LOGINIn a marriage built on convenience, will she finally find the love she’s been denied all her life? *** Si Chloe Lazaro ay isang babaeng walang boses sa sariling pamilya, tinatawag na malas, tinataboy, at walang halaga. Sa bawat araw na kasama ang mga magulang at kapatid, unti-unti niyang nakalimutang karapat-dapat din siyang mahalin. Hanggang sa dumating si Jiro Ramirez . Isang makapangyarihan at mayamang lalaki na kilala sa malamig na ugali at imposibleng lapitan. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na anyo, si Jiro lamang ang unang kumupkop kay Chloe, ang unang humawak ng kanyang kamay, at ang unang nagsabi ng mga salitang hindi niya narinig kailanman: “Don’t be nervous… you’re my wife now.” At sa piling ng isang lalaki na estranghero, matutuklasan ni Chloe na may mga kasal na hindi lang papel ang nagbubuklod… kundi puso.
View MoreSi Chloe ay tahimik lamang na naka-upo sa isang sulok sa loob ng cafe, pinipisil ang kanyang mga daliri habang nakayuko. Sa isip niya, muling bumalik ang babala ng kanyang ama bago siya umalis ng bahay, ang malamig na tungkod na nakatutok sa kanyang ulo, kasabay ng mabagsik na tinig. Kung hindi ka magpakabait, dudurugin ko ang ulo mo.
Ngunit paano nga ba siya magpapakabait sa harap ng isang estrangherong ngayon pa lang niya nakilala? Paano niya mapapaniwala ang isang tulad ni Jiro Evan Ramirez na pakasalan ang isang taong tulad niya, na madalas tawaging freak?
Habang abala siya sa sariling takot, napansin niya ang bahagyang pag-angat ng mga mata ng binatang kaharap niya. Mababaw ngunit banayad ang ngiti ni Jiro nang magsalita siya, tila biro.
“Don’t be nervous,” aniya. “I have no intention of eating you.”
Napatigil si Chloe. Ang kanyang boses ay mahina, halos parang tinig ng lamok. “Y-Yes… I’m sorry.”
Sa isang saglit, nagtama ang kanilang mga mata, ang kay Chloe ay may kakaibang kulay na madalas ikahiya. Ngunit sa halip na paglayo o pagdududa, nakita niya ang kabaligtaran sa mga mata ni Jiro.
“Your eyes are beautiful,” marahang sabi nito. “You don’t have to hide them.”
Nabigla si Chloe. Unti-unti niyang iniangat ang tingin. “Don’t you… think it’s strange?” tanong niya, puno ng alinlangan. Sanay na siya sa pangungutya, sa mga salitang nagsasabing siya ay malas, kakaiba, at nakakadiri.
Ngumiti si Jiro, banayad at totoo. “It’s not strange. I’d rather call it special. And to me, it’s beautiful.”
Parang tumigil ang pintig ng puso ni Chloe. Mainit ang kanyang pisngi, tila sinusunog ng papuri. Noon lamang siya nakarinig ng ganitong mga salita. Sa buong buhay niya, palaging kasabay ng kanyang mga mata ang sakit, sampal, at pagkamuhi mula sa kanyang mga magulang.
“Thank you…” mahina niyang sagot.
Sumandal si Jiro, nakatukod ang isang kamay sa kanyang baba, nakatitig sa kanya na para bang interesado sa bawat galaw. “Then?” tanong niya, may bahid ng biro ngunit seryoso, “what’s your impression of me? Satisfied so far?”
Napalunok si Chloe bago sumagot. “Q-quite… pretty good,” pautal niyang wika, pilit na ngumiti.
Hindi niya inaasahan ang ganitong pakikitungo mula sa kanya, hindi siya binabastos, hindi rin tinitingnan nang may pagkasuklam. Sa halip, tila ba may pasensya at tunay na interes.
Ngunit biglang inabot ni Jiro ang isang daliri nito sa kanya, bahagyang itinaas ang kanyang baba. Nanlaki ang mga mata niya.
“W-what’s wrong?” halos pabulong niyang tanong, nag-aalalang baka may nagawa siyang mali.
Tahimik lamang na tumitig si Jiro bago magsalita, “Then, would you like to marry me now?”
Parang gumaan ang dibdib ni Chloe. Kung siya ang mauunang mag-alok, tiyak na kahihiyan lang ang matatanggap niya. Pero ngayon, si Jiro mismo ang nagtanong.
“C-can I?” mahina at hindi sigurado ang kanyang tinig.
Napabuntong-hininga si Jiro, bakas ang awa sa kanyang mga mata. “Did you bring all the documents?”
“O-opo, dala ko…” mabilis niyang sagot.
“Good,” sagot ng lalaki, saka dahan-dahang binitiwan ang kanyang baba. “Then let’s go to the City Hall while it’s still open.”
Dalawang oras ang lumipas, magkasabay silang lumabas ng City Hall. Hawak ni Chloe ang isang pulang booklet, ang kanilang marriage certificate.
