MARAHANG TUMANGO LANG si Bethany, naka-oo nga yata siya sa Ginang nang mag-invite sa kanya noong nagtungo ito bigla ng penthouse. Hindi niya iyon maalala pero mukhang ganun nga ang nangyari.“Iyong pinakamagandang dress na bigay ko sa’yo ang isuot mo. Huwag mong tipirin ang sarili mo. May mga jewelries ka rin di ba? Ipakita mo sa kanila kung paano mag-alaga ang isang Gavin Dankworth.”Bahagyang natawa doon si Bethany. Habang nakatitig sa mukha ni Gavin ay naisip niya na baka kaya nasa bansa si Nancy ay para mag-attend ng birthday ng kapatid ng abogado. Imposible na hindi iyon pupunta doon at hindi sila magkakilala kung ilang taon din ang itinagal nilang magkarelasyon. Hindi lang iyon, sumilid pa sa isipan ng dalaga na malamang kaya pupunta iyon ay para magpakita rin kay Gavin. Ngayon pa lang ay parang nagseselos na siya kay Nancy. Maaaring hindi sila nito magkita sa mga ordinaryong oras at araw habang nasa bansa siya, ngunit sa mga okasyon tulad ng mga birthday party, hindi maiiwasang
NAPALINGON NAMAN ANG grupo nila sa kanilang banda. Agad silang napahanga sa mukha ng nobya ni Gavin nang makita nila ito habang kasamang naglilibot ng binata.“Oh, ang ganda-ganda naman ng girlfriend niya!”“Oo nga! Kailan ba sila magpapakasal? Kailan mo matatawag na manugang mo na ang babae?”“Naku, ang mga ganyang hitsura hindi na dapat pang pinapatagal. Dapat ay itinatali na kaagad.”“Hindi ko rin alam. Nasa kanila naman ang desisyon. Bata pa ang babae pero ipinanganak siya sa year of the rabbit.” kwento ng Ginang na nabanggit na rin sa kanila ang tungkol sa sinabi ng manghuhula, “Ayokong manghimasok sa relasyon nila. Siguro ay mga dalawang taon pa iyon mula ngayon.”Sinabi lang iyon ng Ginang pero sa loob-loob niya, gusto niya na talagang lumagay sa tahimik ang dalawa at magsimula ng bumuo ng sarili nilang pamilya. Natutulog naman na sila sa iisang kama, bakit hindi pa nila gawing legal iyon at magkaroon ng basbas? Paano kung biglang mabuntis siya? Sabagay, hindi naman niya iyon p
NABALOT NG KATAHIMIKAN ang buong paligid. Iyong tipong parang biglang nabingi si Bethany na para bang walang anumang ingay sa buo nilang paligid. Hindi niya inalis ang mga mata sa pagkakatitig sa dalawang bulto ng katawan na hindi kalayuan. Sa kaloob-looban niya ay gusto na niyang umiyak. Nakikita niya kasi kung paano tingnan ni Gavin ang dati niyang kasintahan bagama't puno ng komplikasyon ang mga mata ng binata, magkahalong sakit at gulat. Batid niyang mayroon pa rin itong pagtingin sa dating nobya. Mayroon pa rin itong nararamdaman para sa babae. Natatabunan lang iyon ng galit niya. Alam ni Bethany na ang galit ay kabaligtaran ng pag-ibig, pero hindi niya pa rin iyon pwedeng ipagdiwang at ipagpalagay ng kalooban. Sa kanyang nakikita, iisa lang ang natuklasan niya. Hindi pa ni Gavin nagagawang kalimutan si Nancy. May halik pa rin ng pag-ibig sa mga mata nito habang nakatingin.“Anong pakiramdam na makita mo silang ganyan ngayon, Bethany? Masakit ba? Para bang sinasakal ka ng sarili
MULING NILINGON NI Gavin ang banda kung nasaan sila upang matagpuan lang na wala na doong tao. Ikinurap-kurap niya na ang mga mata. Naisip na baka guni-guni lang niya ito.‘Wala na siya? Paniguradong nakita niya kaming dalawa ni Nancy!’Bumakas na ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha. Naisip na baka mamaya kung ano ang isipin ni Bethany sa tanawing nakita niya kasama ang dating nobya. Mataman naman siyang tiningnan ni Nancy. Noong nasa Canada pa siya naririnig na niya na may kasintahan na nga raw si Gavin. Sinamantala niya ang pagbabalik ng bansa upang tingnan kung tama nga ang naririnig niya. Gusto rin niyang makita kung anong klase ng babae ang ipinalit sa kanya ni Gavin. Sa tingin niya, wala namang kakaiba at espesyal sa babae. Normal lang sa tingin niya. Ang tanging nakapagpabago lang sa pananaw niya ay ang lantarang reaction dito ni Gavin.“Gavin, hindi mo ba ako sasamahan sa loob ng mansion niyo? Matagal na panahon na noong huli akong magawi dito sa inyo.” malambing na sam
