Alice's Point Of View.
Hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko at isa pa, may mga baril sila. Kaya alam ko ang tungkol sa mafia ay dahil I already met them in real life. Noong 9 years old ako ay na kidnap ako. I was so scared at akala ko iyon na ang aking kamatayan. Kinidnap nila ako kapalit ng malaking halaga ng pera, isang linggo akong nasa isang abandonadong bahay at nakakulong. Palagi ko rin naririnig ang mga lalaking kumidnap sa akin na nag-uusap tungkol sa mafia kaya noong nakabalik ako kila Dad ay nag search ako kung ano iyon. At ngayon, nakakaramdam ako ng takot. Masasamag tao ang mga mafia, at kung isa ngang mafia boss si Valerian ay dapat ko na siyang iwasan. Alam ba ni Dad ang tungkol sa katauhan ng lalaking pinakasalan ko? Probably not. Hindi ko tuloy alam ang gagawin sa loob ng aking kwarto, natatakot ako dahil alam kong seryoso si Valerian na papatayin niya ako kapag hindi ko sinunod ang rule na sinasabi niya. "Damn it! I fucking married to a Mafia Boss?!" bulong ko sa aking sarili, hindi pa rin makapaniwala. Kailangan ko ba talagang mapunta sa situation na ito?! Sisigaw na sana ako sa inis ng makarinig ako ng katok sa pintuan ng aking kwarto, hindi ako tumayo mula sa pagkakaupo at pinanood lamang na bumukas ang pintuan. Nawala ang kabang nabubuo sa puso ko ng makitang isang babae na nakasuot ng uniform ng maid ang pumasok at may dalang tray ng pagkain. "Pinapadala po ni Sir Valerian ang pagkain mo, Ma'am," saad ng babae at tumango naman ako at kinuha ang tray. Hindi naman na nagsalita pa iyong maid at umalis na. Hindi ko napansin na may maid pala sa mansyon niya dahil dumiretso kaagad kami sa kwarto ko, how rude! Hindi niya man lang ako hinayaan libutin ang buong mansyon niya. Pansin ko rin na kahit ganito kalaki ang mansion niya ay malungkot pa ring tignan dahil siguro kaunti lang nakatira. Nag-focus na lamang ako sa pagkain at hindi na nag-isip pang kahit ano. Valerian's Point Of View. "Narinig niya kaya ang napagusapan natin, Sir?" tanong ni Frank habang umiinom ng alak. Malakas akong bumuntong hininga bago sumagot. "I don't think so," sagot ko. Pero kung narinig niya naman ay wala rin naman akong pakialam dahil wala siyang magagawa para lumaban dahil nandito siya sa aking teritoryo. I can kill her anytime I want. "Mayroong kakaiba sa babaeng iyon, ni hindi ko nga makitaan ng takot ang mga mata niya habang nakatutok ang mga baril natin sa kaniya," Frank look at me. "She's too brave para sigawan ka." "She's a daughter of a mafia boss, galing siya sa pamilya ng mga mafia. Hindi na nakakagulat na hindi siya matakot sa atin," seryosong saad ko. "And I can't wait to make her suffer and beg for my forgiveness." Alice's Point Of View. Ilang araw ang lumipas at nanatili lang ako rito sa kwarto ko, hindi ko rin nakikita si Valerian at tanging iyong maid lang na nagdadala ng pagkain para sa akin. Hindi niya rin naman ako kinakausap at mukhang si Valerian ang nagsabi noon dahil pansin kong natatakot ang maid sa akin. Malakas akong napabuntong hininga habang nakahiga at nakatingin sa kisame, gabi na at ang tahimik ng paligid ngunit hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok. May cellphone naman ako at laptop na dala pero wala naman akong makausap dahil unang una wala akong kaibigan. Homeschooled ako simula preschool hanggang makagraduate kaya palagi akong nakakaramdam ng inggit kay Alana at Alyana dahil sila ay kakakapasok sa mismong university habang ako ay nasa kwarto ko lamang nag-aaral. Isa na rin iyon sa dahilan kung bakit wala akong kaibigan, bukod pa roon ay hindi talaga ako hinahayaan ni Mom at lalong lalo na ni Dad na umalis ng mansyon. Malaki talaga ang pagkakaiba ko sa dalawa kong kapatid na babae, dahil sila ay malaya at nagagawa nila ang mga bagay na gusto nilang gawin. Pero ako? Palagi akong may kasamang guards sa paligid ko, palaging may nababantay sa akin at naiinis ako dahil doon. Kaya noong nalaman kong sa England na ako titira kasama ang lalaking pinakasalan ko ay nakaramdam ako ng kaunting saya sa aking puso dahil akala ko magiging malaya na ako, na magagawa ko na ang mga bagay na gusto ko. Pero nag kakamali pala ako. Dahil pakiramdam ko ay nakakulong pa rin ako, pakiramdam ko ay isa pa rin akong prisoner. Napatigil ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng mga tunog ng sapatos, mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at sumilip sa bintana. Nanlaki ang mga mata ng makita ang isang lalaking nakausot ng mask sa ulo, mabilis kong nakita ang hawak niyang baril sa kamay. Tumitingin siya sa mansion at noong napatingin siya sa bintana ng aking kwarto ay mabilis akong nagtago at dumiretso sa pintuan. Binuksan ko ito at nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ito naka lock. Mabilis akong lumabas ng kwarto, kailangan kong sabihin kay Valerian na may nakapasok na magnanakaw sa kaniyang mansion! Bumungad sa akin ang madilim na paligid, hindi ko alam na hindi nagbubukas ng ilaw ang mga maid sa gabi at hindi ko tuloy makita ang paligid. Ni-hindi ko nga alam kung saan ang kwarto ni Valerian sa sobrang dami ng kwarto na nandito. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na wala akong ibang nakikita kundi ang madilim na paligid. Sa gitna ng paglalakad ko ay naramdaman ko ang presensiya ng isang tao sa aking likod at bago pa ako makalingon ay mabilis nitong tinakpan ang aking bibig at hinatak sa isang kwarto. "What the fuck are you doing here?" galit na bulong ni Valerian sa akin habang ako naman ay nakaawag ang labi sa gulat dahil sa nangyari, hindi ko man nakikita ang mukha niya ngayon dahil sa dilim ngunit alam kong nakakunot ang noo niya. "M-may nakita akong magnanakaw mula sa aking bintana," I said softly, nakaramdam ako ng takot ng pumasok sa aking isip na isa siyang mafia boss at kayang kaya akong patayin. "Magnanakaw? Idiot fuck! That's not a thief!" naramdaman ko ang iritasyon sa kaniyang boses at magsasalita na sana ako ngunit narinig kong malakas na bumukas ang pintuan kung nasaan kami ngayon at nakarinig ako ng putok ng mga baril. "Valerian! What the hell is happening?!" sigaw ko dahil hindi ko alam ang nangyayari dahil sa dilim ng paligid. "Shut your mouth, Woman!" narinig kong sigaw niya at sunod-sunod ang putok ng baril na aking naririnig kaya napatakip ako ng aking tainga at pinipilit na huwag makaramdam ng takot. Napansin kong wala na akong kasama sa kwarto kaya mabilis akong lumabas kahit na nanginginig ang mga kamay ko, pag labas ko ay bukas na ang ilaw at napaawang ang aking labi ng makita ko si Valerian na may hawak na baril at may dugo ang mga kamay. Nang makita niya ako kumunot ang kaniyang noo at naglakad papalapit sa akin. Nakaramdam ako ng matinding takot sa uri ng pagtingin niya sa akin. "Why are you so stubborn?!" galit niyang sigaw sa akin.Beckett's Point Of View."Totoo ba iyon? Hindi talaga anak ni Rowan si Alice?" nagtatakang tanong ko kay Frank habang naglalakad kami pababa sa hagdan, pinalabas kami ni Valerian pagkatapos niyang malaman ang totoo."Yeah... I was shocked too when I found out. Kaya naman pala walang pakialam si Rowan na ipakasal si Alice kay Boss," sagot niya, pumunta kami sa sala at napagpasyahan naming mag-inuman."Do you think Boss plans will change?" tanong ko bago uminom ng beer. Alam namin ang plano niya, kaya niya lang pinakasalan ang babaeng iyon para maghiganti. Hindi ko pa personal na nakilala si Alice dahil busy ako sa mga pinapagawa ni Valerian pero naririnig ko kay Frank na tahimik lang itong babae, mukhang mahina at malayong-malayo sa mga kapatid nito.Nagkibit-balikat siya. "I don't know... Maybe. Alam mo naman iyon, hindi pa rin niya kayang pumatay ng inosenteng tao.""Sometimes he needs to.""When it's needed," pagtatama niya at napailang na lamang ako bago sumandal sa couch."Hindi n
Valerian's Point Of View.Akalain mo nga naman... Matalino rin pala ang matandang 'to. Alam niyang pekeng statue ang binigay namin. "Give me the real statue now, if you want to save your wife," seryosong aniya habang nakatingin sa akin. May hawak na baril ang isa niyang kamay, nakabulagta sa sahig ang mga tauhan niya.Tsk. Pero ang tanga niya pa rin. Sigurado akong nakuha na ni Beckett si Alice, at ngayon ay paalis na sila."You know what, Leyes? You're not the most greedy person I've ever met," seryosong sambit ko. Sa dami ng mga taong dumaan sa buhay ko, sanay na sanay na ako sa ganitong mga senaryo. Ilang beses ko ng naranasan ang ganito."But I think you're the dumbest one," I added and he glared at me.Napakatanga niya. Kung gusto niya iyong statue, bakit hindi niya inubos ang pera niya para makuha iyon? Gusto niyang makatipid? Bakit ko naman hahayaang ibigay iyon?Umatras ako ng bigla niya akong tutukan ng baril, wala akong armas sa akin. Dahil ang baril na hawak niya ay mula
