"O pa'no Rob, ikaw na ang bahala rito sa kababata mo. Paluin mo sa puwit kung ayaw sumunod sa iyo. At ikaw Sophie, makinig ka kay Rob. Araw-araw siyang magbibigay ng update sa akin tungkol sa mga ginagawa mo," bilin ng Daddy niya kay Rob. Naroon sila ngayon sa NAIA 3. Paalis ang mga ito para sa isang buwan na honeymoon sa Carribean. Iyon ang surprise gift niya sa mga magulang.
Lumabi siya sa sinabi ng ama. "Dad naman, I'm not a kid anymore."
"Of course you still are! You will forever be my stubborn little princess." Kinabig siya nito payakap. "I'm serious, Sophie. Behave," bulong pa nito.
"Yes, Dad," walang gana niyang sagot. Nang bumitiw sa kanya ang ama, yumakap naman siya kay Tita Lucy.
"Salamat sa honeymoon trip na ito, anak!" ani Tita Lucy na bumeso pa sa kanya.
"No biggie, Tita! Basta ang gusto ko, mag-enjoy kayo doon ni Daddy," aniya.
"Talagang mag-eenjoy kami!" sabat ng Daddy niya, pilyo pang tumingin kay Tita Lucy. Nanikwas ang nguso niya. Si Rob naman, nakitawa.
"Basta Rob, itong kababata mo," pahabol na bilin pa ng Daddy niya.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong umoo si Rob.
"Narinig mo 'yon, Ting? Ako raw bahala sa 'yo. Kaya dapat, behave ka lang," anito habang pinagmamasdan nila ang magulang niyang papasok na departure area.
Bumaling siya rito. "Make me," aniya bago nakangising nagmartsa pabalik sa sasakyan nito.
-----
Nang humapon, magkasama sila ni Raine na pumunta sa charity event para sa isang bahay ampunan. Isa kasi ito sa mga major sponsor ng event na iyon. Si Raine Alejandro ang kaibigan niya mula pa kolehiyo at classmate niya sa kursong Mass Communication. Ngunit pagka-graduate, mas pinili nitong magtayo na lang ng isang high-end jewelry shop, ang Treasures. Hindi naman ito nagkamali sa pinasok na negosyo sapagkat sa loob lang ng tatlong taon, mayroon na itong dalawang branches, isa sa Greenhills at isa sa Glorietta. Puro mga bigating tao ang nagiging kliyente nito. Kung hindi artista ay pawang mga may sinasabi sa buhay. Kaya naman binansagan na ito ngayong Jeweller of the Stars. Palibhasa'y maagang naulila at lumaki rin sa ampunan, malapit talaga ang puso nito sa mga batang kapos-palad. Kaya palagian itong nag-oorganize ng mga charity events to help the less fortunate.
"Kumusta na?" tanong nito sa kanya. Naroon sila sa isang coffe shop sa Makati. Doon sila dumiretso ng matapos ang charity event.
"I'm doing great! My agency gave me 60-day of much deserved vacation kasi katatapos lang ng fashion week. Ikaw kumusta?" masiglang tanong niya.
Nanulis ang nguso nito. "Gaya mo, heto, diyosa pa rin. Kaya lang, maraming intrigero at intregera. At higit sa lahat, may mga intrimida ring bashers." Inayos nito ang buhok nito. "Pero kung ito ang sumpa ng pagiging maningning na diyosa na may nakasisilaw na kagandahan, okay na rin. Kayang-kaya ko. Mangisay sila ng lahat sa kagandahan ko!" Napahalakhak na ito.
"Agree ako d'yan. Self-confidence for the win!" natatawa niyang pahayag.
"Naman!" Bumingisngis ito bago uminom ng kape. "Maiba ako, nag-iisa ka 'ata ngayon. Bakit wala si Rob aka Mr. Knight in Shining Armor slash alalay slash bodyguard slash best friend mo?"
Sumimsim siya sa cup ng cappuccino na inorder niya. "Busy 'yon, nasa project site pa siguro," maikli niyang sagot. Ayon sa kuwento nito kanina nang ihatid siya nito sa lugar ng charity event, didiretso raw ito sa Tagaytay for site visit dahil naroon ang recent project ng RMM Builders.
Tumango-tango lamang si Raine bilang sagot. "E si Philip kayo na ba?" Nanunudyo ang mga mata nito, nang-iintriga.
"Phil is just a friend," paglilinaw niya.
Nanikwas ang nguso nito. "Ano ba naman 'yang sagot mo, very showbiz!" reklamo nito. "E si Rob, kailan magiging kayo?"
Nalukot na ang mukha niya. "He! Tigilan mo 'ko pang-iintriga, Francine Marithe! Magkaibigan lang kami ni Rob forever and ever, amen! Baka nga ngayon mismo may date sila ni Rachel."
