LOGINHyacinth
Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko habang hinihintay ko si Argus ngayong gabi.
Araw ngayon ng reunion namin at aaminin ko na kakaiba ang feeling ko dahil na rin sa idea na magkasama kami ni Argus na pupunta sa event.
Kanina pa naman ako nakabihis pero para akong pusang hindi mapaanak dahil kanina pa ako lakad ng lakas sa sala. Panay din ang tingin ko sa salamin para icheck ang itsura ko.
‘Hyacinth Faith, kumalma ka nga!’ inside na bulong ko sa sarili at halos mapatalon pa ako nung tumunog ang buzzer sa pinto
Sumilip ko ang peephole at nakita ko na si Argus na ang nasa labas at bigla na naman humampas ang tibok ng puso ko.
He looks gorgeous with his three piece black suit at natawa ako kasi black din ang suot kong gown for this night.
Nagbuzzer ulit siya at doon na ako napakurap kaya inayos ko ang sarili ko bago ko buksan ang pinto.
“Hi Faith!” nakangiting bati ni Argus sa akin
“Hi! Come in! Maupo ka muna!” sagot ko naman at pumasok naman si Argus sa loob
“Your place is nice!” ani Argus nung makaupo na siya at iginagala ang paningin sa loob ng unit ko
“Sakto lang! I’ll just get my bag!” sabi ko sa kanya and he just nodded
Pumasok na ako sa kwarto at muli ko pang tinignan ang sarili ko bago ko damputin ang bag ko at muling bumalik sa sala.
Sabay na kaming lumabas ni Argus ng unit ko at sumakay na kami sa lift para makababa harap ng building. Hindi na ako nagdala ng kotse dahil nga malinaw naman sa usapan namin na sabay kaming pupunta sa reunion.
“Sigurado ako, magugulat ang mga classmates natin pag nakita nilang sabay tayong darating sa event!” ani Argus habang nagmamaneho siya
“I’m sure!” maikling sagot ko naman sa kanya
“Let’s just enjoy the night, Faith! And I hope, this will be the start of a good friendship!” sabi ni Argus at gaya ng nasabi ko noon, sa tingin ko, wala namang masama doon
Years have passed and I guess, tama naman ang sinasabi sa akin ni Sabrina na kalimutan na ang lahat dahil matagal ng nangyari yun.
“Let us see, Argus!” just the same, hanging ang sagot ko sa kanya
“Sana naman, kalimutan mo na yung nangyari noon, Faith!” tila pakiusap ni Argus sa akin at napatingin pa nga ako sa kanya
“Oo naman Argus! Siguro kasi, nasanay lang ako noon na palagi akong galit sa iyo! But don’t worry, okay na yun dahil matagal na ding nangyari.” nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Argus kahit pa sa kalsada siya nakatingin
“Thanks Faith!” masayang sagot ni Argus at nagpatuloy na nga siyang magmaneho
“Saan ka nag-aral after high school?” tanong ko dahil wala akong alam noon sa naging buhay niya after we graduated
“Long story! Pakinggan mo na lang mamaya sa speech ko!” sagot sa akin ni Argus
“Ganun? May throwback pala ang speech mo!” biro ko sa kanya kaya bahagya naman siyang natawa
“Sort of!” sagot niya at nung makita kong malapit na kami sa venue ay nakaramdam na ako ng kaba
“Argus, paano nga pala si Yvette?” tanong ko sa kanya kaya napalingon pa siya sa akin ng dahan-dahan
“Si Yvette? Anong paano siya?” takang tanong niya sa akin
“Argus, ayoko naman na nagkaayos nga tayo pero kami naman ang magkaroon ng problema!” sagot ko sa kanya
“Anong problema?” tanong ulit ni Argus at napakunot ang noo niya sa akin nung hindi ako sumagot agad
“Teka, iniisip mo ba na may relasyon kami ni Yvette?” he asked at nagkibit-balikat lang ako
“Faith, do you think na kung may relasyon kami, aayain kita ngayong gabi to be my date?” sagot sa akin ni Argus
“Argus, hindi naman kasi ito date. Sabay lang tayong pupunta sa reunion.” katwiran ko sa kanya
“Kahit na, Faith! Hindi pa rin tama na tayo ang magkasabay tapos siya ang girlfriend ko!” ani Argus at naisip ko naman na tama din siya sa bagay na yun
“Walang something sa amin, Faith!” sabi niya sabay ngiti kaya para na namang nag rigudon ang puso ko
“I am just making things clear, Argus!Mahirap masabunutan!” I joked para maitago ang kabang nararamdaman ko
Huminto na ang kotse sa labas ng venue at marami ng kotseng nakaparada sa labas. Naunang bumaba si Argus at hinintay ko naman na pagbuksan niya ako ng pinto.
