Mag-log inMULI PANG HUMALAKHAK si Bryson na inayos na ang pagmamaneho. Tuwang-tuwa siya sa reaction ng pasahero niya.“Oo na, Baby, hindi ka naman mabiro. Gusto pa kasi kitang kasama. O siya, bibilisan ko na.” sensual pa ang boses na sambit ni Bryson na halos ikahulog ng panga ni Piper ng marinig. Puno ng pagtitimping kumibot na ang kanyang bibig. Naiinis.“Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo, Bryson.” “Bakit? Mukha ba akong nakikipaglaro ng apoy sa’yo ngayon ha?” bahagya pa nitong lingon na kinagat na ang labi. Nakatigil sila dahil medyo nag-traffic. Iniiling na lang ni Piper ang kanyang ulo. Para siyang mauubusan ng bait dito. “Ewan ko sa’yo, huwag mo na nga akong kausapin pa!” Hindi siya pinakinggan ni Bryson na panay ang daldal pa rin kahit na hindi pinapansin ni Piper. Tuloy ang dada nito na hindi naman iniitindi ng babae. Pagdating nila sa tapat ng Alvarez Group Building ay nagkukumahog ng bumaba si Piper. “Nasaan ang kiss ko?!” demand agad ni Bryson matapos na bumaba ni Piper at akmang
PAGSAPIT NG UMAGA, mag-isa na lang si Piper sa kama nang magising siya. Buong akala niya ay umalis na si Bryson at iniwan siya nang hindi man lang ito nagpapaalam sa kanya kung kaya naman ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng labis na pagkairita. Matapos siya nitong gamitin ay basta na lang siyang iniwan? Hindi man lang din siya nito ginising?“Tch, ano pa ba ang aasahan ko sa kagaya niya?” mahinang bulong-bulong ni Piper, kinuha ang unan sa katabi upang yakapin lang. Ang sakit ng buong katawan niya, hinang-hina siya.The morning light shines into the room, bringing a touch of gold but it is not dazzling but feels infinitely beautiful. Sa sala ng apartment ay naroon si Bryson, nakatayo malapit sa may bintana habang may kausap sa kanyang hawak na cellphone. Ang kanyang na assistant iyon.“The meeting at ten o’clock in the morning has been cancelled, and it will be moved tomorrow. Iyong ibang schedule mo po Mr. Dankworth ay tuloy pa rin at walang nagbago.” “Alright…” Ibinaba na rin
TUMIGIL SA PAGHAKBANG papalayo si Bryson na nilingon si Piper gamit ang mapungay na mga mata niya. Natigilan naman ang babae sa kanyang paglapit. Nagawa na ni Bryson mahubad ang kanyang coat, nasa braso niya na iyon.“Wala kang kasama dito, kaya ako umuwi.” Humalukipkip si Piper, tinaasan na si Bryson ng isang kilay. Ngayon pa lang ay alam na niya kung ano ang binabalak nito kung kaya siya umuwi ng apartment. Biglang na-excited siya sa magaganap. Agad na sinaway ni Piper ang sarili lalo na parang nagdiriwang ang kalamnan.“Hindi na ako bata, Bryson. Sanay akong mag-isa. Ayusin mo nga ang palusot mo.”Sa sinabing iyon ni Piper ay biglang ngumisi si Bryson. Sinampay na sa kanyang isang balikat ang coat na hinubad at walang sabi-sabing tinawid na ang distansyang nasa pagitan. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na nagawa pang paghandaan ni Piper iyon. Ni ang umatras ay hindi na niya nagawa. Natagpuan na lang niyang nasa harap na ang bulto noon ni Bryson.“Ngayong alam mo ng palusot lang iyo
MATAPOS NA KUMAIN ng dinner ay nagpaalam si Bryson sa mga magulang na saglit lang lalabas dahil nag-aaya ang kanyang mga kaibigan na saglit na uminom. Hindi naman siya hinadlangan ng mga ito at hinayaan lang na umalis. Hindi na nagpaalam si Bryson sa mga anak dahil pihadong marami pa silang katanungan bago siya makaalis ng villa. Tinaon niya na busy ang mga ito na kausap ng kapatid niyang si Nabe na kakauwi lang noon at may dala pang pasalubong sa tatlo.“Nasaan ka na, Bryson? Narito na ako.” si Ryder nang tawagan siya matapos na makarating sa napag-usapan nilang bar.Siya mismo ang nag-decide kung saan sila magkikita. Gusto niyang uminom ng alak ngunit hindi sobra. Kumbaga ay pampainit lang ng kanilang katawan. Hindi sila maglalasing. Iyon ang plano ni Bryson at dinahilan niya lang ang kaibigan.“Anong nakain mo at nag-aya kang uminom? Saka bakit ako lang din ang inimbitahan mo? Paano naman ang ibang nais na makisalo sa atin?” iyon agad ang tanong ng kaibigan niyang si Ryder pagkalap
