MAHINANG KATOK sa pinto ang pumukaw sa akin sa aking pag-idlip. I immediately checked up on my son beside me. Gising na ito at nilalaro ang dulo ng sarili nitong lampin. Muli kong narinig ang mahinang pagkatok sa pinto, at agad akong nairita.
"Alam kong kaya mong pumasok sa sarili mong kwarto kung gugustuhin mo, Wregan Leath!" malakas ang boses na sabi ko. Dahan-dahan naman na bumukas ang pinto at sumilip doon ang lalaking na kasagutan ko kanina.
"Galit ka pa ba?" tanong nito. Halatang tinatansya ang magiging reaksyon ko. "About earlier, I wasn't in my right mind. I'm very sorry if I hurt your feelings—"
"Huwag na nating isipin ang nangyari kanina. Anong oras na ba?" Ipapahinga ko lang dapat ang mata ko pero tuluyan akong nakatulog. Paano ay napuyat rin ako kagabi sa kaiisip kay Baby Wred, hindi ako mapakali. Kagabi kasi ang unang beses na hindi ko kasama ang anak ko. Hindi ako nakatulog dahil sa pakiramdam na parang may kulang sa akin.
"1pm na. Nagluto nga pala ako ng lunch baka gusto mong kumain. Ako muna ang bahalang magbantay kay Wred."
Tumango ako. "Sige. Gutom na rin naman ako. Ikaw? Kumain ka na ba?"
"Y-yeah. Nauna na ako. Naisip ko kasi mas magandang kumain na ako para salitan tayo."
"Hindi mo naman kailangan mag-explain sa 'kin," sabi ko at bumangon sa kama. Kinarga ko si Baby Wred na agad naman niyang kinuha sa akin bago kami lumabas ng kwarto.
"Nagluto ako ng sinigang," imporma niya nang pababa na kami sa hagdan. Nakasunod lang ako sa kanila ni Baby Wred. "I read on the Internet that breastfeeding mothers require more soup in order to provide more milk to their babies."
"Sa dami ng sabaw na pwede mong lutuin, sinigang pa. Aasim ang gatas ni Baby Wred."
"What? Seriously?" Nataranta niyang tanong at hinarap ako. Tumigil pa ito sa paghakbang pababa ng handan. "G-ganun ba 'yon? Hindi bale magluluto ako ng ibang putahe—"
"Nagbibiro lang ako," awat ko at mahinang natawa. Kinamot naman nito ang ulo. Mukhang seneryoso talaga nito ang sinabi ko. Ang dali naman palang lokohin ng lalaking ito, sabihin ko kaya na hindi siya ang ama ni Baby Wred? Nah… Kamukha talaga ni Wred ang ang ama niya, 'di effective ang ganun.
"Sige na. Gutom na ako," sabi ko at naunang naglakad pababa ng hagdan. Sa kusina ako dumeretso, si Wregan naman ay sa salas para bantayan si Baby Wred habang nanunuod ng TV.
Habang kumakain ng tanghalian, hindi ko maiwasan ang ngumiti. Nakakatuwa lang kasi, nag-abala pa itong magluto ng sinigang para raw marami akong milk for Baby Wred. Hindi na masama, medyo pass na siya para maging daddy ng baby ko. Although, siya naman talaga ang daddy, ang ugali at kilos ng pagiging isang ama ang tinutukoy ko.
Nagliligpit na ako ng pinagkainan ko nang pumasok si Wregan sa kusina karga si Baby Wred. Akala ko kung ano na ang gagawin niya nang lumapit siya sa akin, ibibigay lang pala si Baby Wred.
"Gusto na ng anak natin ng milk. Ako na ang bahalang maghugas ng mga iyan, padedehin mo na siya sa kwarto," kaswal na sabi niya, pero pakiramdam ko biglang nag-skip ng apat na beat ang puso ko.
"O-okay…" —f*ck anak natin. Bakit parang tunog mag-asawa ang pagkakasabi niya? Ang paraan ng pagsasalita ba niya o baka naman ang pandinig ko ang may deperensya?
Kinuha ko mula kay Wregan si Baby Wred at nagpaalam na papanik ng kwarto. Siya naman ay pinagpatuloy ang ginagawa kong paghuhugas ng mga hugasin.
Hindi ko maiwasan ang ngumiti habang nagpapadede kay Baby Wred. Pareho na kaming nakahiga sa kama, at para akong tanga dahil paulit-ulit kong inaalala ang mga sinabi ni Wregan kanina. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na magkaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya. Pero agad din akong bumuntong-hininga nang maalala na hindi ko makakamit ang complete family na pinapangarap ko. Bakit ba kasi sa dami ng lalaki sa kanya pa ako nagpabuntis? Sa kanya na cancel.
