Share

CHAPTER FOUR

Penulis: CamsyFrias
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-17 21:13:17

CALISTA

"THANK you, Cali."

Muli akong ngumiti sa kanya. Hindi ko na siguro mabilang kung ilang beses siyang nagpasalamat ngayong araw na 'to.

"Sige na, magpahinga ka na."

Tumango ako at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

Masasabi kong mabuti si Dayne dahil iyon ang nakikita ko. Binigyan rin niya ako ng sariling kwarto. Nakikita ko ang respeto niya sa akin bilang babae.

Napanganga ako nang tuluyan na akong makapasok sa kwarto ko. Napakalawak at napakalaking kama ang tumambad sa akin. Mayroon ding malaking glass door na natatakpan ng makapal na kurtina. Sa oras na lumabas ka roon ay makikita ang buong subdivision. Napangiti ako. Mas doble ang laki nito kumpara sa bahay namin sa probinsya.

Ilang minuto akong naglibot sa kwarto ko nang magpasya akong humiga na. Nakakapagtaka dahil hindi ako tinatamaan ng antok. Ilang beses akong nagpagulong-gulong sa kama, ngunit wala pa rin. Napaupo ako. Siguro ay naninibago ako dahil hindi ito ang nakagisnan kong lugar.

Nagpasya akong bumaba nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Habang kumukuha ng tubig ay nakarinig ako ng paghikbi.

Hinanap ko ang tunog na iyon at nakita ko si Dayne na nakaupo habang umiiyak. Nasa harapan niya ang nagkalat na bote ng alak at baso.

Habang tinititigan siya, hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Sa tuwing nakikita ko siya, pinipilit niyang magpakatatag. Pero ngayong mag-isa siya, dito niya binubuhos ang sakit na nararamdaman niya.

Hindi ko alam kung lalapit ba ako sa kanya. Pero sa nakikita ko, kailangan niya ng taong masasandalan ngayon.

"D-Dayne," mahinang sambit ko.

Napatingin siya sa akin at mabilis na pinunasan ang luha niya.

"W-what are you doing here, Cali?"

"B-bigla kasi akong nauhaw at n-nakita kita rito."

Hindi niya ako pinansin at muling nagsalin ng alak saka ito ininom.

"Dayne. . ."

"Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit nangyayari ito. Kung bakit namatay si Clarisse."

"Dayne, huwag mong sisihin ang sarili mo."

"Kasalanan ko ang lahat, Cali. Walang dapat ibang sisihin dito kundi ako. Ako lang."

Wala akong nagawa. Alam kong hindi niya kailangan ng payo kundi ang taong makikinig sa kanya. Hindi ako nagdalawang isip na yakapin siya. Ramdam ko ang pagtaas at pagbaba ng balikat nito gawa ng pag-iyak.

"Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo, Dayne. She's in a better place now at alam kong nalulungkot siya sa tuwing nakikita ka niyang ganyan. Kailangan mong magpakatatag. Para kay Clarisse."

--**--

"DAYNE, kinakabahan ako."

"Huwag kang kabahan, Cali. Basta alalahanin mo lang lahat ng tinuro namin sayo."

Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon sa van papuntang set. Kailangan na raw naming ipagpatuloy ang taping. Tama si Dayne. Wala akong dapat ikabahala. Halos lahat ay tinuro na sa akin nina Dayne at ang Manager ni Clarisse. Pati na rin ang maarteng PA ni Dayne. Magmula sa tamang paglakad at pagkilos ni Clarisse, pati na rin sa tamang pag-arte. Nagbawas din ako ng timbang katulad ng sinabi ni Dayne. Akala ko ay hindi ko magugustuhan pero masasabi kong bagay pala sa akin ang ganito. Nagmukha talaga akong si Clarisse ngayon.

Nang makarating na kami sa set ay agad kaming sinalubong ni Director Felix. Binati kami nito at sinabing mag-uumpisa na sa oras na maayusan kami.

Iikot ang palabas na ito sa unrequitted love. Siya ang buhay ko roon ngunit parang hangin lang ako sa buhay niya. Humiling ako sa magulang ko na ikasal kami. Nagpanggap ako roon na may sakit para pumayag siya ngunit kahit kailan ay hindi niya ako kayang mahalin. Araw-araw niyang pinapamukha sa akin na miserable ang buhay niya dahil sa kagustuhan kong ikasal kami.