Tahimik siyang nakaupo sa loob ng sasakyan, nakatitig lamang sa hawak na papel, para bang nananaginip. Bigla na lamang may kamay na umabot sa kanya. Sa sobrang gulat, halos mapatili siya; mabilis niyang tinakpan ang ulo gamit ang dalawang kamay at napayuko, nanginginig.
Namumungay ang kanyang mga mata sa takot, wari’y handa sa pananakit. At dahil do’n, umigil ang kamay ni Jiro sa ere, ilang segundong nag-atubili bago ito dahan-dahang bumaba at marahang hinaplos ang kanyang ulo.
“Don’t be afraid,” malumanay niyang wika.
Napasulyap si Chloe, saka dahan-dahang ibinaba ang mga kamay. “I-I’m sorry…”
Kumislap ang mga mata ni Jiro, at banayad na dumulas ang kanyang palad sa pisngi ng babae. “I’m not angry,” bulong niya. “You don’t have to apologize.”
Nakatungo pa rin si Chloe, at nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan. Lumipas ang ilang sandali bago inalis ni Jiro ang kanyang tingin sa kanya. Umupo siyang muli nang maayos, kinuha ang marriage certificate mula sa mga kamay ni Chloe, at marahang binuksan iyon. Matamang tinitigan niya ang litratong nasa loob, at bahagyang umangat ang mga sulok ng kanyang labi sa isang banayad na ngiti.
“Since we are married,” wika niya, kalmadong tinig na may halong lambing, “from today onwards, you’re going to move in and live with me.”
Napakurap si Chloe, tila hindi makapaniwala. “Move… over?”
Bahagyang lumingon si Jiro, may kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha. “You don’t want to?”
“A-ah, no, no,” mabilis niyang sagot, kasabay ng mahinang pag-iling. Siyempre, mag-asawa na sila, natural lamang na magsama sila sa iisang tahanan.
“Then let’s go,” sabi niya, puno ng kumpiyansa. “I’ll take you to see our house.”
***
Huminto ang sasakyan sa isang mataas na uri ng subdivision na tinatawag na Rafaela Homes. Pagdating sa isang maluwang na bakuran sa harap ng villa, nakita nilang may isang kasambahay na nakatayo roon, marahang nakayuko sa paggalang.
Tumalikod si Jiro at ngumiti kay Chloe. “This will be our home.”
Dahan-dahang tumingin si Chloe mula sa bintana. Namangha siya, halatang puno ng kuryosidad at pagkalito, para siyang isang mailap na usa na ngayon pa lang nakakakita ng bagong kagubatan.
Pagkababa ni Jiro, agad siyang pumunta sa kabila upang buksan ang pinto at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Chloe, inalalayan siyang bumaba.
“Welcome home, Sir, Ma'am,” magalang na bati ng kasambahay.
Nanlaki ang mga mata ni Chloe. Ang katawagang iyon ay nagdulot ng takot sa kanya, kaya’t agad siyang kumapit kay Jiro at halos hindi makatingin sa kasambahay.
“H-hello po.” Mahina siyang bumati.
Mas hinigpitan ni Jiro ang hawak sa kanyang maliit na kamay at nagpaliwanag nang banayad, “This is Juli. Siya ang bahalang mag-asikaso sa mga pang-araw-araw mong pangangailangan.”
“O-okay…” tugon ni Chloe, bago niya marahang iniangat ang kanyang tingin.
Sandaling natigilan si Juli nang makita ang kanyang kakaibang mga mata. Kumunot ang balikat ni Chloe, handa sa mga mapanghusgang tingin. Ngunit imbes na pag-iwas o pangungutya, isang magiliw na ngiti ang ibinigay ng kasambahay.
“Ma'am, it’s nice to see you.”
Doon lamang nakahinga si Chloe, at bahagyang ngumiti. “It’s nice to see you too.”
Magkahawak ang kamay nilang dalawa na pumasok sila sa loob ng villa. Habang tinatahak nila ang direksyon patungo sa dining area, palinga-linga si Chloe. Ang disenyo ng bahay ay bago at kaaya-aya, may romantikong init at komportableng pakiramdam sa bawat sulok. Nakakapreskong kabaligtaran ito ng marangya ngunit nakakasakal na bahay ng kanyang sariling pamilya.
Mas gusto niya ang atmosperang nararamdaman niya rito.
Isang mainit na palad ang dahan-dahang humaplos sa kanyang ulo. Pag-angat ng kanyang tingin, nakita niya ang malumanay na paalala ni Jiro. “Wash your hands and eat.”
“Okay,” mabilis niyang tugon bago niya marahang binitiwan ang kamay nito.
Matapos silang kumain, inihatid ni Jiro si Chloe sa itaas, sa kanilang silid.
“I still have some things to deal with in the study,” paliwanag niya, kasabay ng bahagyang tapik sa balikat niya. “You can rest by yourself.”
Binuksan niya ang closet, kinuha ang ilang malinis na damit, at iniabot sa kanya. “I’m sorry, I haven’t prepared your clothes yet. You can wear mine first, and tomorrow, I’ll take you out to buy some.”
