DAMON
"Congratulation with the successful operation, Doc. You're indeed have the golden hands." I just nodded. Panay ang papuri nila sa akin na madalas ko namang marinig. I didn't bother to speak nor even cast them a glance, I continued walking until I reach my office. I massage my back as soon as I get inside my office. Such a tiring operation. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. I check the time. It's already 2:32 in the morning. I closed my eyes for a second, and when I open it the paperbag that she gave me caught my attention. I was about to check it when suddenly the door opens. "Dame, let's go eat." Nabaling ang atensyon ko sa pagpasok ni Caitlyn. May hawak itong paperbag na sa tingin ko ay may laman itong pagkain. Katulad ng madalas niyang gawin ay siya ang naghahatid sa akin ng pagkain o kaya naman sinasabayan niya ako sa pagkain. She knows my schedule and I know hers too. "I know you're tired with your operation, so I bought you something to eat." She placed the paperbag in my center table. "Oh wait! What is this? A food?" "Someone gave it to me. Ikaw na lang kumain kung gusto mo." Katulad ng sabi ng matatanda, hindi namin p'wedeng ipaalam sa kahit na sino ang kasal na ginawa nila. If everyone found out that I'm married, for sure there's a chaos. "The hell is wrong with you? Balak mo bang magluto rito?" She laugh sarcastically. Ipinakita niya sa akin ang laman ng paperbag, at agad kumunot ang noo ko nang isa-isahin niyang ilabas ito. "Seriously Dame?" Mas lalo itong natawa. F*ck! That stupid woman! Instead lutong ulam ang ibinigay niya sa akin, pagkaing iluluto ang laman nito. "Fresh meats, at mga sangkap. Are you really going to cook here? Kulang na lang paglutuhan para mailuluto mo na ito. You've got to be kidding me." Tumatawa pa rin ito. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at panay mura ang lumalabas sa aking isipan. Oh come on! This is seriously out of hand! Ang lakas ng loob niyang paglaruan ako? She will surely pay for this. "I didn't know naman na sa kagalingan mong magluto, dadalhin mo pa hanggang dito. You're too perpect to handle, Dame." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Cait. Tumayo ako at kinuha ang paperbag mula sa kanya. "Hey! What are you doing? Sayang naman 'yan kung itatapon mo lang," wika niya pero hindi ko siya pinansin. Napailing na lang ako. Muli kong binaba sa may side table ang paperbag. "Are you annoyed?" she then asked. I took a deep breath. "No," I said impatiently. She frowned. "Sorry na. Natuwa lang kasi ako." I gave her a warning stare. She cleared her throat. "Okay. Let's not talk about it anymore. Let's eat muna. For sure later, we will be busy again. Stop frowning, Dame." I still can't believe that this is happening right now. That woman! Kung sa tingin niya nanalo siya ngayon, sisiguraduhin ko na she will regret putting a prank to me. --- MIKAY Inubos ko ang oras ko kagabi para mag-isip ng house rules at kung ano ang maidadagdag ko sa contract. Pinangalanan ko ito ng Mikay version 1003. Tignan na lang natin ang masasabi niya once na mabasa niya ang laman nito. Akala niya ah! Iinat-inat akong lumabas sa aking kwarto ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad siya sa akin. "Good morning...aray!" daing ko nang ibinato niya sa akin ang paperbag na hawak niya. "Ano ba? Paano kung natanggal ang ilong ko dahil sa ginawa mo?" singhal ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang aking ilong na mukhang lumiit na dahil sa pagtama ng matigas na bagay sa aking ilong. Umagang-umaga na nanakit ang ulupong na ito. Taas kilay ko siyang tinignan na masama pa rin ang tingin sa akin. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko. Naka cross arms, salubong ang kilay, at akala mo kung kriminal ang nasa harapan niya kung makatingin ito. Ganitong-ganito siya sa tuwing nag le-lecture siya sa school. Iyong tipong hindi mo p'wedeng sumbatan dahil for sure sa kangkungan pupulutin kung sakali. "If you want to play, don't add to your childish act the foods. May mga taong nagugutom at hindi kumakain, tapos heto ka sinasayang ang pagkain. Bakit? Por que nalaman mong mayaman ka, you'll act as if small things never matter?" mahabang litanya niya. Ni hindi siya nag-iwas ng tingin sa akin o kumurap man lang. Ito na nga ba ang lecture na sinasabi ko. Pero hindi dapat ako magpatalo sa kanya. "Hindi naman masasayang 'yan kung niluto mo sana. Kumpleto naman ang sangkap ah." Pinagtaasan ko siya ng kilay. "You're indeed stupid," malamig at malalim na turan niya. Bago pa man ako makapagsalita ay tinalikuran na niya ako, at padabog pa niyang isinara ang pintuan ng kwarto niya. Suplado akala mo naman gwapo. Kesa masira ng tuluyan ang araw ko, hindi ko na lang inabala ang sarili ko sa kanya. "Good morning Mam." Bahagya akong napahinto nang may isang hindi katandang babae ang bumati sa akin. Kasalukuyan siyang nagluluto at mukhang gamay na gamay niya ang buong kusina. Bago ko pa man maitanong kung ano ang pangalan niya ay nagpakilala ito sa akin. "Ako nga po pala si Cristy. Tawagin mo na lang akong Manang Cristy o Nanay Cristy. Matagal na akong namamasukan dito, nasabi na rin sa akin ni Damon ang sitwasyon niyo kaya huwag kang mag-alala, Hija." Ngumiti ito sa akin ng pagkatamis-tamis. Nabanggit nga sa akin ng ina ni Damonyo na may matagal ng katiwala ito. Siya rin ang nag-alaga kay Damonyo noong bata pa ito. kasama nito ang kanyang asawa. Ibig sabihin lang ay parang sila Manang Cristy na ang tumayong pangalawang magulang sa kanya. "Manang Cristy, masaya po akong nakilala kita," masayang saad ko. Nakakahiya naman kung tawagin ko agad siya ng Nanay Cristy eh hindi pa naman kami masyadong close. "Naku Hija! Mas masaya ako na muli kang makita. Parang kailan lang noong maliit na bata ka pa. Patakbo-takbo... sobrang kukulit. Siguro ay hindi mo na ito maalala kasi matagal na. Pero Hija..." Lumapit siya sa akin. Nanatili siyang nakangiti. "Kamukhang-kamukha mo ang mama mo," pagkakwa'y tuloy niya sa kanyang sasabihin. "Kilala mo po ang mama ko?" Katangahang tanong, Mikay. "Pero pasensya na po, hindi ko kayo maalala," saad ko. "Okay lang. Bata ka pa naman noon. O siya, mag-ayos ka muna, dahil baka mahuli ka pa sa pagpasok mo. Hayaan mo na lamang ako rito sa kusina." Buti na lang may makakausap ako na medyo matino ang pag-iisip dito sa malaking bahay na ito, dahil kung wala ay baka mabaliw lang ako. Mukhang ito na talaga ang aking reyalidad. Wala na talaga akong kawala sa kontratang ito. Nakuha ng papel na nasa side table ang atensyon. Mikay version 1003. Bago ako tuluyang lumabas sa aking kwarto ay inayos ko na muna ang aking sarili. Plantsadong-plantsado ang aking suot. Maayos ang aking buhok. Makinis ang aking sapatos. Feeling ko isa akong mabuting mag-aaral sa pustura ko. Kinuha ko ang papel sa side table saka ko isinukbit ang aking tote bag sa aking balikat bago ako lumabas. Kumatok ako sa pintuan ni Damonyo pero ang gago, mukhang wala atang balak na pagbuksan ako. Sumilip ako ng bahagya, pero halos sumubsob ako nang biglaan niya itong binuksan buti na lang napahawak ako sa dibdib niya. "What the hell do you think you're doing?" Isang baritono at puno ng pagbabanta ang tinig nito. "Aray naman," pagmamaktol ko nang walang pakundangan niya akong winasiwas palayo sa kanya. "P'wede namang sabihin ng maayos eh. Kailangan talaga manulak?" pagtataray ko. Inayos kong muli ang suot ko. Professional look pa naman ako ngayon. "What do you want again?" Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay puno ng pagbabanta. Apaka suplado! Dinaig pa ang babaeng may regla. "Oh eto na yung listahan na nagawa ko." Inabot ko sa kanya ang papel na pinagpuyatan ko ng bongga. Nakataas lang naman ang kilay niya sa akin na para bang dudang-duda pa ito. Kita mo talaga ang lalakeng 'to, hindi marunong mag appreciate ng effort ng iba gusto ata siya lang lagi ang tama. "I'll review it later. Now, leave." Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Lumabas na lang ako sa kwarto niya. Baka kasi sipain pa niya ako palabas edi ako na lang magkusa, pero in fairness ah, ang luwang ng kwarto niya, hindi ko man ito napagmasdang mabuti, masasabi kong mas maganda ang kwarto niya kesa sa akin. Hanggang sa matapos kong kumain ay hindi na lumabas si Damonyo. Mukhang pangangatawanan niyang ayaw niyang makita ni anino ko. Duh? Edi huwag! As if naman gusto ko siyang makita o makasama man lang. "Miss Mikay, sa araw na ito, ako na po ang maghahatid sa inyo sa inyong eskwelahan," bungad sa akin ni Mang Kanor. Ang asawa ni Manang Cristy. Napakilala na siya sa akin kanina ni Manang Cristy noong kumakain kami dahil nakiusap ako na sabayan nila ako sa pagkain dahil hindi ako sanay na kumain mag-isa. "Maraming salamat po. Pero Mang Kanor, p'wede po ba na huwag po sa mismong gate ng school namin ako bababa? Ayoko kasing mag-isip ng kung ano ang mga kaschoolmate ko o kung sino man ang makakakita sa akin," saad ko. Mamaya magtaka pa silang kung bakit isang iglap ay makikita nila akong nakasakay sa kotse. "Sige po Miss Mikay..." "At saka huwag na po 'yong 'miss'. Mikay na lang ho." --- DAMON "Oh Hijo, bakit ngayon ka lang bumaba? Sana ay nasamahan mo si Mikay na kumain," ani Nanay Cristy nang makita niya ako. "How's your vacation, Nay?" I asked instead answering her question. Wala akong interes na pag-usapan ang babaeng iyon. I just read her house rules and what she wants to add to the contract, and it's a damn f*cked up! Paano na ang isang bobong tulad niya ay nagagawang mabuhay sa mundo? She's indeed stupid! No wonder her grades are all mess. Mikay house rules version 1003 1. MWF and TTH maglinis ng bahay (switch every week) 2. Matutong magluto 3. Iligpit ang kalat... Hindi ko kayang basahin ang house rules niya dahil sobrang pangbata ito. Mas matalino pa nga ata ang bata sa kanya. Mikay contract version 1003 1. No touch. (Don't you ever lay your hands at me or else... eme! Huwag mo akong hahawakan ng walang pasabi. Dalagang Pilipina ako.) 2. No kiss. (Ayoko naman na ikaw ang maging first kiss ko. Yuck!) 3. No hug. (Huwag mo lang talagang tatangkain na yakapin ako.) 4. Respect privacy. (walang pakealamanan. Mind your own business eka nga nila.) Her contract rules are kind of okay. Kaya lang sa sobrang dami niyang sinulat ay hindi ko na binasa lahat. Isa lang naman ang pinapahiwatig niya 'ayaw niya sa akin', and the feeling is mutual. --- MIKAY Natapos ng mag discuss ang teacher namin pero wala man lang pumasok ni isa sa isip ko. Ang tanging naintindihan ko lang ay 'class dismiss'. kaya heto ako ngayon nagliligpit na ng gamit. "Miss Mendoza, meet me at my office." Oh my gosh! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mukhang natunugan ng teacher namin na wala na naman akong natutunan for today's lesson. Ewan ko ba sa utak ko, madalas ayaw makipagtulungan sa akin. Kaya ako bumabagsak eh. "Mikay, sunod ka na lang sa canteen ah," saad ni Judy, isa sa mga kaibigan ko rito sa school. "Okay. Orderan mo na lang ako ng foods ah." Naghiwalay kami ng daan. Dumiretso naman ako sa office ni Miss Cruz kung saan may one by one battle na naman kami. Huminga ako ng malalim saka taimtim na nagdasal ng ilang segundo bago ko pinihit ang doorknob. "Have a seat," saad nito sa isang kalmadong tinig. Ito ang mas nakakatakot sa lahat, yung kalmado. "Miss Cruz, kabado bente na ako ah," wika ko sa isang nanginginig na tinig. Namamasa na nga ang palad ko eh. Ngumiti siya sa akin. "Nato-trauma ka na ba?" "Medyo lang po." Awkward akong ngumiti. "So here's the news, Na accept ang internship application mo sa M.Y Medical Foundation." "Tapos po..." Huh? "Ano po?" Napatayo pa ako dahil sa gulat nang mag proseso sa utak ko ang sinabi ni Miss Cruz. "You heard me loud and clear. Congratulation Miss Mendoza." Oh my gosh! I can't! Sobrang imposible para sa isang tulad ko na pasang-awa ang grades na makapasok sa M.Y Medical... wait! Tila nawala ang excitement ko nang marealize ko ang sitwasyon. Nakuha ba ako dahil related ako sa hospital? "However, to officialy enter the hospital. You will be having an orientation and a face to face medical situation wherein you will show to the board on how nurse should act during emergency. Here." Wala sa sariling inabot ko ang papel na ibinigay sa akin ni Miss Cruz. "Review this. I'm counting on you, Miss Mendoza." Hanggang sa makalabas ako sa opisina ni Miss Cruz ay wala pa rin ako sa aking sarili. Hindi magawang iproseso ng aking sistema ang lahat. Napayuko ako. "Mukhang natanggap talaga ang application ko dahil isa akong Ynares," malungkot na saad koMIKAYNagmahal at nasaktan. Tumawa at umiyak. Nagalit at nagpatawad.Muntikang sumuko ngunit lumaban upang maabot ang gusto.Natakot ngunit sumugal ulit.Ilan lang iyan sa mga natutunan ko sa buhay... sa buhay pag-ibig. Sobrang hirap magtiwala lalo pa't nasaktan ka na. Sobrang hirap sumugal lalo pa't minsan ay natalo ka na. Sobrang hirap magmahal lalo pa't minsan ka ng naloko. Sobrang hirap makahanap ng taong mananatili sa buhay mo... ngunit nakahanap ako. Nahanap ko si Damon at nahanap niya rin ako.Ang pagmamahalan man namin ay nag-umpisa sa arrange marriage, ngunit alam namin na magtatapos ito sa totoohang pagmamahalan. Dati naman ang gusto ko lang sa buhay ay yumaman, wala sa isip ko ang mag-asawa dahil sabi ko... hindi naman ako marunong mag-alaga, sarili ko nga hindi ko maalagaan, ibang tao pa kaya? Pero akalain mo iyon... sobrang mapang-asar talaga ang tadhana kasi nagawa niyang ibahin ang isip at puso ko. Si Damon? Sobrang sungit niya. Lahat na ata ng kasungitan sa mundo ay
MIKAY4 years later..."Moma!"Nagising ako sa sigaw ni Dal na akala mo may gulo na namang nangyayari."Moma!"Kahit ayoko pa sanang bumangon dahil antok na antok at pagod na pagod pa ako, kumakatok na sa pintuan si Dal. Bumungon ako at pinulit ang aking mga damit. Maaga na namang umalis ang lalaking iyon, at hindi man lang niya ako ginising. Mabilis akong nagpalit, at hindi na ako naghilamos pa.Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay agad nagsumbong sa akin si Dal na akala mo stress na stress na naman sa nangyayari. Puting puti ang buhok niya maging ang mukha nito. "Moma, nakakainis po! Kanina ko pa po sila pinipigilan na huwag maglaro sa kitchen, pero hindi po sila nakikinig."Huminga ako ng malalim. Sumunod naman ako kay Dal na patuloy na nagsusumbong sa akin."Sabi ko ako na lang ang mag b-bake, pero ayaw po nilang magpaawat. Pati nga po si Yaya ay nastress na."Nabaling ang tingin ko sa tatlo na nakasilip sa may veranda."Labas," maotoridad na saad ko.Hindi ko naman napigila
