"Tingnan mo nga naman…iniisip lang kita kanina, ngayon nasa harap na kita."
Napairap ako sa pahayag ni Wregan Leath. Ayaw kong gawin ito, pero wala akong ibang choice. It's either malaman ni Dad ang tungkol kay Wred at Wregan, o malaman ni Wregan ang tungkol sa anak namin—mas pipiliin ko ang huli. Kaya kong i-handle si Wregan kesa ang disappointment at galit ni daddy.
"I want to savor the moment of our reunion, pero bakit may palagay akong hindi maganda na nasa harap kita ngayon, Miss Doukas," sabi niya at sumandal sa hamba ng pinto nang naka-cross arms.
"Hindi mo ba ako papapasukin?”
“Ang ugali mong iyan ang dahilan kung bakit gusto kita…wait, what is that?” Tinuro niya si Wred na natatabunan ng aking scarf. Nakasampay kasi sa balikat ko ang scarf na napakalaki, natatabunan nito ang halos buong harapan ko, pati ang karga kong si Baby Wred.
Nilingon ko ang paligid. "Pwede ba papasukin mo muna ako?" Pareho kaming modelo, pero ‘di hamak na mas malaki ang pangalan ni Wregan Leath. Alam kong secure ang building na ito, ngunit mas mabuti na ang nag-iingat kesa naman malaman ko na lang kinabukasan nasa tablyod na kami.
“Anu ba, tutunganga ka na lang ba d’yan?” asik ko at itinulak siya papasok ng condo, sumunod naman ako nang masiguro na walang tao hallway. Matapos isara ang pinto ay deretso akong naglakad patungo living area ng bahay niya.
"Grabe sobrang init talaga dito sa Pilipinas!" reklamo ko at pinunasan ang pawis sa mukha at leeg.
Nakita kong napako ang tingin ni Wregan sa karga kong sanggol—naka-lock ang bibig ni Wred sa malusog at bilogan kong d*bdib. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang matunog niyang paglunok.
"What the is that!" hysterical niya, para bang never pa siyang nakakita ng sanggol na dumidede.
"Hindi ba obvious?"
"F*ck! That’s a f*cking baby!"
“Malamang, mukha bang laruan itong karga ko? At pwede ba tigilan mo iyang pagmumura sa harap ng anak natin?” Tumayo ako mula sa couch at lumapit sa kanya. “Meet your son…Wred Reitzii Doukas.”
Hindi siya kumibo. Natulala siya sa akin at kay Wred na karga ko. ‘Di ko tuloy maiwasan na mag-alala. Paano kung hindi niya tanggapin si Wred? Paano kung sabihin niyang hindi siya ang ama?
“Alam ko kung anong iniisip mo. Wala akong dalang papel na magpapatunay na anak mo si Wred, pero kung willing ka naman, pwede kayong magpa-DNA test ni Wred—”
"Pwede ko ba siyang kargahin?”
Nagulat ako sa tanong niya. “S-syempre naman.”
Binigay ko sa kanya si Wred, na tinanggap niya naman agad. Nanginginig pa ang mga kamay niya nang tuluyang mahawakan ang anak namin, gusto ko tuloy siyang pagtawanan. Mukhang okay naman sa kanya, nagulat lang talaga siya nang bigla kong ipakilala si Wred.
"Hey, you knew me right?"
Akala ko ako ang kausap niya, pero nang makita kong kay Wred nakatuon ang atensyon niya, napangiti ako—para naman siyang timang.
"I'm your dad," proud niyang sabi kay Wred.
Pinagmasdan ko si Wred. Nakatitig lang ito sa mukha ni Wregan, pinag-aaralan ang mukha ng ama niya. “He’s looking at you.”
"Yeah, he's trying to figure out who I am."
I nodded, agreeing with him. Tumabi ako sa kanya at sabay naming pinagmasdan si Wred.
"Carbon copy mo siya,” nagtatampo kong sabi. I look at my son's adorable face and then look at Wregan’s handsome face, nagmana nga si Wred sa kanyang ama, walang duda—napangiti ako.
