PUNO NG KAHULUGAN ang mga salita ng doctor na ang dating sa Governor ay para bang sinasabi nito na kung wala lang ang baby sa katawan ng pamangkin niya, hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi niya maatim na isipin na kailangan nilang mamili sa dalawa. Wala sila sa tamang posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Ilang minutong natulala si Giovanni sa sinabi ng doctor. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang mag-asawang Dankworth sa kanya na may alanganin pang mga tingin na para bang naiilang sila kung kakausapin ba siya o hindi. Sinabi na rin iyon sa kanila ng doctor kanina at hindi sila makapag-decide. Ilang beses nilang pinag-iisipan ang gagawin, at ngayon na naroon na ang tiyuhin nito iniisip nila na siya na ang mag-decide. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na lang din ang kanila dahil wala naman doon ang kanilang anak para siya ang magpasya ng lahat.“Governor Bianchi—”“Nasaan ang asawa ng pamangkin ko?” malamig ang tono ng boses nito. Alam ng mag-asaw
MARAHANG TUMANGO ANG Gobernador sa tinurang iyon ng pamangkin. Masuyong pinunasan niya ang mga luhang patuloy na naglalandas sa mukha ng kanyang pamangkin. Hindi pa man sabihin ni Bethany ay alam na ni Giovanni na iyon ang magiging desisyon ng pamangkin para sa kanyang anak. Hindi na nito kailangang pag-isipan pang mabuti, ang kanyang pagkatao ay masyadong katulad ng ina nitong si Beverly na mayroong iisang desisyon sa buhay. Nasanay na palaging maging kalmado sa lahat ng oras ang Governor, ngunit bahagyang nanginginig ang kanyang boses sa sandaling iyon nang dahil sa mahirap na sitwasyon na kinakaharap ngayon ng kanyang pamangkin.“Igagalang ko ang desisyon mo, hija. Nasa labas lang ako. Hihintayin kong ilabas mo ang dagdag na miyembro ng ating pamilya.”Hinawakan niya ulit ang ulo ni Bethany na muli niya pang marahan na hinaplos. “Maging malakas ka, maging matatag ka. Matapang ka. Malalagpasan mo ang lahat ng ito na kagaya ng iyong ina.” Pagkatapos sabihin iyon ay umayos na si Gio
MULI LANG TUMANGO si Bethany at binigyan ng malungkot na ngiti ang biyenan. Pagod na siyang umiyak o madaling sabihin na wala na siyang lakas at luhang mailabas. Naubos na iyon kanina. Tinuyo na ang mga mata niya. Natanaw niya sa may pintuan ng silid ang biyenan niyang lalaki na matamang nakatingin lang sa kanyang banda. Hindi niya pa nakikita ang tiyuhin at si Briel ng mga sandaling iyon na alam niyang nasa labas lang ng kanyang silid. Lingid sa kaalaman niya na sinusubukan pa rin Briel tawagan ang asawa niya kahit na pagod na ito at ubos na ubos na ang pasensya sa sobrang frustration na kanyang nararamdaman.“Ang ganda at cute ng baby niyo ni Gavin, hija. Nakita namin siya kanina ng Daddy niyo at tiyuhin mo.” masuyo pang haplos ng Ginang sa kanyang isang pisngi at hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. “Paniguradong palaban din at matapang ang batang iyon na nagmana sa inyong mag-asawa, kung kaya naman siguradong hindi magtatagal ay magiging maayos ang lagay niya. Sa ngayon ay m
