Share

CHAPTER THREE

Penulis: CamsyFrias
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-02 09:53:15

CALISTA

“Are you ready?” tanong ni Klaire.

Napatango ako. Ito na ang unang hakbang para sa pagpapanggap. The fake wedding.

I was staring at myself on the mirror, wearing a wedding dress. They put some make-up to enlighten my face. I smiled. Hindi lang ako basta-basta inayusan. Mula sa pagiging probinsyana, they transformed me into a princess.

“Ang ganda,” nasambit ko.

Napangiwi si Klaire nang marinig ako. Kasalukuyan siyang nakasandal sa dingding malapit sa salamin habang pinagmamasdan ako.

“Pwede ba, iwasan mo ang pagiging inosente mo. Remember, you’re not Calista anymore. At sino bang nagpangalan sayo? Daig mo pa ang Lola ni Dayne, eh!" mahabang litanya niya.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala akong planong makipagtalo sa kanya.

Ramdam ko ang pagtusok ng isang titig sa akin. Nang tignan ko si Klaire ay halos matunaw na ako dahil sa ginagawa niyang pagtitig sa akin mula sa salamin. Ano na naman kayang problema niya?

“Taga-bundok ka ‘di ba? Bakit tuwid kang magsalita?”

Napakunot ang noo ko.

“Pag-uusapan ba talaga natin ang bagay na ‘yan ngayon?”

“Well, nevermind!” Napataas siya ng kilay at nauna nang lumabas.

Napabuntonghininga ako. Tama si Klaire. Tuwid akong magsalita dahil sinanay ako ng Lola ko. Taga-Maynila rin siya katulad nila. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit sa bundok niya mas piniling tumira.

Mayamaya lang ay lumabas na rin ako sa kwarto. Napahanga ako sa ayos ng wedding venue. Dahil pagpapanggap lang ito, naisipan nilang sa bahay na lang mismo ganapin. Kahit na palabas lang ang lahat ng ito, makikitang pinaghandaan talaga lahat para mapaniwala ang mga tao. Lahat ng kakailanganin ay nakahanda na. Cakes, flowers bouquets, table decorations, wedding ring at kung ano-ano pang dekorasyon. Parang noon lang, madalas lang sa akin i-kuwento ni Lola ang lahat ng ‘to noong ikinasal daw siya kay Lolo. Pero ngayon, nasa harapan ko na talaga. Hindi ko alam kung paano ito ginawa ni Dayne. Ngunit masasabi kong planadong-planado ang lahat.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Dayne na papalapit sa akin. His handsome face, pointed nose and sharp eyes, with his classic grey suit made him more attractive today.

Kagaya ng sinabi ni Dayne, mga kalapit na kaibigan at pamilya lang ang imbitado. Noong una, nagtataka pa ako kung bakit wala ang mga magulang ni Clarisse. Iyon pala, patay na ang Mommy nito mula nang iwanan sila ng Daddy niya. Hindi ko akalaing may ganito rin pa lang pinagdaanan si Clarisse.

Nang magsimula ang seremonya ay dahan-dahan akong naglakad patungo kay Dayne. Puro flash ng camera ang bawat nadadaanan ko at kitang-kita sa mga mata nila ang tuwa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Kakayanin ko ba? Kakayanin ko ba ang pagpapanggap na ito?

Halatang maraming nagmamahal sa kanila lalo na kay Clarisse dahil ‘yon ang nakikita at nararamdaman ko magmula pa kanina. Maraming bumabati sa akin at paniwalang-paniwala na ako talaga si Clarisse. Siguro nga napakabuti ng pagkatao niya kaya’t gano’n na lamang ang mga tao sa kanya. Unti-unti ay humahanga ako sa kanya.

Habang naglalakad, nadaanan ko ang Mommy ni Dayne habang pinupunasan ang kanyang luha. Kahit siya ay paniwalang-paniwala. Sinabi sa akin ni Dayne na kailangan naming itago ang pagkamatay ni Clarisse dahil alam niyang hindi niya ito kakayanin. Nang mawala kasi ang Mommy ni Clarisse ay tinuring na nila itong parang isang tunay na anak.

