Share

Chapter Four

Her POV

Ang mahabang katahimikang namayani sa opisina ni Sir Lucas ay nabasag ng magsalita si Sir Lancer.

"How's your house, by the way?"tanong ni Sir kay Sir Tyrus.

Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanila kaya naman iyong first name na lang nila.

"Done for the renovation,"sagot nito sa kausap.

"May ibabahay ka na ba? Ako kasi nakita ko na ang ititira ko sa bahay ko"

"Back off, Calderon."galit na usal ni Sir Tyrus na ikinatawa lamang ng kausap.

"Actually, mayroon na akong ibabahay doon. She's the goddess of darkness but also, she's the moon, who emitts the light to my darkest world."dugtong nito.

Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon ay nakatingin lang siya sa akin, na para bang sa akin niya iyon ipinapahiwatig.

Maganda siguro iyong ibabahay ni Sir Tyrus, mayaman rin. Perfect sila. Magandang combination, kaya maganda at gwapo din ang magiging  anak nila. Parang biglang may bumara sa lalamunan ko, kaya palihim akong tumikhim.

"May tanong akong sayo Miss Oliveros,"napalingon ako ng magsalita si Sir Clyden. Tumango naman ako bilang hudyat na pwede siyang magtanong.

"What if papapiliin kita kung saan mo gusto tumira, is it a city or in an Island?" tanong ni Sir Clyden.

Apat na pares na mata ang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko.

"Siguro, iyong Isla. Iyong Isla kasi, malayo sa gulo at malayo sa polusyon. Sa isla kasi, makakalanghap ka ng sariwang hangin. Sa isla kasi simple lang ang buhay. At saka Sir, simpleng buhay lang naman ang hinahangad ko, basta ba kasama ko iyong taong mamahalin ko at ang mga taong mahal ko sa buhay." mahabang sagot ko.

"Sa sagot mong yan, parang may experience ka nang tumira sa Isla. Are you an island girl?" komikong tanong ni Sir Lancer. Napangiti naman ako ng maalala ko kung saan ako nanggaling.

"Yes, Sir. Sa isla po ako ipinanganak at lumaki, to be exact po sa Sambawa Island po iyon." nakangiting sagot ko.

"You mean, the island owned by Void Lockwood? That's where you born?" tanong ni Sir Lucas.

"Opo, Sir. Sikat po si Sir Void sa isla dahil siya ang may-ari no'n. Saka po laging bumibisita si Sir Void doon bago po sumapit ang katapusan ng buwan. Ewan ko lang ngayon kung bumabalik pa siya doon, wala na din naman ang babaeng iyon sa isla." Bulong ko sa huling salitang binitawan ko. Ayoko kasing marinig nila.

"Kilala mo si Void?" takang tanong ni Sir Lancer. Actually nakita ko siya kahapon ng mag-inuman sila. Tango nalang ang isinagot ko sa tanong niya. Naiilang na din kasi ako sa mga tanong nila.

Nakita kong may ibinulong si Sir Lancer kay Sir Tyrus, na nagpakunot ng noo nito. Hindi ko alam ang ibinulong nito pero, parang bigla akong kinabahan sa hindi ko mawaring dahilan.

Naprapraning na naman ba ako?

Napakurap-kurap ako ng bigla itong tumingin sa gawi ko at ngumisi.

Forte ba talaga nya ang pag-ngisi?

Mahabaging diwata ng buwan, bakit niyo ako pinaparusahan? Wala naman akong ginagawang masama.

Napalingon ako ng bigla akong kulbitin ni Sir Lucas. Nasa tabi ko na pala siya.

"Anong tingin mo sa kaibigan ko?" bulong na tanong nito.

Nginuso niya si Sir Tyrus, nang hindi ko maintindihan ang tanong niya.

Ano nga bang tingin ko kay Sir Tyrus? Tingin ko naman ay tao siya, hindi naman siya mukhang alien.

"Maayos naman po si Sir Tyrus. Tao naman po ang tingin ko sa kanya." maikling sagot ko na ikinahalakhak ng mahina ni Sir.

"I mean, anong tingin mo sa kanya bilang isang lalake?"

Ah...iyon pala iyon.

"Hmm... gwapo po si Sir Tyrus, responsable rin po siguro, mayaman, at parang seryoso din po. In short po, perpekto siya. Maswerte ang babaeng pakakasalan niya." honest kong sagot.

Totoo, maswerte ang babaeng pakakasalan ni Sir Tyrus. Sino bang hindi magiging swerte, kung ganyan kagwapo ang mapapangasawa mo? His a keeper.

Isang mapanuring tingin ang ibinigay sa akin ni Sir Lucas, pero isang kibit-balikat at kiming ngiti lang ang isinukli ko.

Nagulat ako ng biglang may humigit sa akin. Napapikit ako dahi akala ko ay matutumba ako. Pero, lumipas ang ilang segundo ay wala akong maramdamang sakit, iyon pala ay may nakasupurta sa akin.

Nang imulat ko ang aking mata ay tumambad sa akin ang isang maskuladong likod. Sinilip ko kung sino ang lalaking ito. Nasa likod niya kasi ako.

Isang madilim na mukha ni Sir Tyrus ang bumungad sa akin. Sa tita niyang iyon, parang handa na siyang pumatay ng wala sa oras. Nakakatakot.

