ANMELDENNAISIP NI GIA na kung naroon lang si Vaniel, hindi siya maiiwang mag-isa ng mansion. Kung maiwan man na gaya nito, may makakausap siya dahil gaya rin niya si Vaniel na mas gugustuhing manatili sa mansion keysa ang lumakwatsa lang.“Siya nga pala, kumusta kayo diyan?” “Okay naman. Sina Mommy at Daddy papunta ng Masbate, ang pamilya ni Kuya Brian ay mamasyal sa labas.” pagbabalita ni Gia dahil paniguradong wala pang alam doon ang bunsong kapatid, “At ako? Stucked ako sa mansion. Hindi ako lalabas.”“At bakit naman? Meet your friends, Ate Gia. Or bumaba ka ng Manila. Punta ka kina Tito Gavin. Sama-sama ‘yun sila.”Pinag-isipang mabuti ni Gia kung sasabihin niya ba sa kapatid ang tungkol sa kanilang bisita. Kung gagawin niya iyon, paniguradong malalang kantyaw ang aabutin niya dito. Sa kadaldalan ng kanilang Kuya Brian, binanggit nito kay Vaniel ang tungkol kay Bene. Ang masaya lang sa part na iyon, botong-boto si Vaniel sa lalaki na maging bayaw ng dahil kay Gia.“Tinatamad ako. Gusto k
PUMUNTA MUNA SA kanyang silid si Gia upang magpalit ng kanyang damit bago muling pumanaog at puntahan ang kanilang mga magulang. Nakasalubong niya ang mga ito sa hagdan na nagmamadaling umakyat sa ikalawang palapag. Puzzled na ang mukhang tiningnan ng salitan ni Gia ang mukha ng kanyang mga magulang upang humingi ng sagot dito.“Why are you in a hurry, Mom? Dad?” Hilaw na ang naging ngiti ni Gia. Baka kasi nalaman na ng mag-asawa ang ginawa niyang pagtakas ng nagdaang gabi at pupuntahan siya upang komprontahin. Inilagay na ni Gia ang kanyang dalawang kamay sa likod. Pinapakita noon ang pagiging tensyon niya kada ganun ang kanyang gagawin. Sinalubong siya ng malaking ngiti ng mag-asawa, mukha naman na hindi sila galit sa kanya. Iyon nga lang ay hindi pa rin ni Gia magawang makapag-relax dahil wala pang sagot.“May pupuntahan kaming event ng Daddy, Gia. Ikaw na muna ang bahala sa ating bisita ha?” sagot ng kanyang ina na bahagyang kumindat pa, iyong tipong may lihim na pinapaabot iyon
MAKAHULUGANG NAGPALITAN NG tingin si Gio at Briel pagpasok ni Gia ng pintuan ng mansion kasunod si Bene. Palaisipan kay Gio kung bakit kasama ng anak niya ang kaibigan slash business partner ng panganay niyang anak na si Gabriano. Kay Briel ay balewala na dahil kagabi pa niya alam, ngunit sa padre de pamilya ay hindi. Nakakunot na agad ang noo nito.“Saan ka galing Gia?” unang tanong ni Gio na ang mata ay lumipat na kay Bene. “Nag-breakfast lang sa labas, Dad.” “Breakfast? Then paano mo ipapaliwanag ang kalat sa—”Itinaas ni Gia ang kanyang isang kamay upang pigilan na magsalita na ang kanyang ama. “Dad, let me explain later pero mayroon po akong bisita oh. Mamaya mo na ako pagalitan, pwede?” Sumenyas si Gia kay Bene na magmano sa kanyang mga magulang na agad namang sinunod ni Bene. Nagpakunot lalo iyon sa noo ni Gio at nagpalawak naman ng ngiti sa labi ni Briel. Kung hindi siya nagkakamali, may relasyon ang dalawa. Hindi na siya mahihirapang maghanap ng blind date ng anak dahil m
NAKARAMDAM PA NG matinding guilt sa sarili si Gia. Ang haggard kasi ng mukha ni Bene na kanyang ihaharap sa magulang. Kung hindi lang siya naging pasaway, paniguradong fresh itong tingnan. Kung pumayag lang siyang ihatid nito sa mansion kagabi, nakapahinga sana ito ng ayos. Hindi haggard ang mukha pati ang isipan na para bang pasan niya ang problema ng lahat ng taong nabubuhay ngayon sa mundo. Alam niya sa kanyang sarili na siya ang dahilan kung bakit ganito ang hitsura ng nobyo na paniguradong hindi palalampasin ng mga magulang at itatanong kung ano ang nangyari.“Galit ka ba sa akin, Bene?” walang anu-ano ay tanong niya na nakalingon na noon kay Benedict.Gusto niyang malaman ang iniisip nito. Gusto niyang malaman kung kailangan niya bang paulit-ulit na mag-sorry dito.“No? Bakit mo naman naisip iyon?” sagot ni Bene na ibinalik ang katanungan sa kanya. Nagawa pa ng nobyong haplusin ang ulo niya nang hindi siya tinitingnan at nakatuon ang mata sa tinatahak na kalsada.“Pakiramdam ko