UMIKOT ANG MGA mata ni Piper, ngunit sa bandang huli ay wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa agos ng nais na mangyari ni Bryson. Naging family shopping day nila ang araw na iyon. Dinala sila ni Bryson sa mall na pag-aari ng pamilya ng kanyang bayaw na si Atticus Carreon, hindi dahil gusto niya ng discount kundi dahil mas malaki ang mall at mas maraming mapagpipilian ang kanyang mag-iina na mga brand at design na kanilang nais na bilhin na mga damit.“Mga anak, choose anything you want. Bibilhin ng Daddy lahat ng magugustuhann niyo.” mando ni Bryson sa triplets pagdating pa lang nila sa palapag ng mga damit, “Mamaya ay bababa tayo sa store kung saan ay puro lang mga laruan.” Binalingan pa ng lalaki si Nana Selda. “Ikaw din Nana Selda, pwede mong pilian ng kahit anong gamit ang iyong mga apo, manugang at maging si Seth.” Napapalatak na si Piper habang nakatayo lang sa isang gilid. Hindi niya mapigilang mapailing ang ulo. Nayayabangan siya kay Bryson in a way na hindi nakakaiy
SA PAGKAKATAONG IYON ay sabay na hinarap ni Bryson at Piper ang matandang babae. Bigla namang nailang si Nana Selda na hindi malaman kung ano ang kanyang gagawin. Hilaw na siyang ngumiti. Biglang na-pressure sa mga kaharap.“Nana Selda, hindi mo sinabi sa kanya na umuwi ako kagabi?” tanong ni Bryson sa magaang tono, hindi naman naninisi.Salitan na silang tiningnan ng matandang babae. Hindi niya sinabi dahil ang buong akala niya ay alam ni Piper na umuwi ito. Nagkamali siya ng hula. Kaya ba maaga si Bryson umalis ay dahil takot itong malaman ni Piper na umuwi siya? Hindi niya alam at wala na rin siyang planong tanungin pa kung ano ang dahilan sa likod noon. Sasabay na lang siya sa daloy.“Nana Selda, hindi mo kailangang magsinungaling dahil natatakot ka kay Bryson. Narito ako. Hindi ko hahayaan na pati ikaw ay gamitin niya.” giit ni Piper dahil baka iyon ang ginagawa ni Bryson upang pabulaanang nag-spend ito ng gabi kay Faith. “Sabihin mo sa akin ang totoo. Umuwi siya? Tunay na kumain
TITIG NA TITIG sa kanya si BRYSON. May kakaiba at kawalang-bahala sa mga mata nito na noon lang nangyari at nakita ni Piper. Walang bakas iyon ng pagmamahal ng nakaraan na para bang ni minsan ay hindi siya nito minahal. Bryson took out a cigarette case in front of her, shook out a cigarette, and lo
SUMAPIT ANG ALAS-SAIS ng hapon at panay na ang hikab ni Piper dala ng unti-unting bumabalot na antok sa katawan. Ilang oras na niyang nilalabanan na sumara ang talukap ng kanyang mga mata dala ng kanyang matinding pagod at kulang sa tulog. Nag-out na ang receptionist ngunit nanatili pa rin doon si
TULALANG NAPAUPO NA sa gilid ng kanyang kama ang assistant na nabulabog na naman sa kanyang mahimbing na pagtulog ng amo. Ilang beses niya pang kinusot ang mga mata niya upang mahimasmasan. Kasarapan iyon ng tulog eh.“Mr. Dankworth, are you sure? That project is very complicated. A complete merge
DALA MARAHIL NG kanyang panghihina kung kaya naman hindi na doon umalma si Piper. Hinayaan niyang igiya siya ng assistant palabas ng lobby. Dumami pa kasi ang employee na karamihan ay tapos na sa kanilang overtime. Uuwi na. Kung maiiwan doon si Piper, tiyak na mas makakaakit ito ng kanilang atensyo