Unti-unti ko nang nakikita si Dayne sa malapitan. Kahit nakangiti siya ay alam kong peke lang iyon. Masasabi kong magaling talaga siyang umarte dahil kung ibang tao ako ay hindi ko mahahalata na peke lang ang ngiting iyon. Ngayon ko lang siya natitigan nang gan’to. Simula nang makita ko siya, alam kong may kakaiba sa kanya. Napakagwapo niya sa ayos niya. Lumalabas din ang dimple sa kanang bahagi ng pisngi niya. Kung maikukumpara ko siya sa lahat ng lalaki rito sa loob, siya ang pinakagwapo sa lahat.

Nang matapos ang seremonya, mas humanga ako dahil sa dami ng pagkain. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kalaking okasyon! Sa amin kasi dati, sapat na sa amin ni Lola ang pansit at softdrinks. Kahit ‘yon lang ay masaya na kami basta magkasama kaming dalawa. Naalala ko tuloy ang sinabi niya sa akin noon. Kasal ang pinakaimportante sa lahat. Minsan lang ikasal ang isang tao, kaya dapat daw ‘yung lalaking alam mong sigurado ka na mamahalin ka habang buhay, iyon daw ang dapat piliin mo. 

Noong nasa reception na kami ay puro hawak at akbay ang ginagawa sa akin ni Dayne. Naiilang tuloy ako sa ginagawa niya.

“Hindi ko alam pasmado pala ang kamay mo. Wala pa naman akong dalang alcohol dito!” pabulong ngunit iritadong saad niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Ang arte-arte mo naman! Eh, kung bitawan mo kaya ‘yung kamay ko ‘di ba?” bulong ko rin sa kanya pero hindi niya na ako pinansin at nanatiling nakangiti sa mga bisita.

Nagulat na lang ako nang biglang pinatunog ng mga bisita ang baso nila gamit ang kutsara’t tinidor. Alam ko na agad kung ano ang ibig nilang mangyari! 

‘Oh no! Not this time again! Nakakatatlo ng h***k si Dayne magmula pa kanina!’

“Kiss! Kiss! Kiss!” mapanuksong sigawan nila.

Dinikit ni Dayne ang palad niya sa kanang pisngi ko at unti-unti niya itong pinaharap sa kanya. Napapikit na lang ako nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman kong muli ang pagdampi ng labi niya sa akin. Kung nakilala ko lang siya noon, malamang pwede na akong mamatay sa kilig! Halata ko ring sanay na sanay na siya sa paghalik sa babae. Naisip ko tuloy, ilang artista na kaya ang naka-love team niya bukod kay Clarisse?

Humarap ako sa mga bisita at puro palakpakan ang ginagawa nila kaya’t ngumiti ako sa abot ng makakaya ko.

Habang nililibot ko ang aking paningin ay nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking mag-isa sa isang cocktail table. Medyo malayo ito sa amin kaya’t hindi malinaw sa akin ang hitsura niya. Nakakapagtaka lang dahil hindi siya nakikihalubilo sa ibang mga bisita at panay ang inom niya ng alak. Nakaramdam tuloy ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang may kakaiba sa lalaking ‘yon.

Nang matapos na ang party ay sinabi sa akin ni Dayne na pupunta na kami sa sarili naming bahay.

“Bahay? Hindi ba ito ang bahay mo?”

Napangisi siya at hindi na ako pinansin pa. Tumahimik na lang din ako dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Bukod doon ay naiilang na rin ako sa mga bisita. Kung ano-ano ang tinatanong sa akin bilang isang Clarisse. Mabuti na lang at sinanay muna nila ako bago humarap sa maraming tao.

“It’s nice to see you again, Clarisse,” nakangiting saad nu’ng isang matanda.

Nginitian ko lang siya dahil hindi ko naman siya kilala. Pinisil ko ang kamay ni Dayne para iparating sa kanya na siya ang kumausap sa matandang ‘yon.

“Tita Carol, thank you for coming. Where’s Tito Raul?” nakangiting saad ni Dayne.

“Busy sa shooting ang Tito Raul mo. Kayo? Balita ko may upcoming movie kayong dalawa?”

“Yes, Tita. Maybe next week ang start ng shooting namin. Alam niyo na, kailangan ko munang solohin ang misis ko,” natatawang saad pa niya. ‘Plastic!’

