LOGINHyacinth
“Anong feeling?” tanong ni Sab sa akin habang hinihintay namin ang aming mga kasama para sa meeting that night
I looked at her and I saw how that smirked formed in her lips.
“Sab, what am I supposed to feel? Normal lang!” sagot ko sa kanya kaya natawa pa siya
“Normal pero umuusok yang ilong mo! My God Hya, that was years ago! Pwede bang kalimutan mo na yung galit mo dun sa tao?” aniya kaya umiling ako
“Hindi na ako galit sa kanya dahil matagal ng tapos yun, Sab! Pwede ba, huwag na nating pag-usapan si Argus?” saad ko dahil ayoko ng maalala ang ginawa niya kanina sa office
Dahil tuwing naaalala ko yun, nakakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko at hindi ko mapigilan ang pagtibok ng aking puso.
“Hay naku! Alam mo Hya, it will really be nice kung sana, nagkaroon kayo ng something noon ni Argus!” sabi ni Sab kaya nanlaki ang mga mata ko
“Sabrina Marie Protacio, ano ba yang pinagsasasabi mo?” tanong ko sa kanya kaya natawa pa siya sa akin
“See? Ang cute kaya ng reaction mo pag nababanggit ko si Argus!” inirapan ko si Sab lalo at alam ko na inaasar ako ng kaing kaibigan
“Ewan ko sa iyo, Sab!” nailing na saad ko at sana nga dumating na ang mga kasama namin dahil naiirita na ako sa mga sinasabi ni Sabrina
“Pero ano kaya kung halimbawang naging kayo ni Argus ano? Palagay mo?”
“Sabrina, hindi mangyayari yun dahil noon pa man, hindi kami naging close! And most definitely, hindi kami magkasundo! We hate each other kaya paano mo nasasabi yan?” paliwanag ko kay Sab
“The more you hate, the more you love, right?” kulang na lang, kurutin ko na sa singit itong babaing ito dahil ang kulit niya
“Ewan ko talaga sayo Sab! Alam mo, may possibility na bumaba ang presyo ng bigas pero yung maging kami ni Argus, hinding- hindi mangyayari!” pagtatapos ko kaya tumawa ulit si Sab
“Aabangan ko nga yan! At day, huwag ka ngang magsalita ng tapos! Ikaw din, baka lunukin mo lahat yang mga sinasabi mo!” mabuti na lang dumating na ang mga kasama naming organizers ng reunion na ito kaya natigil na si Sabrina sa pang-aasar sa akin
“Wala pa ba si Yvette?” tanong ko sa isang kaklase namin para naman makapagsimula na kami ng meeting
“Papunta na daw siya!” sagot ni Jim, ang kaklase namin na consistent honors din noon
“Hello guys!” napatingin kami sa pinto nung bumukas ito at napataas ang kilay ko nung makita ko na kasama niya si Argus
At bakit naman siya nandito?
“Sorry late ako! May pinuntahan pa kasi kami ni Argus!” sabi pa ni Yvette at ewan ko ba, parang nakaramdam ako ng inis sa mga bagong dating
Yvette is the campus crush noong nag-aaral kami. Palagi siyang muse since first year up to our fourth year.
Maganda naman talaga si Yvette at malakas ang appeal kaya naman marami ang nagkakagusto sa kanya noon.
She flirts! Yan ang masasabi ko dahil gustong-gusto niya ng atensyon at ngayon nga, mukhang ganun pa rin siya.
“Hi everyone! Hi Faith!’ sabi ni Argus kaya napatingin ako sa kanya at tumango lang ako
“Can we start?” saad ko at naupo na nga ang lahat
We occupied a VIP room sa isang sikat na resto sa metro and we started to finalize the meeting.
It went smoothly at hindi naman sumasabat si Argus sa usapan not unless tinatanong siya. The details are already complete from the venue, food, souvenirs, t-shirts na isusuot ng bawat isa pati na din ang program/
Malaking bagay din talaga ang technology ngayon dahil pati ang mga classmates namin na nasa ibang bansa ay nakontak namin and most of them confirmed na darating sila. Ang iba naman ay nagpadala na lang ng mga contributions nila dahil hindi sila makakarating but we have a plan na i-live stream ang program para naman makapanuod sila ng mga kaganapan.