"Sinong Rachel?"
"Recent girlfriend ni Rob."
Napamaang ito. "Ay, iba na naman? Parang 6 months ago, 'yong starlet pa ang dyowa no'n a. Hindi ka nagseselos?" dire-diretsong hirit nito.
"H-hindi. Bakit naman ako magseselos?" She'd be dumped at the end of the quarter anyway, gusto niya sanang idagdag pero pinigilan niya ang sarili.
Nangalumbaba si Raine, sandaling nag-isip. "Alam mo, naisip ko lang, pa'no na kung magtino na 'yang si Roberto at makaisip nang magpakasal?"
Natigilan siya. Sa loob ng maraming taon ng pagkakaibigan nila ng kababata, ni minsan hindi pa iyon sumagi sa isip niya. Paano na nga kaya? Agad na bumigat ang dibdib niya sa naisip.
"Alam mo, maraming na-iinlove na mag-bestfriends sa umpisa," patuloy pa nito bago makahulugang tumingin sa kanya.
Napakurap-kurap siya, nailang sa titig ng pang-iintriga ni Raine. "M-malayong mangyari sa amin 'yon," tanggi niya.
Ngumisi ito. "Talaga lang, ha? Alam mo ba na, there's a thin line between love and friendship?"
Napairap na siya kunwari. "Sabihin mo nga Raine, may bago ka bang raket ngayon? Bakit kung makaintriga ka daig mo pa mga showbiz reporters? May pa-thin line thin line ka pang nalalaman!"
Dumiretso ito ng upo. "Of course! Because that thin line is the event horizon. And no matter what you do, no matter what you say, nobody gets back after going past that line."
Kumabog ang dibdib niya sa sinabi ng kaibigan. It's the same thugging of her heart she felt when she and Rob almost kissed the night came home from Paris 2 days ago.
Nagkunwari siyang uminom ng kape dahil wala siyang mahagilap na sasabihin. O mas tamang sabihin na kahit na alam niya ang sasabihin, she'd rather not speak about it.
Rumolyo ang mga mata ni Raine, halatang imbyerna. "If I know, may HD 'yon sayo. Kaya gano'n kung kani-kanino binabaling ang atensiyon." dugtong pa nito.
"H-HD, as in...hidden desire?"
Ngumisi ito. "Sira, hidden diri!"
Nang humalakhak si Raine, nakihalakhak na lang din siya kahit na hindi napalis ang pagbigat ng dibdib niya.
-----
Gabi na subalit hindi makatulog si Sophie. Binubulabog pa rin siya ng sinabi ni Raine sa kanya kanina. Wala sa sarili niyang sinipat ang larawan nila ni Rob sa kanyang night table. She smiled. Kuha iyon noong 21st birthday niya. Actually, it was a candid shot of him and her laughing.
Suddenly, she felt nostalgic. Buong buhay niya, kasama niya si Rob. They've known each other since forever. Rob is her constant. And she had to admit, though she realized it late, that one time in her life, she had this silly crush on him. Pero matagal na 'yon, ni hindi na nga niya maalala kung bakit at paano umusbong sa batang puso niya ang damdaming iyon para sa kababata. She got over it somehow.
Did she really got over that silly feeling? Or she just got used to it because she's very good in playing pretense?
Siguro nakalimutan na niya. Binirahan siya kasi nito ng, "Sorry Sophie, hindi ako pumapatol sa nene."
She giggled at the thought.
Sigurado siya, wala ng next level pa ang relasyon nila ni Rob. Isa pa bukod sa nene siya sa paningin nito, hindi rin siya ang tipo ni Rob. Ang tipo nito ay mestiza, with curves on the right places, at biniyayaan ng malaking hinaharap. At ni isa sa mga iyon, wala sa kanya.
Muli niyang naalala ang usapan nila ni Raine kanina. Bumigat ulit ang dibdib niya nang maisip na anumang oras ay maaring ikasal si Rob.
"I'll be ready when that happens," wala sa sarili niyang sabi bago niyakap ang unan niya.
It was more of a prayer than a statement.
-----
Binisita ni Sophie si Tita Mae kinabukasan ng hapon. The old woman was tending to her orchids yet again. Gaya nang dati, hindi pa rin niya mapigilan ang mapahanga sa mga naggagandahang mga bulaklak na alaga nito. Iba-iba ang kulay ng mga iyon at may kanya-kanyang pangalan sa ibabang bahagi ng driftwood na kinalalagyan ng mga ito.
"Bakit po walang pangalan ang isang iyon, Tita?" tanong niya. Ang tinutukoy niya ay ang isang driftwood na nasa gitnang bahagi ng Orchidarium. Malalaking kulay puti ang bulaklak niyon na may ibat-ibang kulay sa gitna. Kung tutuusin, hindi iyon pansinin dahil tila ordinaryo ang hitsura. Pero dahil sa tingkad ng kaputian niyon at puwesto na rin, hindi iyon puwedeng hindi mapansin.