Inabot niya ang kamay ko at humawak naman ako doon para makababa ako sa kotse.
“Thanks!” sabi ko sa kanya
Naglakad na kami at pinakapit niya ako sa braso niya habang papasok kami ng hall and as expected, nandoon ang hindi makapaniwalang tingin ng mga classmates namin.
Pagdating namin sa mesa ay nandoon na sila Sab, Yvette, Phil, Jim at Chynna and they all have this perplexed look on their faces.
“Sabay ba kayong dalawa na pumunta dito?” may bahid ng kapilyuhan ang mukha ni Phil pero hindi ako sumagot at binalingan ko si Sab
“How is everything?” tanong ko lalo na at ayokong magkaroon ng problema dahil ito ang unang reunion ng batch namin
“Everything is fine, bes! Kalma ka lang!” sagot niya sa akin
“Uy umiiwas sa tanong!” pang-aasar ni Jim pero nanatili talaga akong tahimik sa bagay na yun
“Oo nga! Bakit ba hindi kayo nakasagot?” ani Yvette habang nakahalukipkip siya and it was obvious na hindi siya masaya sa nakita niya
“Oo, sinundo ko si Faith sa unit niya at sabay kaming nagpunta dito! Okay na?” sagot ni Argus habang nakangiti
“Yown! Dumada-moves na si Baste!” ani Jim at nag high-five pa silang dalawa
Nakita ko na napasimangot si Yvette pero saglit lang yun at agad niyang binalingan si Argus.
“Argus, hinahanap ka pala ni Ma’am Rimorin! Tara!” aniya saka siya kumapit sa braso nito
“Mamaya na!” sagot ni Argus saka niya pasimpleng binaklas ang kamay ni Yvette mula sa kanyang braso
“Maupo ka na!” baling nito sa akin pero tumanggi naman ako
“I will just greet our teachers!” sagot ko dahil nakita kong kumaway sa akin ang mga ito
“Okay! Tara, samahan na kita!” sabi niya as he grabbed my hand at nakita kong nagkatinginan ang mga classmates namin
Nilagpasan namin si Yvette and I swear I saw how she looked at me with those dagger eyes. Ang sama ng tingin niya sa akin pero hindi ko na lang din pinansin.
“Galit yata si Yvette!” sabi ko at nanatili naman ang hawak ni Argus sa mga kamay ko habang papalapit kami sa mga teachers namin
“Tsk! Bakit naman siya magagalit?” sagot niya sa akin
“She obviously likes you, that is why!” bulong ko sa kanya dahil ilang dipa na lang ang distansiya namin sa aming mga guro
“Well I don’t like her!” Argus leaned over na para akong hahalikan kaya naman parang tumambling na naman ang puso ko
“Ay ang sweet naman ng Valedictorian and Salutatorian natin!” sabi ni Mrs. Rimorin kaya napaatras ako palayo kay Argus
Tumikhim ako saka ako bumaling ng tingin sa mga teachers namin.
“Kayo talaga Ma’am, hanggang ngayon, palabiro pa rin kayo!” sabi ko sa kanila saka ako lumapit sa mesa
I greeted them all at nakangiti naman sila lahat sa akin.
