Masaya si Sandy nang makita niya kung gaano kalungkot si Freyja. “Mali ba ako? Magugustuhan ba ng mga Goldmann kung kasama mo siya? Fey, kailangan mong malaman ang lugar mo.”Tinaas ni Sandy ang baba ni Freyja na parang dudurugin niya ang panga nito, puno ng galit ang mata niya. “Patay na ang kapatid mo, kaya bakit ka magiging masaya? Pinanganak ka para tulungan ang kapatid mo, kaya dapat maging mabuti ka na lang na kapatid. Bakit kailangan mo magtrabaho kasama ang mga Knowles at patayin ang kapatid mo!”Tinulak siya ni Sandy.Natumba si Freyja pero prinotektahan niya ang tiyan niya. Tumingin si Sandy sa kaniya. “Bibigyan kita ng pagkakataon. Kung gusto mo iligtas si Deedee, kailangan mo isakripisyo ang nasa sinapupunan mo.”Nanliit ang mga mata ni Freyja at namutla siya. “Anong sabi mo!?”“Sa tingin mo ba hahayaan ko na magpakasal ka sa mga Goldmann? Hindi maaari!” Ngumisi siya habang masama ang tingin. “Kung hindi lang dahil kay Nollace, siguro napunta ka na kay Donald. May ut
Tiningnan ni Freyja ang likod ni Colton. Sobrang lapit na niya pero napakalayo pa rin niya. Siguro isa talaga silang pagkakamali mula noong umpisa. Isang makasariling babae si Freyja at hindi siya karapat-dapat mahalin ni Colton. Tumalikod si Colton at sinabi sa bodyguard, “Dalhin niyo na ang bata sa hospital.” Nagulat si Sandy dahil hindi siya makapaniwala. “Ano!? Mas inaalala mo pa ang bata kaysa sa ibang—” “Sa mata mo, hindi karapat-dapat mabuhay ang anak ng ibang tao. Kahit ang sarili mong anak ay hindi nararapat. Kung sobrang galit ka sa mga babae, bakit kaya hindi ka pinatay ng nanay mo noong ipinanganak ka.” Nakatingin si Colton kay Sandy at may blanko siyang ekspresyon. Kakaiba ang ekspresyon ni Sandy, bumilis ang paghinga niya pero hindi siya makapagsalita. Kinarga ni Colton si Freyja at tumalikod siya. “Mrs. Pruitt, ito na ang katapusan ng maganda mong buhay.” Kinuha ng bodyguard si Sandy habang nanlalaban siya at sumisigaw, “Freyja Pruitt! Hindi ka magiging m
Alam iyon ni Freyja simula noong una. Hinayaan niya lang na masunod ang nararamdaman niya noong lasing sila ng gabi. Siguro totoo ang sinabi ng mom niya at hindi siya karapat-dapat na sumaya. Hindi niya pwedeng iwan si Deedee kaya naging problema iyon sa pagitan nila. Siguro ito na ang pinaka huli nila. Pinikit niya ang kaniyang mata at nilunok ang sakit. “Colton, kukunin ko si Deedee.” Nagdilim ang mukha ni Colton. “Anong ibig mong sabihin?” Tiningnan siya ni Freyja na parang wala siyang sa dugo, ang ngiti niya ay malalim at mahina na parang nahulog siya sa black hole. “Magiging mabuti kang ama. Magiging masaya ang bata kung makakasama ka niya.” “Freyja Pruitt!” Mahigpit siyang hinawakan ni Colton, at lumabas ang mga ugat sa likod ng kaniyang kamay. “Kung ito ang gusto mo, naging masaya ka ba sa paglalaro mo sa nararamdaman ko mula noong nakaraang tatlong taon?” Humiga si Freyja sa dulo ng kama habang ang ekspresyon niya ay hindi maintindihan. “Hahayaan mo ang sarili mon
Biglang may naisip si Sandy, kaya nagbalik ang makasalanang ngiti sa mukha niya. “Mr. Goldmann, napakasama mo talaga. Baka papatayin mo si Deedee tapos isisi mo iyon sa akin?”Ngumisi si Colton at may kalmadong mata. “Hindi ako kasing-sama mo.” Nanginig si Sandy dahil ang baba ng naging tingin niya sa mga Goldmann. Naisip niya na isang masamang tao na si Nollace pero si Colton ay papatayin si Deedee para lang isisi ito sa kaniya at ng makulong siya. Tumawa si Sandy. “Alam ko na! Sobrang mahal ni Freyja si Deedee at handa siyang iwan ang sarili niyang anak para sa kaniya kaya siguro sobrang galit ka kay Deedee. Kung papatayin mo siya, magagalit sayo si Freyja buong buhay niya.”Walang kahit anong emosyon ang sagot ni Colton. “Wala akong pakialam kung magagalit siya sa akin. Ano naman kung magagalit sa akin ang babaeng hindi naman nakikinig sa sinasabi ko?” Natahimik si Sandy. Tiningnan siya ni Colton at kalmadong sinabi, “Bakit? Nalulungkot ka ba para sa anak mo?” “Ako? Mal
