C H A P T E R 3
Umiiyak na nakatulala si Catharine sa kawalan habang pilit na inaalis sa isip niya ang nangyari. Ang bilis-bilis ng pangyayari at ngayon ay nakakulong siya sa isang napakalaking kwarto na walang ibang ilaw kung hindi ang nag-iisang maputlang bombilya.Pakiramdam niya ay isa siyang babae na nasa loob ng pelikula. Iyong isang tao na malapit ng patayin.Humagulhol siya ng iyak. Ayaw pa niyang mamatay, baka madurog ang puso ng nanay niya kapag napahamak siya. Mahal na mahal siya ng nanay niya na kahit ang laki-laki na niya ay pinapaypayan pa siya kapag walang kuryente. Gusto pa niyang makita ang baby bunso niya at tulungan ang ina sa pag-aalaga sa bata, magkandakuba sa pagtitinda at paglalabada para sa panggatas ng kapatid niyang baby. Kahit ano handa siyang gawin basta makaalis lang siya sa lugar na kinaroroonan niya sa mga oras na iyon.She had waited for twenty years to finally have a sibling that’s why she never regretted when she found out that her mother was pregnant. Kahit na galit siya sa ama ng bata, hindi siya magagalit sa kapatid niya. Mahal na mahal niya ang nanay niya at ang kapatid niya, pati na ang mga tiyahin niya kahit na hindi iyon mga matataas na uri ng tao.Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa isang sulok at tumakbo sa pintuang kahoy na may nakaukit na dragon. Natatakot siya sa kabuuan ng kwarto na pakiramdam niya ay may lalabas na multo mula sa CR at hihilahin ang mahaba niyang buhok na wala ng direksyon at parang sinalag na ng ibon.“Hooooy!” Sigaw niya habang umiiyak. “Pakawalan niyo ako rito! Gusto kong makausap ang mga pulis para magsalita! Kailangan ako ng nanay ko at gusto ko na siyang makita! Ikulong niyo ako pero sa presinto at hindi rito!” Kinalampag niya ang pinto pero parang wala namang tao sa bahay na pinagdalhan sa kanya.Ang laki-laki ng bahay pero parang multo ang laman bukod sa mga mamahaling gamit. Iyon ang nakita niya kanina tapos ngayon ay binitbit siya sa basement tapos ay lumabas sila sa kabahayan at dinala siya sa isang mas maliit na annex. Nang mabuksan ang pintuan ay pabalya siyang itinulak ng nakaitim na lalaki sa dambuhalang kama na parang wala namang natutulog.“Hoooy!” Sigaw pa ni Catharine kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. “’Yong Nanay ko kailangan ako ng Nanay ko. Umiiyak na ‘yong nanay ko kasi wala ako sa tabi niya habang nanganganak siya. Bakit niyo ako ikinulong dito? Hindi ako ang pumatay kay Señor Abelardo! Hindi ko kinuha ang pera na ‘yon! Mahirap ako pero hindi ako magnanakaw at lalong hindi ako mamamatay tao! Hindi ako masamang tao!” Nanlulumong napaluhod siya sa sahig habang umiiyak.Ang sama-sama ng loob niya na nakabuo kaagad ng akusasyon ang mga lalaking nakaitim na dumating kanina sa loob ng isang luxury hotel.Bakit po ako? Alam Niyong wala akong kasalanan, Diyos ko, ‘wag Mo po akong pabayaan Pudra Jesus. Ikaw na lang po ang Papa ko at kapag iniwan mo pa ako, hindi ko na alam… lalo siyang umiyak dahil sa piping dasal niya.Bakit ang inaakala niyang swerte ay nauwi sa trahedya? Maayos silang nag-uusap ni Señor Abelardo nang pumasok sa hotel pero bakit ganoon ang nangyari?“Tuloy ka, hija. Huwag kang maalangan, huwag kang matakot. Palitan mo na ang damit mo dahil may ipinahanda ako riyan na mas balot kaysa sa suot mo.” Alok ng matanda sa kanya nang buksan noon ang pintuan ng room 606, pero kanina pa nagtataka si Catharine dahil napapadalas ang paghawak ng matanda sa dibdib nito.