“Kamusta naman ang parents mo?” tanong sa akin ni Sir Lacson, ang Math teacher namin noon
“They are fine sir!” sagot ko naman sa kanya
“Well, I heard you are already running the business, Hyacinth! We are so proud of you!” sabi ni Ma’am Santos sa akin
“Thank you po!” masayang sagot ko sa kanya
“Nandito pala si Argus! Come iho!” sabi ni Ma’am Cruz at agad namang lumapit si Argus at tumabi sa akin
“Ay, bagay na bagay talaga kayong dalawa!” sabi ulit ni Mrs. Rimorin at tumango naman ang mga co-teachers niya
“Oo nga eh! Highschool pa lang kayo, gustong-gusto ko na kayong dalawa!” sabi pa ni Mrs. Cruz
“Ma’am naman, ako na naman ang nakita ninyo ha!” sabi ni Argus at isa-isa niyang niyakap ang mga teachers namin
“Ang gwapo mo lalo ngayon, palibhasa sa social media lang kita nakikita!” sabi ni Ma’am Santos kay Argus kaya nagkamot pa ito ng batok
“Thank you po, Ma’am!” magalang na sagot nito sa aming teacher
“Hello po Ma’am!” singit naman ni Yvette at pumagitna pa nga siya sa amin ni Argus sabay kapit sa braso nito
Napailing na lang ako dahil kung ako ang nasa kalagayan niya, hindi ko ipipilit ang sarili ko sa isang tao na halata namang hindi interesado sa akin.
“Oh Yvette! By the way, congratulations sa success ng reunion ha!” ani Sir Lacson at ngumiti naman ito sa kanila sabay hilig sa balikat ni Argus
“Siyempre naman po MA’am! Mabuti nga po, nandito si Argus kasi malaking tulong po talaga siya sa amin! Right dear?”
Ako lang ba yung nag-iisip na parang ang landi ng pagkakasabi ni Yvette sa mga katagang iyon?
“Oo naman Yvette! Para naman ito sa batch natin!” sabi ni ARgus at muli na naman nuang tinanggal ang kamay ni Yvette sa braso niya
“Excuse me lang po, iikot lang po kami ni Faith!” sabi niya at ngumiti naman ang mga teachers namin sa kanya
He grabbed may hand again at matapos kong magpaalam sa mga guro namin at tumalikod na nga kami ulit ni ARgus.
“Alam mo ikaw, pansin ko lang ha, ginagamit mo ako para takasan si Yvette!” sabi ko sa kanya
“Ke nandito ka o wala, ganun ang gagawin ko, Faith! But since you are my date, dapat lang na ikaw ang kasama ko sa lahat ng oras!” sagot ni ARgus
“Hindi mo ba siya type?” I curiously asked dahil kung tutuusin, maganda naman talaga si Yvette at galing din sa mayamang angkan
“Hindi! My babae na akong mahal at hindi siya yun!” ani Argus at magtatanong pa nga sana ako kung sino yun pero hindi na nangyari dahil magsisimula na din ang program
Bumalik na kami ni Argus sa upuan namin at mabuti na lang, isa sa mga host si Yvette kaya naman hindi ko kailangang tiisin ang presensya niya, pati na ang pagpapa-cute niya kay ARgus.
May nagperform na classmates namin at lahat naman kami ay tuwang-tuwa sa mga talents na ipinakita nila. Talaga namang nag-effort din ang lahat para maging successful ang reunion namin na ito.
Dinner was served after that at doon lang ulit namin nakasama si Yvette sa mesa. Hindi nga siya pinapansin ni Argus at nasa akin ang atensyon niya kaya naman hindi ko na nakitang ngumiti si Yvette at pag nagtatama ang paningin namin ay umiirap.
Hindi ko na lang pinansi lalo na at pagkatapos naman ng gabing ito, hindi ko na ulit sya makikita!
“Ang konti naman ng kinuha mong pagkain!” bulong ni Argus sa akin kaya sa amin na naman napunta ang atensyon ng mga kasama namin sa mesa
“Okay na ito, Argus!” sagot ko sa kanya
“Tsk! Kumain ka pa nga! Hindi mo naman kailangang magdiet eh!” sabi pa ni Argus kaya natawa na lang ako
“Hay naku Argus! Hanggang kailan ba yang peace treaty ninyo ni Hya?” tanong ni Sab kaya naman pinandilatan ko siyang mata
“Oo nga! Baka mamaya lang, mag-away na naman kayo ha!” sagot naman ni CHynna as she giggled
“May bago pa ba sa dalawang yan?” inis na sabat ni Yvette kaya napatingin naman sa kanya ang grupo
“What? Totoo naman, hindi ba! Eh mortal enemies nga ang dalawang yan tapos ngayon, close na?”
