Share

Kabanata 2

“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, Happy birthday Happy birthday to you! Happy birthday Nimby!” Iba’t ibang bati at sigaw ang narinig ko pagka kanta nang maligayang bati nang aking kaarawan. Bagama't nakatutuwang maraming bisita nanaman ako ngayon ngunit nakakalungkot na wala pa hanggang ngayon si Bleatish, at paniguradong kalahati sa papulasyon nang bisita ngayon ay mang hihingi nang plastic para ipang balot.

Napailing iling nalang ako nang makita ang papalapit na si Aling Delya.

“Pahingi nga ako nang salad mo Nimby, mukhang masarap eh,” anito na ikina busangot ko naman.

“Doon po kayo kay Mama mag paalam.” Napakamot ito nang ulo.

“Eh sabi nang Mama mo sa ‘yo ko raw sabihin.” anito na ikina nguso ko.

Si Mama talaga, kapag kasi ayaw ni Mama magbigay, ay sa ‘kin n’ya pinapasa ang mga ganito. Hay nako.

“Sige po Aling Delya, mamaya po babalutin ko kayo— Este babalutan ko kayo nang salad.” ani ko nang naka ngiwi.

Malapad naman itong ngumiti tsaka tumango.

“Asahan ko ‘yan ah, mauna na ‘ko.” anito tsaka pumunta sa hapagkainan at kumain.

Mag lalakad na sana ako palabas nang bigla na lamang akong harangan ni Ate Lolith, napakamot ako nang ulo tsaka bumubuntong hiningang humarap dito.

“Ano po ‘yon Ate Lolith?”Ngumiwi ito tsaka tumikhim.

“Puwede bang ibalot ko nalang ‘yong kakainin ko Nimby? Wala kasing mag babantay sa anak kong si Jhon sa bahay eh,” anito na ikina tango ko nalang. Hindi ko na nga sila inimbitahan at mag isa silang pumunta dito may pabalot pa jusko.

“Sige po Ate Lolith.” aniko rito na ikina ngiti nito. “Babalutan ko na rin nang pansit si Jhon ah? Salamat Nimby!” Tumango nalang ako kapagkuwan nang tumalikod ito ay umiling iling ako.

Hay nako.

Pagkatapat ko sa may pinto ay napa atras ako nang bumungad sa ‘kin ang nakangiting mukha ni Mang Kanor. Jusko!

“Ano ba naman ‘yan Mang Kanor!” aniko na ikina kamot nito sa ulo.

“Pasensya ka na Nimby. Maligayang kaarawan nga pala sa ‘yo. Ang ganda mo ngayon ah?” anito na inirapan ko nalang.

Paniguradong may kailangan ito sa ‘kin.

“Matagal ko nang alam na maganda ako Mang kanor mana ako sa maganda kong Nanay eh,” aniko na ikina ngiti nito nang malapad.

“Asaan nga ba ang maganda mong Nanay?” palihim ko itong inikotan nang mata.

Para-paraan ang matanda.

“And'yaan lang po ‘yon Mang Kanor sa loob. Baka po nasa kusina,” aniko na malapad nitong ikina ngiti habang tumatango tango.

Nang makaalis ito ay umiling iling akong lumabas tsaka dumeretso sa upuan sa harap nang bahay namain at sa gilid nang makipot na kalsada nang iskinitang ito. Ilang sandali pa ay nakita ko nang may paparating na Van, napakunot ang noo ko nang makita itong nakapasok? Hindi kaya ito nakabangga nang mga tambay doon sa kanto? Masyado kasing masikip ang iskinita dito isang sasakyan lang ang kasya at hindi na nga kakayaning mag U turn pa dahil masikip.

Nang tumigil ito sa harap nang bahay namin ay lumabas ang mga sampong kalalakihan na mga armado. Sa gitna nang mga ito ay mukhang bisugo na lalaki. Mahambog itong humarap sa ‘kin tsaka nag tanong.

“Nasaan dito ang asawa ni Lorenzo?” anito na ikina kunot nang noo ko.

Bakit nila hinahanap si Mama?

