Home / Fantasy / The Sleeping Vampire Princess Series #1 / Chapter 5. Black identity card

Share

Chapter 5. Black identity card

Author: Ced Emil
last update Last Updated: 2023-10-01 08:44:02

Nang bumaba si Selene at pumunta sa kusina ay naabutan niya si Rolphf doon na may hawak na kopita at nagbabasa ng dokyumento. Naupo siya sa katapat nito at nangalumbaba. Pinagmasdan niya ang seryosong mukha nito.

Maayos ang itim na itim na buhok nito na natural na makinis at kahit hindi magsuklay ay hindi man lang nagugulo. Masyadong maarte ang Kuya niya pagdating sa sarili kaya hindi nito hinahayaang magulo ang buhok at damit nito.

"Don't just look at me and tell me what you want," hindi nag-aangat ng mukhang saad nito.

Umayos siya ng upo. "Kuya, gusto kong doon sa west dorm tumira. Pwede ba akong kumuha ng black identity card?"

Napa-angat ito ng mukha at matiim siyang tinignan. "Don't you want to stay here?"

"It's not that, Kuya. Ayaw ko lang na malaman ng iba na isa akong Madrid. I don't want them to approach me because of that. Isa pa, marami kayong admirer baka gawin pa nila akong messenger—"

"Selena—"

"Ah?" Itinaas niya ang kamay. "I want to be an ordinary student," she quickly interrupted.

"Ordinary? Are you sure? Akala mo ba hindi ko alam na gumawa ka ng kalokohan kahapon. What if manggulo ka na naman sa dormitory at takutin mo ang mga estudyante roon," singit ni Ralphf na pumasok ng kusina.

"I won't. Nangako ako sa inyo na hindi ko gagawin ang ginawa ko sa Tibara," nakikiuusap ang tonong wika niya.

"Alright! Pumunta ka sa registrar sa 6th floor ng Dahlia building. Tawagan ko na lang si Miss Nessy para bigyan ka niya. Ano bang apelyido ang gagamitin mo?" tanong ni Ralphf.

"Pwede ko bang gamitin ang apelyido ni Tito Diego?" umaasang bigkas niya.

"I'll call Tita Moira. Or maybe, Arjoe. Nasa Spain sila, they migrated there after you went to death sleep," ani Rolphf.

"Thank you, Kuya!" Tumayo siya at pinagsalikop ang kamay at bahagyang yumukod.

Blangko ang mukha na hinagilap ni Rolphf ang smartphone nito na nasa tabi ng kopita at tinawagan si Diego. Ilang minuto muna nitong kinausap ang nasa kabilang linya bago ibinaba ang cellphone at tumingin sa kanya. "Hmm! Tito said you can't use it," flat na saad nito.

"But—"

Rolphf shot her a sharp glance as a warning so she immediately pursed her lips. "I understand, Kuya. Papasok na po ako," paalam niya. Pinagsalikop niya ang kamay at yumukod bago laglag ang balikat na lumabas ng bahay. Nasa labas na ang apat na kuya niya at hinihintay siya.

"Hindi ako sasabay sa inyo. Mauna muna ako—" Lalampasan sana niya ang apat subalit mariing hinila ni Arlan ang braso niya.

"What are you planning?" He asked firmly.

She sighed. "I want to stay at the dorm. Ayokong palagi kong nasisilayan ang mukha ninyo ni Kuya Rolphf. It gives me chills every time you look at me. Mas natatakot pa ako sa inyo kaysa kay papa na palaging nereregla."

Nandilim ang mukha nito at matalim siyang tinignan. "Shameless!"

"What? Just by mentioning that 'nereregla' I'm already shameless? Normal naman 'yan—" With just a blink of an eye, she's already a meter away from him. Kung hindi mabilis ang reflexes niya ay tinamaan na siya ng pinakawalan ng kamay nitong blue flames. That's his ability, kung natamaan ka 'nun sa leeg mo ay panigurado, humiwalay na ang ulo mo sa katawan mo. Arlan called it Vindya Runya.

"That's enough! Are you going to kill each other?" saway ni Arlon sa kanilang dalawa.

