Napasunod ang mata ng dalawa sa dalaga na hindi na sila hinintay para sabay silang pumasok. At kahit na walang pagmamadali sa mga kilos nito at nag-iisa lang ito ay parang wala itong pakialam. It was as if she's already used to being alone. Watching her receding back was still radiant and not lonely at all.
"That sign! So strange," Miles commented. Animo napapa-isip pa ito ng malalim."That? Huwag mo nang bigyan pansin at pumasok na tayo sa loob," saad ni Elmhurst at nagpatiunang naglakad papasok. Pero agarang huminto siya at mabilis na nilinga ito nang marinig ang sumunod na lumabas sa bibig ng kaibigan."I'm going to cook dinner for tonight—""Don't think about it! Walang kakain sa mga lulutuin mo," mabilis na putol niya rito. Bakas pa ang labis na pagtutol sa kaniyang mukha. Natikman na niya minsan ang luto ni Miles at halos dalawang araw na masama ang kaniyang tiyan.She pouted. Hindi maikakaila ang disappointment sa mukha nito. "I want to cook food and invite Selena to eat with us. What do you think?"Huminto siya sa harap ng elevator. "Do you know her room number?"Tumabingi ang ngiti nito at agad na umiling. "Nakalimutan ko palang itanong sa kaniya.""Tanungin mo na lang sa susunod. Tara na?" Hinila niya ito at sumakay sa lift. Pero kumawala agad ito at muling lumabas habang magkasalubong ang kilay na nilukutan siya ng ilong. Ngumisi siya at inilagay ang hintuturo sa kaniyang sentido na parang pinapahiwatig na mahina talaga itong mag-isip."Huh? Anong tara na? Teka nga, bakit ba ako sumama sayo papasok dito? Sa kabilang dorm kaya ako nakatira," nakasimangot na bulalas nito."Lumilipad kasi ang utak mo kaya hindi mo na alam ang ginagawa mo at maalala kung saang dorm ka nakatira," hindi niya maiwasang alaskahin ito. "Nakakapagtaka talaga kung paanong natanggap ka rito gayong halos 'di mo na matandaan ang mga tinuro ng professor mo.""Heh!" Nagmartsa ito palabas ng building. "Nakalipat ka lamang dito ay ang yabang mo na!"He chuckles. Hindi na talaga ito magbabago. Parang isip bata pa rin kahit na dalaga na ito.Puno ng pagtataka at pagkadismaya ang mukha ni Miles na nasa harap ni Elmhurst at nginangatngat ang straw ng coke in bottle na iniinom nito. Her face turns sour when she thinks of something. Pagkatapos ay bigla na namang bubuntong hininga na animo dismayadong-dismayado ito sa isang bagay. Kanina pa niya ito pinagmamasdan kaya hindi na niya mabilang kung ilang beses na nagpalit ng ekspresyon ang mukha nito.Hindi na siya nakatiis na pinitik niya ang noo nito nang muli itong mapapalabi. "What's with that face? Ilang beses nang nagpalit ang ekspresiyon 'yang mukha mo. Kung hindi ko lang alam na matagal ka ng baliw ay iisipin ko na kinain na ng elyin ang utak mo""Kase naman, eh…" Humaba ang nguso nito at nagdadabog na ibinagsak ang bote ng coke sa mesa.."Pwede nang sabitan ng kaldero 'yang nguso mo," biro niya.Pinanlisikan siya nito ng mata at halatang nagpipigil lamang na kalmutin ang kaniyang mukha. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit bigla na namang umiwas si Selena sa atin? 'Yan kaya ang iisipin mo at hindi 'yung nguso ko ang pinapansin mo."He flips the book into the next page na parang unbothered siya sa sinabi nito. "Nope. And give me a solid reason why I have to think of her?"Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "I just want to be her friend— hindi ba at ikaw rin?""She don't want you to be her friend, ang daldal mo kase," uninterested na wika niya habang ang kaniyang mata ay nakatuon pa rin sa binabasa niyang libro.Tinampal nito ang kamay niya kaya hindi sinasadyang naisara niya ang libro. "Miles!!" iritadong tawag niya sa pangalan nito. "Kung ayaw mong mag-review huwag mo akong isali. Saka mo na kaya problemahin iyan kung paano mo magiging kaibigan si Selena. Mag-review ka muna."Umingos si Miles tanda na ayaw nito sa sinabi niya. "'Pag