Share

Chapter 73

Bumukas ang pinto ng opisina ni Luca at lumabas doon ang apat na lalaki. Hindi niya pa nakita ang mga lalaking ito, ngayon pa lang. Sunod na lumabas ng opisina nito si Luca na agad siyang napansin na nakatayo sa lobby. Nagkunot ito ng noo nagtataka kung bakit naroon siya nakatayo suot lamang ang manipis na roba.

Nag-iwas siya ng tingin sa binata at niyuko ang ulo. Binati niya ang mga lalaking dumaan sa harap niya kasama na ang kasintahan na lumingon pa sa kanya ng isang beses bago ito tuluyang lumakad kasama ng mga lalaki.

Wala sa sariling nagkuyom ni Carnition ang kamao. Hinabol niya ng tingin ang papalayong binata na 'di na muli lumingon sa kanya. Ano ang nangyari? Bakit pakiramdam niya may nagbago dito? Iba ang mga tingin ng binata sa kanya nang nagtagpo ang kanilang mga mata. Malamig ang tingin nito na para bang hindi siya kilala, at iyon ang unang beses

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status