“Okay lang po kayo?” Kaagad niya itong hinawakan sa braso at hinimas ang dibdib nito.Ngumiti ito sa kanya at saka tumango. “I’m fine. Tuloy na hija at magpapadala ako ng pagkain at iaaabot ko na sa iyo ang pera mo para bukas ay makauwi ka na sa Nanay mo, pero kokontakin mo ako sa calling card ko ha.”Tumango siya at ngumiti.Pumasok siya sa kwarto ng hotel na pagkagara-gara at punong-puno ng ilaw. Kasusunod niya ang matanda.“Take a shower and change your clothes. Grab that paperbag.” Utos ng matanda sa kanya at saka ito naupo sa sofa at dinampot ang telepono.Maingat na inilapag niya ang bag sa mesita at saka kinuha ang paperbag. Isang black leggings ang laman noon, isang puting tank top at itim na blazer. Sa tabi ay may isang pares ng puting sneaker shoes at maikling itim na medyas.Napangiti siya. Bibihisan talaga siya ng matanda dahil siguro masyadong daring ang suot niyang bestida na hilahin lang pababa ay hubad na siya. Hinubad niya ang sapatos na suot dahil kanina pa masakit ang paa niya.“Maliligo lang po ako.” Paalam niya kay Señor Abelardo na tango at ngiti ang isinagot sa kanya dahil may kausap ito sa telepono at mukhang nag-oorder ng pagkain.Puno ng saya ang dibdib ni Catharine habang kinukoskos ang sariling katawan. Ang swerte niya dahil ang bait ng matandang mayaman. Walang pamimilit sa kanya kapalit ng malaking pera na ibibigay sa kanya. Siguro ay umaapaw ang kayamanan ng lalaki kaya ipinamimigay na lang. At ang mas nakakatuwa ay sincere ‘yon dahil walang nakakaalam ng pagtulong sa kapwa, hindi pakitang tao at mas lalong hindi pagmamayabang.Pagkatapos niya ay ibinalot niya ang sarili ng twalya at saka lumabas sa kwarto. Relax na nakahiga na ang matanda sa kama at nanonood ng TV. Wala itong suot na sapatos at inalis na rin ang suot na coat, pati na necktie.Nailang siya nang ngumiti ito habang nakatingin sa kanya. Pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa bago nagsalita.“Get dressed, Niña. The food will be here any m-minute…” Napangiwi ang matanda at napahawak sa dibdib. “W-We…” Nahigit ni Señor Abelardo ang paghinga.“Señor?” Parang dumagundong ang dibdib niya sa kaba nang makita niyang parang lumalaki ang mga mata ng matanda.“I...C-can’t…” Lalong kinuyumos nito ang dibdib at humawak sa headboard.“Señor!” Napatili siya at saka mabilis na lumapit sa matandang dumadausdos na sa may ulunan ng kama.“Diyos ko!” Niyugyog niya ang matanda pero nakanganga na ito at parang isdang kikiwal-kiwal sa paghahanap ng hangin.Napaiyak siya pero kaagad na tumakbo papalabas ng kwarto at sa labas nagsisisigaw.“Tulong! Tulong! Tuloooong!” Nilingon niya ang matanda na nakahandusay na kaya sumisigaw na tumakbo siya papasok ulit habang kipkip ang twalya.Lumapit siya sa intercom at pinindot iyon. “Tulong! 606! Tulungan niyo kami!”Dinaluhan niya ang lalaki sa kama at hinaplos ang dibdib nito na alam niyang naninikip.“Señor!” Umiiyak na niyugyog ulit niya ang balikat ng matanda pero hinawakan nito ang pulsuhan niya nang sobrang higpit na para bang may gustong ipahiwatig kaya natilihan siya.Ano ang gusto nitong sabihin? Hindi siya makatagal ng tingin dahil nakanganga ito at tumulo ang luha sa mata.“D-ar-k…d-d...” Nahigit noon ang paghinga at lalong nanlaki ang mga mata sa pag-aagaw buhay.Humikbi si Catharine at sunod-sunod na tumango. “Opo. Tatawagan ko kayo sa calling card basta mabuhay kayo at pipilitin kong tulungan ang anak niyong si Dark.” Umiyak siya at muling lumingon sa nakabukas na pintuan.