“So settled na ang lahat guys! Ang saya lang dahil ito ang unang reunion ng batch natin!” sabi ni Jim at napataas ang kilay ko nung makita ko ang ginawa ni Yvette
“Oo nga eh! I mean, it’s been eight years! Diba Baste?” sabi nito saka niya hinawakan ang kamay ni Argus
“Hindi ko alam na close pala kayo nitong si Argus?” sabi ni Sab kaya napunta ang atensyon ng lahat sa kanilang dalawa
“Noon hindi pero nung magkaroon kami ng communication recently, naging close na kami!” ani Yvette saka siya tumingin kay Argus
Nagpacute pa nga ito kaya hindi ko mapigilang paikutin ang mga mata ko out of disgust at nakita iyon ni Argus and I saw how he smirked kaya agad ko naman ibinaling ang paningin ko sa ibang direksyon.
Pumasok na ang waiters para dalhin ang pagkain na inorder namin at ako naman ang nakita ni Philip. Siya talaga ang class clown kahit noon pa.
“Hya, ang dami naman nito! Iba talaga pag mayaman!” aniya kaya naman nahulaan ko ang ibig niyang sabihin
“Ikaw talaga, Philip, ang hilig mong magpatawa kahit hindi ka kalbo!” sabi ko kaya tumawa naman ang lahat
“Okay Philip, ako na ang bahala dito!” sabi ko naman sa kanila kaya napa-yes pa siya
Parang reward na din ito for them dahil sila talaga ang naging hands-on para maging successful ang reunion na ito. Kumbaga, support lang naman ang ginawa ko para sa batch namin kaya naman maliit na bagay lang ito.
“Ako na ang magbabayad, Faith!” sabat ni Argus kaya napatingin ako sa kanya ng nakataas ang kilay
“Hindi na Argus! Ako na ang bahala dito!” sagot ko at hindi ko alam kung nahalata ng mga kaklase namin ang inis ko dahil busy na sila sa pagkain
“Ako na! Treat ko na din ito para sa inyo!” sagot ni Argus kaya inikutan ko siya ng mata
Gusto ba talaga ng isang ito na magyabang sa harap ko?
“Ako na nga diba?!” hindi ko na napigilan na magtaas ng boses kaya natahimik ng lahat at naglipat ang tingin nila sa amin ni Argus
“Nag-aaway ba kayo?” tanong ni Chynna kaya umiling ako agad
“Hindi!” sagot ko
“Ganito na lang, hati na lang tayo!” hindi papatalong sabi ni Argus and God knows gusto ko na talaga siyang sigawan dahil sa kakulitan niya
“Hindi na nga diba?” pinanlakihan ko siya ng mata kaya pumagitna na sa amin si Jim
“Okay guys, kalma lang! Ganito na lang, Argus, hayaan mo na si Hya ang magbayad nito tapos after this, punta tayo sa bar at ikaw naman ang taya!”
“OKay yan!” sabi ni Phil at sumangayon naman ang lahat ng kasama namin
“Okay sige! Basta sasama si Faith, call ako diyan!” sagot ni Argus at feeling ko, kuto na siya sa paningin ko na handa ko ng tirisin dahil sa mga sinasabi niya
“Hindi ako sasama!” sagot ko kaya napaungol na ang mga kaklase namin
“Ano ka ba Hya, huwag ka ngang KJ!” sabi ni Sab pero pinadilatan ko siya ng mata kaya tumahimik naman siya
“Paano ba yan, guys! Ayaw ni Faith! Mukhang may galit pa rin sa akin eh!” nakangising sabi ni Argus so I darted my eyes on him
“Ano bang sinasabi mo?” inis na tanong ko at hindi naman nagkomento ang mga kaklase ko dahil alam naman nila ang past namin ni Argus noong schooldays namin
“Galit ka pa rin sa akin! Kaya ayaw mong makasama ako!” sagot naman sa akin ni Argus at tila inabangan pa ng mga classmates namin ang isasagot ko
“Hindi Argus! Hindi ako galit sa iyo!”