Nagpaalam muna ako sandali kay Dayne para pumunta sa comfort room dahil pakiramdam ko ay gusto kong maihi sa kaba.

Dahil bago pa lang ako sa lugar na 'to ay hindi ko alam kung saan ba ang cr dito. Nagmadali akong hanapin iyon pero hindi ko talaga mahanap kung saan ito.

Gustuhin ko mang magtanong ngunit hindi ko magawa dahil tiyak na magtataka ang mga tao rito. May ilan akong nadadaanan dito at puro ngiti ang sinasalubong sa 'kin. Hindi ko akalaing napakasikat talaga ni Clarisse.

Nilibot ko pa ang lugar na 'to at sakto dahil nahanap ko na nga iyon. Agad akong tumakbo dahil pakiramdam ko ay lalabas na ito sa pantog ko. Hindi pa man ako nakakarating roon ay naramdaman ko nang bumagsak ang aking pwetan sa sahig. Kahit kailan talaga ay napakalampa ko!

"Clarisse?"

May nabangga akong isang matangkad na lalaki. Nakasimpleng v-neck shirt lang ito at naka-pants. Naka-shades din ito kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. Mayamaya ay ngumiti ito sa akin at tinanggal ang shades niya. Halos mahulog ang panga ko sa sobrang pagkamangha sa kanya. Matangos ang ilong nito, manipis ang labi. Sakto lang ang kapal ng kilay at napakinis ng balat. Naalala kong isa siya sa makaka-partner ko sa movie na ito. Ngayon ko lang siya nakita sa malapitan. Tila bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may kakaiba talaga sa ngiti niya. Ang hirap ipaliwanag kung ano 'yon. May pagkakahawig din ito kay Dayne. Kung titignan ay parang magkapatid talaga silang dalawa.

Inabot niya ang isang kamay niya sa akin para ipatayo ako. Nag-aalangan naman akong abutin 'yon dahil hindi ko siya masyadong kilala pero tutol naman ang puso ko. Parang gustong-gusto nitong hawakan ang kamay niya at huwag ng hugasan kahit kailan.

Pagkaabot ko ng kamay niya ay bigla niya akong hinila palapit sa kanya at kinulong sa bisig niya. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin na para bang ayaw na akong pakawalan.

"I'm glad that you're okay, Clarisse," malumanay nitong saad.

Lumakas ang tibok ng puso ko at hindi makapaniwala sa aking mga narinig. Alam kaya nito ang nangyari kay Clarisse?

"Clarisse!"

Agad siyang bumitaw sa pagkakayakap sa 'kin nang marinig namin si Dayne na papalapit na ngayon.

"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap."

Hindi agad ako nakasagot nang ibaling nito ang atensyon sa lalaking kaharap namin ngayon.

"Patrick?"

Kitang-kita sa ekspresyon nito ang tuwa nang makita niya ang lalaking yumakap sa akin. Nilapitan niya ito at nagyakapan. Parang close na close talaga silang tignan. 

"Kailan ka pa dumating?"

"Before your wedding day, Bro! Congrats!" nakangiti nitong saad. Nakakatunaw ang ngiting iyon. "Masaya akong okay na si Clarisse!" dugtong nito.

Nawala na parang bula ang saya sa mga mata ni Dayne. Kitang-kita ko iyon, pero nanatili pa rin siyang nakangiti. Mahal na mahal niya talaga si Clarisse.

Magsasalita pa sana si Dayne pero biglang dumating ang PA ni Dayne at tinawag kami. Natuwa pa ito nang makita si Patrick. Nagyakapan sila at halata rin sa mukha ni Patrick ang tuwa! Nakakasuka! 

--**--

"ANO ba, Clarisse! Nakailang take na tayo! Ano bang nangyayari sayo?! Wala kang focus! Kulang ka sa emosyon! Para ka lang nagbabasa ng script! 

Halos lumuwa ang mga mata ni Director Felix sa sobrang galit. Maging mga ugat nito sa leeg ay nagsisilabasan na. Kitang-kita ko rin ang pagkadismaya sa mukha ni Dayne. 

"Okay! You may rest for a while, Clarisse! Aralin mong mabuti ang scene mo! Sayang sa oras!"

Napayuko na lang ako. Sinasabi ko na nga bang magiging palpak ako. Kahit kailan talaga wala akong magawang tama sa buhay. Siguro nga mali ang desisyon kong pumayag sa kagustuhan ni Dayne.

"Anong mukha 'yan?"

Napatingin ako sa nagsalita. Tama nga ako. Si Dayne nga iyon.

"I'm sorry, Dayne. Ginawa ko naman ang best ko."

"Best na ba tawag do'n?" patawa-tawa niyang sabi.

Inaasahan kong pagagalitan ako nito dahil sa kapalpakan ko pero hindi pala.

"Tawa-tawa ka pa d'yan!" inis kong sambit!

Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan nito ang kamay ko. Doon ko lang nakita na ang ganda pa lang tignan 'yung wedding ring namin lalo na't nakasuot ito sa aming dalawa.

"They're looking at us."

Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. Kailangan naming mag-pretend na sweet kami sa isa't isa dahil nakatingin sila.

"Sorry talaga, Dayne. Pagbubutihan ko sa susunod."

Tumango naman ito.

"Alam ko."

"Natatakot ako Dayne. Natatakot akong makahalata sila at masira lahat ng plano mo."

This time ay seryoso na itong nakatingin sa akin. Pilit kong binabasa ang mga mata niya pero walang kahit na anong emosyon akong makita.

"Pagbubutihan mo naman 'di ba?"

Tumango ako.

"Then good. Wala tayong magiging problema. But make sure na mas pagbubutihan mo ang bed scene natin. Magaling si Clarisse do'n!" Sabay kindat niya!

Nanlaki naman ang mga mata ko! Nakakaloko ang ngiti ni Dayne ngayon. Ang alam ko ay magbabago pa ang isip ng script writer pero desidido na pala siya sa sinulat niya. Pero totoo kayang magaling si Clarisse doon?

Pinalo ko nang malakas si Dayne sa braso nang tumawa ito nang malakas.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo, ah?"

Napatingin kaming pareho ni Dayne nang lumapit si Patrick sa amin. Napangiti ako nang maalala kong may kissing scene kami roon. 'Ano ba Cali! Kababae mong tao, napakamanyak mo mag-isip!'

"Clarisse, okay ka lang?"

Napatingin ako kay Dayne. Tumango naman ito na para bang sinasabing kausapin ko siya.

"O-Oo naman. Bakit naman hindi?"

"Mabuti kung gano'n. Tayo na raw sabi ni Direk!"

"Tayo?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit parang double meaning ang dating no'n sa 'kin?

"Oo, next scene na tayo. Naghihintay na si Direk!"

Hinila ako nito patayo. Gulat na gulat naman ako dahil sa ginawa niyang 'yon. Tumingin ako kay Dayne na para bang hindi maipinta ang mukha niya. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay agad itong ngumiti. 

"Good luck!" he mouthed kaya ngumiti na lang din ako.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
magkapatid ba sila dayne at patrick
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Substitute Wife   SPECIAL CHAPTER

    -CALI'S POV- MONTHS had passed, bago kami tuluyang ikasal ni Dayne, ay isang mabigat na desisyon ang aking gagawin. Isang desisyon na alam kong makakapagpagaan sa puso ko. Nagpasya akong magtungo sa presinto, kung nasaan si Patrick. Tumulo ang luha ko nang makita ko siya habang papalapit sa gawi namin. "K-kumusta ka na?" tanong ko rito ngunit hindi ito nag-abalang sumagot. "Ito, oh. Kumain ka muna, Patrick," saad ko at isa-isang nilapag ang mga pagkain nasa tupperware. Ako pa mismo ang nagluto nito para sa kaniya. "Alam ko, walang kapatawaran ang ginawa mo sa kakambal ko," umpisa ko. "Buhay niya ang kinuha mo, eh. At wala kang karapatan upang alisin iyon sa kaniya." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko. Masyadong masakit habang sinasabi ko ang mga bagay na 'to. "Pero sino nga ba ako upang hindi ma

  • The Substitute Wife   EPILOGUE

    -DAYNE CERVANTEZ- 5 YEARS LATER: TANDANG-TANDA ko pa rin kung paano kami nagkakilala ni Cali. Isang gabing tila wala ng pag-asa para sa aming dalawa. Then I saw her, alone. Hanggang sa pagkaguluhan siya ng mga tao. Akala ko noon, sa telebisyon lang makikita ang gano’ng klaseng pangyayari. Isang estrangherong lalaki ang maglalakas loob na yayaing magpakasal sa isang babaeng hindi naman kilala. Bigla akong napangiti nang maalala lahat ng iyon. Sa lahat ng posibleng mangyari sa mundo, I met her like it was destiny. “Are you ready, Dayne?” Tumango ako at ingat na ingat na inayos ang aking buhok. Ilang minuto pa ang nakalipas nang tuluyan na akong tawagin sa stage. Napangiti ako nang magpalapakan ang mga tao. Ramdam na ramdam ko pa rin ang suporta nilang lahat sa kabila ng pag-give up ko noon bilang isang artista. “Welcome, Dayne

  • The Substitute Wife   CHAPTER 54

    -KLAIRE'S POV- Ganito pala ang pakiramdam na makita si Cali sa ganiyang kalagayan. Ang bigat. Masyadong mabigat sa dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko akalaing magagawa ni Patrick ang lahat ng bagay na ‘to. Katulad ni Dayne, masyado rin akong nabulag sa pagmamahal kay Patrick. Nagpapasalamat na lang ako dahil agad na naputol ‘yon. Inaamin kong, nasasaktan ako. Hindi lang si Dayne ang niloko nila, kundi pati na rin ako. Gusto kong maiyak dahil sa sitwasyon ngayon. Sa tuwing nakikita ko si Cali na nakahiga sa kamang ‘yan, naiisip ko na hindi niya dapat ito pinagdadaanan. Hindi niya deserve ang lahat ng bagay na ‘to. Napatalikod ako bigla nang biglang pumasok si Dayne. Ang sabi ng Doctor, stable na rin daw ang kondisyon ni Cali, pero hindi pa rin naming maiwasang mag-alala dahil three days na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nagigising.

  • The Substitute Wife   CHAPTER 53

    -THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- ILANG oras nang naghihintay si Dayne. Kanina pa niya tinitignan ang kaniyang orasan. Hindi maalis sa isipan niya kung saan nga ba nagpunta si Clarisse. Sino ang kasama nito? At bakit dis-oras na ng gabi ay wala pa rin siya. Napatayo agad siya nang bumukas ang pinto sa kanilang kwarto. Niluwa nito si Clarisse na lasing na lasing. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at mahahalatang kakagaling lang nito sa pag-iyak. "Clarisse?" nag-aalalang sambit ni Dayne habang inaalalayan niya ang babae. "Where have you been? At bakit lasing na lasing ka?" "Nothing, Dayne. I just enjoy this beautiful night," she laughed. Namuo ang pagtataka sa isipan ni Dayne. Wala soyang makitang dahilan kung bakit nagpakalasing ang fiancée nito. Nag-away ba sila? Hindi. Nagkaroon ba sila ng hindi pagkakaunawaan? Wala. Kumuha ng ma

  • The Substitute Wife   CHAPTER 52

    -CALI'S POV- “P-Patrick?" saad ko nang tuluyan na siyang makalapit. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? “Cali. Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit tila takot na takot ka?” Umupo ito sa aking harapan at sinilip ang aking mukha. “Cali.” Hinawi nito ang aking buhok kaya’t agad akong umiwas. Biglang nagbago ang ekspresyon nito dahil sa ginawa kong iyon. Mula sa pagiging kampante, napalitan ito nang galit na galit na mukha! “P-Patrick. . .” saad ko. Natatakot ako! Natatakot ako sa pwede niyang gawin! Hindi. . . Hindi si Patrick ito. . . Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ang kaharap ko ngayon. Pero hindi. Si Patrick talaga ang nasa harapan ko ngayon! “I-Ikaw b-ba ang—” Napatigil ako nang bigla itong tumawa! Nakakatakot ang tawang iyon. “Finally! Nakuha mo rin!”

  • The Substitute Wife   CHAPTER 51

    -THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- WALANG pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ni Dayne. Dumating na kasi ang pinaka espesyal na araw para sa kanila ni Clarisse. Muli niyang tinignan ang kaniyang sarili sa salamin at inayos ang neck tie nito. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang tuxedo na tinernuhan ng kulay pula na neck tie. "Handa na ba ang lahat, Klaire?" masayang tanong niya sa dalaga. "Oo naman, Dayne. Ikaw? Handa ka na ba?" Huminga ito nang malalim at ngumiti. Hindi maitatanggi ang kabang nararamdaman nito. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng kaba kung dumating na ang araw na magpo-propose ito sa kaniyang minamahal? "Oo, Klaire. At excited na akong maging fiancée siya." "How can you be so sure, Dayne?" mapagbirong tanong ni Klaire. "Of course, I am sure, Klaire." H

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status