“Bakit n’yo s ‘ya hinahanap?” intriga kong tanong na ikina ngisi nito.

“Maninigil lang kami,” anito na ikina taas nang kilay ko.

P'anong maninigil eh hindi ng ‘yon nangungutang si Mama?

“Ano naman ang sisingilin n’yo sa ‘kan’ya aber?" aniko na ikina iling nito.

“Kung alam mo kung nasaan ang asawa ni Lorenzo sabihin mo nalang bago ka pa malintikan sa ‘min.” anito na ikina irap ko naman. Ako pa talagang tinakot n'ya.

“Bakit n’yo pa hahanapin ang asawa kung andito naman ang anak n’ya?” aniko na ikina ngisi nito nang malapad.

Hinihiling ko nalang sa mga ngiting ‘yon na hindi maging mapayapa ang kaluluwa ni Papa sa kalangitan o sa empyerno man.

“Kailangan n’yong bayaran ang inutang nang Tatay mo.” anito na ikina irap ko habang pinag krus ang braso sa tapat nang dibdib.

“Bakit naman kami ang mag babayad? Eh hindi naman kami ang umutang ah? Kung gusto n’yo singilin n’yo si Papa sa langit o sa empyerno.”  Mataray kong ani na ikina tiim bagang nito.

Nakita kong napapatingin na ang mga kapit bahay, at ang mga bisita sa loob nang bahay ay lumalabas na at nakiki ususyero/ra.

“Wag ka ngang makialam dito bata–”

“Hindi na ‘ko bata labing limang taong gulang na ‘ko mukhang bungal!” inis na ani ko na ikina irita nito.

May ilan namang natawa at ang mga kasama naman nito ay napahagikhik nang palihim.

“Anong nangyayari dito?” napalingon ako nang marinig ang boses ni Mama, Nawala ang ngisi ko sa labi tsaka humugot nang malalim na buntong hininga.

“Wala po Mama, ako na po ang bahala dito, pumasok na po muna—”

“May isang milyon at limang daang libong milyong pisong utang ang asawa mong si Lorenzo, para sa collateral na kan’yang pinirmahan, Ibibigay n’yo sa ‘kin  ang inyong bahay at lupa. Isinangla na rin naman nang asawa mo ang lupa sa ‘kin at binigay n’ya na ang titulo walong taon na ang nakalilipas. Bukod pa d'on pinirmahan at nakipag kasundo s‘ya na kapag hindi n’ya nabayaran ang mga inutang n’ya ang anak at asawa n’ya ang mag babayad nito. Nakasulat din doon na kapag hindi nabayaran ang utang sa nakalathalang panahon ipapakulong ko kayo.” anito nang nakangisi. Napahawak naman sa dibdib si Mama na ikina hawak ko dito. Bahagya pa itong napaatras.

Ang pangit na nga nang bisugong 'to nag hahanap pa nang gulo!

Mahigpit ang hawak nito sa ‘kin na ikina sama nang tingin ko sa lalaking mukhang bisugo.

“Hindi kami mag babayad sa utang ni Papa at tsaka, Hindi kami ang umutang n’yan. Matagal nang patay si Papa, kung gusto n’yo si Papa nalang ang singilin n’yo at hukayin n’yo sa libingan n’ya.” aniko na ikina tiim bagang nito.

“Pilosospo kang bata ka-!”

“Tama na!” sigaw ni Mama nang akmang sasampalin ako nito.

“Kakasuhan namin kayo nang harassment kapag hindi pa kayo umalis!” ani pa ni Mama na ikinapag alala ko dito.

Umatras naman ito pero bago ito pumasok sa kan‘yang sasakyan ay may sinabi pa ito.

“Bibigyan ko kayo nang dalawang buwan na palugit para bayaran ang utang na milyones ni Lorenzo. At sa dalawang araw na hindi pa kayo nakaka-alis sa bahay na ‘yan ipapademanda ko na kayo nang tresspassing.” anito na naka tiim bagang papatulan ko pa sana, nang mahigpit akong hawakan ni Mama sa braso.