Tumawa naman ang Tita niya. Akala ko ay ligtas na ako pero binalingan pa rin niya ako.

“Parang tumataba ka yata, Clarisse? Marunong sigurong mag-alaga si Dayne, ano?”

Nanlaki ang mga mata ko pero nanatili pa rin akong nakangiti at kalmado. Pasimple kong tinignan si Dayne at gano’n din siya sa akin. Halatang gulat na gulat siya. Teka? Ako? Mataba? Sa lagay na ‘to?

“We’re leaving, Tita. Please enjoy the night.” Agad akong hinila ni Dayne patungo sa kotse.

“Get in the car!”

Agad naman akong pumasok sa kotse. Nang makapasok din si Dayne ay todo punas siya sa pawis niya. 

“Anong nangyari sayo?”

“Shit! Bakit ba hindi ko napansin ‘yon?”

“Ang alin?” naguguluhan kong tanong.

“Look Cali, katulad ng sinabi ni Tita kanina, kailangan mong magbawas ng timbang. Masyadong sexy si Clarisse kumapara sa katawan mo.”

“Ano?” sigaw ko. “Mataba na ako sa lagay na ‘to? Ano ba si Clarisse, ha? Ting-ting?”

“Don’t shout, Cali! Maganda lang talaga ang katawan ni Clarisse, okay? Gano’n talaga sa industriya. Kumbaga, iyon ‘yung panlaban mo para magustuhan ka ng mga tao.”

Tumahimik na lang ako. Nakakainis! Parang pinapangalandakan ng lalaking ‘to na mataba talaga ako!

Nang makarating kami sa bahay nila Dayne ay agad na naman akong namangha. Napakayaman pala talaga ni Dayne. Mas doble ang laki nito kesa roon sa pinagdalhan niya sa akin dati.

“Totoo bang dito tayo titira, Dayne?”

Hindi pa rin maalis sa akin ang mamangha lalo na nang makapasok kami sa loob.

“Yeah,” simpleng saad niya.

Umupo siya sa may couch at sumandal doon. Katulad sa dati ay bahagya niyang ipinikit ang kanyang mga mata at hinawakan ang sentido niya. Halatang pagod na pagod siya.

Nagpasya na lang muna akong libutin ang bahay. May mga picture frame si Clarisse roon. Kinuha ko ito at pinagmasdan.

Ang ganda-ganda niya. Bakit gano’n? Pakiramdam ko ang unfair talaga ng buhay. Kamukhang-kamukha ko nga siya pero bakit mas maganda siya kumpara sa akin?

Nilapag ko na ang picture at nagtungo sa tabi ni Dayne. Katulad niya ay ginaya ko rin siya. Sobrang napagod ako ngayong araw na ‘to.

“Kakagawa lang ang bahay na ‘to bago siya mamatay.”

Napamulat ako matapos kong marinig ‘yon galing sa kanya. Nanatili lamang siyang nakapikit habang hinihintay ang sasabihin niya. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng dinadala niya.

“This is our dream house kaya naman nag-ipon kami para mapagawa ito.”

Ngayon ay naintindihan ko na. Kaya pala napakaraming gamit ni Cla*isse dito, dahil pagmamay-a*i nila itong dalawa.

“Hindi ko akalaing kukunin agad siya sa akin.” Tumigil muna siya bago muling magsalita. “I really missed her Cali. I want her back.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ganun kqmqhal ni dayne si clarisse kaya kahit ano handa nyang gawin kahit wala na ito
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Substitute Wife   SPECIAL CHAPTER

    -CALI'S POV- MONTHS had passed, bago kami tuluyang ikasal ni Dayne, ay isang mabigat na desisyon ang aking gagawin. Isang desisyon na alam kong makakapagpagaan sa puso ko. Nagpasya akong magtungo sa presinto, kung nasaan si Patrick. Tumulo ang luha ko nang makita ko siya habang papalapit sa gawi namin. "K-kumusta ka na?" tanong ko rito ngunit hindi ito nag-abalang sumagot. "Ito, oh. Kumain ka muna, Patrick," saad ko at isa-isang nilapag ang mga pagkain nasa tupperware. Ako pa mismo ang nagluto nito para sa kaniya. "Alam ko, walang kapatawaran ang ginawa mo sa kakambal ko," umpisa ko. "Buhay niya ang kinuha mo, eh. At wala kang karapatan upang alisin iyon sa kaniya." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko. Masyadong masakit habang sinasabi ko ang mga bagay na 'to. "Pero sino nga ba ako upang hindi ma

  • The Substitute Wife   EPILOGUE

    -DAYNE CERVANTEZ- 5 YEARS LATER: TANDANG-TANDA ko pa rin kung paano kami nagkakilala ni Cali. Isang gabing tila wala ng pag-asa para sa aming dalawa. Then I saw her, alone. Hanggang sa pagkaguluhan siya ng mga tao. Akala ko noon, sa telebisyon lang makikita ang gano’ng klaseng pangyayari. Isang estrangherong lalaki ang maglalakas loob na yayaing magpakasal sa isang babaeng hindi naman kilala. Bigla akong napangiti nang maalala lahat ng iyon. Sa lahat ng posibleng mangyari sa mundo, I met her like it was destiny. “Are you ready, Dayne?” Tumango ako at ingat na ingat na inayos ang aking buhok. Ilang minuto pa ang nakalipas nang tuluyan na akong tawagin sa stage. Napangiti ako nang magpalapakan ang mga tao. Ramdam na ramdam ko pa rin ang suporta nilang lahat sa kabila ng pag-give up ko noon bilang isang artista. “Welcome, Dayne

  • The Substitute Wife   CHAPTER 54

    -KLAIRE'S POV- Ganito pala ang pakiramdam na makita si Cali sa ganiyang kalagayan. Ang bigat. Masyadong mabigat sa dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko akalaing magagawa ni Patrick ang lahat ng bagay na ‘to. Katulad ni Dayne, masyado rin akong nabulag sa pagmamahal kay Patrick. Nagpapasalamat na lang ako dahil agad na naputol ‘yon. Inaamin kong, nasasaktan ako. Hindi lang si Dayne ang niloko nila, kundi pati na rin ako. Gusto kong maiyak dahil sa sitwasyon ngayon. Sa tuwing nakikita ko si Cali na nakahiga sa kamang ‘yan, naiisip ko na hindi niya dapat ito pinagdadaanan. Hindi niya deserve ang lahat ng bagay na ‘to. Napatalikod ako bigla nang biglang pumasok si Dayne. Ang sabi ng Doctor, stable na rin daw ang kondisyon ni Cali, pero hindi pa rin naming maiwasang mag-alala dahil three days na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nagigising.

  • The Substitute Wife   CHAPTER 53

    -THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- ILANG oras nang naghihintay si Dayne. Kanina pa niya tinitignan ang kaniyang orasan. Hindi maalis sa isipan niya kung saan nga ba nagpunta si Clarisse. Sino ang kasama nito? At bakit dis-oras na ng gabi ay wala pa rin siya. Napatayo agad siya nang bumukas ang pinto sa kanilang kwarto. Niluwa nito si Clarisse na lasing na lasing. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at mahahalatang kakagaling lang nito sa pag-iyak. "Clarisse?" nag-aalalang sambit ni Dayne habang inaalalayan niya ang babae. "Where have you been? At bakit lasing na lasing ka?" "Nothing, Dayne. I just enjoy this beautiful night," she laughed. Namuo ang pagtataka sa isipan ni Dayne. Wala soyang makitang dahilan kung bakit nagpakalasing ang fiancée nito. Nag-away ba sila? Hindi. Nagkaroon ba sila ng hindi pagkakaunawaan? Wala. Kumuha ng ma

  • The Substitute Wife   CHAPTER 52

    -CALI'S POV- “P-Patrick?" saad ko nang tuluyan na siyang makalapit. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? “Cali. Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit tila takot na takot ka?” Umupo ito sa aking harapan at sinilip ang aking mukha. “Cali.” Hinawi nito ang aking buhok kaya’t agad akong umiwas. Biglang nagbago ang ekspresyon nito dahil sa ginawa kong iyon. Mula sa pagiging kampante, napalitan ito nang galit na galit na mukha! “P-Patrick. . .” saad ko. Natatakot ako! Natatakot ako sa pwede niyang gawin! Hindi. . . Hindi si Patrick ito. . . Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ang kaharap ko ngayon. Pero hindi. Si Patrick talaga ang nasa harapan ko ngayon! “I-Ikaw b-ba ang—” Napatigil ako nang bigla itong tumawa! Nakakatakot ang tawang iyon. “Finally! Nakuha mo rin!”

