Hi! Maraming salamat sa suporta na ibinibigay mo para kay Wregan at Petunia. Second book ito ng Seven Sins Series, and I'm doing my best na isulat ng maayos ang kwentong nasa isip ko. Gusto ko lang po sanang ipaalam sa iyo na nag-revise ako ng "SIMULA" hanggang "Kabanata 8". Nagpalit kasi ako ang ng style sa pagsulat at may ilang mga scene akong tinanggal at pinalitan. ^^
Kung isa ka po sa mga naunang readers ng book na ito, minumungkahi ko na, delete niyo sa library niyo ang book at i-add muli para ma-update ang chapters, basahin niyo pong muli ang libro mula sa simula para hindi kayo malito sa chapter kasunod nitong author's note. Iyong lamang po, maraming maraming salamat! ^^
"WREGAN! Ang ingay ng doorbell!" Sigaw ko mula sa banyo. Hindi ko alam kung naririnig niya ba ako sa ibaba. Naliligo kasi ako nang paulit-ulit na tumunog ang doorbell ng unit niya. Naiirita na ako dahil sa ingay, nasaan na ba ang lalaking iyon? "Wregaan!! Ano ba ang ingay!!" Umalis kaya siya ng unit? Hindi naman siguro. Nasa kanya si Baby Wred 'di siya pwedeng lumabas kasama ng anak namin. Baka may makakita sa kanya at makilala siya, at kung anong balita pa ang kumalat. "Wreg—" Sisigaw na naman sana ako pero napansin kong tumahimik na. Marahil ay hinarap na niya ang kung sino man ang nasa labas. I bit my nail. Bigla akong napa-isip, wala naman sigurong bibisita sa kanya sa ganitong oras hindi ba? Damn. Paano kung kaibigan niya? Hindi nila ako pwedeng makita dito sa bahay ni Wregan, baka kung ano ang isipin nila at makarating kay Dad. Siguradong malaking gulo kapag nangyari iyon. "Miss Doukas?" Katok sa pinto ng banyo ang gumising sa akin mula sa malalim na pag-iisip. "Y-yes?" "
"KUMUSTA ang family bonding niyo?" Umikot agad ang mata ko sa tanong na 'yon ni Kara pagkasakay ko sa shotgun seat ng kotse niya. "Family bonding my ass," nayayamot kong tugon at nagsuot ng seat beat. Ngayong araw ang punta naming mga dela Vega sa Subic para sa death anniversary ni Lolo Klimt at 6am pa lang ng umaga. Kara volunteered na sunduin ako dito sa condominium ni Wregan since ang alam ng parents ko ay magkasama kami buong gabi. "Wala ba talagang chance na ipaglaban mo ang bestfriend ko? Baka naman tanggapin din siya ni Tito kapag kinausap mo ng maayos." "Why would I do that? Hindi ko boyfriend ang kaibigan mo. At duda kong mangyayari yang sinabi mo, alam mo kung gaano kahalaga sa pamilya natin ang love…," puno ng sarkastiko kong sabi. "Hindi papayag si Dad kung wala pagmamahal na involve sa relasyon namin, at ayaw ko rin magkaroon ng partner na in love sa pa rin sa first love niya." "Eh, ikaw ba? Naka-move on ka ba sa first love mong si Luca?" Nagbaba ako ng tingin sa mga k
“STOP blabbering nonsense Venom,” sabi ko at itinulak ang mukha niya palayo sa akin. “Ang hilig mo sa tsismis kaya kung anu-ano na lang ang naririnig mo,” dagdag ko pa at nilagpasan siya. “Huwag ako, Ate. Alam ko ang narinig ko, ‘di mo ako maloloko o baka naman gusto mong banggitin ko ng malakas mamaya sa dinner na ikaw ang Mommy ni Wred?” Nahinto ako sa paglalakad at madilim ang mukha na nilingon siya. Ang laki ng ngisi ng unggas, confident talaga siyang hindi siya nagkamali ng rinig. "Ano ba ang gusto mo?" "Well, isa lang naman ang gusto ko. Let me visit my nephew anytime I want." Malaki ang ngiti niya nang sabihin iyon. Ako naman ay 'di napigilan umawang ang bibig. "What?" "You heard me. I will keep my mouth shut, if you let me see him anytime I want. Saan ba siya nakatira ngayon? Doon ba sa bahay ni Kuya Wregan?" Madiin kong pinikit ang mga mata para pigilan ang sarili na kutusan si Venom. "Paano kung ayaw kung sabihin sa'yo?" "Edi malalaman ni Dad mamaya sa dinner." Kibit-b
WALA na sa tabi ko si Wred nang magising ako kinabukasan. Hindi ako nag-alala. I'm sure kasama ito ng kanyang ama, siguro ay kinuha nito si Wred nang makatulog na ako kagabi. "Inumaga ka na ng gising ah?" komento ni Kuya Peter, nang nakasalubong ko siya sa hagdan. Isa siya sa mga pinsan kong lalaki na kaidad lang ng nakatatanda kong kapatid na si Hyacinth. "Wala pa kasi akong maayos na tulog mula noong nakaraang araw. Nasaan pala ang lahat? Bakit ang tahimik ng mansion?" puna ko nang wala man lang akong makitang tao sa salas ng mansion. "Nagpunta ang lahat sa farm. Gusto kasi umakyat nang bisita natin ng mangga, ayon sinamahan siya ng lahat sa farm." "What? Paano ang anak… niya?" "Si Wred? Ah… Kasama ng parents mo, nasa garden sila. Naroon ang mga nakakatanda, mga pinsan lang natin ang sumama kay Wregan, gusto rin kasi maligo ng mga babae sa batis. Gusto mo rin bang maligo? Sumabay ka na sa akin. Pupunta din naman ako, may kukunin lang ako sa kwarto." Umiling ako bilang tugon, ng
