CALI
Hinila ako ni Cassey papunta sa mga kasamahan namin sa trabaho. Halos mapanganga sila sa nakikita nila. Gusto kong takpan ang mukha ko dahil sa mga titig nila. Agad ding hinanap ng mga mata ko si Patrick pero wala kahit anino niya.
"Woah! Wala ka talagang katulad, Clarisse! Ang sexy mo pa rin!"
"Ang swerte talaga ni Dayne!"
Rinig na rinig ko rin ang pagsipol nang mga 'to. Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ang mukha ko.
"Teka nasaan ba si Dayne?"
"Ang sabi niya magpapahinga siya. Napagod kasi siya sa biyahe," sagot ko.
"Nagpapahinga? Eh, ayun siya, oh." Turo ni Cassey.
Lahat kami ay napatingin sa paparating na si Dayne. Naka-open shirt ito at naka-shorts ng color green. Tambad na tambad ang pinagmamalaki nitong six-packs abs na kahit sinong babae ay tiyak na tutulo ang laway. Kung titignan napaka-hot talaga nito. Hindi na nakapagtataka na isa siyang sikat na sikat na artista.
"Your drools reached your chin, Clarisse," natatawang saad ni Cassey.
Bahagya akong nataranta at agad na hinawakan ang labi ko kung totoo ba ang sinasabi niya.
"Hindi naman, ah?"
"You're so funny, Clarisse. Kung makatitig ka kasi sa asawa mo parang wala ng bukas!" She laughed.
Napatahimik na lang ako. Pansin ko ang pagkabog ng puso ko nang makita ko rin si Patrick na palapit sa amin.
"Hi, Clarisse!" bati sa akin ni Patrick.
"H-hi." Napalunok ako. Bakit ba ako nauutal?
Pasimple kong tinignan si Dayne at wala akong makitang ekspresyon sa mukha niya, ngunit hindi maalis ang tingin nito sa akin kasabay no'n ang paglunok ng sarili niyang laway. Agad naman itong umiwas ng tingin. Tila tumigil ang pagtakbo ng oras nang ipulupot nito ang sariling kamay sa beywang ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo sa aking katawan dahil sa ginawa niyang iyon!
Niyaya kami ng mga kasamahan namin na maligo na ngunit tumanggi muna kami ni Dayne kaya't naiwan kaming dalawa. Umupo kami sa buhangin at aliw na aliw na pinagmasdan ang mga kasamahan namin na masayang nagtatampisaw sa tubig.
"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya sa akin nang hindi man lang ako tinitignan.
"Pinasuot ito sa akin ni Cassey. Hindi nga ako kumportable, eh."
"Next time, mag-shirt at shorts ka na lang."
"Pangit ba?"
Tinignan niya ako at nagtama ang tingin namin. Napalunok ako at umiwas ng tingin habang siya ay nanatiling hindi ito sumagot.
Lumipas na yata ang isang minuto bago niya nagawang sumagot.
"I just don't like the way they look at you."
Napatingin ako sa kanya. Malayo ang tingin nito kaya't namuo ang pagtataka sa aking mukha.
"Bakit naman? Kung maganda naman ang katawan ko, bakit hindi? Minsan lang naman sa buhay ko ang magsuot ng ganito, 'no!"
"Maganda?" Bigla itong napatingin sa akin. Pansin ko ang pagbaba ng tingin nito sa katawan ko na naging dahilan para takpan ko iyon! Mayamaya ay napangisi siya at muling umiwas ng tingin. "Flat chested ka!"
"Ano? Sira ulo ka ba?" sigaw ko.
"I'm just telling the truth."
"Ah, kaya pala napalunok ka ng laway kanina." Ngumisi ako.
"What? Nagulat lang ako!" sigaw niya pabalik. This time ay magkaharap na kami ngayon.
"Walang masama sa pagsasabi ng totoo, Dayne."
"Nagsasabi ako ng totoo, flat chested ka!"
Mas lalong lumapad ang nakakalokong ngiti sa labi niya.
"Clarisse! Dayne!"
Napatigil kami sa pag-aasaran nang makita namin si Patrick na papalapit sa amin. Heto na naman ang paglakas ng kabog ng puso ko sa tuwing nakikita siya. Ano ba 'tong nararamdaman ko?
"Hindi pa ba kayo maliligo?" tanong ni Patrick.
"Hindi pa. Nag-i-enjoy pa kasi kami sa panunuod sa kanila," sagot ko.
"Ah. I see." Tumango-tango ito. "By the way, Clarisse. I like your outfit today. Black swim suit is perfect for your skin," komento nito.
"S-salamat," nahihiyang sagot ko. Bahagya akong nakaramdam ng kilig sa katawan dahil sa sinabi niyang iyon.
