Ang malaking kastilyo ng mga Madrid sa Havilland ay ngayon ay napapalamutin ng mga bulaklak na tinatawag nilang vermilion flower. Ang mga utusan ay abala sa pag-aasista ng iba pang mga bisita at pag-aayos ng mga gamit sa labas at loob ng malawak na bulwagan. Habang ang mga bisita ay nagkumpol-kumpol at nag-uusap ukol sa kasal ng nag-iisang babaeng anak ng kanilang pinunong si Lukas at ang reyna na si Maxine. Ang dalawang mag-asawa ay kahapon pa gumising sa kanilang mahimbing na pagtulog upang basbasan at saksihan ang kasal ng kanilang anak.Ang priestess na siyang magkakasal kay Selena at ai Elmhurst ay wala ring iba kundi si Maxine. Dahil siya lamang ang nag-iisang naiwan na elves mula sa kanyang angkan. Ang kanyang ina na si Daeia ang dating may mataas na katungkulan bilang priestess ng Havilland. Ngunit nang ito'y pumanaw at piniling maging hangin ng Havilland para bantayan ang nasabing lugar ay akala nila'y naputol na ang angkan nito. Pero dumating si Maxine noon na siyang nag-iis
Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay unti-unting nagmulat ng kaniyang mata ang isang babae. Ang malamig at pulang mata niya na kahit madilim ang paligid ay nakikita niya ay tumutok sa takip ng kabaong na hindi pa tuluyang naalis. Dahil sa incantation na binigkas ng kaniyang inang si Maxine isang libong nakakaraan na. Kapag sa araw na lalaya siya sa kaniyang parusa ay kusa siyang magigising. At ang takip ng kabaong na siyang naging kulungan niya ay kusa ring bubukas.Habang hinihintay na bumukas ang kabaong ay kumurap siya ng ilang beses. Nagbago ang pulang kulay ng kaniyang mata sa golden brown at ang pangil niya ay animo isang ilusyon na nag-retract. At nang tuluyang bumukas ang kabaong ay bumangon siya at naupo. The lamp inside the room was dim but it was still enough to illuminate the entire room.Ang manipis at pulang labi niya ay unti-unting gumalaw at may isang malamig pero inosenteng ngiti na gumuhit sa kaniyang labi. Ang mahabang daliri niya ay ginamit niyang panuklay sa kaniy
Pinakawalan ni Elmhurst ang palaso na sumemplang na hindi man lang tumama sa target niya. Nasa archery range sila na pinasadyang libangan ng mga estyudante ng ATI School of Elites. Ito ang unang taon nila ng kaibigan niyang si Reese sa ATI. Hindi sempli ang paraan ng pagpasok niya sa eskwelahan na 'to dahil mahigpit ang seguridad ng isla na pag-aari ng Madrid Empire. Kailangan mo pa ng identity card para makapasok ka at may access ka sa lahat ng facilities ng buong Isla. Ginagamit mo rin ang identity card para buksan ang sarili mong kuwarto sa dorm. Isa pa doon ay may tatlong klase ang identity card. May pula, puti, at itim. Ang pula ay para sa mga average grade, ang puti ay para sa mid-average, at ang itim ay para sa mga estyudante na high ranks or higit pa. Ang identity card na meron siya ay ang itim at ang kaibigan naman niya ay ang puti.Ganun din ang dormitory ng university, ang nasa westside ay para sa may itim na identity card, ang pula naman ay sa may east side at ang puti ay
The room is filled with murmurs and chatterings when Selene reach her designated room. This room is located at the fourth floor of the six story of Dahlia building. Nakatayo lamang siya sa labas ng room at indifferent na nakatingin sa kaniyang magiging classmates. Hindi siya kumilos para pumasok at basta lang siya nakatayo doon. Nasa ganoon siyang posisyon nang may bumangga sa likod niya. She didn't expected this, kaya naitulak siya papasok. Natahimik ang lahat ng estyudanting kanina pa maingay at namimilog ang matang nakatingin sa kanya."I'm sorry!" apologetic na saad ng nakabangga sa kanya kaya nilingon niya ito.Nagulat ang lalaki nang matitigan siya, umawang ang bibig nito. Nag-iwas na siya ng tingin at naglakad hanggang sa likod ng apat na sulok ng room. Napasunod ang tingin ni Elmhurst sa babae na hindi man lang nag-iba ang ekspresyon ng mukha.Umupo si Selena at inilibot ang tingin sa tahimik na classmates niya. Ang iba ay nakanganga sa kanya lalo na ang mga lalaki. Ang mga ba