"Chill man, I'm not going steal your property." nakangising lintaya ni Sir Lucas, pero ang kausap niya ay madilim pa rin ang itsura.

"Just back off, Sanford." malamig na wika nito.

Tinaas ni Sir Lucas ang dalawa niyang kamay na para bang suko na siya.

Umigting pa lalo ang panga ni Sir Tyrus ng makita niyang kinindatan ako ni Sir Lucas.

"Just fuck off Sanford or I kill you myself." paalala nito sa kausap, pero isang nakakalokong ngisi lang ang ibinigay ni Sir Lucas sa kausap.

Teka, ano bang nangyayare? Bakit ba ako nasa likod ni Sir Tyrus?

Nakita kong inis na bumuga ng hangin si Sir Tyrus bago niya ako hinila palabas ng opisina. Narinig ko pa ang malakas na tawa at kantyaw ng mga kaibigan niya.

Ano ba ang ginagawa ko at bakit ako nakasunod ako sa lalakeng ito?

Bumaba ang tingin ko sa palapulsuhang hawak niya. Napalunok ako ng mapagtanto ko iyon.

Mainit ang mga kamay ni Sir Tyrus at sobrang laki.

Hanggang sa makalabas kami ng bar at hawak niya pa rin ang kamay ko. Wala ba siyang balak bitawan ang kamay ko?

"Sir, bitaw na po." Pilit kong inaalis ang kamay niya na hawak ang palapulsuhan ko, pero mas lalo niya lang iyon hinigpitan sa paghawak. Nasasaktan na ako.

"Sir, nasasaktan na po ako." naiiyak kong sabi. Mahina lang iyon, kaya hindi ko alam kung narinig niya.

Huminto siya at tiningnan ang palapulsuhan ko. For sure, namumula na iyon. Sa higpit ba naman ng hawak niya.

"Shit. Sorry. Masakit ba?" tanong niya sa akin. Concern are invisible in his eyes.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Tumango naman ako bilang sagot.

Nanlaki ang mata ko ng hilutin niya iyon. Maingat niyang minasahe ang palapulsuhan ko.

"Masakit pa ba?" malumanay niyang tanong. Umiling naman ako. Nakakailang kasi. Tumango naman siya.

Nanlaki ulit ang mata ko nang biglang  bumaba ang mga kamay niya sa mismong kamay ko na talaga. Nakaka-ilang man, pero masarap sa pakiramdam. Panlaban na rin sa lamig.

Huminto kami sa tapat ng isang magarang kotse. Binuksan niya iyon at nimuwestra ako nito, na para bang sumakay na ako.

"Sakay." maikli pero ma-awtoridad niyang utos.

"Pero,Sir---"

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita at sinamaan pa ako ng tingin. Anong problema nito?

"Just get in, darn it." inis na utos nito. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko. 

Bumuga siya ng hangin dahil na rin siguro sa inis. Hinilot niya ang kanyang sintido at pumikit na para bang kinakalma ang kanyang sarili.

"Woman, why are so stubborn? Just get in." Pero isang iling lang ang ibinigay ko.

"Just get in or else---"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, sumakay na ako ng kotse niya. Hindi ko gusto ang may "or else." Masama ang kutob ko do'n.

Isang ngising tagumpay ang namutawi sa mapupula niyang labi.

"Sasakay naman pala, kailangan pang takutin," bulong nito sa sarili.

Umikot siya at binuksan ang kabilang pinto ng kotse at pumasok sa loob.

Lumingon siya sa akin at biglang kunot ang noo.

Lumapit ito sa akin at nanoot sa ilong ko ang mabangong panglalakeng pabango nito.

Napatitig ako sa madilim niyang mukha. Nakita ko na naman ang mga kulay abo niyang mata. Nakatitig lang siya sa akin. Nakakalunod ang mga titig niya.

Bigla akong napalunok.

Bumaba ang tingin ni Sir Tyru sa aking mga labi, na aking ding nagaya.

Nakita kong bigla siyang napalunok.

Tumingin ako sa mga labi niya. Ang mga labi niyang natural na mapula, na para bang nang-aakit. Para tuloy ang sarap halikan.

Napasinghap ako sa isip. Huh? Anong sabi ko?

"Parang ang sarap halikan"

"Parang ang sarap halikan"

"Parang ang sarap halikan"

Parang sirang plaka na patuloy nagp-play sa utak ko ang sinabi kong iyon.

Bigla akong namula sa iniisip ko at mas lalo akong namula ng ilapit pa ni Sir Tyrus ang mukha niya.

Mas lalo kong naamoy ang panglalake niyang pabango. Naamoy ko na rin ang hininga niya. Amoy mint iyon.

Pumikit ako at hinintay na lumapat ang labi niya sa akin pero umabot na ng ilang segundo ay wala pa rin. At isang click ang narinig ko. Doon ko na minulat ang mata ko.

Tumingala ako at nakita ko ang mala-demonyong ngisi ni Sir Tyrus.

"Do you think, I'm going to kiss you, hmm? Don't worry, I'm going to kiss you, not now but soon." nakangising wika niya sabay kindat at tuluyang naikabit sa akin ang seatbelt.

Iyon pala ang narinig kong nagclick. Bakit mo ba kasi nakalimutang mgasuot ng seatbelt Nyx Artemis?

Mas lalo akong namula sa sinabi ni Sir Tyrus. Ang paasa ni Sir--- este pang asar pala.

Nademonyo na utak ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status