Paatras ito umalis sa iskinita na ikina buntong hininga ko.

Babalingan ko na sana si Mama nang bigla nalang itong humandusay sa sahig na ikina luhod ko.

“Mama!” Maputlang maputla na ito at mahina na ang pag tibok nang puso.

Kinakabahan akong humingi nang tulong sa mga nakakita habang nanunubig ang mata.

Sa kabutihang palad naman ay tinulungan naman ako ni Mang Kanor at Mang Isko at sinakay sa trycicle si Mama.

Pabalik balik ako sa harapan nang emergency room.

Pinauwi ko na rin muna sina Mang Isko at Mang kanor para asikasuhin ang Bahay. At walang pag-ampahat ang pagtulo nang luha ko magsimula nang umalis hanggang sa ngayon.

“Ikaw ba ang Guardian nang pasyente?” Napaharap ako sa doctor tsaka mabilis na tumango.

“Mama ko s’ya,” malalim ang hinugot nitong buntong hininga tsaka, malungkot na ngumiti.

“Kailangan nang operahan nang Mama mo sa lalong madaling panahon. Kailangan na mapalitan ang puso n’ya dahil sa mas lalo itong nakakapag komplikasyon.” Gusto kong mag salita pero ni isang salita ay walang lumalabas sa aking bibig tanging pagtulo lamang nang luha ang aking naisagot dito.

“Kailangan mong makahanap nang heart donor nang Mama mo at kailangan, bago mag dalawang buwan ay maoperahan na s'ya kung hindi ay baka mas lumala ang kalagayan n’ya.”

“Mabilis akong tumango tsaka pinahid ang luhang hindi matigil tigil sa pag tulo.

“M-Magkano po ang aabutin nang operasyon?" Utal kong sabi na ikina buntong hininga nito.

"Kailangan s’yang mailipat sa mas mapasilidad na hospital at  aabutin nang mahigit Isang milyon ang operasyon.” an'ya na ikina tango ko nalang habang lumuluha.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nang umalis ang doctor ay nang hihina akong napaupo sa bench waiting area nang mga bisita nang isang pasyente tsaka tahimik na umiyak.

“I’m sorry but we’re not hiring those who are not graduated from college and don’t have a diploma.” ani nang pang ilang beses ko nang Job interview.

Isang Linggo na ‘kong nag hahanap nang matas na mag pa sweldong trabaho pero lahat nang kinukuha nila ay mga tapos sa koleheyo.

Gutom ako at kulang sa tulog. Tuluyan ko na ring inilipat ang mga gamit namin ni Mama sa  bahay ni Mang Kanor dahil sa nag prisinta itong, ito muna ang mag babantay sa mga gamit namin sa bahay n’ya habang wala pa kaming nalilipatan.

Bale, kada sampong trabaho kada araw ang ina-apply-an ko, lima sa umaga lima sa hapon at uuwi sa hospital para bantayan si Mama,lumulubog na rin ang ilalim ng mata ko at nangagayayat na ‘ko. Pero kailangan ko kasing makahanap nang trabaho na mataas ang sweldo para makapag ipon nang mabilis.

Minsan nga iniisip ko, mag prosti kaya ako? Ibenta ang katawan. Dahil sa tingin ko ‘yon ang mabilis na paraan sa pera eh. Pero naisip ko rin ang magiging reaksyon ni Mama baka gumaling nga ito bumalik rin ang sakit dahil sa pag kawala nang dignidad at ang iniingatan kong pagkababae.

Napaupo ako sa bench sa harap nang huling kompanya na pinasukan ko ngayon.

Nakakapagod. Nag kapaltos paltos na rin ang paa ko sapag suot nang mga heels ni Mama. Hindi rin ako masyadong makahinga sa pagkasikip sikip na Skirt na ni-regalo pa sa 'kin ni Bleatish noong pag 23th birthday ko.  Napabuntog hininga ako at hindi na mapigilang mapahagulgol.

Walang tigil kong inilabas ang sakit na isang linggo ko nang pinipigil, bawat pag pasok ko sa hospital, paghanap nang trabaho at araw araw na palihin na pagiyak. Hindi ko na alam.

