Share

CHAPTER SIX

CALI

ISANG buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang ginawa iyon ngayong araw na ‘to.

“Relax, Cali,” pagpapakalma sa akin ni Dayne.

Dahil Sunday ngayon, ay sinabi sa akin ni Dayne na pupunta ang mga magulang niya ngayon. Hindi tuloy maalis sa akin ang kaba. Pangalawang beses ko pa lang silang makikita ngayong araw na ‘to. Natatakot ako na baka may masabi o pumalpak ako sa harapan nila.

“Kuya!”

Napatingin kaming pareho sa sumigaw! Isang babaeng tumatakbo papalapit sa amin ni Dayne. Malapad ang pagkakangiti niya nang makalapit siya kay Dayne. Niyakap niya ito at gano’n din si Dayne sa kanya, tila sabik na sabik silang dalawa sa isa’t isa.

“I miss you, Kuya.”

“I miss you too, Misty!”

Nakita ko naman ang Mommy at Daddy ni Dayne na papalapit na rin sa amin.

Nang makita ako ng kapatid ni Dayne ay sumama ang tingin niya. Nagulat naman ako sa naging reaksyon niya. Bakit naman gano’n?

“Kumusta ka, Clarisse?” bati sa akin ni Tita Myrna.

“M-Maayos naman ho ako." Nginitian ko sila. Ramdam ko ang pagkailang sa mga oras na ‘to.

Naisipan ni Tita Myrna na tumambay sa may pool area. Kung ano-ano ang tinatanong niya sa akin. Kinakabahan ako sa bawat tanong nila dahil baka sa isang salita ko lang ay magkamali ako at makahalata sila. Naalala ko, hindi pala alam ni Tita Myrna na pagpapanggap lang lahat ng ‘to. Tanging ang Daddy lang ni Dayne ang may alam sa lahat.

“Dayne, Clarisse, kailan niyo ba ako bibigyan ng apo?” natatawang saad ni Tita Myrna. 

Nagkatinginan kami ni Dayne dahil do’n. Hinawakan niya ang isa kong kamay at saka ngumiti. Ngumiti na lang din ako para hindi sila makahalata ni Misty.

“Don’t worry, Mom. Darating din tayo diyan,” saad ni Dayne habang nakangiti.

“As if namang gusto kong magkaroon ng baby pamangkin galing sa kanya, ‘no!”

“Shut up, Misty! Ano bang sinasabi mo?” suway ni Tito Greg sa kanya.

Natahimik naman ako nang dahil do’n. Mas hinigpitan ni Dayne ang pagkakahawak sa kamay ko na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya. Bakit parang ayaw ni Misty kay Clarisse? At sa ano nga bang dahilan?

“Uhm, Clarisse, kumusta naman kayo ni Dayne? Maayos ba ang trato niya sayo? Hindi ba sakit ng ulo ang binibigay niya?”

Ngumiti ako at umiling.

“Hindi naman po. Ang totoo niyan, inaalagaan niya ako nang mabuti.”

“That’s good to hear. Let’s go, Clarisse,” saad niya at saka tumayo. Hinila niya ang kamay ko kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nagpaalam naman siya at sinabi niyang gusto lang raw akong masolo ni Tita. Nang tignan ko si Dayne ay halata ang kaba sa mukha niya. Ngumiti naman ako sa kanya para iparating na kaya ko.

Dinala ako ni Tita sa may kitchen at nagsuot ng apron. Binigyan niya rin ako at agad ko naman iyong sinuot. Naglabas siya ng ilang ingredients para sa lulutuin namin. Mabuti na lang at marunong ako pagdating sa ganito, hindi ako mapapahiya sa Mommy ni Dayne.

“Pagluluto ang best way para tumatag ang isang relasyon ng mag-asawa, Clarisse.”

Wala akong ibang nagawa kundi tumango na lang. Oo nga’t mag-asawa kami ni Dayne sa paningin nila, pero kailangan pa ba ‘yon sa amin? Matatawag bang relasyon ang meron kami?