"I'm going down first, don't follow me," saad niya at nawala na sa paningin ng mga kapatid.

Wala rin naman siya sa mood na makipagbasagan ng mukha sa kapatid lalo pa at hindi natupad ang gusto niya.

Saka lang siya naglakad ng normal nang nasa may pathway na siya malapit sa campus. Walang pagmamadali sa paglalakad niya, hindi pa naman siya excited na kumuha ng identity card. Pwede pa naman niyang kunin ang card mamayang hapon. Pinili niyang manatili muna sa dorm ng isla para malaya siyang gumalaw kahit ilang araw lang. Kung sa mansion kasi siya titira ay pepestehen lang siya ng magagaling na kapatid niya.

Habang naglalakad, hinayaan niyang tangayin ng morning breeze ang itim na buhok niya. Iba pa rin ang klema ng Havilland dito sa Alta Tiero.

Nahinto siya sa pagkukumpara sa klema ng dalawang lugar nang makarinig siya ng mahinang yapak sa may kabilang pathway. Ikiniling niya ang ulo upang tignan si Miles na agad ngumiti at kumaway sa kanya. Gusto sana niyang umiwas at huwag itong pansinin subalit tumakbo na ito palapit sa kaniya.

"Good morning, Selena!"

Tinanguan niya ito. "Good morning."

"Eh! Saang dorm ka pala nakatira? Para naman mapuntahan kita?" animo close na close sila na tanong nito.

Bahagyang kumibot ang labi niya bago sumagot. "West dorm."

"Really?" she exclaimed. "I also want to live in the west dorm but my grades are always low." Bumuntong hininga ito.

"Well…" Ito lang ang lumabas sa bibig niya. "It's not hard to achieve what you want if you try your best."

She pouted and said, "I'm trying my best naman pero 'pag gusto kong mag-concentrate ay biglang lumilipad ang utak ko kay Arlan."

Huminto siya bigla at sa halip na mag-excuse para maiwasan niya ito ay tinanong niya ito, "do you like him?"

Nilinga siya nito. "You know him?" Napakamot ito sa batok. "'Yun nga lang hindi ko masabi kung sino sa kanila si Arlon at Arlan."

She amusedly said, "you told me you like Arlan. If you can't tell who is whom, how can you say you like him?"

"Magkamukha naman silang dalawa kaya pwede na rin." Humagikgik ito.

She shook her head. 'Human!'

"Oh right! I'll accompany you to get your identity card," alok nito

Umiling siya at agad na tumanggi. Kung gusto niyang umiwas sa dalagita ay kailangan na niyang maglagay ng pader sa pagitan nila. Kahit halatang gusto nitong maging kaibigan siya ay hindi niya mapapayagan ito.

"Ayaw mo talagang samahan kita?" pangungulit nito at akmang hahawakan siya pero pasimpleng umiwas siya.

"Mamaya ko pa sana kukunin," dahilan niya kaya napanguso ito.

"Bakit mamaya pa? Samahan kita," giit nito kaya napipilitang tumango siya.

Thirty minutes pa naman ang bell kaya pumunta na sila sa faculty ng Dahlia building sa may last floor. Pinili nilang dalawa na sa elevator sila sumakay para mas madali silang makarating sa faculty.

Nang kumatok si Miles sa pinto at pumasok ay sumunod siya. "Good morning po, ma'am," sabay na bati nila nang huminto sila sa mesa ng isang babae na nakaharap sa monitor ng computer.

Nag-angat ng mukha ang professor. "Good morning!" Huminto ang mata nito sa kanya. "Miss Mad—"

"Selena po, Miss Nessy," she interrupted and simply glanced at Miles.

"Oh!!" Mukhang naiintindihan naman nito. Kinuha nito ang black card sa drawer at iniabot sa kaniya. Bago pa makita ni Miles ang pangalan niya ay naitago na niya sa bag ang card.

"Thank you!"

Ngumiti ito at tumango. Nagpaalam na sila ni Miles at sumakay uli sa elevator.

"Ano nga pala last name mo?" Miles asked.