Isang katok sa pinto ang nagbalik sa akin sa reyalidad. Bumukas iyon at pumasok si Wregan para lang matigilan, umiwas pa ito ng tingin. Hindi ko tuloy napigilan at na kunot ang noo.
"May problema ba?" nagtataka kong tanong. Hindi pa rin kasi ito gumagalaw at naroon lang sa isang sulok ang paningin.
"Sorry, akala ko tapos kanang magpadede kay Wred. Maliligo sana ako, balik na lang ako mamaya." Akmang tatalikod na siya nang pigilan ko.
"Bakit ka aalis? Kung gusto mong maligo, edi maligo ka. Hindi ko naman hawak ang banyo," pag-aalaska ko. Ano ba ang problema ng isang ito? Maliligo lang pala para namang pag-aari ko ang banyo.
"S-sige." Tuluyan siyang pumasok ng silid at isinara ang pinto. Nagtataka ko naman siyang sinundan ng tingin nang diretso lang itong tinungo ang banyo nang hindi bumabaling ng tingin sa amin ni Wred.
"Anong problema ng lalaking iyon?" na tanong ko na lang sa sarili nang tuluyan na itong pumasok ng banyo. Bumaling ako kay Baby Wred na mahimbing na natutulog at doon ko napagtanto ang problema ng ama nito.
"F*ck!" Wala sa sariling pagmumura ko nang makita ang lantad kong dibdib, kaya pala umiwas ito ng tingin sa amin, kita pala ang malusog kong dibdib.
"Kung umiwas ng tingin akala mo hindi niya natikman," sabi ko at inayos ang suot na damit. Inayos ko ng higa si Baby Wred at nilagyan ng unan ang magkabilang gilid ng higaan bago bumangon mula sa kama.
Nagtungo ako sa couch na narito sa silid upang kunin ang phone ko sa bag na ipinatong ko sa couch. Naupo ako at inatupag ang phone, ayoko kasing matulog sa tanghali baka hindi ako makatulog ng gabi.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong naroon lang at nanunuod ng modeling video sa YT. Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo at agad akong nagsisi nang mag-angat ng tingin, ang gwapo kasi ng lalaking nakatayo doon. Pero ang pagkamangha ko ay napalitan ng pagtataka nang makita ang ayos nito.
"Akala ko maliligo ka? Kanina ka pa d'yan sa banyo ah?" puna ko. Paano ay ganun pa rin ang ayos nito. Hindi naman sa inaabangan kong lumabas ito ng banyo na tanging tuwalya lang ang takip sa katawan, pero parang ganun na nga. Feeling ko kasi nakalimutan ko na ang itsura ng hubad nitong katawan.
"Ano? Tatayo ka na lang ba d'yan? Ligo na!" Natatawa ko pang sabi dito. Ibabalik ko na sana ang atensyon sa gadget ko nang bigla siyang lumakad patungo sa akin na hindi man lang tinatanggal ang malagkit na tingin niya.
"Ayaw mo na bang maligo?" Pilit kong pinakalma ang tono ng pananalita, pero ang dibdib ko ay labis na ang pagrigudong. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito?
"Pilit kong pinigilan…," sabi niya. Nakatayo na ito sa harap ko, hindi pa rin nawala ang malagkit na tingin sa akin.
"But damn those f*cking tits, Miss Doukas " Nanlaki ang mata ko sa gulat sa sinabi niya. Papalag pa sana ako ngunit biglang hinila ng gag* ang paa ko kaya napahiga ako couch, hindi ko na alam kung saan ko naibato ang hawak na cellphone.
"Wregan!!" Sita ko nang pumaibabaw siya sa akin.
"I'm trying my best to hold myself but, damn it! I miss touching you like this." Napasinghap ako sa labis na pagkagulat nang walang paalam niyang nilamas ang pareho kong dibdib.
"F*ck, Miss Doukas. Iyong gatas ni Wred nasasayang," bulalas niya nang bumakat ang basa sa suot kong damit. Paano ba hindi lalabas ang gatas kung gigil na gigil siya kung pigain iyon na akala mo naman baka ako na ginagatasan niya. Pero in fairness…masarap sa pakiramdam ang ginagawa nitong pagmasahe sa dibdib ko.