"Ang sabi ng matatanda, kung sino raw ang mas hawig ng anak, siya raw ang mas genuine ang feelings during s*x,” biro niya na ikinawala ng ngiti ko.
Bumaling ako sa kanya ng tingin at nagtama ang aming mga mata. Parang magnet na hindi ko maalis ang tingin sa mga mata ni Wregan. Hindi ko maitatanggi na naroon pa rin ang kakaibang init na hatid niya sa aking katawan, ang init na nagpapabilis ng tibok ng aking puso.
Dahan-dahan na nilapit ni Wregan ang mukha sa akin, pero agad akong umiwas at tumayo. Dapat na tatagan ko ang loob. Hindi ko pwedeng hayaan na muli akong mahulog sa bitag ng lalaking ito, ‘di ako pwedeng magpatalo sa nararamdaman ko—wala kaming future, hindi kami pwede, iyon ang dapat kong tandaan.
"Sabi-sabi lang ng mga matatanda iyon. Pure s*x lang ang nangyari sa atin noon,” mariin kong pagtutol sa pahayag niya. “Ang ganda niya rito,” tukoy ko sa portrait ni Carnation sa wall ng condo niya. See? Hindi pa rin talaga niya nakakalimutan ang ex-fiancee kahit asawa na ito ng matalik niyang kaibigan.
***
"Sigurado ka bang naintindihan mo ang lahat ng sinabi ko?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko kay Wregan Leath.
Hindi ito sumagot at nakatuon lang ang tingin sa kawalan. Napabuntonghininga ako.
"Hindi na bale, may notes naman akong nilagay sa bag ni Wred. Basahin mo kung sakaling makalimutan mo ang mga dapat na gawin. Alagaan mo si Wred," bilin ko pa. Sana lang talaga tama ang naging pasya ko na iwan sa kanya ang anak ko.
"I really appreciate the notes,” mamaya ay sabi niya. “It's not that I didn't pay attention to what you were saying. Hindi lang talaga pumasok sa isip ko lahat, nasa state of shock pa kasi ko. Who would have thought? Nagbunga pala ang—"
"Stop right there,” putol ko agad. “Let's not talk about the past, pwede ba?”
Siya naman ang malalim na nagbuntonghininga.
"Fine. If that's what makes you sleep at night," tugon niya na umani naman ng masamang tingin mula sa akin.
"What?"
"Don't make fun of me Wregan Leath, kung may ibang tao lang na pwedeng mag-alaga ng anak ko, baka hanggang ngayon hindi mo pa rin alam ang tungkol kay Wred.”
Nag-igting ang bagang niya. Matalim ang tingin niya nang lingunin ako. “Ikaw dapat ang magpasalamat Miss Doukas. Wala kang Wred Leath ngayon kung hindi dahil sa sperm ko," mayabang niyang saad at ngumisi. "Sabihin mo lang kung gusto mo pa ng anak, handa akong magpgamit sa ‘yo, kahit ilang anak pa iyan. Basta ba gagawin pa rin natin sa natural na paraan."
"It's Wred Reitzii Doukas, not Wred Leath, and sorry to burst your bubble, pero kung mabuntis man ulit ako, sigurado akong hindi na ikaw ang magiging ama."
Lalong sumama ang timpla ng mukha niya. Ang akala ko ay magbabato pa siya ng salita laban sa akin pero bigla niyang iniba ang paksa. "Babalik ka ba mamaya?"
"Hindi. Sa tingin ko'y sa susunod na araw pa ako babalik dito sa condo mo," kaswal kong sagot at kumagat sa slice ng pizza na hawak. Natutulog na si Wred. Inalok naman ako ng merienda ng lalaking ito at hindi na ako nakatanggi. Gutom na rin kasi ako.
"Hindi mo ba mami-miss si Wred?"
Napairap ako. “Pwede ba namang hindi? Anak ko ‘yan. Dinala ko siya ng ilang buwan sa sinapupunan ko, tingin mo hindi ko siya mami-miss? Ngayon pa nga lang ayaw ko na siya iwan sa’yo.”