“Eh bakit ka umiiwas sa akin kung hindi ka galit?” tanong niya ulit and God knows, nagpipigil na talaga ako sa mga pinagsasasabi ng taong ito
“Hindi ako umiiwas, Argus! AT okay sige, para matapos na ito, sige na, sasama na ako!” nakangiting sabi ko kay Argus saka ko siya tinaasan ng kilay
“Yown!” sigaw ni Jim na sinundan pa ni Phil na masayang-masaya kasi nakabudol na naman siya
“Alright!”
Hindi ko na sila pinansin at hinarap ko na lang ang pagkain ko at kahit nawalan ako ng gana sa paandar ni Argus ay hindi ko na pinahalata dahil ayokong magkomento na naman ang mga kasama ko sa akin.
At gaya ng napagkasunduan, tumuloy kami sa bar pagkatapos naming kumain sa restaurant at dahil pinakasikat ang bar na pagmamay-ari ng mga Samaniego, doon kami nagpunta.
Convoy na lang kami dahil lahat naman ay may dalang kotse pwera si Yvette na sumabay na lang kay Argus. Hindi ko talaga maalis sa isip ko na baka may something nga sa dalawang ito dahil kung wala, bakit sila magkasama?
Ni hindi nga kasali sa committee si Argus pero isinama pa siya ni Yvette sa meeting at gaya ng inaasahan, hindi ko talaga siya makasundo. Na para bang anytime, we will clash pag pinagsama mo kami sa isang lugar.
Pagdating namin sa bar ay puno na ito ng tao at nakita ko pa si Dwight sa bar kaya kumaway ako dito bago ako lumapit sa kanya.
“Hi Ate Hya! You are with your friends?” tanong pa niya dahil natanaw niya ang mga kasama ko
“Yeah! Vacant ba sa taas?” tanong ko at tinawag naman ni Dwight ang isa sa mga waiters niya para i-assist kami
“Ako na ang bahala sa inyo!” sabi pa ni Dwight pero pinigilan ko siya
“Hayaan mong si Argus ang magbayad, Dwight!” sagot ko sa kanya at nagkibit-balikat lang ito sa akin
Sumunod na kami sa waiter at dinala kami sa isang mesa na nasa gawing itaas ng bar. Nakahiwalay naman ito sa karamihan kaya naman parang nasa VIP pa rin kami. Pag-upo namin ay umorder na ang mga boys ng drinks nila at dahil nakilala ako ng waiter ay tinanguan ko na lang ito lalo pa at alam naman nila ang palagi kong inoorder dito.
“Naku buti na lang sumama talaga si Hya! Malalagyan na ng sosyal na alak ang tiyan ko!” biro ni Phil kaya natawa naman kaming lahat sa sinabi niya
Inisip ko na kesa maistress ako kay Argus, might as well enjoy the night kasama ang mga kaibigan ko. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang mga drinks namin at nagsimula na kaming magkwentuhan at mag reminisce ng nakaraan namin noong highschool.
“Naalala niyo ba yung kaklase nating binato ng eraser?” ani Phil at napangiti na lang kami when that incident came into our minds
“OO nga, nasaan na ba ngayon si Leonard?” maarteng tanong ni Yvette
“Bakit nga ba siya binato ng eraser nung history teacher natin?” tanong naman ni Sab
“E paano kasi, nagdi discuss si Ma’am Lachica noon, akalain mo ba namang maghikab ng kay lakas-lakas! O eh di nasalo niya yung lumilipad na eraser ni Ma’am!” kwento ni Phil kaya nagkatawanan naman ang lahat
“Paano ba naman kasi, talaga namang nakakaantok pag si Ma’am Lachica na ang teacher natin!” tila reklamo pa ni Yvette kaya inasar naman siya ni Jim
“Palagi ka namang inaantok, Yvette!” aniya kaya bumelat pa sa kanya ito
Nagpatuloy lang kami sa inuman at dahil na din sa masayang atmosphere at sa kakulitan ng mga kaklase ko ay nagenjoy naman talaga ako at hindi ko nga namalayan na napaparami na ang naiinom ko.