Minsan naiisip ko. Patay na nga si Papa nag iwan pa ang magaling kong Tatay nang problema. Sumabay pa ang kalagayan ni Mama.

Humikbi ako nang humikbi habang nakayuko nang makita ko ang kulay asul na panyong nakalahad sa aking harap. Hindi ko ito pinansin at nanatilig nakatayo nang mas iumang nito sa mukha ko ang panyo, kung kaya't bigla akong napatigil at dahan dahan itong iniabot.

Hindi ako nag salita. Nang makuha ko ang panyo ay nag lakad ito patungo sa likuran ko at doon umupo.

Wala sa sariling ginamit ko ang panyo nito sa basang basa ko nang mukha tsaka ko naman ito narinig na nag salita.

“Are you okay?” Pamilyar ang boses nito ngunit binalewala ko ito.

“Mukha ba akong ayos lang?” mas lalo akong umiyak na ramdam  kong ikina taranta nito.

“I-I mean don ‘t cry, wag kang umiyak. Ano bang nangyari?” sa isip ko, na--- ang feeling close naman nito, pero sabi noon ni Mama mas mabuting sabihin mo ‘yong nararamdaman at problema mo sa hindi mo kilala at hindi ka kilala atleast, hindi ka nila kilala hindi ka nila huhusgahan at hindi sila mag kukumento nang hindi mo gusto.

“Okay lang ba na mag kuwento ako?”

“Oo naman,” sagot nito na ikina angat ko nang tingin. Nakaupo na kami ngayon sa magkabaliktaran na puwesto---magkatalikuran kami.

“May isang milyon at limang daang libong piso si Papa na utang at bigla namang inatake sa puso si Mama na kailangan na nang heart transplant. At sa dalawang buwan, kailangan kong mabayaran ang mga kailangan sa hospital para sa opera ni Mama at the same time kailangan ko ring mabayaran ang utang ni Papa." 

"Ilang linggo na ‘kong humahanap nang trabaho ngunit lahat nang matataas ang sweldo ay kailangan nakatapos sa kolehiyo.” Pagpapatuloy ko pa.

“Ano bang tinapos mo?” tanong nito na ikina singhot ko nang nagbabadyang pagtulo nang uhog.

“Naka dalawang taon lang ako sa cullinary arts. Kasi hindi na ni Mama kaya ang tuition ko kahit iskolar naman ako--- at simula nang namatay si Papa ako na ang bumubuhay sa ‘ming dalawa ni Mama eh.” aniko rito na ikina hugot nito nang malalim na buntong hininga.

“How about you seek help from ‘your friend?”

‘Yong isa kongkaibigan nasa Newzealand busy ‘yon ayaw ko namang guluhin, ‘yong isa ko namang kaibigan sa tingin ko busy din sa kasal n’ya at kailangan din no'n panigurado nang pera para sa future nila.” aniko pa na mas kinabuntong hininga nito.

“I can, I mean how about I give you a—” naputol ang sasabihn nito nang tumunog ang cellphone ko.

Napapahid naman ako nang mukha tsaka kinuha ang cellphone sa aking bag. Nakita ko namang si Bleatish ito kung kaya’t sinagot ko agad ito.

“Hello?” garalgal kong ani na ikina buntong hininga nang nasa kabilang linya.

Are you okay?” napahagolgol ako nang marinig na tinanong nito iyon.

Bakit ba kasi kapag tinatanong na ‘yan eh bigla na lamang tumutulo ang luha ko?

Pinunasan ko ito at sumagot.

“H-Hindi ako okay.” tapat kong sabi na ikina buntong hinininga ulit nito.

“Pumunta ka dito sa hospital, mag uusap tayo.” anito na ikina tango ko na para bang nasa harap ko lang s’ya.

“Sige, sige papunta na ‘ko.” aniko.

Okay, mag iingat ka Nimby…” Pinutol nito ang tawag kapag kuwan ay mabilis ko itong sinilid sa aking shoulder bag.

