Three
MIKAY "Ano? Matagal na akong kasal sa lalakeng hindi ko pa nakikita?" Hindi ko maitago ang aking pagkayamot dahil sa sinabi ng attorney na nasa harapan ko ngayon. Kahit paulit-ulit niyang ipinapaliwanag sa akin ang lahat ay hindi ko pa rin ito lubos maintindihan. Noong nakaraang linggo lamang ay sinabi niyang tagapagmana ako, tapos ngayon naman sasabihin niya sa akin na kasal ako sa kung sino mang nilalang? Paano naman ang magandang dignidad ko? Kasal ako? Kanino? Sa anino ko? Konti na lang talaga maiiyak na ako sa sitwasyon ko. Tinignan ko si Papa na nanatili namang tahimik. Ni hindi siya umaangal sa sinasabi ng attorney, hindi gaya nung huli itong nagpunta rito. Natatakot na nga ako dahil baka totoo nga ang sinasabi ni Attorney at alam ni Papa ang buong nangyayari. Pero paano naman ako magiging kasal? Wala naman akong experience sa ganyan! "Paano pong nangyari na kasal ako eh hindi pa nga ako nagkaboyfriend? Nag-aabay ako pero puro pagsindi lang ng kandila ang role ko," pagmamaktol ko, kulang na lang masabunutan ko ang sarili ko dahil sa frustration na nararamdaman ko. Gusto ko na lang mag walk out kaya lang kapag gagawin ko iyon ay baka mas lalo lang akong maipit sa nakapakomplikadong sitwasyon na kinakaharap ko ngayon. Hindi ko nga pinangarap magjowa tapos sasabihin nila kasal na ako? Imposible namang kinasal ako sa panaginip tapos biglang nagkatotoo, wala namang gano'n. Kung si Ruby ang kasal, maniniwala pa ako kasi nga papalit-palit siya ng jowa, pero ako? No way! Isa akong birhen at ayokong madungisan ito base lang sa mga sinasabi nila. "At saka twenty-six pa lang ako, balak ko pong mag-asawa kapag thirty-eight na ako," saad ko ulit para naman maliwanagan sila sa sitwasyon at hindi na ipilit sa aking ang isang bagay na sobrang imposible naman. Paano na lang kung nalaman ng mga kapitbahay namin na kasal ako? Ayoko pa namang maging tampukan ng mga chismis. Mga marites pa naman ang mga tao rito sa amin. Baka kung anong masabi nila sa akin, tapos... jusko! Ano na ang gagawin ko nito? Marahas na bumuntong hininga si attorney na mas mukha pang stress kesa sa akin. Si Papa ay nanatiling tahimik. Hindi namin kasama si Mama at Ruby ngayon dahil nga private raw ang pag-uusap. Nandito kami ngayon sa office ni attorney. Kanina ko pa ngang gustong umuwi dahil puro papel at libro ang nakikita ko, eh inaantok ako. "Miss Mikael, base sa nilagdaang kasunduan ng inyong mga magulang kasama na rin ang inyong lolo, si Mr. Ynares, kapag dumating ang panahon na ikaw ay sumapit sa ika-dalawampu't limang taon, ang kontrata ay magiging epektibo," detalyadong paliwanag ni Attorney. Nilagdan ni Mama at Papa. So ibig sabihin ba nito ay totoo ang sinasabi ni Attorney at hindi niya ako pinaprank o dinodogshow? "Paano naman ako? Wala naman akong alam sa mga kontrata na 'yan. Ni wala nga akong pinirmahan...." Bahagya akong napatigil nang biglang may pumasok sa isip ko na hindi naman dapat. Jusmiyo marimar! "You also signed the contract five years ago, Miss Mikael," saad ni attorney na siyang nakapagpagunaw ng mundo ko. Hindi! Hindi 'to tama! "Niloko niyo ako! Pinapirma niyo ang kontrata sa akin," mangiyak-ngiyak na saad ko. Binalingan ko ng tingin si Papa na nanatiling tahimik sa tabi ko. "Papa, totoo ba ang sinasabi ni Attorney?" Hinawakan