Kumuha ako ng ilang gulay at saka ito hiniwa. Gusto kong abalahin ang sarili ko para umiwas sa topic naming iyon ni Tita. 

“Clarisse?”

“Po?” Kitang-kita ko ang pagtataka sa mga mata ni Tita.

“Kailan ka pa natutong magluto?”

Napanganga ako sa sinabi niyang iyon.

“Sa pagkakaalam ko, hindi ka marunong at wala kang hilig sa pagluluto.”

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam na hindi pala alam ni Clarisse ang magluto. Rinig na rinig ko rin ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Bakit nga ba ako nagpadalos-dalos?

“Ang t-totoo ho niyan, inaral ko ho talagang m-magluto para kay Dayne. Para ipagluto sya. G-Ganon naman ho ang bagong kasal ‘di ba?” palusot ko.

Napangiti siya.

“Natutuwa akong marinig ‘yan galing sayo, Clarisse. Naalala ko no’n, no’ng buhay pa ang mommy mo. Kahit anong pilit niyang turuan ka ay ayaw mo. Sa huli, nag-aaway kayo ng mommy mo,” natatawang saad ni Tita. “Masaya akong nabago ka ni Dayne.”

Bakit para akong kinabahan bigla? Bukod sa akin, ano nga ba ang buong pagkatao ni Clarisse?

--**--

Today is Monday. Ngayon ang araw na pupunta kaming La Union para mag-shoot.

Dahil maaga akong nagising, nagpasya akong bumaba sa kusina para maghanda ng almusal. Ngunit nadatnan ko si Manang na nagluluto na pala ng breakfast. Amoy na amoy ko ang niluluto niyang fried rice at iba’t ibang putahe ng ulam. Bigla tuloy kumalam ang tiyan ko.

“Good morning, Manang,” nakangiti kong bati sa kanya na tila ikinagulat niya.

“G-good morning ho, Ma’am.”

Nahalata ko sa mga mata niya ang takot at nerbyos. Para siyang nakakita ng multo. Bakit gano’n na lang ang ekspresyon niya?

“Ang bango naman ho ng niluluto niyo. Gusto niyo ho bang tulungan ko kayo?”

“P-po?” gulat na gulat niyang tanong. May masama ba sa sinabi ko?

“Clarisse!”

Napalingon kaming pareho nang marinig ko ang boses ni Dayne. Gulo-gulo ang buhok nito habang nakasuot ng pantulog. Kahit gano’n, napakagwapo pa rin niyang tignan.

“T-tapos na ho ako, Ma’am. Ipaghahanda ko lang ho k-kayo ni Sir," saad niya at nagmadaling umalis.

Kakausapin ko sana si Dayne nang biglang mag-ring ang cell phone nito. Agad niya itong sinagot at nagtungo sa kung saan.

Sino kaya ang kausap niya? Sa nakikita ko, tila problemado ito.

Natapos akong kumain nang hindi bumabalik si Dayne. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa kilos niya kanina. Tungkol ba ito sa pagpapanggap ko bilang Clarisse?

Nagtungo ako sa kwarto ko upang maligo at magbihis. Nakaramdam din ako ng excitement dahil pupunta kami sa La Union. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa beach. Bagong experience na rin ito para sa akin.

Nang matapos ako ay nagpasya na akong bumaba. Nasa hagdan pa lang ako ngunit tanaw ko na agad si Dayne na abala sa pakikipag-usap. Ngumiti ito sa ‘kin nang makita niya ako pero agad din niyang binawi iyon at humarap ulit sa kausap niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang matandang lalaking nakasumbrero at ang dalawa nitong kasamang pulis. Pansin ko rin ang pagkagulat nila nang makita ako.

“Aalis na kami, Dayne. Babalitaan ka na lang namin kung may mahanap ulit kaming bagong impormasyon.”

“Salamat din ho. Mag-iingat kayo,” magalang na saad ni Dayne. Tinanguan naman ako ng tatlong ito at saka umalis na.

“Sino ‘yon, Dayne at bakit mayroong pulis dito?”

