Share

Chapter 3. Naughty Selena!

The room is filled with murmurs and chatterings when Selene reach her designated room. This room is located at the fourth floor of the six story of Dahlia building. Nakatayo lamang siya sa labas ng room at indifferent na nakatingin sa kaniyang magiging classmates. Hindi siya kumilos para pumasok at basta lang siya nakatayo doon. Nasa ganoon siyang posisyon nang may bumangga sa likod niya. She didn't expected this, kaya naitulak siya papasok. Natahimik ang lahat ng estyudanting kanina pa maingay at namimilog ang matang nakatingin sa kanya.

"I'm sorry!" apologetic na saad ng nakabangga sa kanya kaya nilingon niya ito.

Nagulat ang lalaki nang matitigan siya, umawang ang bibig nito. Nag-iwas na siya ng tingin at naglakad hanggang sa likod ng apat na sulok ng room. Napasunod ang tingin ni Elmhurst sa babae na hindi man lang nag-iba ang ekspresyon ng mukha.

Umupo si Selena at inilibot ang tingin sa tahimik na classmates niya. Ang iba ay nakanganga sa kanya lalo na ang mga lalaki. Ang mga babae naman ay may inggit na nakaukit sa kanilang mga mukha. Saan ka ba naman nakakita ng katulad niya na nasa perpekto lahat, ang mukha, ang katawan. Para siyang babasaging kristal na kailangang ingatan na huwag mahulog dahil baka mabasag.

Parang nahihipnotismong hindi maalis ang tingin ni Elmhurst sa babae na tumingin na sa labas ng bintana. He was shock to see her here, especially when their eyes met. Ang mas nakaagaw kase ng tingin niya ang golden brown na kulay ng mata nito. Kahit pa saglit lang ang pagsalubong ng mata nila ay pakiramdam niya tumagos 'yun sa katawan at kaluluwa niya katulad kahapon noong nasa archery hall sila.

Kumilos si Selena and for the second time, their eyes met. Saka lang din siya natauhan nang umarko ang gilid ng labi nito. Mabilis na naghanap siya ng mauupuan sa likod, ang nakita niya ay isang bakante na malapit sa pwesto ni Selene. Ngunit bago siya makarating sa upuan niya ay hinawakan ni Miles ang kamay niya.

"Can I borrow your history notes later. Naiwala ko kase ang sa'kin," pakiusap nito.

"Sure, mamayang hapon ko na lang ibibigay sayo. Hindi ko kasi dinala," tugon niya.

"Thank you," sabi nito

Ngumiti siya rito bago pumunta sa upuan niya. His eyes shot again to the girl, para kasing may humihila sa kanya na titigan uli ito.

On the other hand, hindi na naitago ni Selena ang pagkayamot at nilingon si Elmhurst na nahuli niyang nakatingin uli sa kanya.

'Did you look enough?' tanong niya dito. Bulong lang ang ginawa niya ngunit umabot 'yun sa pandinig nito.

He looked so frightened and anxiously straightened his back. His head turns left and right to look if someone is standing at his back.

'Afraid?' bulong uli niya sa taynga nito.

Mas lalong hindi ito mapakali at pinagpapawisan ang noo at sentido ni Elmhurst. Fvck!! He don't believe in ghost but right now? Sa mga bulong sa taynga niya ay tumatayo ang balahibo niya sa batok.

Selene pursed her lips, she also stopped making fun of him. Ang isa sa ability niya ay kahit malayo siya sa isang nilalang kung gusto niya itong pagkatuwaan ay kinakausap niya ito sa hangin at umaabot 'yun sa pandinig nila.

Natahimik lang ang buong klase ng pumasok doon ang prof nila. She walked with finesse and grace that every man would catch attention.

"Good morning," bati nito na ginantihan nila. "Last time we had discuss—" Huminto ito nang mapatingin ito sa gawi ni Selena. "Oh!! I forgot, na-mention pala sa'kin ni Sir Jack na may bagong estudyante ako ngayon. Miss, will you introduce yourself to everyone?" nakingiting sabi nito.

Tumikhim siya bago tumayo. "Hello, I'm Selena," tipid na pakilala niya sa sarili at naupo ulit. Hindi niya pinansin ang iba na naghihintay na dugtungan ang sinabi niya.

Mukhang naintindihan naman ng prof nila na ayaw na niyang magsalita dahil ngumiti na ito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Miss Selena, you came at the middle of this school year so you must catch up with the lesson."

Tumango siya bilang sagot. Nagpatuloy na ito sa discussion. Itinukod niya ang siko sa mesa niya at ipinatong ang baba habang nakatingin sa prof nila na nagsusulat sa pisara. Nagsisimula na rin siyang mawalan ng gana at mabagot na makinig kaya nilinga niya si Elmhurst na pasulyap-sulyap sa gawi niya. Katulad rin niya ito na hindi nakikinig sa discussion. Hmm!!! Maybe she'll give them a nice show. Nakikita niya kasi na may inaantok ang iba sa kanila.

Bumalik ang tingin niya sa harap at tinignan uli ang nakatalikod na babae.

'Hai!' bulong niya. Sinadya niyang takpan ang bibig para walang makapansin lalo na si Elmhurst na palaging sumusulyap sa kanya.

The teacher jump in fright. Nagpalingalinga ito bago salubong ang kilay na humarap sa kanila.

"Did someone whispered?" tanong nito. Umiling ang lahat ng kaklase niya.

'No one in this room whispered. I'm just right behind you,' she whispered creepily.

Nanlaki ang mata nito, she looks so terrified. "Stop fooling around, kids!" she said angrily.

Napayuko siya ng ulo at pinigilang tumawa ng malakas. Geez!! Her face is so funny. Namumutla din ito at hindi mapakali sa harap. Inilibot pa nito ang mata sa lahat na nagtatakang nakatingin dito.

'They're not!'

Ibinagsak nito ang kamay sa mesa, she look at them furiously.

'Don't you know that in this world, maraming nilalang ang nabubuhay dito. Do you believe in ghost?'

"Quit playing games!!!" Lumakas na ang boses nito.

"Prof, may problema po ba?"

Nilingon niya si Elmhurst na nag-aalalang tinanong ang prof nila.

The woman shook her head.

'What about this? I will show you my face.'

Nanginginig na mabilis na inayos nito ang gamit at walang paalam na lumabas ng room. The students murmured. They look all confused and clueless of what was just happened.

Lumipas ang oras na hindi na bumalik ang prof nila hanggang sa mag-break. Sa kaloob looban niya ay tumatawa siya, she find this very funny. Maybe she'll do this as her hobby when she feels bored.

Hindi siya kumikilos at nakaupo lang siya doon at walang balak na lumabas. Wala din naman siyang gagawin sa labas.

Nangalumbaba siya at ipinaling ang mukha sa gawi ni Elmhurst na nakatingin din sa kanya. Pinag-aralan niya ito. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Bumagay din ang suot nitong blue-shirt, maong jeans at rubber shose na itim. Sa mukha naman, nasa tamang posisyon lahat, his expressive brown eyes, thick eyebrows, pointed nose, red thin lips, maputi rin ito, a very attractive teen of his age. Kung magma-mature pa ito ay mas lalong lalabas ang angking kagwapuhan nito. And with his physique, every woman will swoop in his feet.

Her brows furrowed. Bakit ba niya pinag-aaralan ang batang 'to. Ipinaling na niya ang mukha at sumobsob sa mga braso niya.

Sa panghapon na klase nila, dinala ni Elmhurst ang notes niya na hinihiram ni Miles. Nang pumasok siya at makitang wala pa si Miles ay tumutok agad ang mata niya sa babaeng tahimik na nakaupo sa pwesto nito kaninang umaga. Para itong nakakulong sa sarili nitong mundo dahil hindi man lang ito nagre-react sa mga papuri ng mga classmates nila. Halata rin sa iba na gusto nilang makipagkaibigan sa dalagita.

Huminga siya ng malalim at nilakasan ang loob na maupo sa katabing upuan nito.

"Hey!" bati niya.

Nilinga siya nito. "Hey!" Mahinang ganti ni Selena. Ito ang unang naglakas loob na lumapit sa kaniya sa araw na ito. Halata kasi iyon kaninang umaga.

"I'm Elmhurst."

"Selene." The corner of her mouth hooked up.

He was dumbfounded. Nagningning kase ang mata niya ng ngumiti ito. Ngayon din niya napagtuunan ng pansin ang boses nito, very alluring and melodious na parang gustong-gusto mong pakinggan.

"Um… you're really good at archery." saad niya at napakamot sa likod ng taynga.

She just hummed.

He cleared his throat, hindi na kase niya alam kung ano na ang susunod na sasabihin niya. Tahimik din ito at hindi na umiimik. Mukhang wala na kase itong balak na kausapin siya. Baka hindi siya nito natatandaan pagkatapos ng encounter nila sa archery hall.

"Elm!" tawag ni Miles sa kanya na pumasok at lumapit sa gawi niya. Dumako agad ang tingin niya rito.

Ngumiti siya at kinalkal agad ang bag. Kinuha niya ang notes at binigay dito. Makahulugang tinignan siya nito bago mapunta ang tingin kay Selene na nakatingin rin kay Miles. "Here, ingatan mo 'yan. Kung hindi ay ikaw ang gagawin kong notes at lapis," pabirong banta niya.

She rolled her eyes bago napatingin kay Selene na nakatanaw uli sa bintana at walang pakialam sa pinag-uusapan nila.

"Hello, ako nga pala si Miles. Kaibigan ko itong kulukoy na 'to" pakilala ni Miles sa sarili at naglahad ng kamay nag sa wakas ay tumingin uli sa kanila ang dalaga.

Napakurap si Selena bago tinignan ang kamay ni Miles na nakalahad. Wala sana siyang balak tanggapin ang kamay nito but she find it rude kung hindi niya gagawin. Kinalma muna niya ang sarili at inabot ang kamay nito bago mabilis din na binawi bago pa ito may mapansin na kakaiba sa kanya.

Kumunot ang noo ni Miles. "Are you okay? Ang lamig kasi ng palad mo."

"Yeah!" tipid na tugon niya at tumingin uli sa labas ng bintana.

"Ang ganda naman ng pangalan mo." wika ni Miles.

Bumaling siya rito. "Thank you!"

Mukhang nakaramdam naman ang dalawa na wala siyang balak na makipagkaibigan sa kanila kaya tinikom na nila ang bibig. Kahit kase gusto niya ay may pumipigil sa kanya. She won't risk her family's secret.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status