Share

Chapter Sixteen

"Ate, tama na pagod na kami," pagod at tumatawang pagpapatigil sa 'kin ng kapatid kong si Nykko pero patuloy pa rin ang pagtakbo.

Kanina pa kami naglalaro ng habulan at kita ko nga sa mga mata nila na pagod na sila pero hindi 'yon dahilan para tumigil sa paghabol sa kanila.

Patuloy ko silang hinahabol hanggang maabutan ko silang dalawa. Una kong nadakip ay si Nykko at kasunod nito ay ang kambal na si Nykky.

Marahan ko silang dinamba at niyakap. Kinikiliti ko sila kaya napuno ng tawanan ang bakuran namin.

"Tama na Ate, hahahahah." saway sa 'kin ni Nykky habang panay ang ilag sa pangingiliti ko. Panay ang tawa namin at parang walang kapaguran.

Nang makaramdam ng pagod ay tinigilan ko na sila. Humiga ako sa damuhan at ini-unat ang dalawang kamay. Nasa taas ang tingin ko at pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan. Sabay na humiga ang kambal sa magkabilang braso ko at pinagmamasdan rin ang magandang kalangitan. Napakapayapa talaga kapag papalubog na ang araw.

"Ate talaga bang aalis
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status