Unbothered niyang kinalikot ang isang tenga, pagkatapos ay hinipan ang dulo ng hintuturo na ginamit niyang pangkamot bago nagsalita, “ang dami mo nang sinabi, nagtatanong lang naman ako, bakit ba ang high blood mo? Tska, h’wag mong kalimutan Miss Doukas na anak ko rin si Wred. Nagpakahirap akong gumiling para sa batang iyan, bigyan mo naman ako ng credits, akala mo ba hindi sumakit ang balakang ko kaka-iy*t?
"Tigilan mo ‘ko sa bastos mong mga banat Wregan Leath, hindi ako natutuwa," wala sa mood na anas ko at tumayo mula sa high chair.
"Aalis ka na?" tanong agad niya at sumunod sa akin palabas ng kitchen. "Hindi ba pwedeng mamaya ka na lang umalis? Masyado pang maaga."
"I need to leave now. Bibisita lang sa friend ang paalam ko kay daddy, at hindi ako pwedeng mag-extend. He'll be upset, and I can't afford that to happen."
Wregan sighed. "Fine. Pahingi ako ng number mo." Tumaas ang kilay ko. "What? I need your number, baka biglang magkaroon ng emergency dito. Paano kita mako-kontam kung hindi ko kukunin ang number mo?"
Tinalikuran ko siya pero kinabig niya ako sa braso paharap muli sa kanya, kaya lang nagkamali ako ng hakbang, at nawalan ng balanse kaya napayakap ako sa kanya.
"Hindi ka pa nga nakaka-alis pero na-miss mo na agad ako," biro niya at tumawa.
Humiwalay ako ng yakap sa kanya at marahas siyang tinulak. "Never," angil ko. Tumalikod akong muli sa kanya, at mabilis na nagtungo sa harap ng pinto. "I need to go. Please, alagaan mo ng mabuti ang anak ko."
"Anak ko si Wred, aalagaan ko siya kahit hindi mo ipaalala sa akin," seryosong saad niya at sinalubong ang mata ko nang lingunin ko siyang muli.
Unirapan ko siya. "Whatever…"
Hindi ako pwedeng magtagal sa place niya kaya umalis na agad ako, pakiramdam ko kasi kapag nanatili pa ako roon baka isuko ko na ng tuluyan ang sarili ko sa kanya. Ang mga tingin niya na tumatagos sa aking buong pagkatao, alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin niya, ilang beses na akong nabihag ng mga matang iyon, kaya naman hindi ako pwede maging komportable sa tuwing kasama siya—mabuti na ang nag-iingat.
***
"How was it? Hindi ba nag-freak out ang baliw?" tanong agad ng pinsan kong si Kara nang pumasok ako ng kotse niya.
"Mukhang hindi nga siya nagulat na may anak kami," sagot ko at nagpakawala ng malalim na buntonghininga.
"Well, that's Wreggy. Believe me, masaya iyon na makilala si Wred," sabi pa niya at minaniobra ang sasakyan palabas sa parking area ng gusali.
"Mukhang masaya nga siya," pagsang-ayon ko.
Ayaw ko man, wala akong choice kundi sabihin kay Kara ang tungkol kay Wred. Hindi kami close pero sigurado naman akong hindi niya ibubunyag sa pamilya namin ang sekreto ko. I know I can trust her.
"Kailan mo balak sabihin sa lahat ang tungkol kay Wred?" mamaya ay tanong ni Kara. "Hindi ka ba natatakot na malaman ni Tito Xander mula sa ibang tao ang sekreto mo?"
"Walang nakakaalam bukod sa manager ko, ang doktor na nagpa-anak sa akin at ikaw," makahulugan kong sagot sa kanya.
"I'm not going to say anything; you can trust me. Pero babalaan kita, your father is the Aegis of our clan. He possesses that much power. I mean, he was supposed to be the Underground King kung hindi niya lang tinalikuran ang mafia world, but still, marami pa rin ang loyal sa daddy mo kahit matagal na siyang tiwalag," paalala niya. Nakatuon lang ang tingin sa kalsada.
