Share

Chapter 6. Visiting the Madrid's Mansion.

Pagkatapos ng klase nila ng araw na 'yun ay hinila ni Miles si Elmhurst at sumunod sila kay Selena na tahimik lamang at hindi sila sinaway. Nagulat siya ng huminto ito sa harap ng west building at nilingon silang dalawa. Ang mga mata nito na animo tagos hanggang sa buto ay bahagyang tumutok sa kaniya bago nito kaswal na binawi iyon.

Tumikhim siya nang dumako ang mata nito sa kanya. Bakit ba pakiramdam niya ay kaya nitong basahin lahat ng nasa isip niya at nakikita nito pati ang buto niya sa katawan? At parang gusto niyang panindigan ng balahibo sapagkat parang sa mata nito ay isa siyang delicacies na gusto nitong kainin.

Selena's lips twitch before continuing to walk and enter the dorm's lobby.

"I have to tidy up my room first before we go. Just give me half an hour. Hintayin mo muna ako rito o kaya ay sa room ni Elmhurst," sabi nito kay Miles habang naglalakad ito palayo.

Ngumuso ang huli na halatang nadismaya na hindi ito isinama ni Selena. "Hindi ba ako pwedeng sumama sa'yo sa magiging room mo? I can help you fix your belongings," alok nito.

Tumanggi si Selena. "Just give me thirty minutes," flat na turan nito at sumakay sa bumukas na elevator.

"Wait! Pwede ba nating isama si Elmhurst?" pahabol ni Miles.

Sumulyap ang dalaga sa kanya bago tumango kasabay ng pagsara ng elevator.

Clueless talaga siya kung ano ba ang plano ng dalawa. Saan ba sila pupunta at isasama pa siya?

"I know what you're thinking." She gave him a wide smile. "We're visiting Madrid's Mansion," she half whispered.

"What?" His eyes widened and looked at her in horror. "We're not allowed to go there."

"There's no such thing like that. Wala lang talagang naglakas loob na pumunta sa mansion nila. Maybe we're the first one to go there," she interjected.

"This is outrageous. What if—"

She interrupted him. "Don't worry, okay? We have permission to go up there."

"Kanino kayo humingi ng permiso?" Tinaasan niya ito ng kilay. "May mataas na gate ang mansion. Paano tayo makakapasok?"

"K-Kay dean." Umilap ang mata nito.

Nang-aarok na tinignan niya ito. "You're lying."

She was silent for a moment. "Ah, basta! Just calm your heart. Si Selena na raw ang bahala kung paano tayo makakapasok." She waved her hand, unbothered.

"Alright!" pagsuko niya, Inakbayan niya ito. "Let's wait for her in my room. Sa tingin ko naman alam na niya kung nasaan ang room ko."

"Okay!"

Sumakay sila sa elevator at huminto iyon sa room floor niya. Sumunod ito sa kanya at gamit ang card ay binuksan niya pinto.

"Ugh!! I really want to live here. Mas maganda ang room dito sa west dorm," reklamo nito.

Dumeretso siya sa kitchen at kumuha ng cookies pati na rin juice at dinala sa sala. Lahat ng room ng dorm ay may sariling kitchen at sala. Kaya para ka na ring nakatira sa isang condo. Ang kaibahan nga lang ay mas maliit ito kaysa sa mga highrise na condominium unit.

Hindi naman magkaiba ang interior ng bawat room sa tatlong dorm building. 'Pag nakatira ka kase sa west dorm, pakiramdam mo ay mas superior ka sa mga estudyanteng nasa kabilang dalawang dorm. Kaya lahat ay nangangarap na dito na rin tumira. Nabibilang kasi ang mga estudyanteng nasa kabila na makalipat ng west dorm.

She quickly picked one cookie and stuffed it into her mouth.

"Kung inaayos mo kasi ang pag-aaral mo 'di sana ay maabot mo ang criteria para makalipat ka rito," paninisi niya.

"Eh, palagi akong nadidistact eh!" amin nito.

"Saan ka naman nadi-distract? Kay Arlan na naman?" sermon niya.

Kahit puno ang bibig ay nagsalita pa rin ito. "Arlan is perfect and destined to be my husband. I like his long hair, straight nose, like sword eyebrows—"

"Magkamukha sila ng kambal niya, parehong-pareho lahat ng features nilang dalawa. Paano mo masasabing siya nga si Arlan?"

Miles scratched her nose. "Basta, Arlan is my destined husband. Walang makakapigil sa akin para pangarapin siya," giit nito.

"Mas maganda 'yun sa'yo, eh," pang-aalaska niya.

Sumimangot ito at inirapan siya. "Heh!! Mas gwapo naman siya ng isang libong paligo sa'yo," she snorted.