KASABAY NG PAGBAGSAK ng mga luha ni Gavin ay ang pagbitaw ng kanyang kamay sa handle ng kanyang dalang maleta. Tuluyang na-blangko na ang kanyang isipan. Nandilim na ang kanyang paningin na para bang ang kanyang narinig ay hindi boses ng sariling kapatid at guni-guni lang niya ang lahat ng narinig. Naghihina na ang kanyang mga tuhod na napaupo na. Hindi alintana ang lugar na kanyang kinaroroonan.“Lumabas na ang anak niyo kahit kulang pa siya sa buwan, Kuya Gav.”Naghiwalay pa ang kanyang labi sa sunod na sinabi ng kapatid. Hindi na alam kung ano ang dapat na reaksyon. Kotang-kota na siya sa mga pasabog na nalaman niya. Isang maling desisyon, sobrang laki ng naging impact noon. Kung hindi siya nagpilit na umalis ng bansa, wala sanang ganitong kapahamakan.“Bakit mo ba kasi siya iniwan? Inuna mo pa ang trabaho mo diyan! Alam mo namang buntis siya!”“Sagutin mo ang tanong ko, Briel. Kumusta ang asawa ko?!” halos mapatid na ang ugat niya sa leeg.Wala ng pakialam si Gavin kung pinagtitin
INIP NA INIP na iginala ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid habang nakatayo sa may gilid ng entrance ng hospital. Hinihintay at inaabangan niya ang kapatid doon na dumating. Doon banda ang usapan nilang dalawa na magkikita nang makausap niya ito kanina paglapag ng private plane na sinakyan sa airport. Ilang beses na niyang tiningnan ang screen ng cellphone niyang hawak. Umaasa na may message man lang doon ang kapatid kung nasaan na siya, ngunit wala naman iyon kahit na isa. Hindi niya nga alam kung nakaalis na rin ba sila sa airport. Nasa isang oras na rin mula nang makalapag sila kanina. Naweywang na si Briel matapos na huminga ng malalim at sumimangot pa. Sinabi naman na niya sa kapatid kung anong floor naroon ang kwarto ng asawa nitong si Bethany para doon ito dumiretso pagdating, ngunit pinilit pa rin siya ng kanyang mga magulang na lumabas at hintayin niya doon si Gavin. “Ang tanda na niya, Mommy, alam na niya kung saan pupunta. Bakit kailaingan ko pa siyang sunduin? Kaya n
WALANG NAGAWA SI Giovanni kung hindi ang bitawan ang nangangatal na katawan ni Briel na hindi malaman ng Governor kung dahil sa takot o labis na pagkabigla sa kanyang binalita. Isa pa, puno ng gigil na kinagat nito ang kanyang isang braso na wala naman siyang pakialam sa sakit na tinamo kaya niyang tiisin iyon pero hindi ang buhos ng kanyang mga luha. Puno ng kalungkutan ang mga mata ni Giovanni na pinanood ang dalaga na tumakbo patungo sa pinangyarihan ng aksidente na alam niyang hindi na niya magagawa pang pigilan. Bagama’t umiiyak si Briel ay nakipagsisikan siya sa mga taong nakikiusyuso na tumambak at umabot na sa may entrance ng hospital. Ginulo na ng Gobernador ang kanyang buhok. Problemado na ditong sumunod dahil nabalot na siya ng pag-aalala sa katawan na hindi niya kilala. Kamakailan lang ay ayaw na ayaw niya sa dalaga sa pagiging straightforward nito. Umamin ba naman sa kanya na gusto siya matapos ng kasal ng kanyang pamangkin. Nanunuot sa nerves niya ang mga salita nito na
ILANG SGUNDO NA nanigas ang katawan ni Mr. Dankworth nang marinig ang masamang balita mula sa isa sa mga tauhan ni Giovanni patungkol sa aksidente umano ng anak niyang si Gavin. Makailang beses siyang muntik matumba dahil sa pangangatog ng tuhod, mabuti na lang at bahagyang nakasandal siya sa gilid ng pintuan kung kaya naman sinalo nito ang bigat ng katawan niya. Pilit na pinigilan ni Mr. Dankworth ang mga mata na mag-react sa nalaman dahil paniguradong mahahalata iyon ng kanyang asawa na panay ang paninitig sa kanila ng malagkit at puno ng pagtatanong kung ano ba ang kanilang pinag-uusapan. Hilaw ang ngiting nilingon niya ang asawa na nakatingin pa rin sa kanilang banda. Puno ng pagtataka kung bakit ganun na lang ang reaction niya na alam niyang napansin ng Ginang kahit medyo nasa malayo sila. Lumapit siya sa pintuan ng silid nang sabihin ng tauhan na may pinapasabi ang Governor sa kanya kung kaya naman may distansya rin silang mag-asawa. Hindi pa rin inalis ni Mrs. Dankworth ang kan