“Tulong nga! Tulong sabi! Sinabi ng tulong! Tuloooong!” Humagulhol siya lalo na nang makita niya ang sobre ng pera sa ibabaw ng bedside table, katabi ng bag na bitbit niya. Binayaran na siya ng matanda ng 200 thousand?“Señor ‘wag kayong mamatay.” Umiiyak na tiningnan niya ang mukha ng matanda pero bumitaw na ito sa pulsuhan niya.She tried giving him mouth to mouth resuscitation and CPR. Kahit na paano ay may alam naman siya sa first aid pero walang nangyari. Patay na ang matanda at nakabukas ang mga mata na basa ng luha.“Señor nga po…” hinaplos niya ang mukha nito.Naalala niya ang ama na namatay dahil sa impeksyon sa dugo. At katulad ng mga oras na iyon ay parang isang ama ang tingin niya sa matanda na hindi nagkait ng tulong para sa pamilya niyang nangangailangan. Bakit nawala na kaagad?Tumingin siya sa pintuan nang may marinig na mga ingay. Nagmamadaling pumasok ang isang team ng mga kalalakihang naka-uniporme, ang staff ng hotel at kaagad na nilapitan ang matanda sa ibabaw ng kama at binitbit papalabas.Hindi niya malaman kung saan siya pupunta. Namatay sa mga kamay niya ang matandang lalaki at ngayon ay pinagpipeyestahan siya ng mga taong nakatingin sa labas ng pintuan ng kwarto.Wala siyang pakialam. Ipinapanalangin niya na sana ay maka-survive pa ang mabait na matanda kahit na parang wala ng pag-asa.At kapagkuwan ay mga lalaking naka itim naman ang pumasok at isinara ang pintuan.Natakot siya at napasiksik sa isang sulok. Mga tauhan iyon ng matanda pero bakit ang dami?“Magbihis ka!” Singhal ng isang lalaki sa kanya pero umiling siya.“Ayoko! Hihintayin ko ang pulis na mag-imbestiga! Sino kayo? Bakit ang dami niyo?” umiiyak na tanong niya pero naroon ang tapang sa tono ng pananalita niya.“Magbibihis ka o dadalahin ka namin kay boss na ganyan ang hitsura?”Boss? Si Dark? Sinong boss?Parang ibinikti siya sa ere dahil hindi niya maapuhap ang hininga at ang salita.“Ayoko!” She cried and squeezed herself to fit in that corner of the room.“Bihisan mo!” Utos pa noon sa isang kasamahan na mabilis namang tumalima at saka pahablot na dinampot ang mga damit sa ibabaw ng kama.“Ayoko! Dito lang ako! Dito lang ako!” She panicked and tried to maul the man who grabbed her elbow.Sinampal niya ang lalaki na umigting lang ang mga panga bago tumaas ang kamay noon sa ere para saktan siya.“’Wag! Malilintikan ka. Ang utos ay bitbitin lang at huwag saktan. Mamaya na ‘yan paaaminin kapag may resulta na sa ospital tungkol sa nangyari kay Señor.”Marahas na hinila ng lalaki ang twalya sa katawan niya kaya natakpan niya ang sarili. Kung anong bait naman pala ng matanda ay ganoon naman kababoy ang mga tauhan noon na parang trumiple yata ang dami ngayon.“Isuot mo puta! Nakakapanggigil ka!” Singhal sa kanya ng lalaki habang hawak ang panty niya at nakayuko sa may harap niya. Ipinasusuot noon ang panty sa kanya na parang isa siyang bata.Sa sobrang inis niya ay tinuhod niya sa mukha ang impakto kahit na humahagulhol siya ng iyak, at tumimbuang iyon papahiga.“Aray ko!” d***g noon at siya naman ay hinila ang kurtina at itinakip sa sariling katawan.“Magbihis ka na dahil wala kang magagawa kahit na lahat kami sipain mo! Mas masakit ang sipa ni bossing kaysa sa sipa mo Miss.” Anang pinakalider sa lahat.“Masakit din putang ina!” Atungal ng isa habang sapo ang mukha at namimilipit sa sakit habang nakahilata sa sahig.“Isuot mo!” Singhal na ng leader at ikinasa ang baril kaya nagmamadali siyang tumalima sa utos kahit na ang gulo-gulo ng utak niya…“Ayoko rito! Uuwi na ako!” Patuloy si Catharine sa pag-iyak habang nakaluhod sa may pintuan.Narinig niya kanina sa sasakyan na totoong patay na ang Señor at heart attack daw iyon. Kaya lang ang sabi ay foul play. Nakita raw sa dugo ng matanda ang klase ng droga na dahilan ng atake sa puso. At narinig din niya na may laman daw na droga ang bag at mga pera.Hindi niya alam. Nagtiwala siya pero bakit sa isang iglap ay inilaglag siya ng mga tao sa club. Akala niya ay hindi iyon mangyayari dahil hindi naman nangyari sa tiyahin niya na tumanda na lang bilang isang beteranang Magdalena sa ilalim ng Mama L na iyon.Why did suddenly the whole story twist from happiness to tragedy? Ang inaakala niyang swerte ay kamalasan pala at hindi lang basta isa, patung-patong na kamalasan. Ano ba ang inaakala ng mga lalaking iyon na dumampot sa kanya? Na nilason niya ang matanda para mamatay? Bakit niya gagawin iyon?Ipis nga na gumagapang sa sahig ay napapatalon siya at napapatakbo sa halip na sapakin ng tsinelas, tao pa ba kaya na mas higit ang buhay kaysa sa anumang nilalang sa mundo ang pag-isipan niyang masaktan?She’s not that violent and she’s not that evil. But of course, who will ask anyway? Siya lang naman ang nakakaalam na mabuti siyang tao kahit na mahirap siya. Hindi naman iyon alam ng mga taong nagpahamak sa kanya. At kung sino man ang mga walang-hiyang iyon ay hindi siya basta-basta magpapatalo.Tumayo siya at saka lumuluhang tumalikod sa pintuan pero siya namang marahas na pagbukas noon kaya tinamaan pa siya at tuluyan na bumagsak sa carpeted na sahig.“You’re slut!” Tili ng isang babaeng umiiyak pero parang umiikot ang pakiramdam niya dahil sa pagkakadapa ng mukha niya sa sahig.Biglang may dumagan sa kanya at hindi niya napaghandaan ang isang marahas na sabunot mula sa likuran at halos ipukpok ang mukha niya sa sahig. “Bitch! Bitch! Bitch!”D*****g siya at pilit na pinigil ang babae pero hindi siya makagalaw. Hinang-hina siya at pagod sa kakaiyak tapos may ganoon pa siyang mararanasan?“You killed my husband! You killed my husband! You took away my happiness! You’re a one big slut! Slut! Slut!” Walang katapusang sampal ang inabot ni Catharine sa likod ng ulo niya at ang liyo niya ay nadagdagan nang paulit-ulit siyang iumpog ng babae sa sahig.Nanlalatang napabitaw na siya sa kamay noon na ang higpit ng pagkakahawak sa buhok niya na halos ikatuklap na yata ng anit niya.“H-Hindi...” halos pabulong na sagot niya pero iniumpog pa siya ulit ng babae habang wala iyong tigil sa pag-iyak.“Papatayin din kita! Papatayin din kita!” Itinulak nito ang ulo niya, dahilan para malakas na sumalpok iyon sa sahig at naramdaman niya na parang may bumulwak na dugo galing sa noo niya.Kahit na may carpet ay hindi noon kayang pawiin ang lakas ng mga umpog na inabot niya mula sa babae na asawa yata ng namatay na matanda.“Hindi ko siya… pinatay…” Bulong niya at hanggang sa huli ay paninindigan niya iyon kahit na ikamatay pa niya.“I don’t believe you! Bitch! Liar! Gold digger! P****k ka! P****k!” pinaghahampas pa nito ang likod niya kaya napaubo siya. Tumutunog ang likod niya sa lakas ng mga palo at bugbog na inaabot niya pero parang namanhid na ang buo niyang sistema hanggang sa parang nagdedeliryo niyang marinig ang boses ng namatay na lalaki.