"A-ANONG gagawin mo?" Nataranta ako nang bigla na lang niya akong buhatin ng bridal style at naglakad siya palayo sa batis. Sa isang spot sa ilalim ng napakalaking puno niya ako binaba. Naupo siya sa tabi ko, at hinila ako palapit sa kanya. "It's better if you sit straight.” He firmly pinch my nose with his index and thumb finger. “Now, breathe through your mouth and stop talking.” ‘Di ako nagsalita at sunod-sunod lang na naikurap ang mga mata. Ibang-iba siya sa Wregan Leath na kanina lang ay panay ang dedma sa akin na para bang hindi ako nag-exist sa mundo niya. Bigla na lang nawala ang cold na Wregan, at itong caring at gentleman na lalaking ito ang pumalit. Anong nangyari sa kanya?"Hindi mo naman kailangan gawin 'to." "Hindi ikaw ang magde-decide kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin." Hindi ako naka tugon. Nagulat sa sinabi niya. As if he told me to f*ck off and let him do whatever he wants, cause it's his f*cking life not mine. "Whatever," tanging nasabi ko at hinayaan na
PAGKATAPOS ng reunion slush death anniversary ng Lolo Klimt sa Subic, nauna akong bumalik ng Manila kesa sa iba. Hindi na kasi ako makapaghintay na makita si Wred pagkatapos siyang malayo sa akin ng ilang araw. Ang kaso ay walang tao sa unit ni Wregan nang hapon na dumating ako ng Manila. Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay ang phone ng lalaki. Saan kaya ito nagpunta? Wala akong balak na umalis kaya pinili kong maghintay na lang sa labas ng unit nito. Hindi ko na kayang ipagpabukas pa ang pagkikita namin ni Wred, sabik na sabik na ako sa kanya. Isa pa, gusto kong kausapin si Wregan tungkol sa pag-alis namin ni Wred pabalik ng New York. Isang oras pa lang akong nakatayo sa labas ng unit ng lalaki, pero ramdam ko na ang pangangalay ng aking mga binti, nang hindi na matiis ay umupo ako sa sahig. Oras pa ang lumipas hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako sa kinauupuan ko. Nagising na lamang ako nang makarinig ng ingay ng mga taong nag-uusap sa malapit. Nagmulat ako ng mata a
“SERIOUSLY? What are you doing?” Hindi makapaniwala na tanong ni Wregan na nakalahad pa ang mga kamay. Halatang nabitin ito at talagang wala na sa mode. Bigla ko na lang kasi siyang itinulak palayo sa akin, dahilan para mahulog siya sa kama. “I’m sorry, but we are not supposed to do stuff like this.” Nagmamadali akong tumayo sa kama at pumasok ng banyo. Parang tuod na nakatayo lang ako sa harap ng sink at tinititigan ang sarili sa salamin. D*mn me! Bakit ba napakarupok ko pagdating sa lalaking iyon? Nagawa ko naman na kontrolin ang sarili ko noon kay Luca, bakit sa kanya hindi? Bakit ngayon hirap akong pigilan ang sarili ko? I managed to ignore my feelings for Luca, ngunit bakit ngayon hirap na hirap akong pigilan ang damdamin ko? Isang katok sa pinto ang nagbalik sa akin sa reyalidad. Kasunod ng katok ay nagsalita si Wregan, “I’m sorry about earlier. Alam kong mali ang ginawa ko, but can you please stop resisting? I know you want it too, you want me as much as I like you, Petunia. W
“I thought you’re gonna take care of me?” tanong ko kay Wregan nang makitang bihis na bihis ito paglabas ng closet. "May lakad ka?""Yeah… Nakalimutan ko. May event pala akong dapat daluhan today. Don't worry, wala naman akong balak dumalo sa after party ng event." Nakangiti siyang nangako."Hindi mo naman kailangan umuwi ng maaga. I'll be fine. If you want to attend the after party, pwede naman." Maganda ang mood sa pagitan naming dalawa, at ayukong sirain iyon kahit pa medyo disappointed ako dahil aalis siya. Ang sabi niya kasi ay sasamahan niya ako dito sa condo niya since hindi ko makikita ang anak namin."Nah~ Uuwi agad ako pagkatapos ng event. Anong gusto mong kainin for dinner? Magte-take out ako." Is he saying before dinner narito na siya sa bahay? I don’t want to assume, pero mukhang nagsasabi naman ng totoo ang isang ito, at sana lang talaga totohanin niya.“Chinese food… I want Wanton. Ikaw na bahalang mag-isip ng iba pang pagkain basta huwag mong kakalimutan ang Wanton ko.