NAPAANGAT NA ANG mga mata ni Briel nang marinig ang boses ng ama. Sa mga sandaling iyon ay nakatuon iyon sa sahig ng hospital na para bang doon niya hinahanap ang sagot sa mga tanong niya. Pilit niyang kinakalamay ang sarili dahil hindi pa rin siya kumakalma at makapaniwala sa nangyari sa kapatid. Naaksidente si Gavin na kilala niyang magaling magmaneho. Parang ang imposible noon. Magaling na driver ang kapatid niya at ni minsan hindi pa ito nasangkot sa aksidente. Iniisip niya kung may sabotahe bang nangyari para humantong doon ang lahat. Umahon siya sa kanyang pagkakasalampak sa sahig habang hawak ng nanginginig niyang kamay ang bote ng tubig na ibinigay ni Giovanni. Hindi niya iyon tinanggihan dahil feeling niya rin ay naubos na ang lahat ng tubig niya sa katawan. Hinayaan lang naman siya ni Giovanni na umatungal ng iyak. Wala itong ibang sinabi at ginawa kung hindi ang panoorin lang siya. Hindi siya nito sinaway dahil batid ng Governor na sobrang nasasaktan ang dalaga. Biglang bum
KULANG NA LANG ay mapapalakpak at magpa-banquet party sa galak ang ina ni Giovanni na hindi na mapigilan ang bibig na magbigay ng komento sa kanyang nalaman. Matagal na panahon na niyang hangad na magkaroon ng pamilya ang bunso niyang anak. At sa wakas, sa araw na iyon ay dumating na ang kasagutan sa matagal na niyang paulit-ulit na ipinagdarasal na mangyari. Ang buong akala niya talaga ay hindi na maiisipan nitong bumuo ng kanyang sariling pamilya. Iba talaga kapag nagmahal ang isang tao.“Kailan ang kasal? Ako na ang magpre-presentang mag-asikaso ng lahat!” taas pa nito ng kanyang kamay na salitan na ang tingin kay Giovanni at Briel na makahulugan nang nagkatinginan sa tinuran ng Donya. “Mama, hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyon. Hayaan niyo munang namnamin namin ang phase ng pagiging engaged. Saka na lang po namin iyon pag-uusapan. Hindi na rin namin ito patatagalin.” “Naku, doon din naman papunta bakit patatagalin pa? Di ba mga balae?” sagot ni Donya Livia na tiningna
PUNO NG PAGHANGA at hindi pa rin makapaniwala si Briel habang sinisipat ang suot niyang singsing sa daliri habang nakaupo na sila ni Giovanni sa table at dinudulutan na sila ng pagkain. Nasa kandungan niya ang bouquet ng bulaklak. Kagaya ng diamond sa kanyang daliri ay kumikinang sa labis na saya ang kanyang mga mata habang nakatunghay pa rin doon. Expected niya iyon ngunit hindi ganun kaganda ang singsing. Ang buong akala niya pa nga ay plain gold lang. Sa ginawa ng dating Gobernador na proposal, batid ni Briel sa kanyang puso na mas lalo niyang minahal ang lalaki. “Thank you!” patulis ng nguso ni Briel na itinaas pa ang kanyang daliri na muli na namang sinipat-sipat. “Saan?” kinikilig namang tanong ni Giovanni na hindi na rin maalis ang mga mata sa mukha ni Briel. “Dito. Alam kong grabe ang effort na ginawa mo para lang magawa mo ito.” Inilinga pa ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid upang sabihin na gusto niya ang ambience doon. May nagva-violin pa sa gilid nila upang i-se
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay