Share

Kabanata 5

Author: Ginger Bud
Dinaka ni Maisi ang cell phone papunta sa balcony at sinagot ang tawag. “Anong nangyari, pinagsisisihan na ba ni DIrector Vanderbilt ang ginawa niya?”

Nagngangalit ang mga ngipin ni WIllow sa inis nang marinig niya iyon. “Maisie, huwag kang magpakampante.Karangalan mo na handa kaming bayaran ka ng $150,000,000 para magtrabaho sa amin!”

“Oh talaga? Parang pinapalabas mo namang kailangan na kailangan ko ng milyones niyo.” Sumandal si Maisie sa balcony habang mayroong ngiti sa mga labi. “Dahil hindi naman sincere ang collaboration na ito, huwag mo na akong tawagan.”

“Sandali!” Sigaw ni Willow, umupo siya sa kaniyang office’s desk at ngumisi. “Maisie Vanderbilt, huwag mong kalimutan na hawak ko pa rin ang video.”

Unti-unting nagdilim ang ekspresyon ni Maisie nang marinig niya ang salitang “video.”

Ngumisi si WIlow nang wala siyang narinig na sagot sa kabilang linya. “Kung ayaw mong ilabas ko ang nangyari noon, pinapayuhan kitang pumunta rito at makipag-usap sa akin bukas nang umaga.”

Huminga nang malalim si Maisie at tumango. “OKay, pupunta ako diyan bukas.”

Binaba niya ang tawag pagkasabi niya non.

Si Daisie na nakikinig sa usapan mula sa likuran ay patakbong bumalik sa kwarto gamit ang maliliit niyang paa at sinabi sa mga kapatid niyang lalaki, “Tumawag yung masamang babae at pinagbantaan si Mommy!”

Kaagad na nagbigay ng suhestiyon si Waylon, “Kung ganoon, sisimulan na natin ang plano kapag umalis si Mommy bukas.”

Nag-okay gesture si Colton at pinasa ang personal na impormasyon at resume nina Daisie at Waylon sa official “Young Faces” website, isang children’s clothing brand sa ilalim ng Blackgold Group.

‘Nagkataon na dalawang batang model ang hinahanap ng brand, at siguradong mapipili tayo!

‘Magagawa namaing malapitan ang lalaking iyon basta nasa ilalim ng Blackgold Group ang brand. Kailangan naming malaman kung si Nolan ba ang daddy namin o hindi!’

Kinabukasan….

Nakarating si Maisie sa Vaenna Jewelry, at dinala siya ng secretary sa opisina ni Willow. Katulad ng inaasahan niya, hinihintay siya ni Willow habang nasa couch.

Ngumiti si Willow, tumayo, at lumapit sa kaniya pagkaalis ng secretary. “Akala ko ay hindi ka pupunta.”

“Hawak mo pa rin ang video. Pwede bang hindi ako pumunta?” Ngumiti si Maisie. “Oo nga pala, nagpapasalamat ako sa iyo dahil hindi mo nilabas ang video sa mga nakalipas na taon.”

Bahagyang nahiya si Willow.

‘Hindi sa ayaw kong ilabas ang video. Nag-aalala lang ako na madiskubre ni Nolan na hindi ako ang babae noong gabing iyon.’

‘Gayunpaman, base sa attitude ni Maisie, hindi niya alam na ang lalaki noong gabing iyon ay si Nolan. Kaya naman, nagkataon lang na kaya ko pa rin siyang bantaan gamit ang video.’

“Okay, huwag na natin pag-usapan ang ibang bagay. Naghanda na ako ng kontrata para sa iyo, at iyo na ang $150,000,000 basta pirmahan mo lang iyon.” Pumunta sa Willow sa desk niya, kinuha ang kontrata at inabot ito kay Maisie.

Hindi iyon kinuha ni Maisie mula sa kaniya. “Mukhang kailangan mo talaga ako.”

“Heh, sa tingin mo ba talaga ay gusto kong narito ka sa Vaenna?”

“Oo, pagkatapos ng lahat, ang taong gusto ko akong manatili sa Vaenna ay ang lalaking magbabayad sa akin ng $150,000,000 para sa iyo. Nakahanap ka ng masasandalan sa nakalipas na anim na taon, huh?” Sarkastikong asar ni Maisie. “Sayang lang na mayroon ka pang utang na sampal sa akin kahapon. Hindi ba’t malulugi ako kung pipirmahan ko na ito ngayon?”

Sumimangot si Willow nang marinig niya iyon. “Huwag mong sagarin ang swerte mo.”

Lumapit si Maisie sa kaniya, tumaas ang kilay at ngumiti. “Ang laki ng nawala sa akin dahil sa iyo noon. Hindi ko hahayaan na manipulahin mo ako pagkatapos ng lahat. Luluhod ka ba at hihingi ng tawad sa akin kung gusto mong pirmahan ko ito?”

Nang makitang tinataas ni WIllow ang kaniyang braso, mabilis itong pinigilan ni Maisie at hinawakan ang kamay ni Willow. “Balak mo pa rin akong sampalin?”

“Maisie Vanderbilt, pinapayuhan kitang pirmahan na iyan ngayon. Kung hindi, ilalabas ko ang video para malaman ng lahat sa Bassburgh kung gaano kalandi ang sikat na si Zora.”

Sinampal ni Maisie si Willow sa pisngi.

Natulala si WIllow. Nagngangalit ang ngipin niya nang bumalik ang kaniyang pandalama. “Walanghiya ka—”

“Ganito rin ba tratuhin ni Miss Zora ang iba sa Luxella?” Isang boses ang narinig mula sa likuran.

Pumasok si Nolan sa silid kasama ang kaniyang personal assistant at nagkataon na nasaksihan niya ang eksena.

Naranasan na niya ang pagka-arogante ng babaeng ito, pero hindi niya inaasahang ganito kalabas ang loob niya.

Bumulong si Maisie sa sarili, “Ibang klaseng pagkakataon.”

Sa loob-loob niya ay masayang-masaya si Willow dahil tamang-tama ang dating ni Nolan. Kinagat niya ang ibabang labi upang magmukhaang kaawa-awa. “Nolan, huwag mong sisihin si Miss Zora. Kasalanan ko lahat. Baka mayroon akong nagawang mali.”

Lumapit si Nolan kay Maisie at binalaan ito gamit ang walang emosyong tono, “Marami akong paraan para alisin lahat ng oportunidad mo para makabalik sa Luxella kung ipagpapatuloy mo ang ganitong attitude.”

“Binabantaan mo ba ako?” Tumingala si Maisie. Ayaw na ayaw niyang piangbabantaan siya!

Bahagyang kumunot ang noo ni Nolan nang makita ang galit sa mga mata ni Maisie. “Ano naman kung banta nga iyon?”

Tumawa nang malakas si Maisie. “Kayo ang gustong magtrabaho ako dito. Pero hindi niyo lang ako pinabayaan noong una, sinampal niyo pa ako. Mukha ba akong uto-uto para sa inyo?”

“Dapat siyang humingi ng patawad sa iyo para sa nagawa niyang mali.” Lumapit sa kaniya si Nolan. “Pero hindi ba dapat ay humingi ka rin ng patawad sa maling nagawa mo?”

“Anong ginawa kong mali?” Inunat ni Maisie ang mga kamay. “Binabalik ko lang ang pagtanggap na nakuha kahapon. Patas na kami sa sampal na iyon. Bakit ko iyon naging kasalanan?”

“Sinasabi mo bang binabastos ko ang isang matanda kapag nagpasa ako ng police report dahil nanakawan ako ng isang matandang tinutulungan kong tumawid sa kalsada?”

Makikita ang inis sa mga mata ni Nolan. “Huwag mo ng bigyang katwiran pa ang ginawa mo.”

Suminghal si Maisie, tumalikod at kumaway. “Kung ganoon. Itutuloy ko ang sinasabi ko. Wala na tayong dapat pag-usapan pa.”

Biglang hinawakan ang braso ni Maisie nang maglalakad na sana siya papunta sa elevator. Hinila siya papunta sa hagdan.

Nagpumiglas si Maisie. “Anong ginagawa mo? Bitawan mo ako!”

Binaba ni Nolan ang tingin at seryosong sinabi, “Bumalik ka at humingi ng patawad.”
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2771

    “Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2770

    Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2769

    “Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2768

    Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2767

    Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2766

    ”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status