Parang may kung anong dambuhala ang pumasok sa loob ko.

Napalunok at namula naman ako ng matandaan kung ano ang nangyari kagabi. Did we really do it?

Ang tanga naman, Nyx. Ebidensya na nga 'yang pananakit ng nasa pagitan ng hita mo nagdududa ka pa.

Kinutusan ko naman ang sarili na hindi talaga ako nanaginip na nangyari na talaga 'yon kagabi.

Dahan-dahan akong bumangon. Napahinga ako ng malalim ng maka-upo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status