“Holy Christ, Fiona!”Dumagundong ang boses na iyon sa kasuluksulukang parte ng tainga ni Catharine pero hindi na siya makakilos. Boses iyon na maawtoridad at malalim. Walang emosyon at parang pag-aari nga ng isang patay.Humihikbi siya at hindi man lang nagawang ipagtanggol ang sarili sa asawa ng matanda. Hindi ko naman nga inano. Bakit ako?Sumigok siya at ipinikit ang mga mata nang maramdaman niya na tumigil na ang babae sa pananakit sa kanya.“I am always proud to let the whole world know that my wife once became a traded maiden. She had traded herself for the life of her mother and that made me fall for her, knowing how kind her heart was and knowing how kind her heart would always be.” sinundan ang mga salitang iyon ng matiim na titig kaya parang nalaglag ang panty ni Catharine.Kahit na narinig na ni Catharine ang mga salitang iyon ni Drear noong gabi na ibandera siya nito sa madla ay napaiyak pa rin siya. Tatlong taon na ang nakalilipas simula nang mag-propose ito at ngayon ay kasal na sila, may instant dalawang anak na babae at lalaki, ang kambal na maliit na Drear at isang babaeng maliit na Kat-Kat – their fraternal twins.Masaya na siya at graduate na rin sa wakas. Isa na siyang Senior flight attendant, Mommy at asawa.At kaya may speech ang asawa niya ay sa charity workshop niya para sa mga kabataang babae at lalaki na kamuntik na ibenta ang sarili sa mga clubs at gay bars. Karamihan sa mga iyon ay pinondohan ng
The Traded Maiden…is the dark billionaire’s rumored girlfriend, a slut, a whore, a woman from a brothel, and was impregnated by a billionaire, Dark Villaraigosa. The question is – is he the father of the slut’s baby or he doesn’t know, either?We learned that the said woman did not come from a decent family. The trading of their own flesh runs in their blood streams, from her Aunts who had been long term…Hindi niya tinapos. Umigkas ang panga niya sa nabasang mga kataga na iyon na direktang humahamak sa pagkatao ng babaeng kaisa-isa niyang minahal.His heart got badly painful and his eyes welled up too fast in tears.My poor woman.“Drear, calm down, son.” Mahinahon na awat sa kanya ng tiyuhin pero kaagad ang mga iyon na napatalon papalayo nang walang habas niyang balikwasin ang mesa na may lamang mga kape at pagkain.Ang insulto ay di hamak na triple ang sakit para sa kanya kaysa sa babaeng hinahamak ng mga iho de putang pilato na nagti-tsismis sa buhay nila.“Hahanapin ko ang
S P E C I A L C H A P T E RStronger Than EverCatharine has never been so happy in her entire life, seeing her only family intact. Kinuha na ni Drear ang pamilya niya ilang araw matapos silang makapag-usap at ang pinaninindigan ng ina niyang ayaw na sumama ay nalusaw nang umiyak siya at nakiusap na sumama na sa mansyon.At ngayon ay nakangiti siya habang nakikita ang ina na nag-aasikaso ng mga halaman habang ang baby bunso naman niya ay nasa stroller.Nang bumukas ang pintuan ay kaagad siyang naglakad papalapit kay Drear at syempre pinupog ng halik ang mukha ng bossing niya at naglambitin pa. And she got a warm smile in return, a very loving gaze.“Let’s go. I have an important golfing session to attend with some of my business partners. Baka hindi ako makasundo, babe. Will you be fine?” He asked plainly but she pursed her lips and starts to march.“Ei naman kasi.” Marahas niyang kinamot ang ulo at tinatamad na inilaylay ang mga balikat at mag-isang naglakad papunta sa hagdan.