Pagtayo ko ay napatigil ako nang may humawak sa braso ko. Hindi ako lumingon. Ayaw kong makita  n'ya ang mukha ko at ayaw ko rin naman makita ang mukha nang lalaki, pinapanalangin ko nalang na wag na kaming mag kita.

“Wait–”

“Salamat sa pakikinig, pero kailangan kong puntahan ang kaibigan ko.” aniko na ikina bitaw nito sa braso ko.

“I just want to say that, baka ito na ang chance mo, grab it before it lasts, Ingat.” anito tsaka tuluyan nang binitawan ang braso ko.

“Salamat.” sagot ko pa tsaka na tumakbo sa sakayan nang bus.

Yakap ang sumalubong sa ‘kin nang makapasok ako sa ward ni Mama. Tahimik akong umiyak habang yakap si Bleatish. Hinaplos nito ang likod ko tsaka ako hinele hele na parang batang pinapatahan umiyak.

“Shh it’s gonna be okay…”

Mas lalo akong umiyak at mahigpit ko itong niyakap.

“Mang Kanor told me shh, I’ll help you…” anito na ikina tigil ko sa pag iyak at tanging hikbi nalang.

“Tutulungan mo ako? P-pero mag papakasal ka pa…”

Umiling ito nang malungkot.

“Actually I’m here to offer you something i’ll pay you million woth of money just to do this work for me.” anito na ikina kunot nang noo ko at mabilis na pinunasan ang luha.

“Bleatish naman! Ayaw ko nang illegal na gawain!” aniko na ikina tawa nito nang bahagya kapagkuwan ay nalungkot ulit.

“Hindi naman siguro illegal ang pagtakas sa kasal diba?”

“Ano!?”

“Bakit naman tatakas ka sa kasal mo?” dugtong ko pa na ikina iwas nito nang tingin.

“You wouldn’t understand me.”

“Edi ipaintindi mo nang  maintindihan ko,” aniko rito habang hinihilot ang sintido.

Umiling iling ito habang unti unti nang tumutulo ang luha.

“Niloko ka ba no’ng lalaking ‘yon?” Seryoso kong ani na hindi naman nito sinagot.

“Bleatish ano? Sinaktan ka ba nang lalaking ‘yon?” Umiing naman ito kapag kuwan ay seryosng bumaling sa ‘kin nang tingin.

“I–I… Hindi pa ‘ko handang mag asawa. I’m still in the middle of my career.” rason nito na ikina wala nang  kunot kong noo at ikina pamaywang ko.

“Bleatsih naman, Ibig sabihin ikaw lang ang ayaw mag pakasal?” Hindi ito sumagot.

Bumuntong hininga ako. “Ano nga ba ‘yong i-oofer mo sa ‘kin?” pag iiba ko nang tanong na  ikina harap nito sa ‘kin.

“I need you to be me in my wedding day.” ani nito na ikinalaglag nang panga ko.

“Bleatish naman!” aniko na ikina tulo nang luha nito.

“Ito lang ang paraan para Hindi ako mapahiya!” rason pa n’ya na ikina iling ko.

“Pero ang fiance mo ang mapapahiya, at tsaka masasaktan s’ya.” aniko pa na ikina yuko nito.

“Tulungan mo ‘ko at babayaran kita Nimby. Hindi pa talaga ako handang ikasal.”

“Pero Bleatish…”

“Please Nimby kaibigan kita di ‘ba? Tsaka kailangan mo rin nang pera, para kay Tita Naomi.” anito na ikina iling ko.

“Pero may masasaktan ka Bleatish. Ano nalang ang iisipin nang Fiance mo? Na ‘yong akala n’yang kaya s‘yang samahan habang buhay ay tinakbuhan s‘ya. Masasaktan ‘yong tao.” aniko na ikina iling lang nito.

“Pag usapan n’yo Bleatish, mas mabuting may pag uusap ang dalawang mag ka realsyon kesa wala. Masasaktan at masaaktan lang kayo.” Dugtong ko pa na sunod sunod nitong ikina iling.

