AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE

AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE

last updateLast Updated : 2025-02-07
By:  IAMJAYPEIOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
11Chapters
733views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa edad na 22, ikinasal si Tamara Alonzo, sa lalaking nagpapatibok ng kaniyang puso. Walang iba kundi sa bilyonaryong babaero na si Galvino Lorenzo.

View More

Chapter 1

PROLOGUE

Hindi maipinta ang mukha ni Tamara habang nakatingin sa screen ng kaniyang mamahaling phone na naghihintay ng tawag o kahit mensahe mula sa asawang si Galvino Lorenzo.

Ang haba na nang nguso ni Tamara dahil kanina pa siya nakabusangot. Malapit nang maghapon ay wala man lang siyang matanggap na update. Ni hindi nga siya nito binabati dahil ang araw na 'yon ay ang ika-tatlong taon nila bilang mag-asawa.

Madalang lamang silang magkita ng asawa dahil nakatira si Tamara sa mansion ni Galvin habang si Galvin ay sa penthouse umuuwi dahil mas malapit 'yon sa kompanya. Umuuwi ito sa kaniya limang beses sa isang buwan, at walang gabing umuuwi na walang nangyayari sa kanilang dalawa. 

Ngunit nitong nakaraang tatlong buwan ay isang beses na lamang ito kung umuwi. Hindi niya kinukuwestyon si Galvin dahil inisip niyang abala ito sa kompanya lalo pa't dalawang kompanya ang pinapatakbo nito. Alam niya rin na bago matapos ang taong ay naglalabas ng bagong line-up perfume, sa market ang kompanya nito. At bilang asawa, kailangan niyang intindihin 'yon.

Ang pagiging mag-asawa ni Tamara at Galvin ay sekreto lamang. Ang tanging nakakaalam ay ang dalawang pamilya at ang mga kasambahay na naninilbihan sa pamilya Lorenzo.

Magmula ng maikasal sila, dalawang sikat na kompanya ang pinapatakbo ni Galvin. Ito na kasi ang namamahala ng Lorenzo Perfume Company, ang numero unong kompanya ng mga mamahaling pabango na pag-aari ng pamilya nito. At si Galvin rin ang major shareholders ng House of Alonzo, ang sikat na fashion company na pag-aari naman ng pamilya ni Tamara.

Hindi na makapaghintay pa si Tamara nang tawag nito, kaya siya na mismo ang tumawag, matagal bago nito sinagot.

Ngumiti siya. “Hello, Hubby! Happ—

[“Didn't I fucking tell you don't ever call me? I'm in the middle of a fuckin' meeting!”] Nababakas ang lamig at iritasyon sa boses ni Galvin, wari'y hindi nagustuhan ang pagtawag niya.

Hindi na 'yon bago kay Tamara dahil ganu'n na ganu'n naman talaga ang ugali ni Galvin pagdating sa kaniya. Malaki ang galit sa kaniya ni Galvin dahil napilitan lamang ito sa kasal.

Napayuko si Tamara at kinagat ang pang-ibabang labi. “S-sorry, Hubby, hindi ko alam...”

[“Wala ka naman talagang alam, Tamara! What do you want this time huh?”] Sa tinig nito animo'y palagi siyang may hinihiling sa asawa.

“Masyado ka bang busy, Hubby? Hindi mo kasi ako tinatawagan nitong nakaraan, kaya ako na ang tumawag sa'yo. Sorry kung na isturbo kita, gusto lang kitang kamustahin. Isa pa, matagal-tagal ka na kasing hindi umuuwi dito, matatapos na ang buwan hindi ka pa nagpapakita... Pero okay lang —”

[“Argh! To make this conversation short, fine! I'm coming home later! Happy?!”] Bakas sa tono nito ang iritasyon at napipilitan.

Nagsasalita pa sana si Tamara upang batiin ito ng 'happy anniversary' ngunit binabaan na siya ni Galvin ngunit bago pa man nito tuluyang maibaba, malinaw na narinig niya ang malambing na boses ng babae.

Huminga ng malalim si Tamara upang iwasiwas ang negatibo niyang iniisip; Hindi manbabaero si Galvin!

Inisip niya na lamang na napipikon si Galvin dahil sa kaniyang pagtawag, bagay na ayaw na ayaw nitong naiisturbo. Hindi niya maiwasang malungkot dahil wala talaga itong pakialam sa kaniya. Ngunit agad ring gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi nang maisip na may sorpresa ito sa pag-uwi at kunyari napipilitan.

