Share

Chapter 4. Whispers in the wind.

Hatinggabi na ngunit hindi pa rin makatulog si Elmhurst. Nakatingin lamang siya sa kesame ng dorm niya at nilalaro sa kamay ang itim na identity card. Nakasulat din doon ang buong pangalan niya. Lahat kasi ng identity card na meron ang estudyante at professors ay may pangalan sa bawat card nila. Katulad din iyon ng ATM card. Mas maganda daw kase ito kaysa sa I.D. Sa totoo lang, noong nakaraang dalawang buwan lang niya nakuha ang itim na identity card pagkatapos ng prelims at makakuha siya ng gradong A-plus. Noong bagong pasok pa lamang siya ay ang puting card ang ginagamit niya. Pero dahil sa ama niyang akala mo ay perpektong tao, pinilit niyang makakuha ng ganung kataas na grado.

Sa unang araw niya sa Alta Tiero ay nahirapan siyang maka-adapt sa malamig na klema at malayo sa sibilisasyon. Kahit pa maraming gadgets ang pwede mong libangan ay iba pa rin sa syudad. Ang Alta Tiero Island ay nakalocate sa malayong gitna ng dagat. Isang barko ang naglalayag papunta sa isla na kung wala ang compass na ginagamit papunta doon ay maliligaw ka.

Karamihan sa mga pumapasok at nag-e-enrol sa university ay pawang galing sa mayayamang angkan. Ngunit meron din naman ang mga estudyante na tinutulungan ng Madrid foundation na nag-aaral sa university.

Dito rin naman na nag-aaral ang magkakapatid na Madrid. Nasa second year ang kambal na sina Arlan at Arlon. Sina Ronald at Roland ay nasa third year at ang kambal na sina Ralphf at Rolphf ay sila ang nagma-manage ng ATI School of Elites pagkatapos mawala na parang bula ang magulang nila. Parehong tahimik at seryoso ang magkakapatid at hindi pinapansin ang atensiyon na binibigay ng lahat ng mga estudyanteng babae sa university. Minsan nga parang sila ang dahilan kung bakit nag-e-enrol doon ang iba, para makita ng personal ang magkapatid.

He shifted his body and lay sideways, tumayo lahat ng balahibo sa katawan niya pagka-alala sa bulong kanina na narinig niya. Hindi siya matatakutin ngunit pagkatapos niyang maranasan ang ganitong kababalaghan sa paligid niya ay parang humiwalay ang kaluluwa sa mismong katawan niya. He remember their prof earlier, hindi kaya narinig din nito ang bulong kanina. Namumutla kasi ito at parang takot na takot nang tumalilis ito palabas ng classroom. Ang pinagtataka lang niya, bakit parang sila lang na dalawa ang nakakarinig sa bulong—

"Eh?" Bigla siyang napaupo. Did he just hear a sigh in the wind?

'I'm bored! Do you want to meet me?'

"Sh*t!!!" he exclaimed and stumbled down in his bed. Nauntog pa ang ulo niya sa sahig. "Dammit!! I'm going insane with these whispers!!"

Again, he heard chuckles and giggles. Mariing naglapat ang kaniyang labi habang hinihintay na marinig muli ang boses ngunit lumipas ang sandali ay wala na siyang narinig.

"Ugh! I think, I'm just hallucinating!" Kinalma niya ang sarili at bumalik sa kama niya. He cover himself into the quilt. Itutulog lang niya ito at bukas ay marerealize niya na nananaginip lang siya.

'Sweet dreams!!"

Mas lalong tumayo ang lahat ng balahibo sa katawan niya nang pakiramdam niya ay may dumampi na malamig na labi sa punong taynga niya. At nakayakap lang sa kanya ang bumubulong.

Jesus!! Bumalikwas siya ng bangon at hinablot ang jacket bago halos liparin niya ang hagdan at lumabas ng dorm building niya. He didn't even dare to ride at the elevator. Hanggang sa kuwarto ba naman niya ay sinundan siya ng bulong? He's going insane!! Kung magtuloy-tuloy pa ito ay talagang mababaliw na siya at dadalhin siya sa mental. Mula sa third floor kung nasaan ang room niya ay bumaba siya at lumabas ng building.

Ilang buwan siyang narito pero ngayon lang nangyari ito.

"Eh? Hindi ka rin ba makatulog?"

Muntik siyang mapatalisod sa dinadaanan nang marinig ang boses ni Reese. Naningkit ang mata niya sa pagkaasar at hinarap ito. "Heck!! Are you trying to kill me?"

Tumawa ito ng malakas. "Are you kidding me? Kinausap lang naman kita, ah. I didn't stab you anywhere!"