“Bakit naman Yvette, hindi ba pwedeng mangyari yun? Hindi ba pwedeng narealize lang nila na matanda na sila para mag-away dahil sa isang bagay na matagal ng tapos?” pagtatanggol naman ni Jim
Bitter talaga ang dating ni Yvette at naiintindihan ko naman siya dahil halata naman na may gusto talaga siya kay Argus. Kaso sorry siya kasi may mahal na pala ang lalaking gusto niya.
“Don’t worry guys, okay na kami ni Faith at makakaasa kayo na hindi na kami mag-aaway!” sabi ni Argus sabay tingin sa akin
“Yeah, you can relax, guys! Okay na kami ni Argus!” sagot ko naman
Argus“Wala pa bang balita?” tanong ni Tito Lucian sa akin habang nasa hardin kami ng mansion Nakakuyom ang kamay niya sa tindi ng galit at awang nararamdaman patungkol sa nakita niyang breakdown kanina ni Faith.Ayon kay Tito, ito ang unang beses na nakita niyang ganito si Faith. Siguro kasi mas nag-sink in na sa isip niya ang nangyari at ako man ay nahihirapan din para sa kanya.My girl doesn’t need to be in this situation. Dapat, masaya na kaming naghihintay para sa date ng kasal namin pero mukhang malabo na ito dahil na din sa pagtataboy sa akin ng aking fiance’.Nung una kong malaman ang sitwasyon ay sa ospital ko na naabutan si Faith at nung makita ko siyang puro pasa ay hindi ko napigilan ang aking sarili.Halos magwala ako pero pinigilan ako ni Tito Lucian at Tita Thea. Awang-awa ako sa aking nobya pati na din sa magulang niya.“Walang makuhang footage sa CCTV, Tito kaya malakas ng loob nung investigator na may kasabwat doon ang kung sino mang gumawa nito kay Faith!” sagot
Hyacinth“Anak, hindi ka pa kumakain!” sabi ni Mommy sa akin at kahit naririnig ko siya ay pinilit kong huwag imulat ang aking mga mataHindi ako sumagot at pinigilan kong mapaiyak dahil ang gusto ko, iwan ako ni Mommy. Gusto kong mapag-isa at gusto ko na lang lunurin ang sarili ko sa pag-iisa.“Princess, nandito si Argus! Please anak, kausapin mo naman siya!” sabi ni Mommy kaya napilitan na akong dumilat “Paalisin niyo siya Mommy! Ayoko siyang makita!” matigas na saad ko pero natigilan ako nung marinig ko ang tinig ni Argus“Babe….”Awtomatikong tumulo ang luha ko nung marinig ko ang tinig ni Argus. Hangga’t maari, ayoko na siyang makausap. Ayokong makita niya akong ganito.“Iwan ko muna kayong dalawa!” sabi ni Mommy “Gusto kong mapag-isa!” sagot ko kay Mommy pero hindi nagpatinag si Argus at nanatili lang siya sa kwartoAlam ko yun dahil ramdam ko ang presensya niya.Narinig ko ang pagsara ng pinto pero hindi ko minulat ang mga mata ko. Naramdaman ko ang paglundo ng kama kaya a
HyacinthMabilis ang naging pagpaplano ng aming kasal ni Argus at sobrang excited na din ako para sa araw na iyon.Dalawang buwan ang inilaan namin para sa preparations at dahil may wedding coordinator naman ay naging mas madali ang planning ng aming wedding.At bilang ako ang pasimuno ng mga bridal shower para sa mga kababata ko, Maegan planned my bridal shower party at kahit pa nga tutol dito si Argus ay wala naman siyang nagawa.“You can have your own stag party, Babe!” biro ko sa kanya habang kausap ko siya sa teleponoNaghahanda na ako para sa party na gaganapin sa isa sa mga hotel ng mga Thompson's at kahit magkasama kami kanina ni Argus to check in the details for the wedding, ay heto at kausap ko na naman siya.He have been clingy at ang sabi niya, ilang beses na kaming nagkahiwalay at ayaw na niyang maulit pa ito.And whenever we have problems may it be in the company or in the wedding itself, we promised na pag-uusapan namin ito ng maayos and will not let our emotions get i
