Share

Chapter 3

Author: Lianna
last update Last Updated: 2025-10-21 11:34:59

Hyacinth

May meeting ako ngayon with my team para sa bagong ad campaign na ilalabas ng aming kumpanya.

Palabas na ako ng office ko nung makita ko si Argus sa labas ng office niya. May kausap siya sa telepono at dahil padaan  ako ay hindi sinasadya na narinig ko ito.

“Yes Lovie! Darating ako next week! I promise! Yes, I love you too!”

Is he talking to his girlfriend?

Lovie?

Hyacinth Faith Segovia, ano bang pakialam mo?

Nilagpasan ko siya pero tinawag niya ako kaya napalingon ako.

“Yes Mr. Mediavilla?” tanong ko sa kanya

“You know you can call me Argus, Faith!” aniya kaya nagkibit-balikat na lang ako

“I prefer being formal! What is it?” tanong ko ulit sa kanya

“May reunion pala yung batch natin noong high school. Are you going?” tanong niya sa akin 

“Yun lang ba ang itatanong mo sa akin?” tanong ko naman  sa kanya at hindi ko nga maiwasang ipakita sa kanya ang inis ko

Gusto ko pa ngang sabihin na OO alam ko yun dahil isa ako sa nag-organize ng reunion na yun.

“Faith naman, hindi ba tayo pwedeng mag-usap ng maayos!” sabi ni Argus kaya napahinga ako ng malalim

“Yes, pupunta ako, Argus! Okay na!?” sagot ko sa kanya kaya hindi na siya nagsalita

I can see sadness in his eyes pero hindi ko na ito inintindi dahil sanay naman na ako doon. Tumalikod na ako at dumeretso na ako sa boardroom kung saan nandoon na ang team ko.

“Good afternoon, guys!” sabi ko sa kanila saka ako naupo sa puno ng mesa

“Good afternoon, Ma’am!” sabay-sabay na sagot nila

“Okay, let’s see what you got!” sagot ko sa kanila at nagsimula na silang magpresent ng concept nila para sa bagong ad campaign ng isa sa mga produkto ng Segovia Pharmaceuticals

I watched the presentation at nagsulat ako ng notes para sa mga part na hindi ko nagustuhan.

“Okay po ba, Ma’am?” tanong ni Phil, ang gay na member ng marketing team at isa sa mga pioneer na dito sa team na ito

“Okay naman siya Phil but I think hindi masyadong catchy ang  phrase natin!” komento ko sa kanila

“Pwede po naming baguhin ma’am kung hindi ninyo nagustuhan!” magalang na sagot sa akin ni Phil

“Sa Segogesic, sigurado ang kalidad at bisa para sa pamilya! Gawa ng Segovia Pharmaceuticals. Ang gamot na gawa ng Pilipino, para sa Pilipino! Yan ang gusto kong ilagay ninyo sa tagline.” I suggested at tumango naman si Phil

Nag-usap ang team ko at sinimulan ulit nilang ayusin ang lahat. And I think it’s better than the first one.

“Hindi dapat mawala sa catchphrase natin, ang Pamilyang Pilipino! Phil, alam niyo naman yan diba?” sabi ko sa kanila in a nice way naman dahil noon pa man, yan ang gusto ni aking ama

Ganun naman ako sa kanila! Hindi ako nagtaas ng boses ever sa kanila and I treat them well dahil hangga’t maari, ayokong nagkakaroon kami ng sama ng loob sa isa’t-isa.

I wanted them to know na hindi ako mahirap kausap na boss at malalapitan naman nila ako. Yun siguro ang dahilan kung bakit maganda ang working environment namin dito.

“Kailan ang shoot nito, Phil?” tanong ko sa aking assistant 

“ASAP Ma’am! Ihahabol po natin ito bago ang anniversary ng company.” sagot sa akin ni Phil

“That’s good! Okay then, may iba pa ba?” tanong ko sa kanila at nakita ko na nagkatinginan sila

“May problema?” tanong ko at itong si Phil na ang nagsalita dahil natahimik na ang mga girls 

“Eh Ma’am, gusto po sana nilang malaman kung single daw po ba si Sir Argus!?” sabi ni Phil kaya naman lalong napaangat ang kilay ko

“Bakit? May kinalaman ba si Mr. Mediavilla at ang status niya sa mga trabaho ninyo?” prangkang tanong ko sa team ko na halatang kinikilig pa nung mabanggit ang pangalan ni Argus

“Wala po Ma’am! Ang gwapo lang po kasi niya kaya po kami nagtatanong!” sabi ni Hazel habang tila kumukutitap ang kanyang mga mata

“At sa palagay ninyo, alam ko ang sagot diyan?” hindi ko maipakitang naiinis ako sa pagtatanong nila at wala namang dahilan para maramdaman ko iyon 

Sanay naman din kasi sila sa akin na game sa mga kwentuhan at usapang gaya nito.