C H A P T E R 46 Umiiyak na napasugod si Catharine sa mansiyon pero wala roon si Drear. Kahit na gusto niyang magpaliwanag sa yaya Lerma niya ay umalis na lang ulit siya kaagad at sa building ng mga Villaraigosa siya tumuloy.Nalulula siya sa tayog ng building habang tinitingala niya sa labas at saka siya tumingin sa mga gwardiyang hindi mabilang sa napakalaking entrance. Kapag wala si Drear sa opisina, nasaan? Baka nga naroon sa bahay ni Shae Miranda at natutulog kagaya ng sabi niyon.Namumugto ang mga matang nilakasan niya ang loob na lumapit at nagtangkang pumasok.“Ma’am bawal po ang bisita na walang appointment. Saang opisina po kayo?” Tanong ng isa sa mga gwardiya na magalang naman.“Office of the CEO/CFOO.” Matatas na sambit niya kahit na nagkatinginan ang mga gwardiya at mukhang hindi pinaniniwalaan na doon ang punta niya.Such a fool Niña Catharine. Ganoon ba talaga siya hindi kilala ng mga tao bilang babaeng inilalabas ni Drear at nililigawan na maging girlfr
C H A P T E R 45 Drear faces Brent for the second time inside his building. Hindi niya alam kung anong sadya ng lalaki pero hindi na siya interesado. Matyaga siya sa pangliligaw kay Catharine at napapanindigan niya ang salitang walang galawan na magaganap hangga’t hindi inaamin sa kanya ng dalaga ang totoong nararamdaman niyon para sa kanya. They’re intimate almost every minute while they’re spending their time together, but he had learned to control himself and be contented for a passionate kiss and warm hugs. And that girl is as sweet as hell. Palagi na lang siyang inaasar tapos maya’t maya ay panghalik nang panghalik. At kilikilig naman siya. They’re merely like best of friends and he enjoys every moment he spends with her and with her family. She has a great family. Mga lahi ng kalog pero masarap kasama at kahit na minsan ay hindi niya naramdaman na etsapwera siya. Pakiramdam niya ay totoong parte na siya ng pamilya at nabubuo ang kulang sa pagkatao niya. Para nga sa kanya ay
C H A P T E R 44 Nakaupo si Catharine sa ilalim ng pine tree at naghihintay kay Drear na puntahan siya dahil schedule ng prenatal check-up niya. Ilang linggo na rin ang lumipas at dalawang buwan na ang tiyan niya, may umbok na at halata na. Hindi pa siya kinakausap ng mother counselor nila pero handa naman siya. Hanggang sa mga oras na iyon ay matyaga pa rin si Drear na pabalik-balik para ihatid at sundo siya, kapag wala ay si Greg ang sumusulpot. Nag-umpisa na rin kasi ang trial ni Fiona at ang unang beses na tindig ni Drear sa korte ay naroon siya. Grabe ang paghanga niya sa binata lalo kapag nagsasalita ay napapanganga siya. Nganga siya sa English na may British accent. Lalo na lang tuloy na napaglilihihan niya at minamahal. Patingin-tingin siya sa suot na relo pero wala pa rin si Drear. “Wala ka pa bang sundo? Tanghali na, baka gutom na si baby.” Ani Clarissa na naiwan dahil umuwi na si Psyche. As usual may inaasikaso na naman ang kaibigan niya sa mga kapatid na naiwan. “Wa