Naramdaman ko na lang na siniko ako ni Dayne sa may tagiliran. Anong problema niya?
"Patrick, pinapatawag ka ni Direk."
May isang lalaki ang tumawag kay Patrick. Siguro isa siya sa mga staffs ng pelikula.
"Kahit hindi mo sabihin, I can feel that you liked him," bigla niyang saad nang makaalis si Patrick.
Magsasalita pa sana ako nang marinig naming mag-ring ang cellphone niya. Nagpaalam naman siya sa akin bago sagutin iyon.
Lumayo sa akin si Dayne at kitang-kita ko mula rito ang galit at pag-aalala sa mga mata niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Tumayo ako at lumapit ngunit nagtago ako sa may malaking puno para hindi niya ako makita.
"Nandito siya? Saan?" Medyo napalakas 'yung boses niya at luminga-linga ito sa paligid. "Paano siya nakapunta rito? Nasundan niya kami, gano'n ba?" Galit na galit ang boses nito. Bahagya akong natakot dahil ngayon ko lang siya nakita na ganito.
Sino kaya ang kausap niya? At sino ang tinutukoy niyang nakasunod sa amin?
"Ako na ang bahala. Salamat." Binaba niya ang cellphone niya at tumingin sa gawi ko. Nagulat naman ako nang tawagin ako nito.
Nang makalapit ako ay hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. "A-Alam mong nandito ako?"
Tumango lang ito. "Enjoy yourself here. May pupuntahan lang ako."
Aalis na sana siya pero agad ko itong pinigilan. "T-Teka, Dayne. Saan ka pupunta?"
Imbes na sagutin niya ako ay isang ngiti ang binigay niya sa akin at tuluyan na siyang umalis. Nag-aalala ako para sa kanya. Base sa tono ng boses niya ay parang may mali.
Naglakad-lakad ako sa gilid ng dagat. Inaaliw ko ang sarili ko para maalis ang takot sa d****b ko. Hindi maalis sa isipan ko si Dayne. Bakit pakiramdam ko ay ang dami niyang tinatago? Kung tungkol man ito kay Clarisse, bakit hindi niya sabihin sa akin? Handa akong makinig at tulungan siya sa bagay na 'yon.
Naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang isang lalaking tila nagmamatiyag sa akin. Kitang-kita ko ang nakakamatay na titig nito. Para itong papatay sa sobrang sama 'non. Nanindig ang balahibo ko at rinig na rinig ko rin ang pagtambol ng d****b ko!
Gusto kong makalayo sa taong 'yon pero hindi ako makagalaw. Tila nanigas ang aking katawan. Pakiramdam ko tuloy ay may masama siyang balak sa akin. Sino ang taong 'yon? At bakit gano'n na lang ang titig niya sa akin?
"Clarisse?"
Nilingon ko ang nagmamay-a*i ng boses na 'yon. Si Patrick. Tinignan kong muli ang lalaking 'yon pero wala na siya. Saan nagpunta ang taong 'yon?
"Sinong hinahanap mo? At bakit takot na takot ka?"
"W-wala, Patrick. Wala." Umiling-iling ako.
"Sigurado ka? Pero namumutla ka." Bakas ang pag-aalala sa tono ng boses niya.
Hindi agad ako nakasagot nang hilahin ako nito papalapit sa kanya. Niyakap niya ako kasabay no'n ang paghaplos sa likod ko.
"Ganito ang madalas na gawin ni Dayne sayo sa tuwing natatakot ka. Hindi ako si Dayne, pero sana kahit papaano ay nabawasan ko ang takot diyan sa puso mo," bulong nito sa akin. Unti-unti ay nawawala ang takot ko. Kung ganito man ang ginagawa ni Dayne kay Clarisse noon, totoo ngang effective ito. Napakaswerte ni Clarisse dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya.
"Bitch!" Napabitaw ako kay Patrick nang biglang may humila sa buhok ko.
"A-aray!" d***g ko.
"Klaire, stop it!" Awat ni Patrick sa amin.
"Malandi ka! Kakalbuhin talaga kitang babae ka!" Mas lalo niyang hinila ang mga buhok ko. Pakiramdam ko ay malapit na itong humiwalay sa anit ko.
"Ano ba, Klaire! Anong pinagsasabi mo?" Gumanti ako sa kanya. Hinila ko rin ang buhok niya pero bigla na lang niya akong tinulak. Pakiramdam ko ay bumaon ang kuko nito sa braso ko dahil sa pagtulak niyang 'yon sa akin.
"How dare you! Hindi ka nababagay rito! You're not supposedly here!" sigaw niya. Gusto kong maiyak dahil sa sinabi niyang iyon. Tama siya. Sino nga ba ako?
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Patrick. Tila natauhan si Klaire nang dahil doon. "Look, Klaire. Kung ano man ang nakita mo o kung ano man ang inaakala mo, nagkakamali ka."
Tila nabalot ng pagtataka ang isip ko. Bakit siya nagpapaliwanag? Isa pa, bakit gano'n na lang ang naging reaksyon ni Klaire? Kaibigan ni Clarisse si Patrick at kaibigan na rin ang turing ko sa kanya. Anong masama sa ginawa namin?
"Anong nangyayari dito?" Napatingin kaming lahat kay Dayne na kakarating lang. Tinignan ako nito. "Bakit ganyan ang hitsura mo?" Inayos niya ang gulo-gulo kong buhok. "At ito? Ano ito?" dugtong pa niya. Tinakpan ko ang tinutukoy niya. Tama nga ako, nagkasugat ang braso ko dahil sa pagbaon ng kuko ni Klaire dito.
"W-wala 'to, Dayne. H-Halika na." Hihilahin ko na sana siya pero agad kaming napatigil nang magsalita si Klaire.
"Bakit kasi hindi na lang natin sabihin ang totoo, Patrick?"
"Totoo? Anong totoo?" kunot-noong tanong ni Dayne.
Tumingin si Patrick kay Klaire at umiling. This time ay umiiyak na si Klaire. Ano ba ang kailangan nilang aminin?
"May relasyon kami ni Patrick! Kaya please, Clarisse! Get off! May asawa ka na!" Tumakbo si Klaire pagkatapos niyang sabihin iyon. Sinundan naman siya ni Patrick.
"Dayne. . ."
"Pagod ako ngayon, Cali. I'll just get some rest." Tuluyan na itong umalis nang hindi man lang ako tinitignan.
Napagpasyahan kong lumibot na lang muna. Nagi-guilty ako dahil parang mas dinagdagan ko ang problema ni Dayne. Napabuntonghininga ako. Iniisip ko, dahil sa nangyaring 'yon, baka lumabas 'yon sa media at maging dahilan para masira ang pangalan nina Clarisse at Dayne.
Gusto kong makausap si Dayne kaya naman pinuntahan ko siya sa room namin. Nadatnan ko siyang nakasandal sa may sofa. Katulad sa dati ay hawak niya ang sentido niya habang nakapikit.
"Dayne?" Lumapit ako rito at tumabi sa kanya.
Tumingin ito sa akin.
"Tungkol nga pala sa nangyari kanina-"
"Okay na 'yon. Pinaliwanag na lahat sa akin ni Patrick."
Tumango ako. "Gusto ko sanang mag-sorry sayo Dayne. Mali ang pagkakaintindi ni Klaire."
"Bakit ka nagso-sorry? Dahil ba posibleng lumabas ito sa media o dahil sa asawa mo ako bilang Clarisse?"
Natahimik ako. Ano nga ba ang tamang sagot sa tanong na 'yon?
"Look, Cali. Alam kong wala kang ginagawang masama, pero kailangan mong alalahanin na hindi na ikaw si Calista Fuentes. Isa ka ng Clarisse Sarmiento, at bawat kilos mo maraming mata ang nakabantay sayo."
Napalunok ako. Tama siya. Siguro nga hindi ako nag-iingat sa mga kinikilos ko. Pero wala akong ginagawang masama. Hindi ko ginusto ang mga nangyari.
Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha ko. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kung pinigilan ko lang sana si Patrick sa pagyakap sa akin hindi mangyayari ito.
Naramdaman kong hinila ako ni Dayne palapit sa kanya at niyakap kasabay no'n ang paghaplos sa likod ko katulad ng ginawa ni Patrick kanina. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag si Dayne na mismo ang gumawa. Tama si Patrick. Totoong nakakapagpa-gaan ng loob.