“Eh Ma’am diba nga po, classmates kayo noong school days ninyo. Friends naman kayo kaya sure kami na may alam kayo!” singit naman ni Celine

“Well, tama naman kayo na classmates kami pero yung friends, hindi yun totoo kaya hindi ko alam ang status niya!” nakita ko na nalungkot ang mga kausap ko kaya napailing na lang ako sa kanila

“Sige na! Magtrabaho na tayo and I need the final layout as soon as possible, okay!” 

I adjourned the meeting at hindi pa nga nakakalabas ang team ko ay may kumatok sa pinto ng boardroom at nung magbukas na ang pinto, ay nakita namin na sumungaw ang ulo ni Argus.

“Sorry to disturb you!” sabi nito at saka siya pumasok sa boardroom kaya natahimik naman ang lahat

Nakatulala ang members ng team ko habang nakatingin kay Argus at ayun nga, heto na naman ang malakas na tibok ng aking puso.

May nilapag siyang coffee na galing sa isang sikat na coffeeshop na may store na malapit sa aming building. And a slice of cake na favorite ko naman talaga.

“Huwag kang magpagutom, Faith!” sabi pa nito saka siya lumabas ng boardroom habang ako, nakatulala lang ng dahil sa ginawa niya

“Ma’am, akala ko ba, hindi kayo friends?” tanong ni Celine kaya napakurap na ako 

I saw how they looked at me habang may mga munting ngiti sa kanilang mga labi.

“Hindi talaga…” sagot ko pero mas lumawak pa ang ngiti nila

“Ma’am ha…denial queen!” ani Phil kaya napahinga ako ng malalim

“Tapos na ang meeting diba? Sige na, labas na!” kunwaring inis na utos ko sa kanila and they did

Pero naririnig ko pa nga ang mahinang tawanan nila.

“Si Ma’am kunwari pa, baka nga siya ang girlfriend eh!” Hazel said habang palabas sila

“I can hear you!” sabi ko pero natawa lang naman sila

Nung mag-isa na lang ako ay doon na ako napapikit. Agad kong kinuha ang binigay ni Argus saka ako nagmartsa papunta sa office niya.

Hindi na nga ako kumatok at agad ko na lang binuksan ang pinto kaya naman nagulat pa si Argus na noon ay nakaupo at busy sa ginagawa niya sa kanyang laptop.

“Faith…”

Inilagay ko ang kape at ang cake sa mesa niya kaya naman napakunot ang noo niya.

“What was that?” inis na tanong ko kay Argus

Pero cool lang naman siyang sumandal sa swivel chair niya habang ako, malapit ng bumuga ng apoy dahil pakiramdam ko, pinahiya niya ako sa harap ng team ko.

“Faith, ano na naman bang ginawa ko at galit ka na naman?” 

“Yan!” agad na sagot ko sabay turo sa mga dinala niya kanina

“Ano yan? Bakit may paganyan ka pa!” galit na tanong ko

“What? Masama na bang magbigay ng ganyan sa isang kaibigan?” tanong ni Argus kaya naman medyo lumapit pa ako sa desk niya at inilapag ko ang mga kamay ko doon

“Hindi masama pero hindi tayo friends! Yan ang tandaan mo, Argus! Hindi porke nandito ka na sa kumpanya namin, aasta kang close tayong dalawa well in fact, we know that we both hate each other!” saad ko kaya napakunot ang noo niya sa akin

“I don’t hate you, Faith! Ikaw lang yun! At huwag mong masamain ang simpleng gesture na yan dahil gusto ko lang naman bumawi sa iyo para sa mga kasalanan ko noon na hindi ko naman ginusto!” sagot ni Argus sa akin

“At sa tingin mo, magagawa mo yun through this? Nagpapatawa ka ba?” tanong ko sa kanya

“They are your favorites, right?” 

