Home / Romance / The Substitute Wife / CHAPTER FOURTEEN

Share

CHAPTER FOURTEEN

Author: CamsyFrias
last update Huling Na-update: 2021-11-24 21:07:14

CALISTA

NAGISING ako nang maaga. Dahil dalawa lang ang kuwarto rito, magkasama kami ni Dayne sa iisang kwarto ngunit mas pinili niyang matulog sa lapag. Nang tignan ko si Dayne ay kusa na lang nahulog ang panga ko nang makita kong wala na siya roon.

'Hindi kaya ay hindi siya nakatulog nang maayos kagabi?'

Nang maayos ko ang aking hinigaan ay agad akong lumabas ng kuwarto. Naabutan ko na lang si Lola Paz na kasalukuyang nagluluto ng almusal.

"Lola," saad ko at agad naman siyang napalingon sa akin.

"Oh, Cali. Gising ka na pala."

Ngumiti ako at tumango. Inilibot ko ang aking paningin. Pansin kong tanging si Lola lang ang narito sa loob ng bahay. Nang tignan ko ang orasan ay alas-sais pa lang ng umaga.

"Uhm, Lola, nakita niyo po ba si Dayne?"

"Ah, oo. Nasa labas siya. Maaga ngang nagisin

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Substitute Wife   SPECIAL CHAPTER

    -CALI'S POV- MONTHS had passed, bago kami tuluyang ikasal ni Dayne, ay isang mabigat na desisyon ang aking gagawin. Isang desisyon na alam kong makakapagpagaan sa puso ko. Nagpasya akong magtungo sa presinto, kung nasaan si Patrick. Tumulo ang luha ko nang makita ko siya habang papalapit sa gawi namin. "K-kumusta ka na?" tanong ko rito ngunit hindi ito nag-abalang sumagot. "Ito, oh. Kumain ka muna, Patrick," saad ko at isa-isang nilapag ang mga pagkain nasa tupperware. Ako pa mismo ang nagluto nito para sa kaniya. "Alam ko, walang kapatawaran ang ginawa mo sa kakambal ko," umpisa ko. "Buhay niya ang kinuha mo, eh. At wala kang karapatan upang alisin iyon sa kaniya." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko. Masyadong masakit habang sinasabi ko ang mga bagay na 'to. "Pero sino nga ba ako upang hindi ma

  • The Substitute Wife   EPILOGUE

    -DAYNE CERVANTEZ- 5 YEARS LATER: TANDANG-TANDA ko pa rin kung paano kami nagkakilala ni Cali. Isang gabing tila wala ng pag-asa para sa aming dalawa. Then I saw her, alone. Hanggang sa pagkaguluhan siya ng mga tao. Akala ko noon, sa telebisyon lang makikita ang gano’ng klaseng pangyayari. Isang estrangherong lalaki ang maglalakas loob na yayaing magpakasal sa isang babaeng hindi naman kilala. Bigla akong napangiti nang maalala lahat ng iyon. Sa lahat ng posibleng mangyari sa mundo, I met her like it was destiny. “Are you ready, Dayne?” Tumango ako at ingat na ingat na inayos ang aking buhok. Ilang minuto pa ang nakalipas nang tuluyan na akong tawagin sa stage. Napangiti ako nang magpalapakan ang mga tao. Ramdam na ramdam ko pa rin ang suporta nilang lahat sa kabila ng pag-give up ko noon bilang isang artista. “Welcome, Dayne

  • The Substitute Wife   CHAPTER 54

    -KLAIRE'S POV- Ganito pala ang pakiramdam na makita si Cali sa ganiyang kalagayan. Ang bigat. Masyadong mabigat sa dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko akalaing magagawa ni Patrick ang lahat ng bagay na ‘to. Katulad ni Dayne, masyado rin akong nabulag sa pagmamahal kay Patrick. Nagpapasalamat na lang ako dahil agad na naputol ‘yon. Inaamin kong, nasasaktan ako. Hindi lang si Dayne ang niloko nila, kundi pati na rin ako. Gusto kong maiyak dahil sa sitwasyon ngayon. Sa tuwing nakikita ko si Cali na nakahiga sa kamang ‘yan, naiisip ko na hindi niya dapat ito pinagdadaanan. Hindi niya deserve ang lahat ng bagay na ‘to. Napatalikod ako bigla nang biglang pumasok si Dayne. Ang sabi ng Doctor, stable na rin daw ang kondisyon ni Cali, pero hindi pa rin naming maiwasang mag-alala dahil three days na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nagigising.

  • The Substitute Wife   CHAPTER 53

    -THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- ILANG oras nang naghihintay si Dayne. Kanina pa niya tinitignan ang kaniyang orasan. Hindi maalis sa isipan niya kung saan nga ba nagpunta si Clarisse. Sino ang kasama nito? At bakit dis-oras na ng gabi ay wala pa rin siya. Napatayo agad siya nang bumukas ang pinto sa kanilang kwarto. Niluwa nito si Clarisse na lasing na lasing. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at mahahalatang kakagaling lang nito sa pag-iyak. "Clarisse?" nag-aalalang sambit ni Dayne habang inaalalayan niya ang babae. "Where have you been? At bakit lasing na lasing ka?" "Nothing, Dayne. I just enjoy this beautiful night," she laughed. Namuo ang pagtataka sa isipan ni Dayne. Wala soyang makitang dahilan kung bakit nagpakalasing ang fiancée nito. Nag-away ba sila? Hindi. Nagkaroon ba sila ng hindi pagkakaunawaan? Wala. Kumuha ng ma

  • The Substitute Wife   CHAPTER 52

    -CALI'S POV- “P-Patrick?" saad ko nang tuluyan na siyang makalapit. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? “Cali. Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit tila takot na takot ka?” Umupo ito sa aking harapan at sinilip ang aking mukha. “Cali.” Hinawi nito ang aking buhok kaya’t agad akong umiwas. Biglang nagbago ang ekspresyon nito dahil sa ginawa kong iyon. Mula sa pagiging kampante, napalitan ito nang galit na galit na mukha! “P-Patrick. . .” saad ko. Natatakot ako! Natatakot ako sa pwede niyang gawin! Hindi. . . Hindi si Patrick ito. . . Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ang kaharap ko ngayon. Pero hindi. Si Patrick talaga ang nasa harapan ko ngayon! “I-Ikaw b-ba ang—” Napatigil ako nang bigla itong tumawa! Nakakatakot ang tawang iyon. “Finally! Nakuha mo rin!”

  • The Substitute Wife   CHAPTER 51

    -THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- WALANG pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ni Dayne. Dumating na kasi ang pinaka espesyal na araw para sa kanila ni Clarisse. Muli niyang tinignan ang kaniyang sarili sa salamin at inayos ang neck tie nito. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang tuxedo na tinernuhan ng kulay pula na neck tie. "Handa na ba ang lahat, Klaire?" masayang tanong niya sa dalaga. "Oo naman, Dayne. Ikaw? Handa ka na ba?" Huminga ito nang malalim at ngumiti. Hindi maitatanggi ang kabang nararamdaman nito. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng kaba kung dumating na ang araw na magpo-propose ito sa kaniyang minamahal? "Oo, Klaire. At excited na akong maging fiancée siya." "How can you be so sure, Dayne?" mapagbirong tanong ni Klaire. "Of course, I am sure, Klaire." H

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status