naka-perfect ako ngayon, you have to promise me this…"He looked at her with a complicated expression. Mukhang may ideya na siya sa kung ano ang sasabihin nito sa kaniya."Kakausapin mo si Selena para pupunta tayo sa Vermillion falls."Umiling agad siya. "Makaramdam ka naman, Miles, even if you want me to coax her kung ayaw niya. Wala kang magagawa.""Ah, basta, alam ko na hindi 'yan ang dahilan……" She smiles sheepishly. "Siguro may red flag siya—"Malakas na pinitik niya ang tungki ng ilong nito. Kung ano talaga ang naisip nito ay lumalabas sa bibig nito. "Do you really have no shame on yourself?""I do!""Really? Mukhang wala naman?"Kinunutan lamang siya nito ng noo. "Basta, 'pag perfect ang score na makukuha ko'y kakausapin mo siya."He looked at her mockingly. "You won't get a perfect score. I'm sure of that."Nanghahamong tinignan lang siya nito at kinuha ang notes nito. "I'm already prepared. See? I have my notes."Bumalik ang atensyon niya sa pagbabasa pagkatapos niya itong tinaasan ng kilay. Tumahimik na rin ang dalaga at binuksan ang notes nito. Mukhang desidido ito na maperpekto ang quiz nila at kausapin niya si Selena. Hanggang sa dumating ang professor nila ay seryoso ang mukha ni Miles at hindi na siya muling kinulit. Ang nakakapagtaka lang ay wala si Selena, kahit man lang late ay wala ito at hindi pumasok.Kinalabit siya ni Miles. "Elm, bakit kaya hindi pumasok si Selena?" Tanong nito ng i-announce ng prof ang score nila.Nagkibit balikat siya bago sumagot, "baka naman may importanti siyang ginawa.""But… wala pa nga siyang isang linggo tapos absent siya," bulong nito sa dismayadong tono.He shrugged his shoulders."Peterson… " tawag ng kanilang professor at sinulyapan ang kaibigan niya at ngumiti. "Kung ganito ba naman palagi ang score mo 'di sana ay makakalipat ka ng dorm. You have a perfect score," turan nito.Tumawa ang kaklase nila at pinuri ito sa score niya.She looked at him smugly. "So?""Kailangan pala na may panghamon ka para maka-perfect score ka,"Umingos ito sa kaniya. Nang lumabas ang professor nila ay pagkaraan lang ng ilang minuto ay pumasok naman si Selena na nakasabit ang backpack sa kaliwang balikat nito."Hay!! Ang tangkad niya! Kung kasing-tangkad ko siya ay siguro hindi ako magmumukhang pandak 'pag magkatabi kaming dalawa." She sighed. "Go!" Maya ay sinipa ni Miles ang paa niya."Hindi ba pwedeng makapaghintay 'yan?" ani'ya."Hindi! Baka isang kurap mo lang Wala na naman siya sa paningin natin.""Feeling close ka talaga," naiiling na saad niya."Go! Huwag nang daming satsat!" Kinurot nito ang braso niya."Oo na!"Tumayo siya at naupo sa katabing upuan ni Selena "Hey!" bati niya.She looked at him sideways. "Hey!""I… uh— pwede daw ba kayong pumunta ni Miles sa Vermillion falls?" tanong niya."Sorry but I have something important to do," mabilis na umayaw agad ito."Okay, I'll tell her that." Tipid siyang ngumiti at tumayo. Bumalik siya sa tabi ni Miles at umiling. "May gagawin daw siyang importanti. Tsk! Hindi mo ba nararamdaman na ayaw lang talaga niyang makipagkaibigan sa'yo?""Hindi, eh, baka nahihiya lang siya. Ako na nga lang 'yung kakausap sa kanya. Hindi ka marunong dumiskarte. Baka 'pag naisipan mong ligawan siya, magkabuhol-buhol 'yang dila mo," nakairap na bulalas niya.Tinaasan lang niya ito ng kilay at sinundan ng tingin nang lumapit ito sa dalaga. Ngumiti pa ito sa kanya bago hinarap si Selena.Naramdaman ni Selena ang pag-upo ni Miles sa tabi niya kaya nilinga agad niya ang dalaga. Pagkasalubong pa lang ng mata nilang dalawa ay ngumiti agad ito at nag-puppy eyes sa kanya."Selena, samahan mo naman kami sa Vermillion falls please. Gusto raw ni Elm na maging close kayo," sabi nito.Umarko ang kilay niya at sinulyapan ang huli na nakatutok ang mata sa libro. "Really? Kanina ang sabi niya ay ikaw daw ang may gustong pumunta sa Vermillion falls".'Do I have to act innocent like I didn't read their minds and hear their conversations?' her mind murmured."Pati rin ako," tango nito."But I prefer to be alone. I don't need—""Everyone needs a friend," she cut her off."I can't…"She whined and tried to hold her hand. Ngunit nang maalalang ayaw niya ang nahahawakan ay binawi agad nito ang kamay. "We are not a bad person, Selena. Matagal ko nang kilala si Elm at Reese kaya alam ko na mabait sila."She pursed her lips."And promise, kung naiingayan ka sa akin, I'll try to control my mouth. I just want to be your friend," pakiusap nito."Are you sure you're already seventeen?" tanong niya.Namilog ang bibig nito. "How did you know my age? Did I tell you that?"Tumikhim siya. "Yeah, noong sinamahan mo ako sa faculty."Napaisip ito bago napatango. "Maybe sa sobrang excited ko ay nakalimutan ko na ang mga sinabi ko…… eh? Hindi mo pa ako sinasagot kung sasamahan mo kami sa falls.""Let me think of it," pagtatapos niya."Pero—"Kumuha siya ng papel at nagsulat ng puzzle, binigay niya rito ang papel at nagtatakang tinanggap nito ito. "Kung masasagot mo 'yan ay sasamahan ko kayo. Now go back and give me that later if you guess it correctly,"She looked at the paper in a complicated expression. "H-how will I answer this""That's easy," tipid na sagot niya.Mangiyakngiyak na bumalik ito sa upuan nito at pinakita kay Elmhurst ang papel. Lihim siyang napangiti sa reaksyon nito. Minsan ay namamangha talaga siya sa mga paiba-ibang reaksyon ng mga mortal. Lalo na iyong luhang tumutulo sa mga mata nila. Ni minsan kasi ay hindi pa niya naranasan ang umiyak.At gusto rin niyang maranasan ito minsan para alam kung ano ang pakiramdam ng umiyak at may luhang tutulo sa mata niya.Ang malaking kastilyo ng mga Madrid sa Havilland ay ngayon ay napapalamutin ng mga bulaklak na tinatawag nilang vermilion flower. Ang mga utusan ay abala sa pag-aasista ng iba pang mga bisita at pag-aayos ng mga gamit sa labas at loob ng malawak na bulwagan. Habang ang mga bisita ay nagkumpol-kumpol at nag-uusap ukol sa kasal ng nag-iisang babaeng anak ng kanilang pinunong si Lukas at ang reyna na si Maxine. Ang dalawang mag-asawa ay kahapon pa gumising sa kanilang mahimbing na pagtulog upang basbasan at saksihan ang kasal ng kanilang anak.Ang priestess na siyang magkakasal kay Selena at ai Elmhurst ay wala ring iba kundi si Maxine. Dahil siya lamang ang nag-iisang naiwan na elves mula sa kanyang angkan. Ang kanyang ina na si Daeia ang dating may mataas na katungkulan bilang priestess ng Havilland. Ngunit nang ito'y pumanaw at piniling maging hangin ng Havilland para bantayan ang nasabing lugar ay akala nila'y naputol na ang angkan nito. Pero dumating si Maxine noon na siyang nag-iis
Pagkalapag ng aircraft sa helipad ng gusali sa Alta Tiero ay agad na bumaba silang lahat. Pagtapak pa lamang ni Selena ng kanyang paa sa sahig ay mahigpit na hinawakan ni Elmhurst ang kamay niya. Pagkatapos ay mqlakas siyang hinila at iniwan na ang mga kapatid niya sa rooftop.Natatawang napasunod siya sa binata. Nabibirong tinanong pa niya ito kung bakit ito nagmamadali.“I'm going to punish you for scaring me,” ang sagot nito.Humagikgik siya sa sinabi nito bago pilyang bumulong, “what kind of punishment?”Wala siyang narinig na sagot mula sa binata at mas bumilis na ang takbo nila noong nasa may mountain range na sila at wala ng taong nakakakita sa kanila. Ang tinahak nilang daan ay ang papunta sa kweba.Ang ginawa pa nito ay bigla siya nitong binuhat at pinasakay sa likod nito para mag-piggy back ride siya rito. Hindi sa cliff sila humantong kundi sa ibaba ‘nun. At nang sapitin nila ito ay para itong unggoy na umakyat papunta sa kweba.Pagkarating nila sa bungad ng kweba ay binaba
Sa bahaging tunaw na tunaw ang ice ang lumusong si Elmhurst. Kahit na hindi tuluyang bumalik ang buong lakas niya ay kailangan niyang gawin ito para makita ang dalaga. Agad siyang lumangoy para hanapin ang kanyang kasintahan. Ngayong tapos ang gulo at hindi na nakokontrol ni Fenrir si Selena ay nararamdaman na niya ito sa koneksyon nilang dalawa. Pero napakahina nito tanda na hindi maayos ang kalagayan ng dalaga. Dahil sa totoo lang kanina ay labis siyang natakot nang hindi niya ito maramdaman. Iba yung takot ang naramdaman niya kanina kaysa noong nag-away silang dalawa at naputol ang kanilang koneksyon. Mas palagay ang loob niya dahil alam niyang buhay pa rin ito at nakatanaw sa kanya sa malayo. Binabantayan at kung sakaling may mangyari sa kanya ay agad itong susulpot. Ibang sitwasyon kasi ang meron sa kanila ngayon. Mula nang sinabi nito na kayang isakripisyo ng dalaga ang buhay nito para sa kanila ay hindi na siya mapakali. Hindi siya mapalagay sapagkat anumang oras ay bigla iton
“Where is Selena?” ang malakas na tanong niya kay Clark matapos na dispatsahin ang kalaban niya. Hindi niya napansin ang pag-alis nito kanina. Abala siya sa pakikipag-away at akala niya ay nasa malapit lamang ito. Pero nang paglinga niya ay wala na ang dalaga sa pwesto nito kanina.At habang nakikipaglaban siya ay hinahanap din ito ng kanyang mata. Ginagamit din niya ang koneksyon nila pero hindi niya ito maramdaman. Na parang pinutol iyon ng dalaga upang hindi niya ito masundan.Malakas na sinuntok niya ang isang sumugod sa kanya at pagkatapos ay kinagat ito sa leeg. Ang sumunod naman na ginawa niya ay inihambalos niya ito sa lupa bago tinapakan ang ulo nito. His reamins splattered at the ground. Pati na rin ang suot niyang combat shoes ay may dugo na rin.“Hindi ko siya napansin,” ang tugon ni Clark at tumanaw sa pinto ng gusali.Mukhang nagkaintindihan silang dalawa dahil sabay silang tumakbo papasok sa loob. Nakita nila ang pana ni Selena na nakalapag lamang sa sahig. Agad niya pi
“Fvck!!” malutong na mura ni Selena nang marinig sa link nila ang sinabi ng kanyang kapatid na si Roland. Habang naghihintay sila ng balita sa kanilang kapatid ay biglang narinig nila ang tinig nito sa kanilang koneksyon. At kumulo yata ang dugo niya sa sinabi nito.Parehong nahuli ang dalawa nang makapasok sila sa entrance ng palasyo ni Fenrir. Si Halen na mismong anak niya ay kasama ng kanilang kapatid sa iisang selda na nasa may underground. It was all made from silver. At nanghihina na raw si Halen. Habang si Roland ay palihim na ininom ang dugong tinago niya sa mismong katawan niya. Pero kahit bumalik ang lakas nito ay hindi naman nito magawang iwan si Halen sa loob. She's her thiramin after all.Wala pang sinabi ang kapatid nila kung anong gagawin sa kanila ng tauhan ni Fenrir pero ang sabi nito ay hintayin nila sandali na makita nito ng personal ang nasabing lalaki. Dahil simula nang mahuli at ikulong sila ay wala pang pumunta sa kanilang kulungan para magpakilalang si Fenrir.
Habang lumilipad ang aircraft sa himpapawid ay nakatanaw si Selena sa labas ng bintana. Medyo maulap ang panahon at animo nagbabantang may malakas na bagyong paparating. Ngunit sa kanila ay ganitongg klema ay mas gusto nila noon pa man. Subalit ngayon na hindi na sila matatakot sa sikat ng araw ay parang nakakasira sa magandang view kung nandito ka sa mataas na altitude.Ngunit hindi ang magandang view ang nasa isip niya sa oras na ito kundi ang pupuntahan nilang magkakapatid. At sa tuwina ay sinusulyapan niya ang mga ito. They wore a black overall camouflage and combat boots. They were all expressionless. Hindi man lang kinakabahan na ang pupuntahan nila ay ang hideout ni Fenrir. Dahil sa kanila ay mga mahihinang bampira lamang ang kanilang grupo. At sino ba ang mga kapatid niya? Sila ang mga elite warriors ng kanilang kaharian.Na kahit ang council ay agad na matatakot kapag sila na ang binabanggit sa usapan. Ngunit noong nanatili na sila rito sa mundo ng mga mortal ay maraming nagb