MIKAYHindi madali ang lahat ng pinagdaanan namin. Paulit-ulit kaming sinubok. Paulit-ulit kaming nasaktan, natakot, at umiyak. Ni hindi ko talaga lubos maisip kung paano namin nagawang lampasan at harapin ang lahat ng iyon."I love you, Wife."Sobrang sarap sa pakiramdam na sa tuwing paggising mo sa umga katabi mo ang lalaking nagbigay sa iyo ng pag-asa. Yung gigising ka sa umaga at agad niyang ipaparamdam sa iyo na ikaw ang pinakamagandang nangyayari sa buhay niya."I love you more, Hubby."Buong akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong pagmamahal, na hindi darating sa buhay ko ang ganitong klaseng pag-ibig. Sino ba kasing mag-aakala na ang tatanga-tangang ako makakabinggit ng isang matalinong tao na iintindi sa lahat ng kabobohan ko?Si Damon ang nagturo sa akin na kahit na anong pagsubok ang dumating, kailangang harapin iyon ng walang takot."Moma, lalabas na po ba sila baby?"Si Dal ang isa rin sa nagpatatag at nagpatibay sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hin
MIKAYHalos hindi ko na alam kung saan ako tutungo nang makarating kami sa hospital. Nakaalalay lang sa akin ang mga kaibigan ko na nagpunta kanina sa bahay ni Lolo nang malaman nila ang nangyayari."Kaya wala talaga akong tiwala sa higad na iyon eh!""Makita ko lang talaga siya ako na ang papatay sa kaniya!"Habang sila ay galit na galit, ako naman ay sobrang nag-aalala. Nang makita ko si Damon na nakaupo sa labas ng operating room hinanap ko agad si Dal... nasaan siya? Ramdam ko na ang pag init ng mata ko at paghaharumentado ng puso ko.Nakuha na namin ang atensyon ni Damon. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga kamay na nababalot ng dugo. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nakangiti siya sa akin, pero kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Nasaan si D-Dal?" nanginginig na tanong ko. "She's fine. She's inside the emergency room right now...""Moma!"Agad na hinanap ng aking mga mata ang tumawag sa akin. Bumuhos na ang aking luha. Tumatakbo palapit sa amin si Dal. Lu
MIKAYPara akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa naririnig ko, agad na bumuhos ang aking luha. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso na tila ba kakawala na ito sa akin. Kanina pa kausap ng Damon ang mga pulis, kalmado ito ngunit ramdam ko ang galit niya maging ang pag-aalala nito."Do everything you can."Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung paano ito nangyari... pakiramdam ko ay sobrang sama kong ina para pabayaan ang anak ko. Kung sana naging mas maaga lang ako ay hindi ito mangyayari."Wife, stop crying. Mahahahanap natin siya."Kahit gaano ako kalmahin ni Damon ay hindi ito umeepekto sa akin. "Kasalanan ko ito."Muling nag init ang aking mga mata. "No it's not your fault." Inilapit niya ako sa kaniya saka hinalikan sa noo. Gabi na ngunit wala pa rin kaming balita sa anak namin. Ang sabi ng teacher kanina ay may sumundo raw sa kaniya, nakita na rin namin ang CCTV ngunit hindi masyadong kita kung sino ang kumuha sa anak namin, sumakay sila sa black na kotse na ng tingnan