SA HALIP NA SUMAGOT ay muli lang hinarap ni Bethany ang cocktail drinks niya. Matapos niyang titigan iyon ng ilang segundo ang laman ay muli siyang sumimsim doon. Inuunti-unti niya lang inumin ang alak. Kung pagbibigyan niya ang kanyang sarili, malamang ay kanina pa siya nakarami at paniguradong sa mga sandaling iyon ay lango na rin siya. Ayaw niyang malasing at baka mawala siya sa tamang katinuan at makagawa ng mga bagay na kanyang pagsisisihan oras na mahimasmasan. Kumbaga ay moderate lang ang pag-inom niya ng nakakalasing na inumin dahil hindi niya alam ang mangyayari oras na malasing siya. Mabuti na iyong nag-iingat siya keysa naman pagsisisihan niya ang mga nangyari ng hindi niya naaalala.“Ikaw na ang girlfriend, ikaw na ang present ni Attorney Dankworth kaya bakit itinatago mo ang sarili mo dito? Inilalayo mo ang sarili mo sa kanya na para bang wala kang karapatan na magdamdam, Bethany.” Sinagot lang muli ng dalaga ng katahimikan ang katanungang iyon ni Patrick. Hindi niya kai
NAKAHANDA NA ANG puso, mga mata, damdamin at kalooban ni Bethany sa kanyang makikita oras na pumasok siya sa banquet hall kung saan naroon ang karamihan ng mga bisita upang kumain ng dinner. Busog pa naman siya pero gusto niya lang pumasok doon at hanapin si Gavin. Tingnan kung tama nga ang sinasabi ni Patrick sa kanya. Paglabas niya sa banquet hall ay naroon naman ang venue kung saan maaaring magsayawan ang mga bisita. Itinatak ni Bethany ang sinabi ni Patrick sa kanyang isipan na si Gavin at Nancy ay nagsasayaw. Sa imahinasyon niya pa ang scene na iyon ay magandang pagmasdan, ngunit ang laki pala ng pagkakaiba kapag actual na. Iba sa pakiramdam kapag nakikita na ng mata. Iyong inihanda ni Bethany kanina na katatagan, parang biglang natibag iyon nang makita niya na ang scenario.'Sana hindi na lang pala ako pumasok dito.' Talaga nga namang bagay sila kung sa pagiging bagay lang ang pag-uusapan. Magaling din silang mag-partner sa pagsasayaw dahil nagagawa nilang magtugma ang bawat ga
SUBALIT NANG MGA sandaling iyon ay nagawa ng makaalis ni Bethany. Hindi niya na matagalan ang kanyang nakikita. Ang buong akala pa naman niya ay kaya niya silang panoorin nang hindi nasasaktan. Mali siya. Para siyang pinapatay habang patagal nang patagal na nakaburo ang mga maya niya sa kanila.“Pasensya na po, Mrs. Dankworth. Medyo masama po kasi ang pakiramdam ko. Maaari niyo po ba akong matulungang makahanap ng taxi na maghahatid sa akin pauwi? Hindi na po ako kailangang ihatid pa.” Kulang na lang ay maiyak si Mrs. Dankworth nang sabihin ni Bethany iyon. Babae siya kung kaya naman alam niya ang kanyang nararamdaman habang nakikita niya ang ginagawa ni Gavin nang harapan. Hindi man iyon sabihin ni Bethany. Kitang-kita naman niya sa mga mata nitong hindi makatingin ng diretso. “Hija, hindi ka na ba talaga mapipigilan? Pwede ka naman sa bakanteng silid na lang magpahinga hanggang bumuti ang pakiramdam mo. Sasabihan ko na lang ang isa sa mga maid na asikasuhin ka.” “Pasensya na po t