Tinignan niya ito. "Kung sasabihin ko sa'yo, nangangako ka ba na huwag mong ikakalat?"

"Eh!! Bakit ko naman ikakalat?" nagtatakang tanong nito.

She said jokingly. "My surname is priceless."

Mahina itong tumawa bago itinaas ang kaliwang kamay. "Pangako!"

"Madrid," tinignan niya ang reaksyon nito.

"Huh—" clueless na sambit nito.

"My surname is Madrid," ulit niya.

Miles's jaw dropped and her eyes widened in bewilderment.

"Come on," yakag niya rito at lumabas ng elevator.

Hindi pa rin nawawala ang gulat sa mukhang sumunod si Miles sa dalaga.

Inaantok man ay pinilit pa ring pumasok si Elmhurst. Hindi kasi siya pwedeng lumiban sa klase dahil ayaw niyang masira ang records niya. Simula ng tumaas ang grado niya at makalipat sa west building ay tinuring na siyang isa sa role model ng block nila. May mga dati kasing nakatira sa west building ngunit biglang nailipat sa pula o puting building dahil sa pagbaba ng grado nila.

Nang maupo siya sa bakanteng silya ay nakangising tinignan siya ni Jones.

"Man, how many rounds did you do it last night? Bakit ang itim ng palibot ng mata mo? Nagmukha kang panda."

Pabirong binigwasan niya ito. "Sino naman ang kasama ko? I'm single."

"Eh? Hindi mo ba girlfriend si Miles?" takang usisa nito.

He laughed. "Nope! We're friends"

"I thought—" Jones touched his nose.

"Si Arlan ang gusto 'nun," kibit balikat na wika niya.

"Ah!! Every girl admires and likes the Madrid brothers. I'm just wondering if meron ba silang kapatid na babae," wika nito.

He rub his eyes and yawn. "Walang napabalitaang may kapatid silang babae. Kung meron man siguro nasa ibang bansa." Sumobsob siya sa mesa niya.

Jone pokes his cheeks. "Elm, huwag kang matulog dito. Pag-usapan natin si Selena. Geez!! Everywhere, they are talking about her. Especially her eyes. Man, she's very beautiful like a jade."

Ikiniling niya ang ulo para tignan ito.

"Do you also like her like them?" tanong nito.

Mahina siyang tumawa. "Ako? Nagpapatawa ka ba?"

Tinaasan siya nito ng kilay. "Hindi nga ba?"

"No… I'm not…"

Tumaas lang ang sulok ng bibig nito bago tumingin sa may pinto.

Pumasok doon si Selena at nakasunod naman si Miles na kinukulit ito.

"Seriously, you're not bluffing?" pangungulit ng huli.

Tumaas ang kilay niya, paano naging magkaibigan ang dalawa gayong kahapon lang sila nagkakilala?

"Dummy, kung totoo ang sinabi ko. Titira ba ako sa west dorm?"

Narinig nilang sabi nito at naupo sa isang silya.

"Akala ko talaga—" The excitement in Miles face quickly change into disappointment.

"Hmm! Let's try visit—"

Hindi niya narinig ang huling katagang sinabi nito dahil bumuka lang ang bibig nito at may ibinulong kay Miles.

"Hindi ba bawal 'yun?" nag-aalalang tanong ni Miles.

"Of course not! Wala naman silang sinabi na bawal ang pumunta 'run. Trust me, if something happens. Hindi ko hahayaang maparusahan ka," assurance nito.

Bumalik na ang excitement sa mukha ni Miles bago tumango.

'Ano ba ang pinag-uusapan ng dalawang ito?'

Parang narinig ng dalaga ang katanungan sa isip niya kaya luminga ito sa kanya at bahagyang tumango.

He didn't expected this so he was dumbfounded. Ang unang impresyon niya sa dalaga ay snub ito ngunit mukhang nagkamali siya.

"Elmhurst!!" ang lapad ng ngiting tawag ni Miles sa kanya pagkatapos makontento sa kung ano mang pinag-uusapan nila. Naupo ito sa silyang nasa pagitan ng dalawang silyang inuupuan nila ng una.

"You really have thick skin!" he whispered.

She just pouted. "Bawal bang makipagkaibigan kay Selena. Hindi naman 'di ba?" Sinulyapan nito ang huli na nasa labas na naman nakatutok ang tingin.

Mahinang pinitik niya ang noo nito. "Behave! She's a newbie here. Baka matakot siya sa kadaldalan mo at biglang lumayas."

"She won't," siguradong saad nito.

"Miles—" mahinang saway niya rito.

Sumimangot ito at umaktong nag-zipper ng kaniyang bibig.

Napailing siya, sa kakulitan nito siguradong magsisisi ang huli na tinanggap nitong kaibigan ang una.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Sleeping Vampire Princess Series #1   Epilogue

    Ang malaking kastilyo ng mga Madrid sa Havilland ay ngayon ay napapalamutin ng mga bulaklak na tinatawag nilang vermilion flower. Ang mga utusan ay abala sa pag-aasista ng iba pang mga bisita at pag-aayos ng mga gamit sa labas at loob ng malawak na bulwagan. Habang ang mga bisita ay nagkumpol-kumpol at nag-uusap ukol sa kasal ng nag-iisang babaeng anak ng kanilang pinunong si Lukas at ang reyna na si Maxine. Ang dalawang mag-asawa ay kahapon pa gumising sa kanilang mahimbing na pagtulog upang basbasan at saksihan ang kasal ng kanilang anak.Ang priestess na siyang magkakasal kay Selena at ai Elmhurst ay wala ring iba kundi si Maxine. Dahil siya lamang ang nag-iisang naiwan na elves mula sa kanyang angkan. Ang kanyang ina na si Daeia ang dating may mataas na katungkulan bilang priestess ng Havilland. Ngunit nang ito'y pumanaw at piniling maging hangin ng Havilland para bantayan ang nasabing lugar ay akala nila'y naputol na ang angkan nito. Pero dumating si Maxine noon na siyang nag-iis

  • The Sleeping Vampire Princess Series #1   Chapter 78

    Pagkalapag ng aircraft sa helipad ng gusali sa Alta Tiero ay agad na bumaba silang lahat. Pagtapak pa lamang ni Selena ng kanyang paa sa sahig ay mahigpit na hinawakan ni Elmhurst ang kamay niya. Pagkatapos ay mqlakas siyang hinila at iniwan na ang mga kapatid niya sa rooftop.Natatawang napasunod siya sa binata. Nabibirong tinanong pa niya ito kung bakit ito nagmamadali.“I'm going to punish you for scaring me,” ang sagot nito.Humagikgik siya sa sinabi nito bago pilyang bumulong, “what kind of punishment?”Wala siyang narinig na sagot mula sa binata at mas bumilis na ang takbo nila noong nasa may mountain range na sila at wala ng taong nakakakita sa kanila. Ang tinahak nilang daan ay ang papunta sa kweba.Ang ginawa pa nito ay bigla siya nitong binuhat at pinasakay sa likod nito para mag-piggy back ride siya rito. Hindi sa cliff sila humantong kundi sa ibaba ‘nun. At nang sapitin nila ito ay para itong unggoy na umakyat papunta sa kweba.Pagkarating nila sa bungad ng kweba ay binaba

  • The Sleeping Vampire Princess Series #1   Chapter 77

    Sa bahaging tunaw na tunaw ang ice ang lumusong si Elmhurst. Kahit na hindi tuluyang bumalik ang buong lakas niya ay kailangan niyang gawin ito para makita ang dalaga. Agad siyang lumangoy para hanapin ang kanyang kasintahan. Ngayong tapos ang gulo at hindi na nakokontrol ni Fenrir si Selena ay nararamdaman na niya ito sa koneksyon nilang dalawa. Pero napakahina nito tanda na hindi maayos ang kalagayan ng dalaga. Dahil sa totoo lang kanina ay labis siyang natakot nang hindi niya ito maramdaman. Iba yung takot ang naramdaman niya kanina kaysa noong nag-away silang dalawa at naputol ang kanilang koneksyon. Mas palagay ang loob niya dahil alam niyang buhay pa rin ito at nakatanaw sa kanya sa malayo. Binabantayan at kung sakaling may mangyari sa kanya ay agad itong susulpot. Ibang sitwasyon kasi ang meron sa kanila ngayon. Mula nang sinabi nito na kayang isakripisyo ng dalaga ang buhay nito para sa kanila ay hindi na siya mapakali. Hindi siya mapalagay sapagkat anumang oras ay bigla iton