ko ang braso ni Papa na marahas na bumuntong hininga. Sobrang dami ng katanungan ang naglalaro sa isipan ko, at hindi ko alam kung paano buuin ito. Bobo nga siguro ako! Kaya pala noon, gano'n na lang ang galit sa akin ni Papa nang malaman niyang may pinirmahan ako. Kung totoo ang sinasabi ni Attorney, edi hindi mapapalitan na ang status ko? Single to married, agad-agad? Hindi ko pa nga naranasang mahalikan ng dahan-dahan eh, tapos kasal na agad ako. Hindi ko man lang naranasang maligawan, mabigyan ng bulaklak at chocolates — pero nasurprise naman ako, hindi nga lang katulad ng gusto ko. "Attorney, nakita niyo na ba ang lolo ko? May number ka ba niya? O alam mo ang address ng bahay niya?" tanong ko, dahil balak ko sana itong kausapin ng masinsinan tungkol sa nangyayari. Gusto kong mas maliwanagan sa lahat. Kung tama ang pagkakaintindi ko ay ipinakasal nila ako sa lalakeng hindi ko naman kilala. Akala ko ang arrange marriage lang ay para sa mayayaman, hindi naman ako nasabihan na pati pala ang katulad ko na lumaki sa hirap ay hindi nakaligtas. "Mr. Mendoza, iiwan ko na muna kayo at bibigyan ko kayo ng pagkakataong mag-usap. Maya-maya lang din ay darating si Mr. Ynares kasama ang mga Monverde para mapag-usapan ang sitwasyon." Tumayo si Attorney. May darating pa? Monverde? Iyon na ba yung sinasabi nilang asawa ko? Mabilis akong humarap kay Papa. "Papa, ano po bang nangyayari?" tanong ko, kinakabahan na ako. "Paano po kung uugod-ugod na pala ang asawa ko? Papa, ayoko po! Hindi pa ako handa sa ganitong bagay." Halos magmakaawa na ako kay Papa. Paano kung lolo pala ang napangasawa ko tapos kalbo, may bigote, masungit, tapos pahihirapan niya ako, ikukulong, bubuntisin... tapos... hindi ko maiwasang mag-imagine ng kung ano-ano kaya mas lalo akong natatakot. Wala akong alam tungkol sa sinasabi nilang Monverde, pero tingin ko ay alam nila ang buong pagkatao ko. "Papa, umalis na lang po tayo," pagsusumamo ko. Masyado pa akong bata para mag-asawa. At saka baka laitin lang nila ako. "Anak, pasensya ka na kung itinago ko ang tungkol dito. Matagal ng kasunduan ng dalawang pamilya ang sinasabi nilang arrange marriage. Kahit ayaw namin ng mama mo ang utos ng lolo mo ay wala kaming magawa. Akala ko ay nakalimutan na nila ang tungkol dito kaya lang, hindi pala talaga mabilis makalimot ang matandang Ynares," ani Papa na para bang hirap na hirap na rin ito. Hinawakan niya ang kamay ko. Sobrang higpit na para bang ayaw nitong bitawan. "Papa, natatakot po ako," saad ko. Hindi ko alam ang magiging buhay ko pagkatapos nito. Ang daming paano ang tumatakbo sa isipan ko. Paano kung maltratuhin lang ako? "They're now here." Pareho kaming napatingin ni Papa sa pintuan nang bumukas ito, hindi nagtagal ay nagsipasukan ang mga pamilyar na mukha sa akin. Uh? Monverde? Monverde home of great doctors? Kilala ang Monverde sa medical fields, nag mamay-ari rin sila ng mga sikat na hospital. Pero sa isang lalake nabaling ang atensyon ko... anong ginagawa niya rito? Hindi naalis ang tingin ko sa lalakeng walang expression o emosyon man lang ang mukha. Para itong robot. Straight face at halatang hindi alam ang salitang smile. Kilala ko siya, actually, siguro ay kilala siya ng buong mundo, dahil siya lang naman ang pinakabatang neurosurgeon na laging