Pansin ko na pati si Phil ay may tama na dahil mas naging madaldal na ito.
“Eh naalala niyo ba yung time na palaging nagkakarera sa First place itong si Hyacinth at si Argus?” natahimik ako nung banggitin ito ni Phil habang si Argus naman ay napailing
“Huwag niyo ng balikan yan! Tapos na yan eh! Dapat nagmo-move on na tayo!” sagot ni ARgus pero hindi nagpatinag si Phil
“Kayo naman kasi, ayaw ninyong magpatalo sa isa’t-isa! Hanggang ngayon, ganyan pa rin kayo!”
“Phil…tama na yan!” pigil naman ni Jim pero wala itong epekto
“Guys, bagay naman sila, hindi ba? Tol, hindi ba, crush mo itong si Hya noon pa, bakit mo ginagalit?” sabi pa nito at nung mapatingin ako kay Argus ay yumuko na lang ito
Tama ba yung narinig ko? Crush niya ako?
Argus“Wala pa bang balita?” tanong ni Tito Lucian sa akin habang nasa hardin kami ng mansion Nakakuyom ang kamay niya sa tindi ng galit at awang nararamdaman patungkol sa nakita niyang breakdown kanina ni Faith.Ayon kay Tito, ito ang unang beses na nakita niyang ganito si Faith. Siguro kasi mas nag-sink in na sa isip niya ang nangyari at ako man ay nahihirapan din para sa kanya.My girl doesn’t need to be in this situation. Dapat, masaya na kaming naghihintay para sa date ng kasal namin pero mukhang malabo na ito dahil na din sa pagtataboy sa akin ng aking fiance’.Nung una kong malaman ang sitwasyon ay sa ospital ko na naabutan si Faith at nung makita ko siyang puro pasa ay hindi ko napigilan ang aking sarili.Halos magwala ako pero pinigilan ako ni Tito Lucian at Tita Thea. Awang-awa ako sa aking nobya pati na din sa magulang niya.“Walang makuhang footage sa CCTV, Tito kaya malakas ng loob nung investigator na may kasabwat doon ang kung sino mang gumawa nito kay Faith!” sagot
Hyacinth“Anak, hindi ka pa kumakain!” sabi ni Mommy sa akin at kahit naririnig ko siya ay pinilit kong huwag imulat ang aking mga mataHindi ako sumagot at pinigilan kong mapaiyak dahil ang gusto ko, iwan ako ni Mommy. Gusto kong mapag-isa at gusto ko na lang lunurin ang sarili ko sa pag-iisa.“Princess, nandito si Argus! Please anak, kausapin mo naman siya!” sabi ni Mommy kaya napilitan na akong dumilat “Paalisin niyo siya Mommy! Ayoko siyang makita!” matigas na saad ko pero natigilan ako nung marinig ko ang tinig ni Argus“Babe….”Awtomatikong tumulo ang luha ko nung marinig ko ang tinig ni Argus. Hangga’t maari, ayoko na siyang makausap. Ayokong makita niya akong ganito.“Iwan ko muna kayong dalawa!” sabi ni Mommy “Gusto kong mapag-isa!” sagot ko kay Mommy pero hindi nagpatinag si Argus at nanatili lang siya sa kwartoAlam ko yun dahil ramdam ko ang presensya niya.Narinig ko ang pagsara ng pinto pero hindi ko minulat ang mga mata ko. Naramdaman ko ang paglundo ng kama kaya a
HyacinthMabilis ang naging pagpaplano ng aming kasal ni Argus at sobrang excited na din ako para sa araw na iyon.Dalawang buwan ang inilaan namin para sa preparations at dahil may wedding coordinator naman ay naging mas madali ang planning ng aming wedding.At bilang ako ang pasimuno ng mga bridal shower para sa mga kababata ko, Maegan planned my bridal shower party at kahit pa nga tutol dito si Argus ay wala naman siyang nagawa.“You can have your own stag party, Babe!” biro ko sa kanya habang kausap ko siya sa teleponoNaghahanda na ako para sa party na gaganapin sa isa sa mga hotel ng mga Thompson's at kahit magkasama kami kanina ni Argus to check in the details for the wedding, ay heto at kausap ko na naman siya.He have been clingy at ang sabi niya, ilang beses na kaming nagkahiwalay at ayaw na niyang maulit pa ito.And whenever we have problems may it be in the company or in the wedding itself, we promised na pag-uusapan namin ito ng maayos and will not let our emotions get i