Hindi ko rin minsan maintindihan ang mga desisyon ni Bleatish, masyado s‘ya padalos dalos. Mukha namang matino ang fiance n’ya nang makita ko ito sa Mall.

“Hindi na mababago ang desisyon ko Nimby.” pinal na ani nito na ikina hugot ko nang buntong hininga.

Tumayo ako sa kina uupuan namin dito sa waiting area tsaka sya binalingan nang tingin.

“Mag usap ka’yo, Bleatish pakiusap. Hindi naayos ang probema sa solusyong pagiging makasarili.” aniko tsaka tumalikod.

“Hindi na mag babago ang isip ko. Tawagan mo nalang ako kung gagawin mo ang alok ko, kung ayaw mo talaga ipapagawa ko sa iba.” aniya na ikina iling ko nalang.

Hindi na ‘Ko nag paalam dito at deretsong pumasok sa ward ni Mama.

Humugot ako nang buntong hininga kapagkuwan ay hinawakan ang kamay ni Mama at tahimik doong umiyak.

“Ano bang gagawin ko Mama? Dapat ba tinanggap ko na ‘yong alok ni Bleatish?” ani ko  habang tumutulo ang luha. Napa yuko ako at tsaka pinunasan ang aking luha.

Kinuha ko ng mansanas at tsaka kinagatan ito nang hindi man lang hinuhugasan o binabalatan. Kinakagat ko ito habang walang tigil na lumuluha. Kung may makakakita sa ‘kin aakalain na iniiyakan ko ‘yong mansanas. 

“I just want to say that, baka ito na ang chance mo, grab it before it lasts, Ingat.”

Natigil sa ere ang kamay ko sa pag subo tsaka ako napatigil sa pag nguya at pagluha nang maalala ang huling sinabi nang hindi ko kilalang lalaki na nakausap ko sa parke.

Napalunok ako tsaka napailing iling.

Bakit ko naman susundin ‘yon malay ko ba kung malasin ako kung sundin ko ‘Yong payo na grab it before it lasts.

“Ipapagawa ko sa iba…” napailing iling ako nang marinig ang boses ni Bleatish sa aking isipan.

Napalingon ako kay Mama tsaka napasimangot. “Mama ano ba ang dapat kong gawin?” Bumuntong hininga ako tsaka ibinaba ang mansanas at muling hinawakan ang kamay ni Mama nang bigla itong gumalaw. Nanlaki ang mata ko tsaka binalingan ang mukha ni Mama. Hindi naman ito nag mulat nang mata kaya dali dalia kong pumunta sa nursing station.

“Gumalaw ‘yong kamay ni Mama!”ani ko sa isang Nurse na napadaan sa harap nang ward ni Mama.

Tumango ito tsaka mabilis na naglakad kapagkuwan ay dumating naman ang isang doctor.

Tinignan nito ang vital signs ni Mama tsaka bumaling sa ‘kin.

“Hindi iyon tanda na magiging maayos na ang Mama mo Ijha.” Nawala ang ngiti sa labi ko tsaka tuyo ang lalamunan ko itong sinagot.

“A-ano po ba ang nangyari?”

“Humihina na nang humihina ang puso nang Mama mo kailangan n’ya nang magkaroon nang heart transplant sa lalong madaling panahon.” ani nito na ikina tango konalang. Nang umalis na ang mga ito ay hindi ko mapigilang mapahagulgul. Nanlulumo akong napaupo.

“Mama naman eh, gagalaw na nga lang kamay mo hindi pa para i comfort ako, baka mag kasakit na rin ako sa puso dahil sa nang yayari sa ‘yo.” Nang hihina akong napahilamos sa mukha tsaka wala sa sariling binalingan ang cellphone ko. Tsaka dinaial ang number ni Bleatish.

Hello?” sagot nito.

“H-hello?” garalgal ang aking boses nang sumagot ako dito.

“Nimby? What happened?”

“Tinatanggap ko na ang alok mo.” ani ko na ilang sandali nitong ikina tahimik sa kabilang linya.

“I’m glad you agreed. Let's talk tomorrow for the details.”

….

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status