successful ang operation, The Great Damon Monverde. Madalas ko siyang makita sa school, lalo na tuwing convention o mga orientation about medical terms. Iginagalang siya ng lahat dahil nga matalino ito at mayaman. May fan base nga rin siya sa school namin kaya lang ekis siya sa akin. Matalino eh. Baka kapag nag-away kami daanin niya ako sa logic, mabaliw pa ako. Pero ano naman kaya ang ginagawa niya ito? Don't tell me mag didiscuss din siya? Pero Doctor siya hindi judge o attorney sa pagkakaalam ko. Bigla akong natauhan nang bigla siyang lumingon sa akin. Tipid akong ngumiti, baka kasi sabihin niya snob pa ako. Pero sa halip na ngumiti siya pabalik sa akin ay nanatili itong walang expression. "Apo." Tumayo si Papa, kaya maging ako ay tumayo rin. May matandang lumapit sa akin saka ako niyakap. Siya siguro ang lolo ko, ang papa ni Mama. Ngayon ko lang siya nakita. Wala naman kasi silang sinasabi sa akin tungkol sa kung sino ang pamilya ni Mama. Tinignan ko si Papa. Tumango naman ito. Hinayaan kong yakapin ako ng papa ni Mama. "You exactly look like your mother," saad niya nang humiwalay ito sa akin. Hinaplos niya ang aking mukha. "Sa wakas, nakilala na rin kita," dagdag nito. Hindi naman siya mukhang nakakayako, kaya lang may awra ito na nagsasagabi na para bang hindi siya basta-bastang tao. Oo, kilala ang mga Ynares lalo na ang mga Monverde, kaya lang... hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari ngayon. Sino sa kanila ang sinasabi nilang asawa ko? "Nice to meet you po," magalang na saad ko. Ramdam ko pa rin ang malakas na pagkabog ng aking dibdib na para bang kakawala ito sa akin. "She really looks like Michelle. The Ynares blood is really on her." Nakuha ng isang lalake ang atensyon ko, mukhang kaedad lang ito ni Papa. "Pare, long time no see. Sobrang tagal na rin nung huli tayong nagkita. Kumusta ka na?" Mukhang kakilala rin talaga ni Papa ang mga Monverde. Ngumiti naman ako nang makita ang isang hindi katandaang babae na matamis na nakangiti sa akin, siguro ay ito ang Mama ni Damon Monverde... wait... bahagya akong napatigil nang bigla akong natauhan. Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. It can't be... imposible! --- DAMON Hindi naalis ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon. She looks really d*mb. Nakatingin siya sa akin na para bang sinisiguro niya ang sitwasyon na kinalalagyan nito ngayon. Siguro ay prumoseso na sa isip niya kung sino ang lalakeng ini-arrange para sa kanya. "So, this is my son Mikael, Damon," mom introduced me to her. Hindi ko alam kung bakit ginawa pang formal ang pagkikita namin kung p'wede naman siyang ideretso na lang sa bahay ko. This is only a waste of time. "Damon is your husband, Hija. Alam kong kilala mo siya dahil nag l-lecture rin siya sa paaralang pinapasukan mo, tama ba?" Nanatili lang akong tahimik. Saka lang ako magsasalita kung kakausapin nila ako. Wala rin naman akong sasabihin, at kahit umayaw ako sa kung anong gusto nilang mangyari ay wala pa rin akong magagawa. "Totoo po ba ito?" Nakuha niyang muli ang aking atensyon dahil sa tanong niya. "Hindi na po ba p'wedeng magbago ito? Bakit kailangan niyo kaming itali sa ganito? Hindi nga po namin lubos na kilala ang isa't-isa at saka isa pa po hindi po namin mahal ang isa't-isa." She's really d*mb, I guess. Hindi ko naman maiwasang mapangisi. I guess, hindi lang ako ang may ayaw sa sitwasyon na ito. "Apo, tapos na ang kasunduang ito. At saka ayaw mo ba si Damon? He's a great doctor," Mr. Ynares said, trying to convince her oh-so-called-long-lost-granddaugther. She pouted. "Hindi lang naman po sa pagiging mahusay ang basehan ko, at kahit siya pa po ang pinakamagaling na tao sa buong mundo, hindi po matuturan ang puso." "So hija, you're saying that you want to just cut it off?" mom asked. Mukhang hindi ko na kailangang magsalita o gumawa pa ng bagay na tatapos nito dahil mukhang umaayon ang tadhana. "No. Our decision is final. Whether you like it or not, you're now married. Ito ang kabayaran ng ginawa ng magulang mo, Apo." ---MIKAYNagmahal at nasaktan. Tumawa at umiyak. Nagalit at nagpatawad.Muntikang sumuko ngunit lumaban upang maabot ang gusto.Natakot ngunit sumugal ulit.Ilan lang iyan sa mga natutunan ko sa buhay... sa buhay pag-ibig. Sobrang hirap magtiwala lalo pa't nasaktan ka na. Sobrang hirap sumugal lalo pa't minsan ay natalo ka na. Sobrang hirap magmahal lalo pa't minsan ka ng naloko. Sobrang hirap makahanap ng taong mananatili sa buhay mo... ngunit nakahanap ako. Nahanap ko si Damon at nahanap niya rin ako.Ang pagmamahalan man namin ay nag-umpisa sa arrange marriage, ngunit alam namin na magtatapos ito sa totoohang pagmamahalan. Dati naman ang gusto ko lang sa buhay ay yumaman, wala sa isip ko ang mag-asawa dahil sabi ko... hindi naman ako marunong mag-alaga, sarili ko nga hindi ko maalagaan, ibang tao pa kaya? Pero akalain mo iyon... sobrang mapang-asar talaga ang tadhana kasi nagawa niyang ibahin ang isip at puso ko. Si Damon? Sobrang sungit niya. Lahat na ata ng kasungitan sa mundo ay
MIKAY4 years later..."Moma!"Nagising ako sa sigaw ni Dal na akala mo may gulo na namang nangyayari."Moma!"Kahit ayoko pa sanang bumangon dahil antok na antok at pagod na pagod pa ako, kumakatok na sa pintuan si Dal. Bumungon ako at pinulit ang aking mga damit. Maaga na namang umalis ang lalaking iyon, at hindi man lang niya ako ginising. Mabilis akong nagpalit, at hindi na ako naghilamos pa.Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay agad nagsumbong sa akin si Dal na akala mo stress na stress na naman sa nangyayari. Puting puti ang buhok niya maging ang mukha nito. "Moma, nakakainis po! Kanina ko pa po sila pinipigilan na huwag maglaro sa kitchen, pero hindi po sila nakikinig."Huminga ako ng malalim. Sumunod naman ako kay Dal na patuloy na nagsusumbong sa akin."Sabi ko ako na lang ang mag b-bake, pero ayaw po nilang magpaawat. Pati nga po si Yaya ay nastress na."Nabaling ang tingin ko sa tatlo na nakasilip sa may veranda."Labas," maotoridad na saad ko.Hindi ko naman napigila
MIKAYHindi madali ang lahat ng pinagdaanan namin. Paulit-ulit kaming sinubok. Paulit-ulit kaming nasaktan, natakot, at umiyak. Ni hindi ko talaga lubos maisip kung paano namin nagawang lampasan at harapin ang lahat ng iyon."I love you, Wife."Sobrang sarap sa pakiramdam na sa tuwing paggising mo sa umga katabi mo ang lalaking nagbigay sa iyo ng pag-asa. Yung gigising ka sa umaga at agad niyang ipaparamdam sa iyo na ikaw ang pinakamagandang nangyayari sa buhay niya."I love you more, Hubby."Buong akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong pagmamahal, na hindi darating sa buhay ko ang ganitong klaseng pag-ibig. Sino ba kasing mag-aakala na ang tatanga-tangang ako makakabinggit ng isang matalinong tao na iintindi sa lahat ng kabobohan ko?Si Damon ang nagturo sa akin na kahit na anong pagsubok ang dumating, kailangang harapin iyon ng walang takot."Moma, lalabas na po ba sila baby?"Si Dal ang isa rin sa nagpatatag at nagpatibay sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hin
MIKAYHalos hindi ko na alam kung saan ako tutungo nang makarating kami sa hospital. Nakaalalay lang sa akin ang mga kaibigan ko na nagpunta kanina sa bahay ni Lolo nang malaman nila ang nangyayari."Kaya wala talaga akong tiwala sa higad na iyon eh!""Makita ko lang talaga siya ako na ang papatay sa kaniya!"Habang sila ay galit na galit, ako naman ay sobrang nag-aalala. Nang makita ko si Damon na nakaupo sa labas ng operating room hinanap ko agad si Dal... nasaan siya? Ramdam ko na ang pag init ng mata ko at paghaharumentado ng puso ko.Nakuha na namin ang atensyon ni Damon. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga kamay na nababalot ng dugo. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nakangiti siya sa akin, pero kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Nasaan si D-Dal?" nanginginig na tanong ko. "She's fine. She's inside the emergency room right now...""Moma!"Agad na hinanap ng aking mga mata ang tumawag sa akin. Bumuhos na ang aking luha. Tumatakbo palapit sa amin si Dal. Lu
MIKAYPara akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa naririnig ko, agad na bumuhos ang aking luha. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso na tila ba kakawala na ito sa akin. Kanina pa kausap ng Damon ang mga pulis, kalmado ito ngunit ramdam ko ang galit niya maging ang pag-aalala nito."Do everything you can."Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung paano ito nangyari... pakiramdam ko ay sobrang sama kong ina para pabayaan ang anak ko. Kung sana naging mas maaga lang ako ay hindi ito mangyayari."Wife, stop crying. Mahahahanap natin siya."Kahit gaano ako kalmahin ni Damon ay hindi ito umeepekto sa akin. "Kasalanan ko ito."Muling nag init ang aking mga mata. "No it's not your fault." Inilapit niya ako sa kaniya saka hinalikan sa noo. Gabi na ngunit wala pa rin kaming balita sa anak namin. Ang sabi ng teacher kanina ay may sumundo raw sa kaniya, nakita na rin namin ang CCTV ngunit hindi masyadong kita kung sino ang kumuha sa anak namin, sumakay sila sa black na kotse na ng tingnan
MIKAYLumipas ang ilang linggo walang paramdam si Caitlyn, hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot ako kasi unusual ito eh. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na bigla na lang hindi magpaparamdam. Nang malaman ni Damon na nakipagkita nga ako sa kaniya at nakita niya rin na namumula ang pisngi ko, galit na galit siya."Moma, may star po ako."Tinatanong ko naman si Dal kung pumapasok si Demi, ang sagot naman niya sa akin ay oo. "Wow very good naman ang baby ko.""Stem Moma, mana ako kay Papa."Pinanliitan ko siya ng mata."Syempre pati po sa inyo."Humagikgik pa ito. Agad napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang siko niya. "Ano ang nangyari rito?" May sugat kasi sa siko niya at halatang ngayon lang ito nangyari. "Ah ito po ba Moma? Nadapa po. Naglalaro po kasi kami kanina," saad niya nang hindi tumitingin sa aking mga mata. "Dal, sabihin mo ang totoo." "Moma, iyon po ang totoo."Hindi pa rin siya nakatingin sa akin, nanatili siyang nakayuko."Moma, mag s-shower na po ako."Ma
MIKAYSinabi sa akin ni Damon ang tungkol kay Caitlyn. Hindi ko akalain na nagawa niyang magsinungaling ng gano'n para lamang makuha niya ang gusto niya. I did give her a chance, but she choose to waste it."I really can't believe her."Kanina pa nagmamaktol si Damon na tila ba isang bata. Siguro gano'n na talaga siya at hindi iyon magbabago pa. Nakakainis lang dahil buong akala ko ay nasa matinong pag-iisip na siya, pero mukhang mas lumala pa ata ang pagiging siraulo niya."Hayaan mo na, at least ngayon alam na natin na plinano niya ang lahat."Hinawakan ko ang kamay niya."Buti na lang hanggang maaga pa ay nalaman na natin ang intensyon niya at hindi na siya gumawa pa ng mas malala." Nag release na rin ng statement si Damon tungkol sa litrato at video na kumakalat, sabi ko naman sa kaniya kung ano man ang maungkat haharapin namin iyong dalawa. Hindi naman ako papayag na siya lang ang aako ng lahat ng ito, gaya ng sabi ko hati kami."Moma!" Nakuha ni Dal ang atensyon namin, may ha
MIKAYKapag chismis talaga ang usapan, sobrang bilis nitong kumalat na akala mo isa itong virus. Kalat na kalat pa rin ang mga pictures at videos online lalo na yung halikang nangyari sa kanilang dalawa kahit na tatlong araw na ang nakakalipas. Alam ko naman na hindi iyon sinasadya kaya lang sa mga mata ng iba, alam kong iba ang tingin nila."You should fix this as soon as possible, Damon."Nandito kami ngayon sa bahay ni Lolo, at meron din ang loli ni Damon, at as usual sinasabon na naman nila si Damon."Lo, wala naman pong kasalanan si Damon sa nangyari. At saka, kung bibigyan natin ng malisya ang nangyari mas lalo lang itong lalala. At saka kiss lang naman iyon...""Kahit kiss man iyon o hindi, wala akong pakealam. Nababasa mo ba ang mga articles tungkol sa kanila? Can be a happy family? Sweet family?"Hinilot ni Lolo ang sentido niya. "Tama si Nico. Kahit alam ng lahat na kayo naman talaga, hindi pa rin natin maiiwasan na iba ang sabihin ng media makakuha lang sila ng magandang s
MIKAYHindi ko maiwasang magtaas ng kilay habang nakatingin kay Damon at Caitlyn. Seryosong-seryoso kasi silang nag-uusap sa hindi kalayuan sa akin, pagkakwa'y ngumingiti si Caitlyn kapag sasagot si Damon sa kaniya."Lapitan mo! Tanggalin mo yung mata," ani Juday na hindi ko namalayan ang pagdating.Nandito ako ngayon sa event na ginawa ng hospital, para officially ipakilala sa lahat si Damon, ang bagong chairman ng hospital. "Alam mo, todo ang pag-aaligid ng linta na iyan sa asawa mo. Jusko! Ako na iyong naiimbyerna talaga," ani Tina na umirap pa ng bongga.Huminga ako ng malalim."Nag-uusap lang naman sila," saad ko. "Nag-uusap? Eh tingnan mo yung linta, kulang na lang dumikit siya sa asawa mo. May nag-uusap ba na lapit nang lapit ng boobs?" Mas naging iritable silang dalawa."O yung kamay niya! Tingnan mo tingnan mo. Wala ka bang gagawin? Hindi ka ba lalapit sa kanila?"Maliban kay Caitlyn, may iba pa naman silang kausap, at alam kong importante ang pinag-uusapan nila ngayon, ew