Alice's Point Of View.Parang ganito rin noong nakidnap ako noon... Wala akong alam kung anong oras na, kung tanghali na ba, umaga o gabi. Wala akong idea kung anong nangyayari sa labas. Ni-hindi ko alam kung ilang araw na akong nandito. Pero alam kong wala pa akong isang linggo, siguro dalawang araw. Hindi ko alam. Hindi ako sigurado.Pakiramdam ko nga hindi ako mamatay sa pananakit nila sa akin, kundi sa pagkaing pinapakain nila. Gusto kong isampal sa kanila ang plato, nakakainis, hindi naman ako maarte sa pagkain pero sana naman pagkaing pang tao ang ibigay nila sa akin.Malakas akong napabuntong hininga, alam kong dinidistract ko lang ang sarili ko. Ayokong isipin kung makakalabas pa ako rito rito o hindi... Kasi aminado akong mas malaki ang tyansang hindi na. Sa ugali pa naman ni Valerian, mukha bang ipagpapalit niya ang statue para lang makalaya ako?Tsk. Wala talaga akong ibang dapat gawin ngayon kundi ang magdasal... Umasa sa himala na baka magbago ang desisyon niya at iligtas
Valerian's Point Of View.Napatulala na lamang ako pagkatapos kong marinig iyon, mabilis kong pinaalis sa kwarto ko sina Beckett at Frank para makapag-isip-isip ako.Kinuha ko ang bote ng alak na nasa tabi ko at kaagad iyong ininom. I don't fvcking know what to feel. How should I react after knowing that she's really... innocent?Isang beses pumasok sa isip ko na baka nga hindi siya anak ni Rowan... Pero dahil sa galit na bumabalot sa puso ko, mabilis kong isinawalang bahala ang isipang iyon. Pero ngayong alam kong hindi siya anak ng demonyong 'yon, napagtanto ko na kung bakit mukhang wala talaga siyang idea sa mundo ng Mafia.That's why she doesn't know how to use a gun. That's why she doesn't know the Mafia group Rowan has. Kaya pala... Kaya pala dahil ampon lang siya.Dala ang bote ng alak ay lumabas ako at pumunta sa kaniyang kwarto. Pinihit ko ang doorknob at bumungad sa akin ang tahimik at madilim na paligid, ngunit amoy na amoy ko ang pabango niya na parang nandito lang siya s
Alice's Point Of View. "I'm so glad you remembered me, Mrs. Fernsby." Siya iyong manyak din na nagbidd sa statue, hindi ako makapaniwalang makikita ko pa ang mukha ng matandang 'to. "Fvck you. Let me go," inis kong sabi ngunit tumawa lang siya, nakita kong sinenyasan niyang umalis iyong dalawang utusan niya at mabilis namang sumunod. "You know, I won't hurt you, Mrs. Fernsby. I just want the statue." "Then let me go! You don't have to kidnap me, old man!" malakas kong sigaw at sa isang saglit lang ay mabilis na lumusot ang kamay niya sa kulungan ko at mabilis na hinatak ang aking buhok, bumangga ako sa bakal dahil sa lakas ng pagkakahatak niya. Sunod ko na lamang naramdaman ang pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang takot na nararamdaman. "L-Let me go," umiiyak kong sabi ngunit nakahawak pa rin siya sa aking buhok. "You know, when I first you saw I thought that you're really beautiful and I want to taste you... But I'm not interested to someone who's already married," giit n
Alice's Point Of View.Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa lalaking 'to dahil pumunta siya sa aking likod at tinutukan ako ng baril."Walk," utos niya sa akin at tinanggal ang panyo sa aking bibig. "Don't try to shout, I'll not think twice to kill you."Mas nadagdagan naman ang takot na naramdaman ko dahil sa narinig, nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil lumulutang ang isipan ko dahil sa takot. Napansin kong pumunta kami sa mataas na parte ng barko, napansin ko roon ang isang helicopter, kaagad na nagulo ang aking buhok dahil sa hangin mula rito. Maingay din at humahalo iyon sa ingay ng malakas na tugtog.Tinulak ako ng lalaki papasok sa helicopter at wala naman akong nagawa kundi ang sumunod dahil nakatutok pa rin sa akin iyong baril niya."Nice one, bro! I'm sure Boss will be happy we got his wife!" saad noong isang lalaking nagmamaneho noong helicopter.Tinulak na ako noong lalaki para makaupo, ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pag-angat