  • The Substitute Wife   CHAPTER 51

    -THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- WALANG pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ni Dayne. Dumating na kasi ang pinaka espesyal na araw para sa kanila ni Clarisse. Muli niyang tinignan ang kaniyang sarili sa salamin at inayos ang neck tie nito. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang tuxedo na tinernuhan ng kulay pula na neck tie. "Handa na ba ang lahat, Klaire?" masayang tanong niya sa dalaga. "Oo naman, Dayne. Ikaw? Handa ka na ba?" Huminga ito nang malalim at ngumiti. Hindi maitatanggi ang kabang nararamdaman nito. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng kaba kung dumating na ang araw na magpo-propose ito sa kaniyang minamahal? "Oo, Klaire. At excited na akong maging fiancée siya." "How can you be so sure, Dayne?" mapagbirong tanong ni Klaire. "Of course, I am sure, Klaire." H

  • The Substitute Wife   CHAPTER 50

    -KLAIRE'S POV- "HAVE you seen, Cali, Nate?" tanong ko agad kay Nate matapos niyang maligo. "Hindi. Hindi ba't magkasama kayong nanunuod dito sa sala?" nagtatakang tanong niya. "Yeah, pero nagpaalam siya na hihintayin niya si Dayne sa may garden. Pero no'ng tignan ko naman siya ay wala na siya roon!" Nag-aalala na ako. Kanina pa ako nanginginig sa kaba. Nilibot ko na ang buong mansyon pero hindi ko pa rin makita si Cali. I tried to call her pero naiwan niya rin ang cell phone niya. "Hindi kaya nagpunta siya ulit sa Peter na 'yon?" si Nate. "Hindi maaari, Nate. Hindi ugali ni Cali ang umalis sa mansiyon." "Pero nagawa na niya, 'di ba?" "Y-yeah... P-pero... Hindi iyon aalis nang hindi sinasabi sa akin." Mababakas na rin ang pag-aalala kay Nate. "Ang mabuti pa

  • The Substitute Wife   CHAPTER 49.2

    -KLAIRE'S POV- "AKALA ko ba ay may mall show kayo?" tanong ko kay Nate na kalalabas lang. Nakapambahay pa rin kasi ito hanggang ngayon. Kasalukuyan kaming narito sa may garden area. Pagkagising ko ay dito agad ako nagpunta. Gusto ko kasing magpahangin at mag-relax. "Hindi na ako pupunta. Nakiusap kasi si Dayne na bantayan kayong dalawa ni Cali," sagot niya. I rolled my eyes. "Para saan pa? Huwag kayong mag-alala. Hinding-hindi na kami babalik ni Cali doon. Isa pa, asa ka namang gusto ko pang bumalik doon 'no!" Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa lalaking 'yon! Nagsisisi ako dahil nagpunta pa kami ni Cali doon. Sana pala ay hindi ko na lang siya pinayagan noonv mga oras na 'yon. Hindi na siya sumagot. Akala ko ay umalis na ito ngunit naramdaman ko ang biglaang pagyakap niya mula sa likuran ko. "N

  • The Substitute Wife   CHAPTER 49.1

    -DAYNE'S POV- NILAPAG ko ang bulaklak sa may puntod at sinindihan ang kandilang kulay puti. Pilit akong ngumiti. “Malapit na nating mapalitan ang pangalan mo, Clarisse. Malapit na ring mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon.” I wiped my teary eyes then continue. “I’m sorry if it’s too late, Clarisse. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Sorry kung hindi kita naprotektahan nung gabing ‘yon.” -FLASHBACK- “Sir, nandito na po si Ma’am Clarisse.” Napangiti ako nang marinig ko iyon. I’m currently in the rooftop, waiting for Clarisse. Inayos ko ang lugar na ito para sa aming dalawa, for the most important happening in our lives. Napatayo ako nang makita ko siya. She’s wearing black slightly off shoulder dress. Walang pinagbago. Napakaganda pa rin niya sa paningin ko. &

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status