UMAWANG ang labi ko nang masahiin ni Wregan ang isang dibdib ko, habang s*psip niya ang isa. Unti-unti akong nalulunod sa napakasarap ng sensasyon dulot ng palad at labi niya. Isang mahabang ungol ang umalpas sa labi ko nang panggigilan ng daliri niya ang n*pple ko. Handa na ako sa susunod niyang hakbang, bibigay na ako sa makamundong pagnanasa na nararamdaman na ang dahilan ay sila. Isusuko na ang sarili ko, nang biglang umiyak si Baby Wred, dahilan para magising ako at mapagtanto kung ano ang nangyayari. "Oh my God!" bulalas ko sabay tulak kay Wregan kaya nahulog ito sa couch. "I-I'm sorry. N-nagulat lang ako," excuse ko para pagtakpan ang ginawa ko. Tumayo ako at halos takbuhin ang kama kung saan naroon si Baby Wred. Kinuha ko ang sanggol at parang penguin na lumakad patungo sa pinto ng silid. "Ahmp… S-sa salas lang kami ni Baby Wred. M-maligo ka na." Pinilit kong maging casual pero hindi ko kayang pigilan ang labis na kahihiyan sa nangyari. Gosh! Ginawa ko na naman. I let him tou
Hi! Maraming salamat sa suporta na ibinibigay mo para kay Wregan at Petunia. Second book ito ng Seven Sins Series, and I'm doing my best na isulat ng maayos ang kwentong nasa isip ko. Gusto ko lang po sanang ipaalam sa iyo na nag-revise ako ng "SIMULA" hanggang "Kabanata 8". Nagpalit kasi ako ang ng style sa pagsulat at may ilang mga scene akong tinanggal at pinalitan. ^^ Kung isa ka po sa mga naunang readers ng book na ito, minumungkahi ko na, delete niyo sa library niyo ang book at i-add muli para ma-update ang chapters, basahin niyo pong muli ang libro mula sa simula para hindi kayo malito sa chapter kasunod nitong author's note. Iyong lamang po, maraming maraming salamat! ^^
"WREGAN! Ang ingay ng doorbell!" Sigaw ko mula sa banyo. Hindi ko alam kung naririnig niya ba ako sa ibaba. Naliligo kasi ako nang paulit-ulit na tumunog ang doorbell ng unit niya. Naiirita na ako dahil sa ingay, nasaan na ba ang lalaking iyon? "Wregaan!! Ano ba ang ingay!!" Umalis kaya siya ng unit? Hindi naman siguro. Nasa kanya si Baby Wred 'di siya pwedeng lumabas kasama ng anak namin. Baka may makakita sa kanya at makilala siya, at kung anong balita pa ang kumalat. "Wreg—" Sisigaw na naman sana ako pero napansin kong tumahimik na. Marahil ay hinarap na niya ang kung sino man ang nasa labas. I bit my nail. Bigla akong napa-isip, wala naman sigurong bibisita sa kanya sa ganitong oras hindi ba? Damn. Paano kung kaibigan niya? Hindi nila ako pwedeng makita dito sa bahay ni Wregan, baka kung ano ang isipin nila at makarating kay Dad. Siguradong malaking gulo kapag nangyari iyon. "Miss Doukas?" Katok sa pinto ng banyo ang gumising sa akin mula sa malalim na pag-iisip. "Y-yes?" "
"KUMUSTA ang family bonding niyo?" Umikot agad ang mata ko sa tanong na 'yon ni Kara pagkasakay ko sa shotgun seat ng kotse niya. "Family bonding my ass," nayayamot kong tugon at nagsuot ng seat beat. Ngayong araw ang punta naming mga dela Vega sa Subic para sa death anniversary ni Lolo Klimt at 6am pa lang ng umaga. Kara volunteered na sunduin ako dito sa condominium ni Wregan since ang alam ng parents ko ay magkasama kami buong gabi. "Wala ba talagang chance na ipaglaban mo ang bestfriend ko? Baka naman tanggapin din siya ni Tito kapag kinausap mo ng maayos." "Why would I do that? Hindi ko boyfriend ang kaibigan mo. At duda kong mangyayari yang sinabi mo, alam mo kung gaano kahalaga sa pamilya natin ang love…," puno ng sarkastiko kong sabi. "Hindi papayag si Dad kung wala pagmamahal na involve sa relasyon namin, at ayaw ko rin magkaroon ng partner na in love sa pa rin sa first love niya." "Eh, ikaw ba? Naka-move on ka ba sa first love mong si Luca?" Nagbaba ako ng tingin sa mga k
