INIHATID SIYA NI Ceska sa ibaba. Nang makalulan ng sasakyan ay hindi niya napigilan na lingunin na si Ceska bago pa niya maisara ang pintuan. Malapad na itong ngumiti sa kanya na kumaway pa bilang paalam. Sinuklian iyon ni Giovanni.“Kapag hindi kayo busy ng boyfriend mo, pwede mo ba siyang dalhin at ipakilala sa akin para naman makilatis ko?” tanong ni Giovanni, kitang-kita ng matanda ang biglaang pagbabago ng hilatsa ng mukha ni Ceska pero nagawa pa rin nitong ngitian siya. “Alam mo naman ang phone number ko hija, di ba? Saka ang social media account ko. Gusto ko siyang makilala dahil para na rin kitang tunay na anak.” patuloy na sambit ni Giovanni bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse.Tunay na anak? Umalingawngaw iyon sa pandinig ni Ceska na kung marahil malinaw ang hangarin ni Brian sa kanya ay baka nagkaroon nga siay ng pagkakataon na maging tunay itong ama. Gusto na rin niyang maging Mommy si Gabriella. Kaya lang, hindi na pwede. Kung maibabalik niya lang ang nakaraan, panigur
BAKAS SA MUKHA ni Giovanni na sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang yakapin ang dalaga ngunit hindi niya magawang igalaw ang katawan upang lapitan ito. Pakiramdam niya ay may pabigat ang kanyang mga paa upang ihakbang iyon, lalo na sa tunog ng mahina nitong mga hikbi ng pag-iyak. Sa kanyang paningin ay naging batang paslit muli ang dalaga na gaya ng dati noong tinulungan niya, helpless. Aping-api ng mundo kahit walang masamang ginawa. Dahan-dahan ay muling naupo ang dating Governor. Nanghihina ang kanyang katawan. Pinili niyang hayaan na lang ang dalaga na ilabas ang kinikimkim nitong emosyon nang sa ganun ay hindi maipon sa loob ng kanyang dibdib. The fatherly love that he could not give her in her childhood, at this time, Giovanni could only give her a little bit of it. Sa paraang ito na tahimik na samahan ang dalaga at walang kahit na anong salita habang inilalabas ang mga hinaing niya. Mabigat ang sitwasyong iyon kay Giovanni lalo na at alam niyang ang anak na panganay ang may
HABANG ABALA ANG dalaga sa kusina ay iginala ni Giovanni ang kanyang paningin sa kabuohan ng apartment ng dalaga. Malinis iyon. Bagamat maliit lang ay sapat na iyon para sa kanya na madalas lang naman sa loob ng apartment. Nakalagay din sa maayos na lalagyan ang mga gamit na paniguradong si Cora ang may kagagawan. Inilapag ni Giovanni ang box ng pizza sa center table aat pinaupo na ang kanyang sarili sa sofa. Maraming pictures ng dalaga ang naka-display doon. May habang lumalaki siya, mga award niya, pictures nila ng mga gala kasama ang pamilya ni Conrad. May nakita pa nga si Giovanni na mukhang kasama siya sa larawan nila. Bago sila umalis ni Cora ng bansa iyon para magpagamot at alam naman niyon ni Briel. Malungkot siyang napangiti. Kung maayos lang ang naging relasyon nito sa asawa noong bata pa lang ito, botong-boto siya na maging manugang ito at makatuwang sa buhay ng panganay na anak na si Gabriano. Bagay din sila. Isa pa, paniguradong magiging mabuting maybahay ito sa kanyang a
SA LOOB NG apartment ay kakarating lang din ni Ceska. Kakatapos niya lang maglinis ng katawan at magpalit ng damit. Wala pang isang minuto na nakalapat ang likod niya sa kama upang maagang magpahinga. Hinihila na siya ng antok. Plano pa sana nilang magtagal sa labas ni Benedict para manood ng fireworks kaya lang ay nagreklamo na siya ng pagod. Wala tuloy choice ang Manager niya kung hindi ang ihatid na siya sa kanyang apartment bago umuwi ito ng villa niya. “Sure ka ba talaga na sa apartment mo ka matutulog? Pwede namang sa villa ko na lang. Bukas na ka lang umuwi.” “Sa villa ko na, Benedict. Huwag kang mag-alala sa akin. Wala akong ibang pupuntahan. Sa pata kong katawang ito? Sa tingin mo may energy pa ako upang lumaboy? Saka alam mong hindi ako mahilig makisalamuha sa ibang mga tao, diba?”“Oo na. Goodnight, Ceska!” hawak na ni Benedict sa kanyang ulo matapos na ihatid siya sa pintuan ng apartment, “Hindi na ako papasok sa loob at magtatagal. Gusto ko na ‘ring magpahinga. Ubos na
ILANG MINUTONG PINAGMASDAN ni Gabriella ang bulto ng asawa na pilit inaapuhap ang mga mata kung nagsasabi ba ito ng totoo. Hahadlangan pa sana siya ng Ginang ngunit nakalabas na ang dating Governor bago pa man niya mahabol. Sa puntong iyon ay unti-unting pumatak ang ambon kung kaya naman mas nabahala pa nang lubusan si Briel kahit na alam niyang walang magagawa sa desisyon ng asawa niyang lumabas. Natataranta na niyang hinabol ito sa may pintuan.“Giovanni, sandali lang! Saan ka ba pupunta? Sasamahan kita!” Nang marinig ni Brian ang pagtawag ng ina nang malakas sa kanyang ama ay nahimasmasan siya sa pagkakatayo. Malalaki ang mga hakbang na mabilis na siyang lumabas. Kulang na lang ay mahulog sa hagdan ang binata upang makababa agad dahil sa narinig niyang sigaw ng ina. Habang ginagawa iyon ay pinalis na niya ang kanyang mga luha nang hindi iyon makita ng inang nilingon na siya nang maramdaman ang pagbaba niya nang mabilis ng hagdan matapos na matigilan sa may main door ng kanilang vi
ILANG BESES NA kumibot ang bibig ni Brian na animo nagtatangkang mangatwiran sa kanyang ama. Tuyong-tuyo na ang lalamunan niya at parang lalabas na sa loob ng kanyang dibdib ang kanyang puso. Kasalanan nga niya iyon, desisyon niya iyon pero hindi naman niya inaasahan na ganito ang kakahantungan ng lahat.“Sinubukan ko naman pong gustuhin siya at bigyan kami ng pagkakataon na magkakilala, kaso wala po talagang sparks Daddy. Hindi ko mapilit ang aking sarili sa kanya. Hindi ko siya magustuhan kahi ang ganda niya na parang si Mommy.” Biglang nanahimik si Giovanni na hinagod ang kabuohan ng matangkad na bulto ng anak. Mukhang tama nga ang hinuha niya. Tama ang hula niya na may mas malalim na dahilan ang anak niya na kailangan niyang palabasin.“Iyong offer ko naman pong paghahatid kina Tita Cora at Tito Conrad, worried lang po ako kay Tito Conrad dahil masyado na siyang matanda. Nagmamagandang loob lang po ako sa kanila, Dad.”“Really, Gabriano? Really?” naiinis ang tonong tanong na ng m