Ngumiti si Tita Mae bago sumagot. "That's actually one of the most priceless flower on my personal collection. Alam mo bang binigay 'yan sa akin ng kaibigan kong orchid biologist from Sri Lanka? Siya mismo ang nag-alter genetically bago niya ipinagkatiwala sa akin ang propagation at floral transformation. It's one of a kind." Nanatili itong nakatitig lang sa bulaklak mula sa puwesto nila. " And I pray, sooner or later, my son would realize the beauty of that flower," bulong nito maya-maya.
"Po?"
Nakangiti itong bumaling sa kanya. "Ay hindi, wala. Teka, nagugutom ka ba? Tara sa lanai, magpapahanda ako ng merienda."
Hindi na siya nakatanggi sa paanyaya nito. Sa lanai nila ipinagpatuloy ang kanilang kuwentuhan. Marami itong tanong. Karamihan tungkol sa trabaho niya. Sinagot naman niyang lahat. Nang gumabi na at hindi pa ito tapos sa pagtatanong, hindi na rin siya nakatanggi nang ayain siya nitong doon na rin maghapunan.
Pasado alas-sais ng gabi nang dumating si Rob.
"Ting, nandito ka pala," bungad na bati nito sa kanya, nakangisi.
Agad na tumikwas ang nguso niya. "Maganda na sana ang bungad mo e, nanlait ka pa."
"Ito naman hindi na mabiro. Suplada!" anito bago madiin na kinurot ang kanyang mga pisngi.
"Aray! Masakit 'yon Roberto!" angal niya nang tantanan nito ang pisngi niya. Mangiyak-ngiyak niya iyong minasahe kaya lang ayaw kumalma ng mga kamay niyang gustong maghiganti sa kulot na salot! Tumayo na siya at tinangka itong hampasin. Ngunit alisto itong tumakbo papasok ng bahay. Hinabol niya ito ngunit tuloy pa rin ito sa pagtakbo. Tuloy, para silang aso't pusa na naghahabulan sa salas.
Tumigil lamang sila nang lumabas si Tita Mae mula sa kusina at sinabihan silang handa na ang hapunan.
"Maiba ako, hija," umpisa ni Tita Mae habang nasa hapag sila. "Totoo ba na boyfriend mo na iyong Phil na napapabalita sa TV?"
Humugong si Rob. "Ma, tsimis na naman yan e."
Inirapan ni Tita Mae si Rob. "He! Pabayaan mo 'ko. Ikaw ba tinatanong ko? Bakit ikaw ang sumasagot? Kumain ka na lang d'yan, Roberto," saway ni Mae sa anak.
Lihim siyang napabungisngis pero napansin 'yon ni Phil. Minulagatan siya nito. Binelatan naman niya ito bilang ganti.
"Sophie?" pukaw sa kanya ni Tita Mae maya-maya.
Bumaling siya kay Tita Mae. "Phil and I are just friends, Tita. Nothing romantic really."
Biglang umaliwalas ang mukha nito. "Ibig sabihin, may pag-asa pa itong si Roberto ko."
Nasamid si Rob. Napamaang naman siya.
Tama ba ang dinig niya?
Nagkatitigan sila ng kaibigan..
"Este ang ibig kong sabihin, malaki ang pag-asa na makapag-asawa ka ng Pilipino," pagliliwanag nito. "Hay naku, Sophie. H'wag kang mag-aasawa ng hindi Pinoy, ha? Alam mo naman, para na kitang anak. Mahirap pakisamahan ang ibang lahi. Baka api-apihin ka lang no'n. Basta do'n tayo sa Pinoy. Tandaan mo 'yan."
Nagkatinginan lang ulit sila ni Rob bago sabay din na umiwas ng tingin.
"Lucky are the pair of eyes who can see," bulong pa nito. Tatanungin pa sana niya ito ulit tungkol sa sinabi nito kaso dumating na si Tito Ben at sumalo sa kanila sa hapag. Naging maingay ang kuwentuhan sa sumunod na dalawang oras.