ILANG ULIT NA napamura si Bene sa kanyang isipan nang maramdaman na dinikit pa ni Gia ang katawan niya sa kanya. Hindi lang iyon, dumantay pa sa beywang niya ang isang binti ng kasintahan. Komportable pa rin na natutulog. Sinubukan ni Bene na umusog ang katawan papalayo, ngunit hinila lang siya nito palapit na para bang personal na hugging pillow. Mariing ipinikit ni Bene ang mata, nagpipigil na huwag mag-react ang katawan lalo na nang maramdaman niya ang malusog na dibdib ni Gia na lumapat na sa likod niya.‘Shit! Gia, stop!’ hiyaw ng kanyang isipan dahil kilala niya ang sarili oras na mag-init, walang makakapigil sa kanyang gustong gawin. ‘Stop, kung ayaw mong mawala na ako sa katinuan.’Nakahinga nang maluwag si Bene nang muling marinig ang hilik ni Gia, unti-unting kumalma ang nagmamadaling tibok ng puso niya na pakiramdam ni Bene ay sasabog na noon. Dahan-dahan siyang gumalaw upang tumihaya. Halos magdikit na ang kanilang mukha ni Gia sa sobrang lapit nito sa kanya. Hagip ng gili
PAGAPANG NA MULING bumalik sa higaan Gia. Hindi nakuntento ang babae na humiga lang siya, hinila niya pa ang comforter na maayos ang tupi at walang pakundangan na ibinuka upang ibalot lang iyon sa kanyang nilalamig na katawan. Plano niya sanang maligo bago mahiga, pero kung gagawin niya ang bagay na iyon ay tiyak mahuhuli siya ni Bene sa kanyang pina-planong pagtulog dito. Sa totoo lang, wala naman talaga sa kanyang vocabulary ang umuwi ng mansion sa gabing iyon. Gusto niyang dito magpalipas ng oras hanggang umaga kasama ni Bene na alam niyang tututulan nang mariin ng kasintahan kung open niyang sasabihin. Syempre, hindi niya tahasang sinabi iyon kay Bene na paniguradong hindi papayag. Kanina pa nga lang, alanganin na siya papasukin mabuti at napilit lang niya. Pumasa ang alibi niya dito. “Matalino man ang matsing, nalalamangan din ng mas matalino sa kanyang matsing.”Humahagikhik na inayos ni Gia ang kanyang higa. Ini-imagine pa rin ang magiging hitsura ni Bene oras na makita siya
MULA NG GABING iyon, pinilit ni Gabe na libangin ang kanyang sarili. Tuwing malulungkot siya, iniisip na lang niya ang mag-aama na doble ang mararamdamang lungkot oras na siya naman ang mapahamak. Paunti-unti, nagawa ni Gabe na mag-adjust at tanggapin ang kapalaran ni Jake. Panay pa rin ang dalaw n
KAGAYA NG DATI, nanatiling magaling at masarap pa rin humalik si Atticus para sa kay Gabe. Nagagawa nitong buhayin ang bawat himaymay ng kanyang katawan. Humantong sila sa sofa, nakakandong na si Gabe noon sa mga hita ni Atticus habang mahigpit na nakayakap sa leeg ng asawa ang brasong dalawa. Iyon
SAKA LANG NAALALA ni Gabe na natapos na ni Atticus ang kanyang recovery period ng mga sandaling iyon sa surgery nang balingan na niya ang mukha ng asawang malapad na ang ngiti sa kanya. Hindi niya mapigilan na baka iyon ang habol sa kanya ng asawa kaya nanunundo ito? Imposible. Alangan namang sa ho
BUKOD SA AYAW ni Gabe na makita ng kambal na may alitan sila ng kanilang ama ay pagod na pagod din si Gabe. Hindi sumang-ayon o tumutol si Atticus sa kanyang tinuran. Ngunit para kay Gabe ay hindi na iyon mahalaga. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan, lumabas, yumuko, binuhat na sina Haya at Hunter