-CALI'S POV- MONTHS had passed, bago kami tuluyang ikasal ni Dayne, ay isang mabigat na desisyon ang aking gagawin. Isang desisyon na alam kong makakapagpagaan sa puso ko. Nagpasya akong magtungo sa presinto, kung nasaan si Patrick. Tumulo ang luha ko nang makita ko siya habang papalapit sa gawi namin. "K-kumusta ka na?" tanong ko rito ngunit hindi ito nag-abalang sumagot. "Ito, oh. Kumain ka muna, Patrick," saad ko at isa-isang nilapag ang mga pagkain nasa tupperware. Ako pa mismo ang nagluto nito para sa kaniya. "Alam ko, walang kapatawaran ang ginawa mo sa kakambal ko," umpisa ko. "Buhay niya ang kinuha mo, eh. At wala kang karapatan upang alisin iyon sa kaniya." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko. Masyadong masakit habang sinasabi ko ang mga bagay na 'to. "Pero sino nga ba ako upang hindi ma
-DAYNE CERVANTEZ- 5 YEARS LATER: TANDANG-TANDA ko pa rin kung paano kami nagkakilala ni Cali. Isang gabing tila wala ng pag-asa para sa aming dalawa. Then I saw her, alone. Hanggang sa pagkaguluhan siya ng mga tao. Akala ko noon, sa telebisyon lang makikita ang gano’ng klaseng pangyayari. Isang estrangherong lalaki ang maglalakas loob na yayaing magpakasal sa isang babaeng hindi naman kilala. Bigla akong napangiti nang maalala lahat ng iyon. Sa lahat ng posibleng mangyari sa mundo, I met her like it was destiny. “Are you ready, Dayne?” Tumango ako at ingat na ingat na inayos ang aking buhok. Ilang minuto pa ang nakalipas nang tuluyan na akong tawagin sa stage. Napangiti ako nang magpalapakan ang mga tao. Ramdam na ramdam ko pa rin ang suporta nilang lahat sa kabila ng pag-give up ko noon bilang isang artista. “Welcome, Dayne
-KLAIRE'S POV- Ganito pala ang pakiramdam na makita si Cali sa ganiyang kalagayan. Ang bigat. Masyadong mabigat sa dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko akalaing magagawa ni Patrick ang lahat ng bagay na ‘to. Katulad ni Dayne, masyado rin akong nabulag sa pagmamahal kay Patrick. Nagpapasalamat na lang ako dahil agad na naputol ‘yon. Inaamin kong, nasasaktan ako. Hindi lang si Dayne ang niloko nila, kundi pati na rin ako. Gusto kong maiyak dahil sa sitwasyon ngayon. Sa tuwing nakikita ko si Cali na nakahiga sa kamang ‘yan, naiisip ko na hindi niya dapat ito pinagdadaanan. Hindi niya deserve ang lahat ng bagay na ‘to. Napatalikod ako bigla nang biglang pumasok si Dayne. Ang sabi ng Doctor, stable na rin daw ang kondisyon ni Cali, pero hindi pa rin naming maiwasang mag-alala dahil three days na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nagigising.
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- ILANG oras nang naghihintay si Dayne. Kanina pa niya tinitignan ang kaniyang orasan. Hindi maalis sa isipan niya kung saan nga ba nagpunta si Clarisse. Sino ang kasama nito? At bakit dis-oras na ng gabi ay wala pa rin siya. Napatayo agad siya nang bumukas ang pinto sa kanilang kwarto. Niluwa nito si Clarisse na lasing na lasing. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at mahahalatang kakagaling lang nito sa pag-iyak. "Clarisse?" nag-aalalang sambit ni Dayne habang inaalalayan niya ang babae. "Where have you been? At bakit lasing na lasing ka?" "Nothing, Dayne. I just enjoy this beautiful night," she laughed. Namuo ang pagtataka sa isipan ni Dayne. Wala soyang makitang dahilan kung bakit nagpakalasing ang fiancée nito. Nag-away ba sila? Hindi. Nagkaroon ba sila ng hindi pagkakaunawaan? Wala. Kumuha ng ma
-CALI'S POV- “P-Patrick?" saad ko nang tuluyan na siyang makalapit. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? “Cali. Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit tila takot na takot ka?” Umupo ito sa aking harapan at sinilip ang aking mukha. “Cali.” Hinawi nito ang aking buhok kaya’t agad akong umiwas. Biglang nagbago ang ekspresyon nito dahil sa ginawa kong iyon. Mula sa pagiging kampante, napalitan ito nang galit na galit na mukha! “P-Patrick. . .” saad ko. Natatakot ako! Natatakot ako sa pwede niyang gawin! Hindi. . . Hindi si Patrick ito. . . Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ang kaharap ko ngayon. Pero hindi. Si Patrick talaga ang nasa harapan ko ngayon! “I-Ikaw b-ba ang—” Napatigil ako nang bigla itong tumawa! Nakakatakot ang tawang iyon. “Finally! Nakuha mo rin!”
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- WALANG pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ni Dayne. Dumating na kasi ang pinaka espesyal na araw para sa kanila ni Clarisse. Muli niyang tinignan ang kaniyang sarili sa salamin at inayos ang neck tie nito. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang tuxedo na tinernuhan ng kulay pula na neck tie. "Handa na ba ang lahat, Klaire?" masayang tanong niya sa dalaga. "Oo naman, Dayne. Ikaw? Handa ka na ba?" Huminga ito nang malalim at ngumiti. Hindi maitatanggi ang kabang nararamdaman nito. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng kaba kung dumating na ang araw na magpo-propose ito sa kaniyang minamahal? "Oo, Klaire. At excited na akong maging fiancée siya." "How can you be so sure, Dayne?" mapagbirong tanong ni Klaire. "Of course, I am sure, Klaire." H