HyacinthNasa isang beach resort kami this weekend dahil gusto ni Argus na makapag-relax kami after the stress na naranasan namin noon mga nakaraang araw.And I think it is a very nice idea naman kaya agad akong pumayag nung tinanong niya ang opinion ko.Kasama namin si Nanay Pilar sa bakasyon pati na din si Liam at si Yaya Lot.Nasabi kasi ni Nanay Pilar na makakabuti kay Liam ang tubig dagat kaya naisipan ni Argus na magbakasyon kami.Kasama namin si Blake at nung nakaburol si Yvette ay nakilala ko na finally ang babaeng muling nagpatibok sa puso niya.Si Zia…And she is beautiful! Bagay na bagay sila ni Blake.Hindi ko lang nausisa kung paano niya ito nakilala but I am sure na Ike kwento niya din ito sa akin.Masaya din ako dahil unti-unti, nagiging maayos na ang relasyon nilang dalawa ni Argus. And I know n time, babalik din sila sa dati.Maaring nagkaroon ng feelings sa akin si Blake but I know that it was just fleeting. Kumbaga, nagdaan lang at hindi naman ganun kalalim kaya ng
HyacinthPagkatapos ng libing ni Yvette ay nag-alisan na ang ilang mga tao na dumalo at kaming magkakaibigan ang tanging naiwan sa harap ng puntod niya.Nauna na din si Nanay Pilar kasama ang yaya ni Liam dahil nakatulog na din ito. Lahat kami ay malungkot dahil sa nangyari kay Yvette. Alam ko naman na kahit hindi kami malapit noon at nagkaroon pa ng misunderstanding ay nalulungkot pa rin ako sa sinapit niya.And the loneliness is worse pag naalala ko si Liam dahil nawalan siya ng ina. Kaya naman ibinulong ko noon sa kabaong ni Yvette na huwag siyang mag-alala dahil tutulungan ko si Argus na alagaan ang anak niya.Sa ilang araw na nakasama ko si Liam ay nakita ko kung gaano siya kasabik sa pagmamahal ng isang ina. At wala namang kaso sa akin yun lalo pa at alam ko naman na si Argus ang nakamulatan niyang Daddy.Mommy na nga ang tawag niya sa akin and I really don’t mind dahil hindi mahirap mahalin si Liam. He is a very sweet boy at palagi siyang nakayakap at nakahalik sa amin ng nob
ArgusNagmamadali akong makauwi sa unit ko at halos paliparin ko na ang kotse ko lalo na at natatakot na din ang yaya ni Liam dahil sa pagwawala ni Yvette.Agad akong sumakay ng lift at nung makarating ako sa harap ng unit ko ay naabutan ko doon si Yvette na kinakalabog ang pinto.“Liam! Liam! Mommy is here! Liam!” sigaw nito “Yvette!” pigil ko naman sa kanya at nakita ko na nagliwanag ang mukha nito“Baste!” sigaw niya saka siya tumakbo palapit sa akin at mahigpit akong niyakapAnd I guess makakaya ko pa siyang pakalmahin.“Saan ka ba galing? Kung saan-saan na kita hinanap?” sagot ko sa kanya“Namasyal lang ako Baste!” Hindi na maganda ang amoy ni Yvette at nakita ko din na namayat siya kaya naman lalo akong nag-alala sa kanya.“Si Liam? Yung anak natin? Nasaan siya?” anito kaya naman lalong tumibay ang hinala ko na hindi na talaga maganda ang lagay ng pag-iisip niya“Nasa loob siya! Pero mas maganda kung bago mo siya lapitan, naglinis ka muna ng katawan!” sabi ko sa kanya at nakit