Natigilan ako sa sinabi ni Argus dahil hindi ko nga alam kung paano niya nalaman na paborito ko ang mga ito.

“Hindi…” pagsisinungaling ko and a smirk formed in Argus’ lips

“Masamang magsinungaling, Faith! Pero sige, kung ayaw mo niyan, wala namang problema!” sabi ni Argus saka siya tumayo at kinuha ang mga ibinigay niya sa akin kanina 

Dinala niya ito sa trash bin at walang sabing itinapon ito doon.

“Satisfied?” 

Napailing na lang ako sa ginawa niya saka ako tumalikod. Although nanghihinayang naman ako dahil hindi dapat tinatapon ang pagkain dahil grasya yun ng Diyos. Sana, pinamigay na lang niya. Pero hindi ko naman ito sinabi kay Argus bagkus, iba ang lumabas na bibig ko.

“Huwag ka ng mag-abala sa susunod, Argus! I don’t want anything na manggagaling sa iyo!” 

Naglakad na ako palabas ng office niya at saka ako bumalik sa opisina ko. Napaupo na lang ako dahil naiinis talaga ako sa ginawa niya.

Pinagmukha niya akong katawa-tawa sa harap ng team ko! Ano na lang ang iisipin nila tungkol sa akin.

I denied that he is my friend dahil totoo naman yun pero bigla na lang siyang papasok at magbibigay ng ganun?

“Arghhh!” inis na sigaw ko saka ako huminga ng malalim

I continued my work para naman maalis sa isip ko ang nangyari kanina at bandang alas-singko ay nagring ang phone ko and it was Sabrina.

“Hey bestie!” sabi ko sa kanya as I answered my phone

“Hoy babae, remind ko lang yung meeting natin mamaya tungkol sa reunion ha! At, dumating ka ng maaga dahil may kasalanan ka sa akin!” sagot naman ni Sabrina

“Ano namang kasalanan?” tanong ko sa kanya dahil wala naman akong matandaan

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na nasa Segovia Pharma na pala si Argus?” napangiwi ako pero para sa akin kasi, hindi naman dapat ipangalandakan pa iyon

“And so?! Bakit naman kailangan ko pang itsismis sa iyo yun?” tanong ko sa aking bestfriend

“At bakit hindi? Hoy Hya, si Argus yun!” sabi ni Sab kaya naman napailing na lang ako

“O eh ano naman, Sab! Alam mo, wala namang kaso kung nandito si Argus. I mean, wala namang nagbago eh! I still hate him!” sagot ko sa kaibigan ko

“Oh my God Hya ang tagal na nun! At hindi mo pa rin ba narerealize yung palagi kong sinasabi sa iyo na hindi naman yun kasalanan ni Argus!” naalala ko ang linyang ito ni Sab at ewan ko ba, hanggang ngayon, hindi ko makayang tanggapin na walang kasalanan si Argus sa akin

Meron! AT yun ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, kaaway ang tingin ko sa kanya.

“Kasalanan niya yun, Sab! Gusto talaga niya akong kalabanin!” sagot ko at nakikinikinita ko na ang reaksyon ng kaibigan ko sa mga sinabi ko

“Ha ewan ko sa iyo! Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagbabago basta pagdating kay Argus! O siya sige na, kita na lang tayo mamaya!” sabi ni Sab at nagpaalam na siya sa akin 

Sa isang restaurant kami magkikita ng mga ka-batch namin na kasali sa mga organizers ng reunion namin.  After eight years, magkikita-kita na ulit ang batch namin at kung nung una, excited ako dahil hindi naman nagco-confirm si Argus na pupunta siya, ngayon, naiinis na ako! 

Napahinga ako ng malalim and I relaxed myself dahil mukhang wala naman akong magagawa sa sitwasyon dahil kahit anong iwas ang gawin ko, magkikita at magkikita na kaming dalawa.

Kailangan ko na ulit sanayin ang sarili ko tulad noong nag-aaral pa kami at sana, huwag na niyang ulitin ang ginawa niya kanina dahil doon ako naiirita!

After work ay umuwi muna ako sa unit ko para maligo at magbihis ng damit bago ako magpunta sa meeting namin nila Sab. Isang taon palang ako dito sa condo na ito since ngayon ko lang na-convince si Daddy na gusto kong subukang bumukod. 

And knowing Dad, nahirapan talaga ako dahil ang gusto niya, hangga’t hindi kami nag-aasawa, sa mansion pa rin kami titira. Pero wala naman akong naging boyfriend eversince kaya malabo pa ako sa mag-asawa thing na yun.

Mabuti na lang, Mommy convinced Dad lalo na at madalas akong gabihin ng uwi sa mansion dahil sa pago-overtime.Malapit lang ang unit ko sa office kaya naman pumayag na din ang overprotective na tatay ko!

Lianna

hello mga loves..sorry po ang nagjump ang chapter from chapter 2 to 7...anyways, hindi pa naman po naka lock ang episodes kaya wala pong kaso sa points and coins ninyo.. thank you so much and sana support niyo din po ang bagong book na ito...thanks po♥️♥️♥️

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Thin Line Between Love and Hate (TBA Bk.10)   Chapter 76

    Argus“Wala pa bang balita?” tanong ni Tito Lucian sa akin habang nasa hardin kami ng mansion Nakakuyom ang kamay niya sa tindi ng galit at awang nararamdaman patungkol sa nakita niyang breakdown kanina ni Faith.Ayon kay Tito, ito ang unang beses na nakita niyang ganito si Faith. Siguro kasi mas nag-sink in na sa isip niya ang nangyari at ako man ay nahihirapan din para sa kanya.My girl doesn’t need to be in this situation. Dapat, masaya na kaming naghihintay para sa date ng kasal namin pero mukhang malabo na ito dahil na din sa pagtataboy sa akin ng aking fiance’.Nung una kong malaman ang sitwasyon ay sa ospital ko na naabutan si Faith at nung makita ko siyang puro pasa ay hindi ko napigilan ang aking sarili.Halos magwala ako pero pinigilan ako ni Tito Lucian at Tita Thea. Awang-awa ako sa aking nobya pati na din sa magulang niya.“Walang makuhang footage sa CCTV, Tito kaya malakas ng loob nung investigator na may kasabwat doon ang kung sino mang gumawa nito kay Faith!” sagot

  • The Thin Line Between Love and Hate (TBA Bk.10)   Chapter 75

    Hyacinth“Anak, hindi ka pa kumakain!” sabi ni Mommy sa akin at kahit naririnig ko siya ay pinilit kong huwag imulat ang aking mga mataHindi ako sumagot at pinigilan kong mapaiyak dahil ang gusto ko, iwan ako ni Mommy. Gusto kong mapag-isa at gusto ko na lang lunurin ang sarili ko sa pag-iisa.“Princess, nandito si Argus! Please anak, kausapin mo naman siya!” sabi ni Mommy kaya napilitan na akong dumilat “Paalisin niyo siya Mommy! Ayoko siyang makita!” matigas na saad ko pero natigilan ako nung marinig ko ang tinig ni Argus“Babe….”Awtomatikong tumulo ang luha ko nung marinig ko ang tinig ni Argus. Hangga’t maari, ayoko na siyang makausap. Ayokong makita niya akong ganito.“Iwan ko muna kayong dalawa!” sabi ni Mommy “Gusto kong mapag-isa!” sagot ko kay Mommy pero hindi nagpatinag si Argus at nanatili lang siya sa kwartoAlam ko yun dahil ramdam ko ang presensya niya.Narinig ko ang pagsara ng pinto pero hindi ko minulat ang mga mata ko. Naramdaman ko ang paglundo ng kama kaya a

  • The Thin Line Between Love and Hate (TBA Bk.10)   Chapter 74

    HyacinthMabilis ang naging pagpaplano ng aming kasal ni Argus at sobrang excited na din ako para sa araw na iyon.Dalawang buwan ang inilaan namin para sa preparations at dahil may wedding coordinator naman ay naging mas madali ang planning ng aming wedding.At bilang ako ang pasimuno ng mga bridal shower para sa mga kababata ko, Maegan planned my bridal shower party at kahit pa nga tutol dito si Argus ay wala naman siyang nagawa.“You can have your own stag party, Babe!” biro ko sa kanya habang kausap ko siya sa teleponoNaghahanda na ako para sa party na gaganapin sa isa sa mga hotel ng mga Thompson's at kahit magkasama kami kanina ni Argus to check in the details for the wedding, ay heto at kausap ko na naman siya.He have been clingy at ang sabi niya, ilang beses na kaming nagkahiwalay at ayaw na niyang maulit pa ito.And whenever we have problems may it be in the company or in the wedding itself, we promised na pag-uusapan namin ito ng maayos and will not let our emotions get i