Walang mapaglagyan ang sobrang tuwa sa puso ni Tamara sa iisipin na uuwi ang asawa at makakasama niya sa kanilang anniversary. Imbes na tumunganga at maghintay sa pagdating ni Galvin, tinungo niya ang kitchen upang ipagluto nang masarap na hapunan ang asawa.

Sa kusina ay abala si Manang Luz at ang dalawang kasambahay sa paghahanda ng lulutin para sa hapunan habang nanunuod ng balita sa telebesyon na naroon sa kusina.

“Hindi ba 'yang si Miss K ay dating kasintahan ni Sir Galvin?” 

Hindi makapaniwalang usal ni Melody nang makita ang balita tungkol sa sikat na artista/model na si Maris Keenly, na napapabalitang buntis!

“Siya ang nag-iisang babaeng nagpabago kay Sir!” Deklara ni Perla. “Babaero 'yan si Sir, parang brief 'yan kung magpalit ng girlfriend pero nang maging sila ni Miss K, taon ang itinagal nila. Nakakapagtaka na buntis siya na wala naman siyang isinasapublikong nobyo. Hindi kaya... Si Sir Galvin ang ama?” Tumili si Perla. “Ay! Kung totoo man 'yon, ako na ang pinakamasayang kasambahay sa buong mundo! Solid MaVin kaya ako!”

Natigilan si Manang Luz sa kaniyang ginagawa. Huminga siya ng malalim at naiiling na pinatay ng telebesyon bago binalingan ang dalawa.

“Ano ba kayong dalawa. Tigilan niyo nga ang pagku-kwento ng mga ganiyang bagay, baka marinig pa kayo ni Ma'am Tamara pagmulan pa 'yan ng away nilang mag-asawa.” Saway ni Manang Luz.

“Manang, alam ko na alam mo na totoo ang sinasabi ko! Magkasama na tayong nanilbihan sa pamilya Lorenzo at alam natin pareho na maganda talaga ang relasyon ni Sir Galvin at Miss K.” Giit pa ni Perla.

“Ngayon malinaw na sa akin kung bakit hindi isinapubliko ni Sir na asawa niya si Ma'am Tamara! Kawawa naman si Ma'am, isang hamak na sekretong asawa lang ni Sir!” May bahid ng lungkot na sambit ni Melody.

Si Manang Luz ang nag-alaga kay Galvin mula pagkabata. Kaya nang lumipat ng tahanan si Galvin at nagkaroon ng sariling pamilya, ito pa ang aalagaan at pagsisilbihan niya. Habang si Perla ay taga-silbi sa mansion at bagohan naman si Melody na ipinasama ni Donya Gretchen upang manilbihan sa bagong mag-asawa.

Itinuro ni Manang si Perla. “Hindi pa rin tama na pag-usapan ang ating mga amo. Ikaw, Perla, itikom-tikom mo 'yang bibig mo.”

”Pero malakas talaga ang kutob ko na may relasyon si Sir kay Miss K—

Awtomatikong natutop ang bibig ni Perla nang makitang pumaso si Tamara sa kusina. Kumunot ang noo ni Tamara nang makitang natigilan ang mga ito na wari'y nakakita ng multo.

“May dumi po ba ako sa mukha?” Tipid siyang ngumiti.

“Wala po, Ma'am.” Umiling si Melody.

“Anong ginagawa mo dito, Ma'am?” Tipid na ngumiti si Manang Luz. “May kailangan ho ba kayo?”

Umiling si Tamara. “Uuwi po kasi si Galvin, gusto ko po sanang ipagluto siya ng paborito niyang pagkain.”

“Oh sige, ikaw ang bahala.” Sang-ayon ni Manang Luz.

Ikinuha ni Manang Luz nang malinis na apron si Tamara, pagkatapos niyang isuot 'yon ay hinanda niya ang ingredients sa kaniyang lulutuin.

Masigla at masayang nagluluto si Tamara katulong ang tatlong kasambahay. Nalilibang siya dahil nakikipagkuwentohan sa kaniya si Melody, paminsan-minsan ay nagku-kwento naman si Manang Luz habang wala namang imik si Perla.

“Ate Perla, ikaw hindi mo ba balak mag-asawa?” Baling ni Tamara kay Perla. Ate tawag niya dito dahil nasa middle 30's na ito.

Naikwento kasi ni Melody na nais nitong mag-asawa pagtungtong ng bente-otso. 18 anyos pa lamang si Melody nang mamasukan bilang kasambahay sa pamilya Lorenzo, at nang malaman ni Donya Gretchen na isa itong achiever ngunit hindi makakapagtapos dahil sa kakulangan pinansyal, pinapa-aral ito ng donya habang naninilbihan.