Hatinggabi na ngunit hindi pa rin makatulog si Elmhurst. Nakatingin lamang siya sa kesame ng dorm niya at nilalaro sa kamay ang itim na identity card. Nakasulat din doon ang buong pangalan niya. Lahat kasi ng identity card na meron ang estudyante at professors ay may pangalan sa bawat card nila. Katulad din iyon ng ATM card. Mas maganda daw kase ito kaysa sa I.D. Sa totoo lang, noong nakaraang dalawang buwan lang niya nakuha ang itim na identity card pagkatapos ng prelims at makakuha siya ng gradong A-plus. Noong bagong pasok pa lamang siya ay ang puting card ang ginagamit niya. Pero dahil sa ama niyang akala mo ay perpektong tao, pinilit niyang makakuha ng ganung kataas na grado.Sa unang araw niya sa Alta Tiero ay nahirapan siyang maka-adapt sa malamig na klema at malayo sa sibilisasyon. Kahit pa maraming gadgets ang pwede mong libangan ay iba pa rin sa syudad. Ang Alta Tiero Island ay nakalocate sa malayong gitna ng dagat. Isang barko ang naglalayag papunta sa isla na kung wala ang
Nang bumaba si Selene at pumunta sa kusina ay naabutan niya si Rolphf doon na may hawak na kopita at nagbabasa ng dokyumento. Naupo siya sa katapat nito at nangalumbaba. Pinagmasdan niya ang seryosong mukha nito.Maayos ang itim na itim na buhok nito na natural na makinis at kahit hindi magsuklay ay hindi man lang nagugulo. Masyadong maarte ang Kuya niya pagdating sa sarili kaya hindi nito hinahayaang magulo ang buhok at damit nito."Don't just look at me and tell me what you want," hindi nag-aangat ng mukhang saad nito.Umayos siya ng upo. "Kuya, gusto kong doon sa west dorm tumira. Pwede ba akong kumuha ng black identity card?"Napa-angat ito ng mukha at matiim siyang tinignan. "Don't you want to stay here?""It's not that, Kuya. Ayaw ko lang na malaman ng iba na isa akong Madrid. I don't want them to approach me because of that. Isa pa, marami kayong admirer baka gawin pa nila akong messenger—""Selena—""Ah?" Itinaas niya ang kamay. "I want to be an ordinary student," she quickly
Pagkatapos ng klase nila ng araw na 'yun ay hinila ni Miles si Elmhurst at sumunod sila kay Selena na tahimik lamang at hindi sila sinaway. Nagulat siya ng huminto ito sa harap ng west building at nilingon silang dalawa. Ang mga mata nito na animo tagos hanggang sa buto ay bahagyang tumutok sa kaniya bago nito kaswal na binawi iyon.Tumikhim siya nang dumako ang mata nito sa kanya. Bakit ba pakiramdam niya ay kaya nitong basahin lahat ng nasa isip niya at nakikita nito pati ang buto niya sa katawan? At parang gusto niyang panindigan ng balahibo sapagkat parang sa mata nito ay isa siyang delicacies na gusto nitong kainin.Selena's lips twitch before continuing to walk and enter the dorm's lobby."I have to tidy up my room first before we go. Just give me half an hour. Hintayin mo muna ako rito o kaya ay sa room ni Elmhurst," sabi nito kay Miles habang naglalakad ito palayo.Ngumuso ang huli na halatang nadismaya na hindi ito isinama ni Selena. "Hindi ba ako pwedeng sumama sa'yo sa magi
Napasunod ang mata ng dalawa sa dalaga na hindi na sila hinintay para sabay silang pumasok. At kahit na walang pagmamadali sa mga kilos nito at nag-iisa lang ito ay parang wala itong pakialam. It was as if she's already used to being alone. Watching her receding back was still radiant and not lonely at all."That sign! So strange," Miles commented. Animo napapa-isip pa ito ng malalim."That? Huwag mo nang bigyan pansin at pumasok na tayo sa loob," saad ni Elmhurst at nagpatiunang naglakad papasok. Pero agarang huminto siya at mabilis na nilinga ito nang marinig ang sumunod na lumabas sa bibig ng kaibigan."I'm going to cook dinner for tonight—""Don't think about it! Walang kakain sa mga lulutuin mo," mabilis na putol niya rito. Bakas pa ang labis na pagtutol sa kaniyang mukha. Natikman na niya minsan ang luto ni Miles at halos dalawang araw na masama ang kaniyang tiyan.She pouted. Hindi maikakaila ang disappointment sa mukha nito. "I want to cook food and invite Selena to eat with u