HyacinthMasaya kaming nagsalo sa tanghalian na hinanda ni Nanay Lucing at masasabi ko na nagustuhan ko ang luto niya dahil masarap naman talaga ito.Sinampalukang manok ang inihain niya sa amin at dahil nga sa panahon ay bagay na bagay ang mainit na sabaw nito.Hindi ko nga napansin na napadami ang kain ko dahil masarap talaga ang luto ni Nanay Lucing.“Mabuti naman at nagustuhan mo ang ulam, Ms. Hya!” sabi ni Nanay sa akin “Yan lang kasi ang madaling lutuin!” sabi pa nito kaya naman hinawakan ko agad ang kamay niya“Naku, masarap po ang luto ninyo, Nanay! At salamat po kasi naabala namin kayo!” Napangiti si Nanay sa akin at ganun din naman siya kay Argus na matamang nakatingin lang sa akin.Hindi ko na lang siya pinansin dahil pakiramdam ko, nanlalambot ako sa twing tinitignan niya ako. Kung bakit dati, nagagawa ko siyang tarayan, ngayon, hindi ko magawa. Siguro dahil wala naman na akong dahilan para gawin yun lalo na at maganda naman ang pakikitungo niya sa akin. Of course, it
Última actualización : 2025-10-08 Leer más