“Si Tito Oscar, private investigator namin at ‘yung kasama niyang dalawang pulis ay malapit na kaibigan niya. Sila ang humahawak sa kaso ni Clarisse nang palihim.”

“Aksidente ang nangyari ‘di ba? Kailangan pa ba ng gano’n?”

Napatahimik ito.

“Iyon din ang akala ko noon.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Mali ba ang imbestigasyong naganap noon? Ano ba talaga ang nangyari sa pagkamatay niya? Pakiramdam ko talaga ay may mali sa mga nangyayari.

“I’m ready, guys!”

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Klaire sa harapan namin. Gusto kong matawa dahil sa suot niya.

“Hindi ka naman excited, ‘no?” natatawa kong saad.

“Stop it, Calista! Hindi mo kasi alam ang ibig sabihin ng fashion! Look! I’m wearing a tube top, pair with shorts and bucket hat. Do I look gorgeous, Dayne?”

Natatawang umiling si Dayne at nagtungo na sa taas. Mas okay na rin pala dahil kahit papaano, sumilip ang ngiti sa labi niya.

Ilang saglit pa ay bumaba na si Dayne dala-dala ang bagahe. Nakasuot ito white shirt at denim pants. Kung titignan, simple lang ito. Ayoko mang aminin ay napaka-hot niyang tignan na kahit sinong babae ay mapapalingon kapag dumaan siya.

“Let's go,” saad niya.

Binitawan niya ang hawak niyang bagahe at nauna. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang hilahin niya ako sa kamay. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan.

“Dayne, wait!”

Napatigil kaming pareho nang sumigaw si Klaire. Gusto kong matawa dahil sa hitsura ni Klaire. Halos matumba na siya sa sobrang dami ng dala nito. Hawak-hawak rin niya ang bagahe ni Dayne na mas lalong nagpahirap sa kanya.

“Hindi niyo man lang ba ako tutulungan?” reklamong saad niya.

“Kaya mo na ‘yan, Klaire,” biro ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

“Magre-resign na talaga ako bilang P.A mo, Dayne! I quit!” sigaw niya. Pero tumawa lang si Dayne.

“Sige lang. Pero lagot ka kay Clarisse kapag ginawa mo ‘yon. Baka multuhin ka no’n.”

Nanlaki naman ang mga mata niya at wala siyang ibang nagawa kundi buhatin lahat ng ‘yon.

Nagpasya kami ni Dayne na sariling sasakyan na lang ang gagamitin namin at magkita-kita na lang do’n sa lugar kung saan ang taping namin. 

Nang makasakay kami sa van ay magkatabi kami ni Dayne samantalang si Klaire naman ay nasa front seat katabi ng driver.

Busy lang sa panonood si Dayne sa bawat madaanan namin habang si Klaire naman ay naka-headset habang natutulog.

Napasimangot ako dahil sobrang tahimik. Nilabas ko na lang ‘yung cellphone na ibinigay sa akin ni Dayne. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganito kaya’t tinuruan rin nila ako kung paano gumamit no’n. Nakakatuwa pala magkaroon ng cellphone dahil sa daming pwedeng gawin do’n.

Napakunot ang noo ko nang m****a kong may text message doon. Unknown number ang nakalagay kaya hindi ko alam kung bubuksan ko ba o hindi.

From: 0912580****

I heard you changed your number. So yeah, save mine.

-Patrick :)

Nagulat man ay awtomatiko akong napangiti nang m****a ang pangalan ni Patrick. Simpleng message lang ‘yon, pero parang napakalaking bagay na sa ‘kin. I admit na pagdating talaga sa kanya ay ibang kilig ang nananalaytay sa akin kahit pa bilang Clarisse at hindi isang Calista Fuentes.

Re-reply-an ko sana siya kaso hindi ko na nagawa dahil biglang hinablot ni Dayne ang aking cellphone.

“Patrick?” saad niya habang nakakunot ang noo.

“Ano ba! Huwag ka ngang maingay!” bulong ko sa kanya sabay takip ng bibig niya. Mahirap na. Baka marinig ‘yon ni Klaire at patayin ako nito dito sa loob ng sasakyan. Buti na lang naka-headset ito.

“Do you like him?”

Nanlaki ang mga mata ko habang siya ay seryoso lang na nakatitig sa akin. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag.

“H-hindi, ‘no! Baka patayin pa ako ni Klaire kapag nagkataon!”

“Okay,” simpleng saad niya saka ipinikit ang mga mata niya.

“Uhm, Dayne. . .”

“Yeah?”

“‘Yung c-cellphone ko.”

Hindi niya ako pinansin. Sa halip ay tinalikuran niya lang ako. Napakunot naman ang noo ko dahil sa naging kilos niyang ‘yon. ‘Hay!’

--**--

“CALI, wake up! We’re here.”

Napamulat ako at bahagyang nasilaw sa liwanag ng araw. Napangiti ako nang masilayan ko ang kagandahan ng lugar na ito. Nakakakalma ang lugar na ito at rinig na rinig ko rin ang paghampas ng tubig sa dalampasigan. Namangha rin ako nang maapakan ko ang mga mapuputing buhangin.

Nadatnan namin ang nagkukulitang mga kasamahan namin sa pelikula. Ang iba ay natutuwa sa lugar na ito kagaya ko, pero ang iba naman ay hindi. Marahil dahil hindi ito ang first time na nakapunta sila sa ganitong lugar.

Sinalubong kami ni Direk at sinabing bukas ang simula ng taping. Enjoy-in daw muna namin ang lugar na ito.

Nagpaalam muna sa akin si Dayne dahil gusto niya raw magpahinga. Naiwan naman ako sa may duyan malapit sa beach house nang may lumapit sa aking babae. Naka-shades ito at naka-two piece ng kulay pula kaya lantad na lantad ang kaputian ng katawan nito. Hindi ko sana ito papansinin ngunit nagulat na lang ako nang tanggalin nito ang kanyang shades.

“Cassey?”

Si Cassey ‘yung nakita namin sa mall. Kinwento ni Dayne na isa siya sa matalik na kaibigan ni Clarisse.

“OMG! Clarisse! Bakit ganyan ang suot mo?” Salubong niya sa akin.

Napatingin ako sa damit ko, tight shirt at shorts. Ano namang masama sa suot ko?

“Kailan ka pa naging baduy?”

“Ha?”

“Clarisse naman, nasa beach tayo! Bakit hindi mo pa sinusuot ‘yung two-piece mo?”

“Two-piece?”

“My God, Clarisse! Kinasal ka lang naging engot ka na! Halika na nga!”

Hinila niya ako sa kamay at nagtungo sa room niya.

“Alam mo, naninibago ako sayo. No’ng nagkita tayo sa mall, hindi mo ako nakilala. Tapos ngayon, hindi mo na alam magsuot ng ganito? Ano ba talaga nangyayari sayo? Nakalimutan mo na bang ikaw ang nagturo sa akin kung paano magsuot ng ganito?” mahabang litanya niya habang naghahalungkat sa bagahe. “Oh, ito, isuot mo! Naku, Clarisse. Nakakapanibago ka!” dugtong niya.

Kinuha ko ang ibinigay nito sa akin. Halos malaglag ang panga ko dahil doon. Katulad ito ng sa kanya, ang pinagkaiba nga lang itim ‘yong sa akin.

Tatanggihan ko pa sana siya pero natatakot akong baka mas panghinalaan niya ako. Wala akong ibang nagawa kundi suotin ito.

Nagdadalawang isip akong lumabas habang tinititigan ang sarili kong katawan sa salamin. Hindi naman masama pero hindi maalis sa akin ang hiya. Isa pa ay hindi ako kumportable sa ganito.

“Matagal ka pa ba, Clarisse?” Halata ko ang pagkainip sa boses niya. Huminga ako nang malalim at saka lumabas.

“Still gorgeous and sexy, Clarisse! Let’s go!”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
anu kaya ang magiging reaction ni dayne kapag nakita ka nyang nakasuot ng two piece cali
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status