“STOP blabbering nonsense Venom,” sabi ko at itinulak ang mukha niya palayo sa akin. “Ang hilig mo sa tsismis kaya kung anu-ano na lang ang naririnig mo,” dagdag ko pa at nilagpasan siya. “Huwag ako, Ate. Alam ko ang narinig ko, ‘di mo ako maloloko o baka naman gusto mong banggitin ko ng malakas mamaya sa dinner na ikaw ang Mommy ni Wred?” Nahinto ako sa paglalakad at madilim ang mukha na nilingon siya. Ang laki ng ngisi ng unggas, confident talaga siyang hindi siya nagkamali ng rinig. "Ano ba ang gusto mo?" "Well, isa lang naman ang gusto ko. Let me visit my nephew anytime I want." Malaki ang ngiti niya nang sabihin iyon. Ako naman ay 'di napigilan umawang ang bibig. "What?" "You heard me. I will keep my mouth shut, if you let me see him anytime I want. Saan ba siya nakatira ngayon? Doon ba sa bahay ni Kuya Wregan?" Madiin kong pinikit ang mga mata para pigilan ang sarili na kutusan si Venom. "Paano kung ayaw kung sabihin sa'yo?" "Edi malalaman ni Dad mamaya sa dinner." Kibit-b
WALA na sa tabi ko si Wred nang magising ako kinabukasan. Hindi ako nag-alala. I'm sure kasama ito ng kanyang ama, siguro ay kinuha nito si Wred nang makatulog na ako kagabi. "Inumaga ka na ng gising ah?" komento ni Kuya Peter, nang nakasalubong ko siya sa hagdan. Isa siya sa mga pinsan kong lalaki na kaidad lang ng nakatatanda kong kapatid na si Hyacinth. "Wala pa kasi akong maayos na tulog mula noong nakaraang araw. Nasaan pala ang lahat? Bakit ang tahimik ng mansion?" puna ko nang wala man lang akong makitang tao sa salas ng mansion. "Nagpunta ang lahat sa farm. Gusto kasi umakyat nang bisita natin ng mangga, ayon sinamahan siya ng lahat sa farm." "What? Paano ang anak… niya?" "Si Wred? Ah… Kasama ng parents mo, nasa garden sila. Naroon ang mga nakakatanda, mga pinsan lang natin ang sumama kay Wregan, gusto rin kasi maligo ng mga babae sa batis. Gusto mo rin bang maligo? Sumabay ka na sa akin. Pupunta din naman ako, may kukunin lang ako sa kwarto." Umiling ako bilang tugon, ng
"A-ANONG gagawin mo?" Nataranta ako nang bigla na lang niya akong buhatin ng bridal style at naglakad siya palayo sa batis. Sa isang spot sa ilalim ng napakalaking puno niya ako binaba. Naupo siya sa tabi ko, at hinila ako palapit sa kanya. "It's better if you sit straight.” He firmly pinch my nose with his index and thumb finger. “Now, breathe through your mouth and stop talking.” ‘Di ako nagsalita at sunod-sunod lang na naikurap ang mga mata. Ibang-iba siya sa Wregan Leath na kanina lang ay panay ang dedma sa akin na para bang hindi ako nag-exist sa mundo niya. Bigla na lang nawala ang cold na Wregan, at itong caring at gentleman na lalaking ito ang pumalit. Anong nangyari sa kanya?"Hindi mo naman kailangan gawin 'to." "Hindi ikaw ang magde-decide kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin." Hindi ako naka tugon. Nagulat sa sinabi niya. As if he told me to f*ck off and let him do whatever he wants, cause it's his f*cking life not mine. "Whatever," tanging nasabi ko at hinayaan na
PAGKATAPOS ng reunion slush death anniversary ng Lolo Klimt sa Subic, nauna akong bumalik ng Manila kesa sa iba. Hindi na kasi ako makapaghintay na makita si Wred pagkatapos siyang malayo sa akin ng ilang araw. Ang kaso ay walang tao sa unit ni Wregan nang hapon na dumating ako ng Manila. Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay ang phone ng lalaki. Saan kaya ito nagpunta? Wala akong balak na umalis kaya pinili kong maghintay na lang sa labas ng unit nito. Hindi ko na kayang ipagpabukas pa ang pagkikita namin ni Wred, sabik na sabik na ako sa kanya. Isa pa, gusto kong kausapin si Wregan tungkol sa pag-alis namin ni Wred pabalik ng New York. Isang oras pa lang akong nakatayo sa labas ng unit ng lalaki, pero ramdam ko na ang pangangalay ng aking mga binti, nang hindi na matiis ay umupo ako sa sahig. Oras pa ang lumipas hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako sa kinauupuan ko. Nagising na lamang ako nang makarinig ng ingay ng mga taong nag-uusap sa malapit. Nagmulat ako ng mata a