A quite knock on the door made Sophie turn to its direction. Maya-maya pa, bumukas iyon—revealing Rob’s conflicted face.Mabilis siyang lumapit sa asawa habang kinakabit ang diamond earring sa tainga niya. “Why? What’s wrong?” nag-aalalang tanong niya.Rob huffed and shook his head slowly. “I guess your sister is stalling again. Nagkulong na naman daw sa banyo sabi ni Mommy Lucy. I told you, she doesn’t want to have this kind of party. Honey, she’s not comfortable.”Napailing na rin siya, nasapo ang ulo na bigla ‘atang nanakit. Tonight is Jasmine’s, her adoptive sister, 18th birthday. Siya ang nakaisip niyon matapos niyang malaman na binu-bully ang kapatid niya sa St. Gabriel University kung saan ito ngayon nag-aaral bilang senior highschool. She wanted to show the world that though it is a common knowledge that she and Jasmine do not share the same blood, they both carry the Benitez name and nothing will ever change that.Jasmine is her sister. At handa siyang ipagtanggol ito sa kahit
Cassie seemed to be too overtaken by a lot of emotions that her logic starts to fail in comprehension. Pero mas lalo naman siyang natuliro nang marahan siyang akayin ni Rob paakyat sa hagdan. She did not question him. Tahimik lang siyang sumunod dito. Nang marating nila ang 3rd floor, iginiya siya nito sa malawak na veranda. The whole place was surrounded with tea-light scented candles. Nagkalat din sa sahig ang talulot ng gumamela at iba pang bulaklak. Lalong bumilis ang pagkabog ng dibdib niya nang makita niya sina Raine, Tyrone, at ang mga biyenan at magulang niya, all standing on one side of the veranda with satisfied smiles on their faces. Her mind got clouded with confusion almost immediately. "B-bakit kayo nandito? Dad akala ko... Raine, bakit... " Hal
Nagmamadaling lumabas ng sasakyan nito si Raine at dire-diretsong nag-doorbell. Pinagbuksan ito ng isang unipormadong katulong at pinapasok sa maliit na gate.Tensiyonado siyang naghintay sa loob ng sasakyan. Inabala niya ang sarili sa pagtingin-tingin sa cellphone niya at sa baby niya. Kaya lang, sampung minuto na ang nakakalipas subalit hindi pa rin nagte-text si Raine. Nang pumalo na sa kinse minutos ang paghihintay niya, tuluyan na siyang nainip. Malapit na rin kasing lumatag ang dilim sa paligid. Saktong pababa na siya ng kotse nang makatanggap siya ng text mula sa kaibigan. Puwede na raw siyang pumasok.Karga-karga niya ang baby niya nang bumaba siya ng kotse at nagtungo sa sa gate. Magdo-doorbell sana siya pero nakita niyang bukas ang maliit na gate sa gilid ng bahay.
"Alam mo ba na mahal ang bayad sa mga kargador, Sophia?" tikwas ang ngusong reklamo ni Raine habang hirap na hirap ito sa pagbibitbit ng mga iuuwing gamit ni Baby Ethan. "Sa dami nitong gamit ni Baby Ethan, para na rin kayong naglipat-bahay dito sa ospital, a.""E sabi mo 'pag kailangan ko ang nakakasilaw na kagandahan mo tawagan lang kita," kaswal na sagot niya, hinaplos pa ang pisngi ni Ethan na nasa mga bisig niya. "Kailangan ko ng tagahakot e."Lalong nanulis ang nguso nito. "Jusko! Sana sinabi mo man lang na gagawin mo lang pala akong kargador at driver para hindi na ko nag-stilletos!" patuloy na reklamo nito bago nagpatiunang pumasok sa elevator. Hinihingal nitong ibinaba ang ilang bag na naglalaman ng mga ginamit ni Baby Ethan sa mahigit dalawang linggo nitong pananatili sa ospital. Raine kept on murmuring as sh
Nang makauwi si Sophie, nagpakalma muna siya sa kanila bago siya nagpunta sa mga bahay ng biyenan niya. Wala rin kasi sa kanila ang mga magulang niya. Alam niyang abala pa rin ang mga ito sa paghahanda ng nursery ng baby niya. Gusto niyang makita ang nursery ng baby niya. She wanted to cherish that moment of becoming a first time mom no matter how painful is the other side of it. Gusto niya, paglaki ng anak niya, may maikukuwento pa rin siya kung paano at gaano ito kamahal ng mga lolo at lola nito noong dumating ito sa mundo. And no matter how fleeting her baby would stay in that room, she'll make lots of memories in it for her son. Nakapagdesisyon na kasi siya. She'll ask her attorney to draw a legal separation agreement for her and Rob. At kapag kaya na niya,
Tinititigan ni Sophie ang sarili niya sa salamin. She was asking herself what's wrong with the way she looks that her husband just won't take even just a glance at her.Napabuga siya ng hininga at inayos ang buhok niyang nakalugay.Halos dalawang linggo na siyang nagpapaganda, nagbe-bake ng cheesecake at nanunuyo, pero deadma pa rin talaga ang pa-importanteng Kulot!She had tried many times to talk to him but he'd deliberately avoid her at all costs. Ang dahilan nito, busy ito sa trabaho. Marami raw itong na-pending na gawain mula nang ma-coma ito. Rob would stay-up late at night in the office and go home to his parent's house. Habang siya, natutulog sa bahay nila. Ni minsan, hindi pa sila nagtabi na mag-asawa mula nang manganak siya.