He smirked. "Who cares? I'm me, I don't have to compare myself to someone. I'm not insecure like you."

"When did I say I'm insecure to someone? Excuse me I'm much more beautiful—"

"Kaysa kay Selena?" patanong na dugtong niya.

She looked at him aggressively. "Oh please! I'm no match for her and don't include her, okay? Walang makakapantay sa kanya." She sighed. "I'm the most beautiful person in the world of ugliness!"

Elmhurst can't help but to laugh out loud. Napahawak pa siya sa tiyan. "So you admit that you're ugly?"

"Shut up!!" she sneered.

"I can't help it!!!" His shoulder shook.

Napanguso ito at inirapan siya. "Kase naman kahit anong gawin ko ganito pa rin ang mukha ko!"

Tumitig siya rito, hindi naman pangit ang kaibigan niya. She's beautiful in her own way. Alon-alon ang mahabang buhok nito, fair din ang kulay ng balat nito. Mahahaba ang pilik mata nito na nagpadagdag sa natural na ganda nito.

"What are you looking at?" she snapped.

"Hmm! Not bad! Pwede ka namang maging model." Kinindatan niya ito.

Umingos lang ito at sumubo uli ng cookies.

"Kung ako siguro ang may gusto sa'yo. Matu-turn off ako sa katakawan mo."

Hindi siya nito pinansin at sumubo lang ulit. Umakto pa ito na parang wala lang siya sa harap nito.

Maya ay tumunog ang doorbell. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Nakatayo sa labas si Selena na walang bahid ng pagka-inip sa mukha nito.

"Where is she?" Tukoy nito kay Miles.

Sumilip agad ang huli na may hawak na juice.

"Kakainin ko muna 'yung cookies. Masarap, gusto mo?" hyper na alok nito.

Umiling si Selena.

"Pasok ka muna."

Pumasok ito at inilibot ang mata sa loob. Hindi ito nagkomento at tumayo lang sa gitna ng sala habang pinapanood na kumain si Miles.

"Ayaw mo ba talaga?" tanong muli ng huli kay Selena.

"No… I'm okay." Iling lang nito.

"I'm finished, let's go. Excited na akong makita ang mansion ng mga Madrid," wika nito at akmang aabresete sa braso ni Selena ngunit mabilis na umiwas ito.

Tumikhim ang dalaga. "I'm sorry. Hindi ako sanay na hinahawakan ng iba, hindi rin ako sanay na humahawak sa iba."

Miles rubbed her nose and smiled awkwardly.

He cut the awkwardness between the two. "Let's go? Habang maaga pa." Hanggang 3:30 lang kasi ang klase nila ngayong araw kaya maaga silang nadismis.

Lumabas ang dalawang dalaga at sinara niya ang pinto na automatic na nag-lock. Sumakay agad sila sa elevator at lumabas ng building.

Kasalukuyang nakatayo silang tatlo sa harap ng mataas na gate ng mansion at nasa mukha ng dalawang kasama ni Selena ang pag-aalinlangan kung tutuloy ba sila o hindi. Tinignan niya ang dalawa.

"So?" untag niya.

"P-Paano kung magagalit sila?" nag-aalalang turan ni Miles, "at paano tayo makakapasok?"

Hindi siya sumagot at naghintay lamang ng tamang tiyempo para buksan ang gate.

Kumunot ang noo ni Elmhurst. "Wait! Akala ko ba may permiso ang Dean na pumasyal kayo rito?"

Sinamantala niya na hindi nakatingin ang dalawa sa kanya at gamit ang blue card na para lamang sa kanila ay binuksan niya ang gate.

Nagulat ang dalawa nang bumukas ang gate.

"How?"

"Let's go in," yakag niya at hindi pinansin ang pagkagulat nila.

Nagpatiuna siyang pumasok at sumunod sila sa kanya.

Ang kaninang takot na nakaguhit sa mukha nila ay napalitan ng pagkamangha. Engrande ang pagkakagawa ng mansion.

"Wow!! P-Pwede kaya tayong kumuha ng picture?" umaasam na sambit ni Miles.

Sinulyapan niya ito bago tinignan ang pinto na bumukas at lumabas si Arlon. Narinig nito ang pagbukas ng gate kaya lumabas ito.

Napatuwid ng tayo ang dalawa. Hindi nakaligtas sa mata niya ang pagkatulala ni Miles sa binata.

Sinulyapan muna ng binata ang dalawa bago lumapit kay Selena.

'They want to visit here,' kausap niya sa utak ng kapatid.

Tumango ito, binuksan niya ang connection array para mag-usap silang dalawa gamit ang isip nila.