  • The Thin Line Between Love and Hate (TBA Bk.10)   Chapter 73

    HyacinthNasa isang beach resort kami this weekend dahil gusto ni Argus na makapag-relax kami after the stress na naranasan namin noon mga nakaraang araw.And I think it is a very nice idea naman kaya agad akong pumayag nung tinanong niya ang opinion ko.Kasama namin si Nanay Pilar sa bakasyon pati na din si Liam at si Yaya Lot.Nasabi kasi ni Nanay Pilar na makakabuti kay Liam ang tubig dagat kaya naisipan ni Argus na magbakasyon kami.Kasama namin si Blake at nung nakaburol si Yvette ay nakilala ko na finally ang babaeng muling nagpatibok sa puso niya.Si Zia…And she is beautiful! Bagay na bagay sila ni Blake.Hindi ko lang nausisa kung paano niya ito nakilala but I am sure na Ike kwento niya din ito sa akin.Masaya din ako dahil unti-unti, nagiging maayos na ang relasyon nilang dalawa ni Argus. And I know n time, babalik din sila sa dati.Maaring nagkaroon ng feelings sa akin si Blake but I know that it was just fleeting. Kumbaga, nagdaan lang at hindi naman ganun kalalim kaya ng

  • The Thin Line Between Love and Hate (TBA Bk.10)   Chapter 72

    HyacinthPagkatapos ng libing ni Yvette ay nag-alisan na ang ilang mga tao na dumalo at kaming magkakaibigan ang tanging naiwan sa harap ng puntod niya.Nauna na din si Nanay Pilar kasama ang yaya ni Liam dahil nakatulog na din ito. Lahat kami ay malungkot dahil sa nangyari kay Yvette. Alam ko naman na kahit hindi kami malapit noon at nagkaroon pa ng misunderstanding ay nalulungkot pa rin ako sa sinapit niya.And the loneliness is worse pag naalala ko si Liam dahil nawalan siya ng ina. Kaya naman ibinulong ko noon sa kabaong ni Yvette na huwag siyang mag-alala dahil tutulungan ko si Argus na alagaan ang anak niya.Sa ilang araw na nakasama ko si Liam ay nakita ko kung gaano siya kasabik sa pagmamahal ng isang ina. At wala namang kaso sa akin yun lalo pa at alam ko naman na si Argus ang nakamulatan niyang Daddy.Mommy na nga ang tawag niya sa akin and I really don’t mind dahil hindi mahirap mahalin si Liam. He is a very sweet boy at palagi siyang nakayakap at nakahalik sa amin ng nob

  • The Thin Line Between Love and Hate (TBA Bk.10)   Chapter 71

    ArgusNagmamadali akong makauwi sa unit ko at halos paliparin ko na ang kotse ko lalo na at natatakot na din ang yaya ni Liam dahil sa pagwawala ni Yvette.Agad akong sumakay ng lift at nung makarating ako sa harap ng unit ko ay naabutan ko doon si Yvette na kinakalabog ang pinto.“Liam! Liam! Mommy is here! Liam!” sigaw nito “Yvette!” pigil ko naman sa kanya at nakita ko na nagliwanag ang mukha nito“Baste!” sigaw niya saka siya tumakbo palapit sa akin at mahigpit akong niyakapAnd I guess makakaya ko pa siyang pakalmahin.“Saan ka ba galing? Kung saan-saan na kita hinanap?” sagot ko sa kanya“Namasyal lang ako Baste!” Hindi na maganda ang amoy ni Yvette at nakita ko din na namayat siya kaya naman lalo akong nag-alala sa kanya.“Si Liam? Yung anak natin? Nasaan siya?” anito kaya naman lalong tumibay ang hinala ko na hindi na talaga maganda ang lagay ng pag-iisip niya“Nasa loob siya! Pero mas maganda kung bago mo siya lapitan, naglinis ka muna ng katawan!” sabi ko sa kanya at nakit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status