Napatango na lamang si Chloe, tila tuliro pa rin, at mabilis na tinanggap ang mga damit na inabot niya.
Mas nauuna talaga ang katawan kaysa sa utak. Bago pa man makapag-isip nang maayos si Arion, tumatakbo na siya nang buong lakas papunta sa pinanggagalingan ng gulo.May isang babaeng nakahandusay sa gilid ng kalsada. Puno ng sugat sa dibdib at tiyan, halatang sinaksak nang ilang beses. Babad sa dugo ang suot nitong damit, at nagkalat ang mga tao sa paligid, takot pero walang gumagalaw.Bahagyang kumunot ang noo ni Arion. Sa una, pilit pa niyang kinakalma ang sarili, maraming babaeng ganito ang pangangatawan. Pero habang papalapit siya, mas lalo siyang kinabahan. May pagkakahawig. Masyadong pamilyar ang hubog ng katawan.Biglang may naramdaman siyang natapakan. Tumigil siya at ibinaba ang tingin. Isang pares ng salamin, kulay kayumanggi, ang nasa ilalim ng paa niya, basag ang lente dahil sa bigat ng tapak niya.Parang may biglang humigpit sa dibdib niya. Umalingawngaw ang tenga niya, at tila lumabo ang paligid. Pakiramdam niya, hindi totoo ang lahat ng nakikita niya.Lumuhod siya sa isa
Habang sinasabi pa niya iyon, nailabas na ni Arion ang susi ng sasakyan at diretso nang naglakad papunta sa underground parking. Masama ang timpla ng mukha niya, halatang may iniisip.Pagbukas niya ng pinto at pag-upo sa driver’s seat, paandar na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone na nakapatong sa gitnang console. Bumaba agad ang tingin niya. Ilang segundo lang, may bahagyang pagkadismaya ang dumaan sa mga mata niya.“Drink tayo?” relaks ang boses ni Bluei sa kabilang linya, may halong ingay ng music at tawanan sa background.Hinawakan ni Arion ang manibela at malamig na sumagot, “Pass. Busy.”“Busy?” tumawa si Bluei. “Single ka, wala kang girlfriend. Ano’ng ikinaka-busy mo? Don’t tell me work na naman.”Hindi nairita si Arion. Sa halip, naging kalmado at parang nanunukso ang tono niya. “Busy akong maghanap ng sementeryo para sa ’yo. Para may tutuluyan ka kapag namatay ka.”“Hoy, ikaw—”Hindi na hinintay ni Arion ang kasunod. Pinutol niya ang tawag at mariing inapakan ang si
“Sigurado ka?” bahagyang tinaas ni Arion ang makapal na kilay. Bumaba ang mga mata niya, hindi mabasa ang tono, parang may itinatago.Pagkarinig ni Alizee, biglang lumiwanag ang mga mata niya. “Sure,” sagot niya agad, halos walang pag-aalinlangan. Matagal na siyang nagtitimpi at naghintay, ngayong gabi, parang sa wakas bumigay din ito.Hindi man lang nagulat si Arion. Umurong siya pabalik sa dati niyang puwesto, naupo nang nakataas ang isang paa, saka kumuha ng kaha ng sigarilyo mula sa bulsa. Isa-isa niyang pinisil ang sigarilyo hanggang ma-deform, parang wala lang.Kumakabog ang dibdib ni Alizee. Hindi niya malaman kung pumayag ba talaga siya o pinaglalaruan lang siya.Matapos durugin ang sigarilyo, pinaglaruan ni Arion ang lighter sa kamay, pero hindi pa rin diretsong sinasagot ang tanong niya.Napabuntong-hininga si Alizee. Akala niya, tulad ng dati, dededmahin lang siya nito. Pero biglang narinig niya ang tamad at malamig na boses mula sa tapat.“Kung ano’ng gusto mo.”Napahigpit
Mahigpit na niyakap ni Alizee ang leeg ni Arion. Bahagya niyang pinisil ang labi at pabulong na sumagot, may halong tampo at tapang. “Kung mag-iinvest ka naman sa’kin, hindi imposible ’yan.”Bahagyang sumikip ang mga mata ni Arion. Humigpit ang kapit ng mga kamay niya sa bewang ni Alizee, at ang tono niya’y may halong pang-aasar. “Takot akong malugi.”Alam ni Alizee na wala siyang mapapala sa pakikipagsagutan, kaya tumahimik na lang siya at isinandal ang noo sa balikat nito.****Batan People’s HospitalNaupo si Alizee sa mahabang bangko sa waiting area. Nakapikit ang mga mata niya, parang anumang oras ay makakatulog na. Samantala, si Arion ang kumuha ng ID niya at pumunta sa registration counter.Biglang may pumasok sa paningin ni Alizee, isang pares ng itim na leather shoes. Hindi pamilyar, pero parang nakita na niya dati. Bahagya niyang iminulat ang mga mata at tumambad sa kanya ang mukha ni Jiwan, nakatitig sa kanya nang diretso.Parang may sumabog sa ulo niya. Halos mapasigaw siy






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews