MIKAY
Bagsak ang aking balikat nang makauwi ako. Binagsak ko ang aking katawan sa malaking sofa saka ako humilata. Wala naman akong masyadong ginawa pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Sobrang bigat ng ulo ko kahit alam ko namang limitado lang space sa utak. "Mikay, ayos ka lang ba? Nagluto ako ng miryenda." Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng teacher ko sa akin. Naapprove ang application ko para sa internship sa pinakamalaking hospital sa bansa. Pero bakit hindi ko magawang maging masaya? "Hindi naman siguro ako naapprove dahil nalaman ng school na related ako sa Ynares di ba?" tanong ko sa aking sarili. Kinagat ko ang aking ibabang labi. Kabado bente na talaga ako. Paano kung alam pala ng mga teachers ko na isa talaga akong Ynares? Baka mag expect sila sa akin. Jusmiyo naman! "Mikay?" "Ano ng gagawin ko?" Para akong kiti-kiti sa sofa na hindi mapakali. Nasabunutan ko pa ang aking buhok. "Ah hindi!" Bumangon ako mula sa aking pagkakaupo. "Nakapasok ako dahil sa magaling... pero hindi nga ako matalino!" pagmamaktol saka ko muling nagulo ang aking buhok. Hindi naman na bago sa akin ang maistress, pero ito ata ang unang pagkakataon na parang mababaliw ang aking pakiramdam. "Anak, okay ka lang ba?" Nabaling ang atensyon ko kay Nanay Cristy nang tapikin niya ang balikat ko.. "Nanay Cristy..." huhubels talaga! "May nangyari ba?" tanong niyang muli sa akin. Nanatili akong nakabusangot habang pilit kong kinakalma ang aking sarili. Kung siguro hindi ko nalaman na related ako sa mga sikat na Ynares siguro ay nagpaparty na ako ngayon... kasi sobrang laking achievement iyon para sa aming mga nursing student. M.Y Medical Foundation? Nasa kanila na ang lahat. Tipong wala ka ng hahanapin pang iba. Mga magagaling na Doctor at Nurse ang naroroon, nando'n nga 'yung favorite Nurse ko. Si Nurse Aye. Sobrang galing niya. Siya inspirasyon ko maliban kay mama. Ikinuweto ko kay Nanay Cristy ang lahat habang nagmimiryenda kami. "Naku! Huwag mong pagdudahan ang sarili mo, at huwag mong isipin na kaya ka naapprove ay dahil isa kang Ynares, anak. Napili ka dahil magaling ka, iyon ang isipin at panghawakan mo," nakangiting saad ni Nanay Cristy. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ako gano'n katalino. "Hindi ko lang po maiwasang mag-isip." Paano kung totoo na naapprove ang application ko dahil may kapit ako? Huhubels! I can't talaga if ever. "Anak, ang mahalaga maaari kang makapasok sa hospital na pinapangarap ng lahat. Ipagpasalamat mo na lang ito," saad niya. Muli siyang naglagay ng bananacue sa aking pinggan. "Ang gawin mo na lang ngayon maghanda ka para sa gagawin mo para mapatunayan mo rin na karapat-dapat ka na makuha bilang intern." Bahagya akong napamaang sa sinabi ni Nanay Cristy. Tama siya. Bakit hindi ko agad iyon naisip? Ang kailangan kong gawin ngayon ay patunay ang aking sarili. "Tama! Lavarrn!" Patutunayan ko na karapat-dapat ako hindi dahil isa akong Ynares kung hindi dahil ako si Mikay. Ngiting-ngiti na nakatingin sa akin si Nanay Cristy na tila ba proud na proud ito sa akin kaya mas lalo akong natutuwa. Sobrang sarap makakita ng mga mata na proud na proud na nakatingin sa'yo. Huminga ako ng malalim. Kaya ko ito! --- DAMON Kunot noo kong pinapanood si Nanay si Cristy at ang bobong babae na nag-uusap sa veranda. Para bang may pinag-uusapan silang nakakatawa dahil sa malakas na tawanan nila. Napailing na lamang ako saka muling nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kusina para kumuha ng miryendang niluto ni Nanay Cristy. I check my watch. It's too early. Bakit nandito na ngayon ang bobong iyon? Mamaya pa dapat ang uwi niya. Babalik pa ako sa eskwelahan niya mamaya dahil may lecture ako, at sigurado kong dapat nando'n din siya. Pero anong ginagawa niya rito? Is she planning to cut off school? "F*ck!" singhal ko nang biglang sumulpot sa harapan ko ang babaeng bobo na mukhang multo sa pustura niya. Natatakpan ang mukha niya ng gulo-gulo niyang buhok. I frowned when she suddenly fix her hair... she looks creepy stupid because of the smile on her face. "Hi," walang enerhiyang bati niya sa akin. Mukhang tanga pa rin itong nakangiti sa akin. Nagtaas ng bahagya ang kilay ko nang mataman itong nakatingin sa akin na tila ba sobrang dami niyang gustong sabihin. "What?" I asked annoyed. But instead answering me, she pass me by. She walk towards the fridge to get something. "Anyway, does your teacher already told you that your application got accepted?" Now, I get her attention. What the hell is wrong with this woman? She got lots of expression on her face. Kanina lang ay mukha itong tangang nakangiti ngayon ay para itong tanga na nakabusangot at mukhang ang laki ng problema nito. She opened her mouth as she took a deep breath... she was about to say something when she choose not to. She heaved a sigh again, but this time she looks more bothered. So stupid. Instead getting involve with her drama, I just turn ny back at her and walk outside the kitchen. Dealing with her is only a waste of time. Pagbalik ko sa kwarto ko ay kinuha ko ang tablet para tignan kung ano ang ginagawa ng babaeng iyon sa kusina. "Stupid," I muttered while shrugging my head. --- MIKAY Siguro ay tama nga ang nasa isip ko. Na kaya lang na tanggap ang application ko ay dahil Ynares ako. Nakakadismaya. Naiuntog ko na lang ang ulo ko sa ref habang patuloy na nagmamaktol sa aking isipan. "Ayoko na! Hindi na ako mag-aaral." Napapadyak na ako sa sobrang frustration na nararamdaman ko. Hindi naman niya sinabi sa akin na napili ako dahil isa akong Ynares, gusto ko sanang magtanong kanina kaya lang 'yong tingin palang niya sa akin alam kong nagbabanta na. Apaka suplado kasi eh! Nakuha ng cellphone ko ang atensyon ko nang tumunog ito. Bakit tumatawag si Juday? Sinagot ko ito. "Oh bakit? Huwag mong sabihing may klase tayo," wika ko pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag. (May magaganap na lecture sa function hall ngayon, Sis. Mag l-lecture raw si Doc Damon baby loves so sweet.) Mabilis na nagsalubong ang kilay ko. May lecture si Master? "Eh nandito siya sa bahay eh..." Napakurap ako at hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko... "Nandito ako sa bahay," ulit ko. (Uwi ka kasi nang uwi. Halika na rito! Baka mawalan tayo ng upuan sa function hall.) Ano ba naman 'yan! Wala pa naman akong ganang makinig ngayon ng lecture. Lalo pa't si Damonyo ang magsasalita. May question and answer portion pa naman baka mamaya tawagin niya ako at ipahiya katulad ng madalas niyang gawin sa iba. "Basta go ka na lang sa hall. Tabi tayo katulad ng dati," saad ko. Binaba ko na ang tawag. Bahala na nga si batman. Huminga ako ng malalim at inayos ang pustura ko. "Ako si Mikay! Hindi nagpapatalo. Kaya laban!" saad ko sa aking sarili. Tinungo ko ang aking kwarto. Mabilis akong nag shower at nag-ayos. Perpek na naman ang awra ko, pero mamaya baka malosyang na naman ako. Lumabas ako with confident... confidence... ah basta 'yon na 'yon. Sakto naman na paglabas ko ay lumabas din si Damonyo na as usual poker face na naman na binalingan ako ng tingin. Ang pustura nito ay hindi makabasag pinggan, tipong masasabi mo na hindi dapat siyang banggahin nino man. Simpleng polo at maong pants lang ang suot nito kaya lang iba na agad ang awra niya. "You're drooling." Napabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi niya. Chineck ko ang gilid ng labi ko. Wala namang laway! Ang epal! "What the hell?" singhal niya nang sagiin ko siya. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Stupid," may diing wika nito. Otomatiko talaga ang pagkulo ng dugo ko sa tuwing tinatawag niya akong bobo. Alam ko namang totoo ito, kaya lang kailangan pa ba talaga niyang ipaalala sa akin iyon ng paulit-ulit? Edi siya na ang biniyayaan ng talino. "Supladong Damonyo," pagtataray ko. Tinalikuran ko siya at naunang naglakad sa kanya. "Oh Mikay, akala ko ba wala ka ng pasok ngayon?" tanong ni Nanay Cristy nang makita niya ako. "Naku Nay, meron kasing bida-bida riyan sa tabi-tabi na mag l-lecture kuno raw. Kaya wala akong choice." Nakita ko ang pagbaling ng tingin ni Nanay Cristy kay Damonyo na palabas na sa bahay. "Siya?" tanong niya. Tumango ako. "Makinig kang mabuti, anak. Iba pa naman si Damon kung magtanong." Sa tuwing lalabas nga kami sa function hall ay trauma ang nararamdaman namin. Paano ba naman kasi, para kaming nakinig sa presidente na hawak ang buhay namin ang pakiramdam sa loob ng function hall. Wala talagang lalabas sa hall ng hindi umiiyak. "Prepare yourself," saad nito bago pa man ako makapasok sa loob ng sasakyan. Ang tono nito ay para bang may gagawin siyang kung ano. Bigla akong kinabahan at bago pa man ako makapagsalita ay pumasok na ito sa kanyang sasakyan. Parang ayoko na atang pumasok, pero kung gagawin ko naman iyon baka ipatawag na naman ako dahil sa attendance. Nakakainis! Lagi na lang akong walang choice. Muli akong hinatid ni Mang Kanor. Nang marating ko ang function hall ay may mga estudyante ng nagsisipasukan. Meron naman ng nakuhang upuan namin si Judy kaya hindi na muna ako makikipagsiksikan. "Pero nasaan kaya ang Damonyong iyon?" Inilibot ko ang paningin ko, pero hindi ko siya makita. Kailangan ko siyang makausap, dahil masama ang kutob ko sa lecture na ito. Panigurado akong gigisahin niya ako mamaya. Kailangan ko siyang makausap. Nakapasok na ang lahat ng estudyante pero wala pa rin si Damonyo. Sumilip ako sa hall pero wala pa naman siya sa loob. "Miss Mendoza, why are you still here?" Nagtaas ako ng ulo at halos umatras ang dila ko nang makita ko si Dean na as usual nagbabanta na naman ang tingin. Kasama niya si Damonyo na blangko pa rin ang tingin sa akin. "A-Ah Dean... hinihintay ko lang po si Tina. Yung kaibigan po namin," pagpapalusot ko. "Get inside now," utos ni Dean sa akin. Nauna siyang pumasok. Akmang papasok na si Damonyo nang pigilan ko siya. Wala naman ng tao sa paligid kaya okay lang. "Kung ano man ang binabalak mong gawin laban sa akin..." umpisa ko... "Utang na loob. Huwag!" pagmamaktol ko na para bang isang bata. "Then listen properly." Marahas niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. "Stupid." Siguro, kailangan ko na talagang magdasal ngayon. ---MIKAYNagmahal at nasaktan. Tumawa at umiyak. Nagalit at nagpatawad.Muntikang sumuko ngunit lumaban upang maabot ang gusto.Natakot ngunit sumugal ulit.Ilan lang iyan sa mga natutunan ko sa buhay... sa buhay pag-ibig. Sobrang hirap magtiwala lalo pa't nasaktan ka na. Sobrang hirap sumugal lalo pa't minsan ay natalo ka na. Sobrang hirap magmahal lalo pa't minsan ka ng naloko. Sobrang hirap makahanap ng taong mananatili sa buhay mo... ngunit nakahanap ako. Nahanap ko si Damon at nahanap niya rin ako.Ang pagmamahalan man namin ay nag-umpisa sa arrange marriage, ngunit alam namin na magtatapos ito sa totoohang pagmamahalan. Dati naman ang gusto ko lang sa buhay ay yumaman, wala sa isip ko ang mag-asawa dahil sabi ko... hindi naman ako marunong mag-alaga, sarili ko nga hindi ko maalagaan, ibang tao pa kaya? Pero akalain mo iyon... sobrang mapang-asar talaga ang tadhana kasi nagawa niyang ibahin ang isip at puso ko. Si Damon? Sobrang sungit niya. Lahat na ata ng kasungitan sa mundo ay
MIKAY4 years later..."Moma!"Nagising ako sa sigaw ni Dal na akala mo may gulo na namang nangyayari."Moma!"Kahit ayoko pa sanang bumangon dahil antok na antok at pagod na pagod pa ako, kumakatok na sa pintuan si Dal. Bumungon ako at pinulit ang aking mga damit. Maaga na namang umalis ang lalaking iyon, at hindi man lang niya ako ginising. Mabilis akong nagpalit, at hindi na ako naghilamos pa.Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay agad nagsumbong sa akin si Dal na akala mo stress na stress na naman sa nangyayari. Puting puti ang buhok niya maging ang mukha nito. "Moma, nakakainis po! Kanina ko pa po sila pinipigilan na huwag maglaro sa kitchen, pero hindi po sila nakikinig."Huminga ako ng malalim. Sumunod naman ako kay Dal na patuloy na nagsusumbong sa akin."Sabi ko ako na lang ang mag b-bake, pero ayaw po nilang magpaawat. Pati nga po si Yaya ay nastress na."Nabaling ang tingin ko sa tatlo na nakasilip sa may veranda."Labas," maotoridad na saad ko.Hindi ko naman napigila
MIKAYHindi madali ang lahat ng pinagdaanan namin. Paulit-ulit kaming sinubok. Paulit-ulit kaming nasaktan, natakot, at umiyak. Ni hindi ko talaga lubos maisip kung paano namin nagawang lampasan at harapin ang lahat ng iyon."I love you, Wife."Sobrang sarap sa pakiramdam na sa tuwing paggising mo sa umga katabi mo ang lalaking nagbigay sa iyo ng pag-asa. Yung gigising ka sa umaga at agad niyang ipaparamdam sa iyo na ikaw ang pinakamagandang nangyayari sa buhay niya."I love you more, Hubby."Buong akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong pagmamahal, na hindi darating sa buhay ko ang ganitong klaseng pag-ibig. Sino ba kasing mag-aakala na ang tatanga-tangang ako makakabinggit ng isang matalinong tao na iintindi sa lahat ng kabobohan ko?Si Damon ang nagturo sa akin na kahit na anong pagsubok ang dumating, kailangang harapin iyon ng walang takot."Moma, lalabas na po ba sila baby?"Si Dal ang isa rin sa nagpatatag at nagpatibay sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hin
MIKAYHalos hindi ko na alam kung saan ako tutungo nang makarating kami sa hospital. Nakaalalay lang sa akin ang mga kaibigan ko na nagpunta kanina sa bahay ni Lolo nang malaman nila ang nangyayari."Kaya wala talaga akong tiwala sa higad na iyon eh!""Makita ko lang talaga siya ako na ang papatay sa kaniya!"Habang sila ay galit na galit, ako naman ay sobrang nag-aalala. Nang makita ko si Damon na nakaupo sa labas ng operating room hinanap ko agad si Dal... nasaan siya? Ramdam ko na ang pag init ng mata ko at paghaharumentado ng puso ko.Nakuha na namin ang atensyon ni Damon. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga kamay na nababalot ng dugo. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nakangiti siya sa akin, pero kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Nasaan si D-Dal?" nanginginig na tanong ko. "She's fine. She's inside the emergency room right now...""Moma!"Agad na hinanap ng aking mga mata ang tumawag sa akin. Bumuhos na ang aking luha. Tumatakbo palapit sa amin si Dal. Lu
MIKAYPara akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa naririnig ko, agad na bumuhos ang aking luha. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso na tila ba kakawala na ito sa akin. Kanina pa kausap ng Damon ang mga pulis, kalmado ito ngunit ramdam ko ang galit niya maging ang pag-aalala nito."Do everything you can."Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung paano ito nangyari... pakiramdam ko ay sobrang sama kong ina para pabayaan ang anak ko. Kung sana naging mas maaga lang ako ay hindi ito mangyayari."Wife, stop crying. Mahahahanap natin siya."Kahit gaano ako kalmahin ni Damon ay hindi ito umeepekto sa akin. "Kasalanan ko ito."Muling nag init ang aking mga mata. "No it's not your fault." Inilapit niya ako sa kaniya saka hinalikan sa noo. Gabi na ngunit wala pa rin kaming balita sa anak namin. Ang sabi ng teacher kanina ay may sumundo raw sa kaniya, nakita na rin namin ang CCTV ngunit hindi masyadong kita kung sino ang kumuha sa anak namin, sumakay sila sa black na kotse na ng tingnan
MIKAYLumipas ang ilang linggo walang paramdam si Caitlyn, hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot ako kasi unusual ito eh. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na bigla na lang hindi magpaparamdam. Nang malaman ni Damon na nakipagkita nga ako sa kaniya at nakita niya rin na namumula ang pisngi ko, galit na galit siya."Moma, may star po ako."Tinatanong ko naman si Dal kung pumapasok si Demi, ang sagot naman niya sa akin ay oo. "Wow very good naman ang baby ko.""Stem Moma, mana ako kay Papa."Pinanliitan ko siya ng mata."Syempre pati po sa inyo."Humagikgik pa ito. Agad napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang siko niya. "Ano ang nangyari rito?" May sugat kasi sa siko niya at halatang ngayon lang ito nangyari. "Ah ito po ba Moma? Nadapa po. Naglalaro po kasi kami kanina," saad niya nang hindi tumitingin sa aking mga mata. "Dal, sabihin mo ang totoo." "Moma, iyon po ang totoo."Hindi pa rin siya nakatingin sa akin, nanatili siyang nakayuko."Moma, mag s-shower na po ako."Ma