HALOS ALA-UNA NA ng madaling araw ng makarating si Bethany ng penthouse. Dumaan pa kasi siya sa isang coffee shop upang tumambay doon na malapit lang sa lugat at kumain na rin ng slice ng cake na kanyang comfort food kapag malungkot siya. Ganunpaman ay nararamdaman niya pa rin ang gutom. Hindi niya kasing nagawang kumain ng main course sa birthday party. Hindi niya tuloy na-enjoy ang mga iyon. Patay pa ang mga ilaw pagpasok niya ng pintuan, patunay na wala pa rin doon si Gavin na inaasahan na naman niya. Malamang busy pa rin ngayon ang abogado sa dating kasintahan nitong na-miss niya.“Ano bang inaasahan mo, Bethany? Umasa ka pang narito na talaga siya. Hindi ka niya priority, wake up!” Tinanggal niya ang manipis na suot an make up at naligo. Iyon ang una niyang ginawa. Matapos noon ay binalot niya ang kanyang katawan sa black silk na roba habang. Lumabas na siya ng silid matapos noon at tumayo sa tabi ng glass wall upang pagmasdan lang ang gabing buhay na buhay pa ang mga street lig
MALIGAYA ANG BUONG pamilya ng mga Dankworth at Bianchi sa pagpapalit ng taong iyon dahil sama-sama sila. Naging instant double celebration din para sa kanila ang okasyong iyon nang dahil sa kaganapan ng proposal lalo na nang umabot pa sa kaalaman iyon ng ibang mga kamag-anak ng mga Bianchi ang tungkol sa kanilang magiging kasal na maaaring mangyari sa taong din iyon. Ilang araw pang nag-stay sa Baguio at nagdesisyon na bumaba na rin ang mag-asawang Dankworth at ang pamilya nina Gavin. Kung nauna sina Briel at Brian na umakyat ng Baguio sa kanila, sila naman ang nahuling bumaba. Nanatili sila sa mansion ng mga Bianchi na una pa lang ay planado na ni Briel na mangyayari, ni halos ay ayaw na niyang humiwalay sa dating Gobernador na wala namang problema sa kanilang pamilya dahil matanda na sila. Bumalik si Giovanni sa trabaho, ganunpaman ay masaya siyang araw-araw na hinihintay ng mag-ina niya ang kanyang pag-uwi kung kaya naman ay palagi siyang ganado. Palaging pauwi rin ang kanyang gust
KULANG NA LANG ay mapapalakpak at magpa-banquet party sa galak ang ina ni Giovanni na hindi na mapigilan ang bibig na magbigay ng komento sa kanyang nalaman. Matagal na panahon na niyang hangad na magkaroon ng pamilya ang bunso niyang anak. At sa wakas, sa araw na iyon ay dumating na ang kasagutan sa matagal na niyang paulit-ulit na ipinagdarasal na mangyari. Ang buong akala niya talaga ay hindi na maiisipan nitong bumuo ng kanyang sariling pamilya. Iba talaga kapag nagmahal ang isang tao.“Kailan ang kasal? Ako na ang magpre-presentang mag-asikaso ng lahat!” taas pa nito ng kanyang kamay na salitan na ang tingin kay Giovanni at Briel na makahulugan nang nagkatinginan sa tinuran ng Donya. “Mama, hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyon. Hayaan niyo munang namnamin namin ang phase ng pagiging engaged. Saka na lang po namin iyon pag-uusapan. Hindi na rin namin ito patatagalin.” “Naku, doon din naman papunta bakit patatagalin pa? Di ba mga balae?” sagot ni Donya Livia na tiningna
PUNO NG PAGHANGA at hindi pa rin makapaniwala si Briel habang sinisipat ang suot niyang singsing sa daliri habang nakaupo na sila ni Giovanni sa table at dinudulutan na sila ng pagkain. Nasa kandungan niya ang bouquet ng bulaklak. Kagaya ng diamond sa kanyang daliri ay kumikinang sa labis na saya ang kanyang mga mata habang nakatunghay pa rin doon. Expected niya iyon ngunit hindi ganun kaganda ang singsing. Ang buong akala niya pa nga ay plain gold lang. Sa ginawa ng dating Gobernador na proposal, batid ni Briel sa kanyang puso na mas lalo niyang minahal ang lalaki. “Thank you!” patulis ng nguso ni Briel na itinaas pa ang kanyang daliri na muli na namang sinipat-sipat. “Saan?” kinikilig namang tanong ni Giovanni na hindi na rin maalis ang mga mata sa mukha ni Briel. “Dito. Alam kong grabe ang effort na ginawa mo para lang magawa mo ito.” Inilinga pa ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid upang sabihin na gusto niya ang ambience doon. May nagva-violin pa sa gilid nila upang i-se
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga