LOGINPAGKABABA NG TAWAG ni Bene ay nag-search na si Gia ng mga ipapabili niya sa asawa. Inilista na niya iyon para mamaya kapag tumawag ang asawa ay ire-recite na lang niya. Hindi na siya mahihirapan pang mag-isip kung may nakalimutan ito.“Vaniel, saan ka pupunta?” Kabababa pa lang ni Gia mula sa afternoon nap niya at nakita ang bunsong kapatid na bihis na bihis. Parang may lakad ito.“Handa na akong lumabas ng lungga, Ate Gia. Nag-aya sina Phoebe at Juvy na magkita naman kami kahit sandali lang.”Ang binanggit ng kanyang kapatid ay mga kaibigan niya sa entertainment industry.“Ah, mabuti naman kung ganun. Nakakasawa na rin na lagi kong nakikita ang mukha mo dito.” Tumawa lang si Vaniel, pero kung hindi buntis ang kapatid ay malamang pinatulan niya ito ng ibang kalokohan.“Ingat ha? Huwag kang magmamaneho ng lasing. Huwag ka na lang umuwi or magsabi ka na lang na magpapasundo.” Lately, ang daming balita ng mga disgrasya na sangkot ang mga lasing na driver. Mapa-motor man or SUV iyon.“
KINAGABIHAN AY ANG mga magulang lang ni Gia ang kanyang kasamang kumain ng hapunan. Bumalik sa trabaho si Brian matapos na ihatid si Bene, at ang asawa naman nitong si Ceska ay umuwi sa kanila upang makasalo ang mga magulang kasama ang kanilang mga anak. Nagpaalam ito kay Brian na pinayagan naman ng asawa. Kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Gia at ang matamlay nitong aura. Ilang beses siyang sinubukang kausapin ng mga magulang tungkol sa ibang mga bagay-bagay lalo na tungkol sa pinsang si Nabe pero kung ano ang tanong nila ay iyon lang din ang sagot.“Anak, huwag mo na kaming hintayin na dumating bago ka matulog. Kung inaantok ka na ay matulog ka na.” si Briel matapos ng hapunan at sunduin lang sila ni Brian upang bumalik ng airport para naman sunduin ang kapatid na si Vaniel.Sinubukan siyang ayain ng mga magulang na sumama, kaso si Gia ang kusang tumanggi. Mas gusto pa niyang humilata.“Hindi na, Mom. Kayo na lang. Hihintayin ko na lang kayo dito.”May mga kasambahay naman kung
MAAGANG INIHATID NI Bene ang asawa sa bahay nina Gabriano sa araw ng kanyang pag-alis ng sa ganun ay magkaroon pa sila ng time upang kumain ng sabay-sabay. Matagal niyang napilit si Gia na huwag na siyang ihatid ng airport. Si Brian na lang ang gagawa noon dahil paniguradong babaha ang luha ng kanyang asawa, baka biglang hindi siya matuloy umalis.“Ano bayaw? Aalis ka pa ba o hindi na?” nakangising tanong ni Brian habang nasa loob na ng sasakyan, inip na hinihintay lumulan si Benedict sa loob ng kotse. “Ma-le-late ka na sa flight mo. Baka gusto mong baguhin ang flight? Bukas na lang?”“Ikaw, panira ka. Yumayakap pa sa asawa niya eh!” si Ceska na tinuro pa sa noo ang asawa upang manahimik lang doon.Game naman siyang nilingon ni Bene. “Sandali lang bayaw, binibilinan ko itong si Gia na huwag na niyang tangkain pang labhan ang mga damit niya. Ipapa-laundry ko na lang pagbalik. Kailangan kong ulitin at baka nakalimutan niya.”Umirap si Gia na bagama’t naiiyak sa pag-alis ng asawa ay nag
GIA RUBBED HER stomach. Naglalaro na ang kakaibang ngiti sa kanyang labi ng mga sandaling iyon. Sabi ng OB niya, parang babae raw ang magiging anak nila dahil ang blooming niya. Subalit ayaw naman niyang maniwala at baka masaktan lang. “Hindi naman ako nagre-reklamo. Paniguradong mami-miss ko rin ang malaking tiyan ko kapag nanganak na ako.” Sinigurado ni Benedict na lahat ng vitamins at kailangang check up ng asawa ay kanyang nakukuha. Iyong munting daing lang nito na sakit ng likod, kahit labag sa loob ni Gia ay sinusugod na agad ng hospital ang asawa para makasigurado siya. “Bene, napaka-OA mo—” “Gia, hindi pagiging OA ang tawag doon. Iniiwasan ko lang na may masamang mangyari sa’yo, sa inyong dalawa ng Baby.”Pinaliit ni Gia ang mga mata habang nakatingin sa asawa. Alam niyang wala na siyang ibang mahihiling sa ama ng anak. Tuluyan na silang nawalan ng balita kita Cedric at Sammy, kung mayroon man ay hindi na sila pareho na interesado dito.“Sigurado ka ba talaga na ayos lang
INIILING NI BENEDICT ang kanyang ulo. Humakbang na palapit sa kung nasaan nakatayo noon ang asawa. “Hindi ah. Saktong nakita ko lang siya. Tungkol sa trabaho ang iniisip ko nang malalim.” Hindi naniniwala si Gia sa palusot ng asawa ngunit hindi niya na pinalawig pa. Hindi rin naman nito aaminin ang totoo e.“Tara na sa kwarto.” ani Gia na walang pakundangang sinara na ang kurtina ng transparent na salamin na ‘yun. Hindi alintana kung makita man sila ni Cedric kung ano ang kanilang ginagawa. Gusto rin niyang makita iyon ng lalaki nang sa ganun ay magising na ito sa katotohanan. Iyong hindi na sila kailangan pang guluhin dahil totoong nagmamahal.“Gia—” “Buhatin mo ako, I mean kami pala ng anak natin.” parang batang taas pa ni Gia ng dalawa niyang kamay kay Benedict.Kumibot na ang bibig ni Bene. Hindi alam kung pagtatawanan ang asawa o aasarin na ang laki na ng katawan nito kaya mabigat na. Lumalim pang lalo ang kanyang pagmamahal na nararamdaman para sa asawa sa pagiging malambing
NANG HINDI PA rin makatulog ay pinili ni Bene na bumangon. Dahan-dahan siyang lumabas ng silid upang magtungo sa may bintana ng sala matapos na magsindi ng sigarilyo at ilagay iyon sa kanyang bibig. Hindi iyon madalas na ginagawa ni Bene lalo na kapag kaharap niya ang asawang si Gia dahil malaki ang epekto ng usok nito sa kanya lalo na at buntis. Paniguradong makakatanggap na naman siya ng sapak sa asawa oras na makita siya nito kung kaya naman madalas na laging patago kapag ginagawa ‘yun. Ngunit kapag stress siya at maraming iniisip, ito ang pang-pakalma ng katawan niya.“Isang stick lang at babalik na rin ako agad sa loob.”The lights faded away, and the sky became bright white. A black Land Rover was parked outside. It was a license plate that Bene was so familiar with. Napahilot pa sa kanyang sentido si Bene nang matanaw ang bulto sa labas ng sasakyan na iyon.“Narito na naman siya…” Hindi lang ‘yun ang unang beses na nakita niya ang sasakyan ng lalaki. Madalas na makita niya ito
NAKAILANG PALIT NA si Ceska ng kanyang suot na damit. Ilang beses niyang tinanong ang kanyang sarili kung totoo ba talaga na inimbitahan siya ng asawa ng dating Governor kahit na narinig naman niya sa mismong bibig ng Ginang iyon. Makailang beses niyang tinanong iyon nang paulit-ulit. Narinig niya
HINDI NA NAGAWA pang tapusin iyon ni Ceska na sinunggaban na ni Brian ang labi upang ituloy ang halik na sinimulan ng babae. Napasinghap na ang babae. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Brian. Ilang minuto iyong tumagal. Gumapang na ang mga kamay nitong humaplos na sa kanyang katawan. Palalim
PAGDATING NG VILLA ng mga Natividad ay walang inaksayang sandali si Brian. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob na parang tagaroon lang siya. Bukod sa mga katulong ng mga ito ay wala ng ibang kasama si Ceska. Bumalik na sa hotel niya si Benedict na hindi naman doon natutulog. Kasalukuyang nasa living
NANAKIT NA ANG ulo ng dating Governor. Anong hindi mag-aasawa? Paano siya magkakaroon dito ng apo kung hindi ito mag-aasawa? Matanda na siya. Baka uugod-ugod na siya kapag mag-asawa si Gia at Vaniel. Hindi iyon pu-puwede! “Isipin mo na Dad, kung ano ang gusto mong isipin pero hindi ko kayang magma