The connection array, they all inherited it to their father. It was their way of talking to each other if there is someone that does not belong to their family. Pwede rin naman nilang buksan ang connection array sa mga malalapit sa kanila, like relatives.

'I thought you don't want them to know that you are our sister?' tanong nito.

'Yeah. I just told them we're going to visit here,' tugon niya.

"Uhm— w-we are just—" namumula at nabubulol na sambit ni Miles.

"We're leaving anyway" Elmhurst tried to hide his fear but he failed.

Ngumiti si Arlon. "It's okay. You can look around."

"Thank you!" namumulang saad ni Miles.

Lihim na napangiti siya. "Come on?" saad niya at naglalakad lakad sila sa palibot ng mansion.

May isang napakagandang gazebo sa likod ng mansion at maraming mga vine flowers na nandun. "Wow!! Dali Elmhurst, kunan mo ako ng larawan," puno ng kasiyahang bulalas ni Miles, ngunit ang mata nito ay palaging napapatutok sa kapatid niya.

Tinignan muna ni Elmhurst ang dalawang nakatayo at nakamasid sa kanila. Wala itong makitang pagtutol sa mukha nila kaya kinuha nito ang cellphone ng dalaga at kumuha ng pictures.

"Pangalawang araw mo pa lang dito may kaibigan ka na. That's good," mahinang komento ng kaniyang kapatid.

Sinulyapan niya ito. "Hmm!! They're not," she interjected. "Besides,hindi ko masabayan ang tumatakbo sa utak ng mga batang 'to. Dinala ko lang sila rito para mag-thank you na sinamahan niya akong kumuha ng black card. You know, using the blue card is a bit troublesome."

He chuckled. "Okay, buti na lang, ako lang ang nandito. Kung nandito si Arlan ay tinignan ka na naman 'nun ng matalim."

She snorted. "Then I'll just shoot him with my bow."

"Before your arrow shot him, he had already frozen you."

Umarko ang kilay niya. "Really? Nakalimutan mo yata kung anong klasing pana ang ginagamit ko"

Nagkibit balikat lang ito. "I'm going in. Ikaw na ang bahala sa mga kaibigan mo."

Iniwan na sila ng kapatid niya. Nang tignan niya ang dalawa ay busy pa rin sila sa pagkuha ng larawan. Lumapit siya kay Elmhurst.

"Are you two having fun?" kaswal na tanong niya.

Si Miles ang sumagot, "yes!! Ikaw, anong sinabi ni Arlan sa'yo?" She asked bashfully ngunit nasa tono pa rin nito ang disappointment sa pag-alis ng kapatid niya.

Nang ngumiti siya ay nagningning din ang mata niya, napatitig tuloy sa kanya si Elmhurst.

"He's Arlon," pagtatama niya.

"Huh?" Tinignan nito ang dinaanan ng kanyang kapatid. "Ah— whatever. Pareho naman sila ng mukha kaya okay na rin."

Lumapit si Elmhurst dito at pinitik sa noo. Ngumiti lang ang dalaga at hindi nagreklamo.

Nilibot nilang tatlo ang paligid ng villa.

"Oh my!!!" bumulalas ng pagkamangha si Miles nang makita ang isang balon sa parte ng mansion. "This?" Pinadaanan ng daliri nito ang semento ng balon. "This carvings are beautiful. Who did it?" Tinignan nito ang loob ng balon.

"Bakit mo sa amin tinatanong?" tanong ni Elmhurst kaya nalukot ang mukha ni Miles.

"Hmp! Malalaman ko rin 'pag napangasawa ko si Arlan," nangangarap na turan nito. "But look at the water. It's so clear and pure… pwede kayang inumin 'to?"

"Let's go. Times up! Baba na tayo baka dumating na ang ibang kapatid ni A-Arlon," yakag niya sa dalawa.

"Okay!" Niyuko muna ng dalawa ang balon bago sila umalis at bumaba. Huminto sila sa harap ng dorm buildings.

Miles smiled and said, "thank you, Selena."

"I just want to thank you for accompanying me to get my identity card," nanulas sa labi niya.

Ngumiti ito at nilinga si Elmhurst na ngumiti sa kanya. "Pagpasensiyahan mo na itong babaeng 'to. Madaldal talaga 'to."

Tumango lamang siya. "Then, I'm going back to my room," paalam niya at pinagsalikop ang dalawang kamay bilang pamamaalam at tumalikod para iwan ang dalawa.

This is the first and last time she'll going to talk to this two kids. Ang maging kaibigan siya ng dalawang 'to ay hindi magandang ideya. Ang mundong ginagalawan ng pamilya nila ay magkaiba sa mundo ng dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status