"I know." I took a deep breath. "Alam ko naman na darating ang araw na malalaman din ni daddy ang totoo. I want to tell the truth to my father. It's just—" Kusa kong hindi tinapos ang sasabihin. Mahalaga para sa akin ang approval ni daddy, at sa sitwasyon ko ngayon. Alam kong hindi niya magugustuhan ang ama ng anak ko.
"Just what?" pukaw ni Kara sa akin na natulala. Ilang beses akong kumurap at nilingon siya. Tipid akong ngumiti.
“Dad will never approve of him…”
"Right, I almost forgot about that part. Bakit kasi sa dinamirami ng lalaki sa mundo doon ka pa nagpabuntis sa lalaking cancel."
Mariing akong pumikit. Bakit nga ba sa dinamirami ng lalaki si Wregan Leath pa? Bakit sa lalaking katulad niya pa na kahit kailan hindi maaaring maging parti ng pamilya ko?
“Anong resulta?” tanong agad ni Wregan nang makalabas ako mula sa bathroom ng aming ginagait na silid. Nilakihan ko ang bukas ng pinto upang ipakita sa kanya ang sink kung saan nakahilera ang limang pregnancy test. Kabadong pumasok si Wregan at lumapit sa sink, ako ay nanatiling nakatayo sa may pinto, nakahawak sa door frame."I'm not pregnant," basag ko bigla sa katahimikang namayani sa pagitan naming dalawa. Hindi na kasi nagsalita si Wregan matapos isa-isang tignan ang mga PT, nakatutok lang ang tingin niya sa mga nakalatag na pregnancy test. “It’s a good thing that I am not pregnant, right?”"I won't deny it, I hope you are pregnant. But it's alright, we have plenty of time for the second baby." Isa-isa niyang pinulot ang mga Pt at itinapon iyon sa malapit na trash bin."Wash your hands please," paalala ko sa kanya na agad namang ginawa ni Wregan bago lumapit sa akin. "Bakit ba gustong-gusto mo ng second baby?" tanong kong yumakap sa baywang niya. Gumanti naman ng yakap si Wregan
Tanghali akong nagising kinabukasan, wala na sa tabi ko ang mag-ama kaya bumaba agad ako ng kusina para hanapin sila. Sa kusina, isang middle-aged woman ang aking naabutan, nagkagulatan pa kami nang aksidenteng magkasalubong; ako papasok ng kusina, siya na palabas at may dalang tray ng breakfast.“Maayong buntag, Ma’am. Gising na pala kayo. Ako si Tesa, ang katiwala ni Madam Hyacinth sa beach house na ito. Saan niyo po gustong kumain ng agahan?"“M-magandang umaga, Manang.” Nahihiya kong tugon. Ang bilis niyang magsalita, mabuti na lang at Tagalog ang kanyang lenggwaheng ginagamit, kung hindi ay hindi ko talaga siya maintindihan. Bumaba ang tingin ko sa dala niyang pagkain. “Sa akin po ba ang mga iyan?”“Oo, ma’am. Ang sabi kasi ng asawa niyo’y maghatid ako sa inyo ng pagkain sa kwarto."“A-asawa?”“Oo, nasa dagat sila ng anak ninyo.” Napalingon ako sa glass wall kung saan makikita ang malawak na dagat, ngunit puro sanga at dahon ng malalaking kahoy ang aking nakita roon. “Hindi mo
Sa isang shipyard sa Navotas kami dumaong, ang sabi ni Gregory ay kaibigan niya ang may-ari ng nasabing shipyard. Mahigit apat na oras rin ang byahe namin sa dagat dahil medyo maalon. Thankfully, walang naging aberya at safe kaming nakadaong ng Maynila.May sasakyan nang nakaabang sa amin nang makababa kami ng yate ni Gregory. Ang buong akala ko pa ay kami lang ni Wregan ang sasakay, ngunit sumama sa amin si Gregory para ihatid raw kami sa airport. Naguguluhan man ako sa nangyayari, pinili kong manahimik at kimkimin ang mga bagay na gusto kong itanong sa dalawang lalaki na aking kasama."We are here," imporma ni Gregory nang huminto ang aming sinasakyan. “Here are the plane tickets for General Santos City. Someone will be waiting for you at the airport to escort you to your next destination.”"General Santos?" Worried na nilingon ko si Wregan. "Bakit kailangan nating pumunta ng General Santos? Anong nangyayari?""Magbabakasyon lang tayong tatlo.""Pero bakit naman ang layo?" Hindi ko
Tumikhim si Venom kaya napahiwalay ako ng yakap kay Wregan. Nginuso niya ang direksyon kung saan nakatayo si daddy. Gumaan ang loob ko at napanatag nang makita ang maamo na niyang mukha, pinanunood niya kami ni Wregan.“Since the misunderstanding has resolved. You’ll let them leave, right?” pagkausap ni Hyacinth kay daddy, tumango naman ito. Hinawakan ni Venom ang mga balikat ko at itinulak ako layo sa harap ng plaform. Naguguluhan na nilingon ko si Wregan, tumango lang siya sa akin, sinasabing sumakay nalang ako sa gimik ng kapatid ko. Sumunod naman agad sila ni Helian sa amin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palayo kay daddy.“What will happen to him?” tanong ko kay Hyacinth nang makarating kami sa harap nila ni Enver. Worried na nagbaba ako ng tingin sa kanya na nakangiwi pa rin sa kirot ng tinamong tama.“May sasakyan na nag-aabang sa inyo sa labasan, naroon si Areum naghihintay sa inyo, kasama niya si Wred. Ihahatid kayo ng driver sa Subic Bay Yacht Club, naghihintay doo
“Stop this nonsense, Hyaci—”*bang!*Lahat kami ay labis na nagulat. Ang ilan ay napatili nang barilin ni Hyacinth si Enver sa hita, napa-igik ang lalaki at napaluhod sa isang paa. Nagulantang ako nang maging visible sa suot nitong white pants ang pulang stain ng dugo.“Should I shoot this nonsense' head then?” poker face na tugon ni Hyacinth kay daddy, itinutok nito ang baril sa ulo ni Enver at hinila sa buhok ang lalaki na nakangiwi dahil kirot ng tinamong tama.“F*ck! She really shot him!” angil ni Venom. Tinulungan niyang tumayo si Wregan Leath, habang si Helian naman ay inalalayan rin akong tumayo, muntik pa akong matumba dahil sa nanghihinangtuhod. Hindi ko alam kung paano nakarating ang dalawang ito sa tabi namin ni Wregan.Hinarap ko si Venom. “Akala ko ba walang masasaktan?”“Akala ko rin!” Nawindang na tugon niya, hindi inasahan ang nangyari.“Sa tingin niyo ba nagbibiro ako?” Bumalik ang atensyon namin ni Venom sa aming nakatatandang kapatid. "I want you to let them leave i
Umawang ang labi ko sa labis na pagkagulat sa aking nakikita. Hinaharana ni Wregan Leath ang aking ama. No, he is not serenading my father. It's more like he is sarcastically singing him a song and declaring war! What is wrong with this man? Nababaliw na ba siya? Hindi pa ba siya nakontento sa ginawang pambubugbog sa kanya at gusto na naman niyang ipahamak ang sarili niya?“You say I'll never get your blessing till the day I die~”Stressed akong hinilot ang aking sintido. Yes, he is clearly declaring war against my father. Ugh! Bakit ko ba nakalimutan na sira ulo ang lalaking ito? Napalingon ako sa aking mga kasama. Isa pang sira ulo ang nasa tabi, Venom is cheerfully cheering for Wregan leath, biglang naging fanboy ang baliw kong kapatid. May pa-banner pa ito’t iwinawagayway habang sumasabay sa pagkanta ni Wregan Leath.“I hate to do this, you leave no choice, can't live without her~”Napaka-ingay ng buong venue. Hindi na lang si Venom ang nagchi-cheer kay Wregan, kahit ang relative