HyacinthNasa isang beach resort kami this weekend dahil gusto ni Argus na makapag-relax kami after the stress na naranasan namin noon mga nakaraang araw.And I think it is a very nice idea naman kaya agad akong pumayag nung tinanong niya ang opinion ko.Kasama namin si Nanay Pilar sa bakasyon pati na din si Liam at si Yaya Lot.Nasabi kasi ni Nanay Pilar na makakabuti kay Liam ang tubig dagat kaya naisipan ni Argus na magbakasyon kami.Kasama namin si Blake at nung nakaburol si Yvette ay nakilala ko na finally ang babaeng muling nagpatibok sa puso niya.Si Zia…And she is beautiful! Bagay na bagay sila ni Blake.Hindi ko lang nausisa kung paano niya ito nakilala but I am sure na Ike kwento niya din ito sa akin.Masaya din ako dahil unti-unti, nagiging maayos na ang relasyon nilang dalawa ni Argus. And I know n time, babalik din sila sa dati.Maaring nagkaroon ng feelings sa akin si Blake but I know that it was just fleeting. Kumbaga, nagdaan lang at hindi naman ganun kalalim kaya ng
HyacinthPagkatapos ng libing ni Yvette ay nag-alisan na ang ilang mga tao na dumalo at kaming magkakaibigan ang tanging naiwan sa harap ng puntod niya.Nauna na din si Nanay Pilar kasama ang yaya ni Liam dahil nakatulog na din ito. Lahat kami ay malungkot dahil sa nangyari kay Yvette. Alam ko naman na kahit hindi kami malapit noon at nagkaroon pa ng misunderstanding ay nalulungkot pa rin ako sa sinapit niya.And the loneliness is worse pag naalala ko si Liam dahil nawalan siya ng ina. Kaya naman ibinulong ko noon sa kabaong ni Yvette na huwag siyang mag-alala dahil tutulungan ko si Argus na alagaan ang anak niya.Sa ilang araw na nakasama ko si Liam ay nakita ko kung gaano siya kasabik sa pagmamahal ng isang ina. At wala namang kaso sa akin yun lalo pa at alam ko naman na si Argus ang nakamulatan niyang Daddy.Mommy na nga ang tawag niya sa akin and I really don’t mind dahil hindi mahirap mahalin si Liam. He is a very sweet boy at palagi siyang nakayakap at nakahalik sa amin ng nob
ArgusNagmamadali akong makauwi sa unit ko at halos paliparin ko na ang kotse ko lalo na at natatakot na din ang yaya ni Liam dahil sa pagwawala ni Yvette.Agad akong sumakay ng lift at nung makarating ako sa harap ng unit ko ay naabutan ko doon si Yvette na kinakalabog ang pinto.“Liam! Liam! Mommy is here! Liam!” sigaw nito “Yvette!” pigil ko naman sa kanya at nakita ko na nagliwanag ang mukha nito“Baste!” sigaw niya saka siya tumakbo palapit sa akin at mahigpit akong niyakapAnd I guess makakaya ko pa siyang pakalmahin.“Saan ka ba galing? Kung saan-saan na kita hinanap?” sagot ko sa kanya“Namasyal lang ako Baste!” Hindi na maganda ang amoy ni Yvette at nakita ko din na namayat siya kaya naman lalo akong nag-alala sa kanya.“Si Liam? Yung anak natin? Nasaan siya?” anito kaya naman lalong tumibay ang hinala ko na hindi na talaga maganda ang lagay ng pag-iisip niya“Nasa loob siya! Pero mas maganda kung bago mo siya lapitan, naglinis ka muna ng katawan!” sabi ko sa kanya at nakit