Ngayon ay kasalukuyan itong nasa ika-tatlong taon sa koliheyo, kaya batang-bata pa ito o mas madaling sabihin na ka-edad ito ni Tamara. Kung hindi ito huminto sa pag-aaral ay paniguradong tapos na rin ito tulad niya.

“Labas ho ako ma'am diyan sa usapan niyo at labas rin ho kayo sa personal na buhay ko!” Masungit na tugon Perla.

Natigilan naman si Tamara sa inasal ni Perla. Noon pa man ay ramdam ni Tamara na hindi siya gusto ni Perla pero ginagawa niya naman ang lahat para makasundo ang mga taong nakapaligid sa kaniya. Lalo pa't ito rin naman palagi ang mga nakakasama niya, gusto niya sana na maganda ang relasyon sa mga ito.

Tipid na ngumiti si Tamara at humingi ng paumanhin. “Pasensya ka na, Ate Perla, sana po wag kang magalit.”

Umikot ang mata ni Perla. “Okay lang, Ma'am! Huwag niyo na lang uulitin dahil nagmumukha kayong tsismosa sa ginagawa niyo.” 

Hindi akalain ni Tamara na 'yon pala ang datingan no'n kay Perla. Ang sa kaniya lang kasi ay gusto niyang maging open sa kaniya ang mga ito dahil kung may kailangan ito ay hindi mahihiyang masabi sa kaniya at bukal rin naman sa loob niya na tumulong sa mga ito.

Inisip na lang ni Tamara na menopausal na ito kaya ganu'n na lang ang pakikitungo nito sa kaniya.

Pinukol ni Manang Luz nang masamang tingin si Perla, nanahimik naman ito pero binuksan ang telebesyon.

“Ako na nito, Ma'am, mabuti pa magpalit na kayo baka kasi dumating na si Sir.” Kinuha ni Manang ang bowl na sasalinan ni Tamara ng niluto niya.

“Perla, ihanda mo na ang mesa. Ikaw naman Melody, linisin mo na ang mga kagamitan.” Pagbibigay ng utos ni Manang Luz na agad namang sinunod ng dalawa.

Napansin ni Tamara na madami-dami ang lilinisin sa kusina, kaya naisipan niya na tulungan muna si Melody sa gagawin.

“Ako na nito—

“Wag na po, Ma'am! Kaya ko na po ito, saka magpaganda na po kayo! Anong oras na? Baka nandiyan na si Sir, dapat fresh ka! Siguradong miss na miss ka no'n!” May panunukso sa ngiti ni Melody.

Nag-init ang pisngi ni Tamara at napayuko dahil sa hiya. Palabas na siya ng kusina nang makuha ng atensyon niya ang babaeng laman ng balita.

“Kamakailan lang ay pinapiyestahan ang larawan ng aktres na si Maris Keenly dahil sa kabila ng magandang hubog ng katawan nito ay kapansin-pansin ang kaniyang baby bump? Kahapon lamang ay kinumpirma ng actress sa pamamagitan ng post kaniyang Inst@gr@m story na apat na buwan na siyang nagdadalang tao! Pahulaan naman sa mga netizen kung sino ang ama ng dinadala nito lalo pa't wala namang napapabalita na nali-link ito sa mga actor. Samantala, spotted kaninang umaga sa hospital, sa labas ng obgyne clinic ang aktres kasama ang CEO ng Lorenzo Perfume Company na si Galvino Lorenzo, haka-haka ng mga netizen; ito ang ama ng ipinagbubuntis ng aktres. Matatandaan na dating magkasintahan ang dalawa, wala pang panayam si Mr. Lorenzo patungkol dito... Ito ang showbiz balita, ako si Lilia Cruz, magandang gabi!”

Natigilan si Tamara sa kaniyang kinatatayuan. Animo'y binagkasan siya ng napakalaking bato dahilan para manikip ang kaniyang dibdib at nagsimulang manginig ang kaniyang katawan na animo'y binuhosan siya ng malamig na tubig.

Nanlaki ang mata niya at napaawang ang labi na makita ang larawan ni Galvin na todo suporta sa nasabing artista. May isa pang kuha na nakalapat ang labi ni Galvin sa noo ng babae at halatang masayang-masaya ang mga ito.

It's Maris Keenly, Galvin's ex-girlfriend!

”T-This is not...”

Nilingon niya si Manang Luz at Melody na may nag-aalalang nakatingin sa kaniya habang si Perla naman ay tila nasisiyahan sa balitang 'yon. Bumalik ang mata niya sa telebesyon at sunod-sunod na umiling.

“S-Si Galvin, Manang...” tanging saad siya at tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Black_Jaypei
HIGHLY RECOMMEND!!!🫶...
2024-12-10 17:40:48
4
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status