He sighed. "I can't sleep. I think I'm hearing strange things," paliwanag niya.

Nagsalubong ang kilay nito. "You too? I also keep hearing things. Laughter of a woman or saying she's sad. Geez!! It sends chills inside my body. Muntik akong tumalon mula sa 4th floor dahil sa takot."

Sumalampak siya ng upo sa malamig na semento at walang pakialam kung marurumihan ang suot niyang pajama pants. "'Pag nagpatuloy pa ito baka aalis na ako rito."

He laughs but not actually laughs. "Heh!! Papayagan ka kaya ni Tito? Baka nakakalimutan mo pinatapon ka niya dito dahil kay Marx"

Si Marx ay isa sa mga babaeng naging flings niya. Napakaselosa, eskandalosa at palengkira. Sino ba naman ang hindi magsasabing ganun ang dalaga, basta may kausap siyang iba. Inaaway o kaya ay nagsisigaw ang dalaga kahit nasa pampublikong lugar sila.

"I would've been rejected her in the first place kung hindi siya nagbantang magpapakamatay siya," lukot ang mukhang katwiran niya.

Napailing lang si Reese at tinabihan siya. "'Yan ang mahirap sa'yo, eh. Masyado kang malambot pagdating sa mga babae."

Hindi siya sumagot at tumingala sa kalangitan ngunit pareho silang napatuwid ng upo ng makarinig na naman ng hagikgik ng isang dalaga.

"Dammit!!! Pinaglalaruan ba tayo ng hangin?" namumutlang mura ni Reese.

Katulad ng kaibigan niya ay namumutla din siya at hindi kumikilos. Kung ano man ang nangyayari sa paligid nila ay wala silang ideya, ang alam lang nila may multong pinaglalaruan sila.

Samantala, hindi mawalawala ang nakakalokong ngisi sa labi ni Selena na nasa vermilion falls. Ang nag-iisang falls sa Alta Tiero Island. Her parents named it that way because it was surrounded by many wild vermilion flowers.

Hearing their frightened voices, she giggles continuously. Nang marinig ang mababang tinig ni Elmhurst ay umarko uli ang sulok ng bibig niya. What a frightened rat!!

Pumitas siya ng vermilion flowers at iniipit sa kaniyang taynga.

"Stop playing with them, Selena!" saway ni Arlon sa kanya na nasa isang sanga ng puno.

"Human are really interesting!" sa halip ay bigkas niya.

"Humans are humans, immortals are immortals," saad nito.

"Hmm!"

She flicked her hand and her fingers created a fire. Inilapit niya ang kamay sa tubig at pinagmasdan ang reflection niya doon. She smiled at herself before putting out the fire. Ang tanging liwanag na lamang sa kanya ay ang sumisilip na sinag ng buwan. Tumatama iyon sa buhok niya, dahil natural na itim ang buhok niya, nang tamaan ng sinag ng buwan ay kumikislap ang buhok niya na parang isang obsidian stone.

"I tried to cut my hair ngunit palaging bumabalik pa rin sa dati. I want to try something new but—" She sighed.

"Me too! Nagsasawa na ang taynga ko na marinig na maganda ako," reklamo ni Arlon.

Nilinga niya ang kapatid, tinatangay ng hangin ang kulay grey na buhok nito. "Maganda naman ang buhok mo, very silky. Baka naiinggit pa sila riyan."

"Hmm!! You're right," sang-ayon nito

She tipped her right foot, pushed herself off the ground leaping in the air, darting upwards at naglanding siya sa sanga ng mataas na puno at tumuntong doon na malapit sa kapatid. Humiga siya sa sanga. "So, Kuya, when I went to death-sleep. What happened here in the human world?"

"Nothing interesting. Ganun pa rin. Kung hindi lang sa kakayahan ni Kuya Roland na burahin ang memories ng mga taong nakakakilala sa atin ay matagal na tayong pinagpiyestahan ng mga mortal," he answered.

"That's our advantages. But the truth, living for a thousand years, sometimes mas pipiliin ko pang tumira sa Havilland. But I hate there, wala kang makikitang ibang senaryo."

"That's true —"

"You two! Come down already and let's go home," tawag ng boses ni Arlan sa kanilang dalawa.

Sabay silang tumalon ni Arlon. Nagkarera sila sa pag-uwi sa mansion na nakalokasyon sa itoktok ng isla.

Sabay silang tatlo na nakarating sa mansion. Pumunta sila sa sarili nilang kuwarto para gawin ang gusto nilang gawin.

They don't have to sleep but still, they lie down on the bed and pretend to sleep until the sun rises in the east.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status