Share

F I V E

Izel!" isang pamilyar na boses ang umalingaw-ngaw sa madilim na kwartong kinaroroonan ko. Nagpalinga-linga ako at sinubukang humanap ng daan palabas at para na rin mahanap ko kung tama ba ang hinala kong nag-aari ng boses na iyon.

"Izel!" pangalawang tawag nito sa akin. Lumingon ako sa isang gilid at nakitang may sumisilip na liwanag mula dito. Tumayo ako at lumampit roon. 

Nagsimulang bumigat ang aking nararamdaman nang makita ko ang isang lalakeng nakatayo at nasa likod nito ay ang ilaw na kasing lakas ng araw. Niliitan ko ang pagbuka ng aking mga mata dahil nagsimula na atong sumakit. "Papa, ikaw ba yan?" tanong ko.

Tumalikod siya kaya nagsimula akong magpanic. Tumakbo ako papunta sa kanya at nasa aktong mahahawakan ko na ang kan'yang pulsuhan nang bigla siyang mawala na parang bula. "Izel!" rinig kong tawag nito sa akin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status