Pinahinto siya ni Donald. “Mrs. Pruitt, sigurado ka ba na patay na si Nollace?”Sumagot si Sandy, “H… hindi ko nakita ang katawan niya pero tinawagan ko si Bear nang ilang beses at nakapatay ang phone niya. Siguro may nangyari talaga sa kaniya.” Sinabi ni Donald, “Magaling na fighter si Bear. Hindi bagay si Nollace sa kaniya sa mga labanan. Hmph! Siguro naging mababa ang tingin ko sa kaniya. Pero kung namatay si Bear siguro patay na rin si Nollace.”“Ano ng gagawin ko ngayon?” Tanong ni Sandy. “Alamin mo kung namatay ba talaga si Nollace. Maghahatid ako ng taong susundo sayo sa pier sa 25th para dalhin ka sa East Islands. Huwag ka mag-alala. Tutuparin ko ang pangako ko sayo. Pag nakuha ko na ang suporta ni Mr. Puzo sa East Island, ako na ang susunod na hari ng Yaramoor.”Matapos ang tawag, tinanggal ni Colton ang earphone niya.Hindi niya alam na hinihiling pala ni Donald ang trono. ‘East Islands… Parang tama ang impormasyon ni Nollace. 20th na ngayon kaya limang araw na lang
Umalis na si Edison sa Taylorton, bumalik na ang lahat sa normal.Matagal na nakaupo si Daisie sa couch. Habang hinahaplos niya ang diamond ring sa kaniyang daliri, isang masamang pakiramdam ang nagmula sa tiyan niya. Natatakot siya na baka magkatotoo ang masamang panaginip niya noong gabi.Nang biglang tumunog ang phone niya na nagbasag ng katahimikan. Akala niya si Nollace ang tumatawag sa kaniya kaya mabilis niya itong kinuha. Pero, nang makita niya na si Zephir, nawala ang ngiti niya.Nagdalawang-isip siya bago sagutin ang tawag, “Zephir?”Nakatayo si Zephir sa harap ng bintana, nilalaro niya ng balahibo ang budgerigar. “Pasensya ka na sa gulo na binigay ko sayo noong nakaraan na niyaya kitang mag dinner pero aayusin ko yun para sayo.”Ngumiti si Daisie. “Aasahan ko yan, Zephir.”Nagulat si Zephir at naningkit ang mata niya.‘Ibig sabihin gusto niyang linawin ko iyon para sa kaniya?”Nang matagal na nanahimik si Zephir, tinanong ni Daisie, “Zephir? Nandyan ka ba?”May bi
Ito ang totoong rason kaya magpapadala ng tao si Donald para sunduin si Sandy.Ginagamit niya lang si Sandy kaya wala siyang pakialam kung buhay o patay siya. Kailangan lang niya malinaw kung totoo bang patay na si Nollace.Kumunot ang noo ng bodyguard. “Pero ang search at rescue team ay walang mahanap sa Donkery River matapos ang ilang araw. At saka, umuulan noong gabing iyon, sobrang maalon ang ilog. Kahit ang bangkay ni Bear ay inanod sa pier ng Donkery River ng halos 9 miles ang layo. Natatakot ako na baka si Mr. Knowles—”Bago matapos ng bodyguard ang sinasabi niya, nagulat si Colton habang nakatingin kay Daisie na nakatayo sa hindi kalayuan.Napahinto si Daisie, unti-unting namumutla ang mukha niya. “Colton, anong sinabi niyo!?”“Daisie!” Hindi balak ni Colton na sabihin iyon kay Daisie. Kahit na balak niyang sabihin iyon, gusto niyang hintayin at kumpirmahin kung patay ba talaga si Nollace, pero ngayon parang narinig ni Daisie ang usapan nila.Mabilis siyang lumapit kay Da
Huminga nang malalim si Maisie para pakalmahin ang sarili niya at tinanong, “So, nakita niyo na ba siya?”Natahimik si Colton bago siya sumagot, “Hindi pa.”“Ah sige. Pupuntahan ko ang kapatid mo mamaya. Kay Nollace naman, dahil brother-in-law mo siya, wala akong pakialam kung patay ba siya o buhay o kung maimed na siya o buo pa rin. Kailangan mo siya maibalik, naiintindihan mo?”Pinatay ni Maisie ang tawag matapos sabihin ang kaniyang sinasabi.Nakaupo sa harap niya si Saydie kaya narinig niya ang usapan nila Maisie at Colton. “Ma’am, may nangyari ba kay Mr. Knowles?”Minasahe ni Maisie ang noo niya at sinabi, “Iniisip ko bakit iniwasan nilang gawing publiko ang relasyon nila matapos nilang makakuha ng marriage certificate. Dahil pala iyon kay Donald. Hindi ko inaasahan na isasaalang-alang ni Nollace ang buhay niya para lang maging ligtas si Daisie.”Naramdaman niya na sobrang kapareho ni Nollace si Nolan dati.May tiwala siya sa abilidad ni Nollace, at totoo na malakas ang loo