MIKAYLumipas ang ilang linggo walang paramdam si Caitlyn, hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot ako kasi unusual ito eh. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na bigla na lang hindi magpaparamdam. Nang malaman ni Damon na nakipagkita nga ako sa kaniya at nakita niya rin na namumula ang pisngi ko, galit na galit siya."Moma, may star po ako."Tinatanong ko naman si Dal kung pumapasok si Demi, ang sagot naman niya sa akin ay oo. "Wow very good naman ang baby ko.""Stem Moma, mana ako kay Papa."Pinanliitan ko siya ng mata."Syempre pati po sa inyo."Humagikgik pa ito. Agad napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang siko niya. "Ano ang nangyari rito?" May sugat kasi sa siko niya at halatang ngayon lang ito nangyari. "Ah ito po ba Moma? Nadapa po. Naglalaro po kasi kami kanina," saad niya nang hindi tumitingin sa aking mga mata. "Dal, sabihin mo ang totoo." "Moma, iyon po ang totoo."Hindi pa rin siya nakatingin sa akin, nanatili siyang nakayuko."Moma, mag s-shower na po ako."Ma
MIKAYSinabi sa akin ni Damon ang tungkol kay Caitlyn. Hindi ko akalain na nagawa niyang magsinungaling ng gano'n para lamang makuha niya ang gusto niya. I did give her a chance, but she choose to waste it."I really can't believe her."Kanina pa nagmamaktol si Damon na tila ba isang bata. Siguro gano'n na talaga siya at hindi iyon magbabago pa. Nakakainis lang dahil buong akala ko ay nasa matinong pag-iisip na siya, pero mukhang mas lumala pa ata ang pagiging siraulo niya."Hayaan mo na, at least ngayon alam na natin na plinano niya ang lahat."Hinawakan ko ang kamay niya."Buti na lang hanggang maaga pa ay nalaman na natin ang intensyon niya at hindi na siya gumawa pa ng mas malala." Nag release na rin ng statement si Damon tungkol sa litrato at video na kumakalat, sabi ko naman sa kaniya kung ano man ang maungkat haharapin namin iyong dalawa. Hindi naman ako papayag na siya lang ang aako ng lahat ng ito, gaya ng sabi ko hati kami."Moma!" Nakuha ni Dal ang atensyon namin, may ha
MIKAYKapag chismis talaga ang usapan, sobrang bilis nitong kumalat na akala mo isa itong virus. Kalat na kalat pa rin ang mga pictures at videos online lalo na yung halikang nangyari sa kanilang dalawa kahit na tatlong araw na ang nakakalipas. Alam ko naman na hindi iyon sinasadya kaya lang sa mga mata ng iba, alam kong iba ang tingin nila."You should fix this as soon as possible, Damon."Nandito kami ngayon sa bahay ni Lolo, at meron din ang loli ni Damon, at as usual sinasabon na naman nila si Damon."Lo, wala naman pong kasalanan si Damon sa nangyari. At saka, kung bibigyan natin ng malisya ang nangyari mas lalo lang itong lalala. At saka kiss lang naman iyon...""Kahit kiss man iyon o hindi, wala akong pakealam. Nababasa mo ba ang mga articles tungkol sa kanila? Can be a happy family? Sweet family?"Hinilot ni Lolo ang sentido niya. "Tama si Nico. Kahit alam ng lahat na kayo naman talaga, hindi pa rin natin maiiwasan na iba ang sabihin ng media makakuha lang sila ng magandang s
MIKAYHindi ko maiwasang magtaas ng kilay habang nakatingin kay Damon at Caitlyn. Seryosong-seryoso kasi silang nag-uusap sa hindi kalayuan sa akin, pagkakwa'y ngumingiti si Caitlyn kapag sasagot si Damon sa kaniya."Lapitan mo! Tanggalin mo yung mata," ani Juday na hindi ko namalayan ang pagdating.Nandito ako ngayon sa event na ginawa ng hospital, para officially ipakilala sa lahat si Damon, ang bagong chairman ng hospital. "Alam mo, todo ang pag-aaligid ng linta na iyan sa asawa mo. Jusko! Ako na iyong naiimbyerna talaga," ani Tina na umirap pa ng bongga.Huminga ako ng malalim."Nag-uusap lang naman sila," saad ko. "Nag-uusap? Eh tingnan mo yung linta, kulang na lang dumikit siya sa asawa mo. May nag-uusap ba na lapit nang lapit ng boobs?" Mas naging iritable silang dalawa."O yung kamay niya! Tingnan mo tingnan mo. Wala ka bang gagawin? Hindi ka ba lalapit sa kanila?"Maliban kay Caitlyn, may iba pa naman silang kausap, at alam kong importante ang pinag-uusapan nila ngayon, ew