  • The Sleeping Vampire Princess Series #1   Chapter 76

    “Where is Selena?” ang malakas na tanong niya kay Clark matapos na dispatsahin ang kalaban niya. Hindi niya napansin ang pag-alis nito kanina. Abala siya sa pakikipag-away at akala niya ay nasa malapit lamang ito. Pero nang paglinga niya ay wala na ang dalaga sa pwesto nito kanina.At habang nakikipaglaban siya ay hinahanap din ito ng kanyang mata. Ginagamit din niya ang koneksyon nila pero hindi niya ito maramdaman. Na parang pinutol iyon ng dalaga upang hindi niya ito masundan.Malakas na sinuntok niya ang isang sumugod sa kanya at pagkatapos ay kinagat ito sa leeg. Ang sumunod naman na ginawa niya ay inihambalos niya ito sa lupa bago tinapakan ang ulo nito. His reamins splattered at the ground. Pati na rin ang suot niyang combat shoes ay may dugo na rin.“Hindi ko siya napansin,” ang tugon ni Clark at tumanaw sa pinto ng gusali.Mukhang nagkaintindihan silang dalawa dahil sabay silang tumakbo papasok sa loob. Nakita nila ang pana ni Selena na nakalapag lamang sa sahig. Agad niya pi

  • The Sleeping Vampire Princess Series #1   Chapter 75

    “Fvck!!” malutong na mura ni Selena nang marinig sa link nila ang sinabi ng kanyang kapatid na si Roland. Habang naghihintay sila ng balita sa kanilang kapatid ay biglang narinig nila ang tinig nito sa kanilang koneksyon. At kumulo yata ang dugo niya sa sinabi nito.Parehong nahuli ang dalawa nang makapasok sila sa entrance ng palasyo ni Fenrir. Si Halen na mismong anak niya ay kasama ng kanilang kapatid sa iisang selda na nasa may underground. It was all made from silver. At nanghihina na raw si Halen. Habang si Roland ay palihim na ininom ang dugong tinago niya sa mismong katawan niya. Pero kahit bumalik ang lakas nito ay hindi naman nito magawang iwan si Halen sa loob. She's her thiramin after all.Wala pang sinabi ang kapatid nila kung anong gagawin sa kanila ng tauhan ni Fenrir pero ang sabi nito ay hintayin nila sandali na makita nito ng personal ang nasabing lalaki. Dahil simula nang mahuli at ikulong sila ay wala pang pumunta sa kanilang kulungan para magpakilalang si Fenrir.

  • The Sleeping Vampire Princess Series #1   Chapter 74

    Habang lumilipad ang aircraft sa himpapawid ay nakatanaw si Selena sa labas ng bintana. Medyo maulap ang panahon at animo nagbabantang may malakas na bagyong paparating. Ngunit sa kanila ay ganitongg klema ay mas gusto nila noon pa man. Subalit ngayon na hindi na sila matatakot sa sikat ng araw ay parang nakakasira sa magandang view kung nandito ka sa mataas na altitude.Ngunit hindi ang magandang view ang nasa isip niya sa oras na ito kundi ang pupuntahan nilang magkakapatid. At sa tuwina ay sinusulyapan niya ang mga ito. They wore a black overall camouflage and combat boots. They were all expressionless. Hindi man lang kinakabahan na ang pupuntahan nila ay ang hideout ni Fenrir. Dahil sa kanila ay mga mahihinang bampira lamang ang kanilang grupo. At sino ba ang mga kapatid niya? Sila ang mga elite warriors ng kanilang kaharian.Na kahit ang council ay agad na matatakot kapag sila na ang binabanggit sa usapan. Ngunit noong nanatili na sila rito sa mundo ng mga mortal ay maraming nagb

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status