Share

Kabanata 1

“Ito bilhin mo ‘din at tsaka bumili ka rin nang harina ah? Ano pa ba?” Patuloy kong nilista ang mga sinasabi ni Mama tsaka muling nag isip.

“Diba po mag sa-salad ka Mama?”

“Ay oo nga pala masarap ‘yong fruit salad! Bumili ka nalang nang mga ‘yan sa mall?” Napasimangot ako.

“Ang mahal ‘don eh,” ani ko tumawa naman ito. “Hayaan mo nang makapag palamig ka, bibigyan kita nang pambili, ako na ang bahala.”

“Bahala ka Mama,” masungit kong ani na ikina ngiti nito.

Napailing nalang ako, tsaka tinignan ulit ang mga listang naka sulat sa kapirasong papel.

“Ito lang po ba? Fruit cocktail tsaka, condese?” tumango ito.

“Mama kung pupunta akong mall puwede ba akong bumili nang damit?” nakangisi kong ani na ikina lingon nito. Nag huhugas kasi ito nang bigas para sa pang hapunan namin mamaya.

Ngumiti ito, “ Oo naman sobra ang ipapadala ko sa ‘yong pera kumain ka na din doon kung gusto mo.” Tumango ako at malapad na ngiting yumakap dito.

“The best ka talaga Ma!” marahan lang itong tumawa tsaka ako inirapan. “Tigilan mo ‘ko j’an Nimby ah!” Suimangot ako. “Ano ka ba naman Mama, dapat sabihin mo ‘Tigilan mo ako Napakaganda kong Nimby ah!’” Pang gagaya ko kay Mama na ikina simangot nito at akma akong babatukan nang lumayo ako dito at tumakbo papuntang kuwarto.

“Sige na mama mag bibihis na po ako! Chill lang po kayo, ang puso mo!” tawa tawa kong sabi. Umiling ito at bahagya pa 'kong dinuro, “ewan ko sa ’yong bata ka, mana ka talaga sa ka-preskuhan nang Tatay mo!” Tumigil ako nang bahagya at lumingon dito.

Sinimangutan ko ito. “ Ma naman! Sa ‘yo kaya ako nag mana, sa ganda, talino at syempre sa ka-preskuhan!” ngisi ko na ikina taas nang kilay nito.

“Ewan ko sa 'yo Louisse! Mag bihis ka na roon!” Umiling iling akong dumeresto sa kuwarto.

Nag bihis na 'ko nang isang kulay Itim na skirt at pulang longsleeve croptop na regalo pa nang bespar kong si Mnebane at regalo naman ni Bleatish ang skirt, habang pinaresan ko naman ito nang kulay abong sandals na regalo ni Mama no’ng nakaraang kaarawan ko.

Ano naman kaya ang mabibili kong damit sa tatlong daang binigay ni Mama pambili nang damit?

Umiling iling lang ako tsaka kinuha ang shoulder bag ko tsaka nag lagay nang konting pulbo.

“Ma aalis na po ako!” 

“Sige na, mag iingat ka!” balik sigaw ni Mama.

Lumabas na ‘ko tsaka dinaanan ang kalye palabas dito sa looban.

Nadaanan ko pa sina Mang Badong, ‘yong mga dating kainuman ni Papa

“Nimby! Kamusta ang Nanay mo? May handa ba kayo mamaya sa Bertdey mo?” Tanong ni Mang Kanor na may gusto pa ata kay Mama, inirapan ko ito.

“Buhay pa naman po si Mama at maganda pa rin naman po!” pasigaw kong ani na kinatawa nito.

“Pupunta ako sa bertdey mo bukas ah!?”  Inirapan ko nalang ito at dumeretso nang sumakay sa kaka-palabas lang na trycicle.

Ano bang pinuputok nang butsi n’on ni Mang Kanor eh kahit nga hindi imbatahan eh pumupunta sila.

“D’yan lang po sa malapit na mall,” ani ko tsaka inabot dito ang trenta pesos na pamasahe, malayo layo rin kasi ‘yon, mga isa’t kalahating kilometro rin 'ata ‘yon.

Mag dadalawampu’t Lima na ‘ko bukas, at masiglang masigla si Mama na handaan ako kasi daw, sa mga edad na ganito raw eh, ang panahon o oras nang pag aasawa.

Pwee! Sakit lang naman sa ulo ang pag aasawa eh, mabuti pang alagaan ko nalang si Mama.

“Para po Manong!” ani ko tsaka Inayos ang pananamit ko, pumasok ako sa loob nang mall at bahagayang nginitian ang guard na sinuklian din naman ako nang isang matipid na ngiti. Mabait naman ako kahit papaano noh.

Marami akong nakitang mga kabataang mga kinulang pa sa telang suot ko ngayon, bagay naman kasi ‘to sa 'kin, eh sa kanila? Napangiwi ako nang may makitang babaeng puro ata ‘yon kinagatan nang namok ang hita puros itim itim tapos napaka-puting bistida at kupas na puting sapatos. ‘Kopiko’ napailing ako habang palihim na humahagikhik.

Mag bebente sinko lang ako naging pintasera na ‘ko.

Deretso akong pumunta sa may grocery store tsaka kumuha nang basket, ayaw ko n’ong cart eh, sa pag kakaalam ko sa mga mayayaman lang ‘yon.

Nag kibit balikat ako sa naisip.

Nilibot ko ang mata ko sa paligid at iba’t ibang mga pagkain ang nakita ko. Alangan naman iba't ibang kalyo, pa'no naman ‘yon makikita d’ba? Stupid Nimby!

Napailing ako tsaka dumeretso sa Cocktail sections. May nakita naman akong de-lata na fruit cocktail at malaki hanggang sa maliit ang nakahilera sa isang stante.

“Magkano ba ‘tong pinaka malaki?” bulong ko tsaka yumuko bahagyang naka squat at  tiningnan ang presyo nito sa stante.

Napaatras ako nang makita ang libong presyo nito.

‘990’ nahiya pa ‘yong management nila na dagdagan nang ten pesos ano?

Napiling ako tsaka tiningnan ang kasunod, ngunit napasimangot ako nang isang daan lang ang binawas nang presyo.

Para hindi na mapagod at manlumo kakatingin ng mga presyo dumeretso ako sa pinaka sa pinaka pang maliit at napasimangot nang makita ang presyo nito.

“Sinabi ko na ngaba masamang sinunod ko si Mama na dito bumili sa mall, dapat sa Palengke nalang ako puwede pang tumawad!” mahina kong ani sa sarili tsaka napailing at walang magawang kinuha ang isang daan at limampung pisong presyo nang pinaka maliit na lata.

“Mas mahal pa ‘to d'on sa palengke jusko.” Dumeresto ako sa iba pang stante at kinuha ang pinaka maliliit at mura. Tsaka dumeretso sa sanitary section. Nang matapos ay pumunta na ‘ko sa counter para mag bayad.

Napalinga linga pa 'ko at muling tinignan ang listahan nang mga bibilhin at nabili ko naman na lahat maliban sa paminta para sa lulutuing bihon. Napaka mahal ba naman kasi nang presyo nang paminta dito eh, kaya sa palengke nalang ako n’on bibili.

“One thousand two hundred po Ma’am," Napasimangot ako at kinuha ang binigay ni Mama na dalawang libo. Ano ba naman ‘yan ba‘t may two hundred pa? Kakain pa 'ko eh tsaka bibili nang damit, tapos wala pa 'kong pa balloons. Napabuntong hininga nalang ako at tsaka kinuha ang basket nang mga pinamili ko. Papunta na ‘ko sa iwanan nang gamit nang biglang bumungo ako sa matigas na dibdib.

Malas na nga ako sa presyo nang mga binili ko, pati ba naman ngayon minamalas pa 'ko?

Naputol kasi ‘yong hawakan nang basket ko nag kalat lahat sa sahig.

Liningon ko ang lalaking malas na bumungo sa 'kin at bahagya akong napa nganga nang makita ang gwapo nitong mukha.

‘Nasa langit na ba ako?’ Napakurap kurap ako nang sundutin nito ang ilong ko.

“Miss I ask you if  you’re okay? Let me help you,” anito tsaka tinulungan akong ayusin ang mga natapon na pinamili ko, tuliro pa 'ko nang i-abot nito sa ‘kin ang mga nag kalat na bote nang condense at nang maliit na fruit cocktail.

Sinamaan ko ito nang tingin kapagkuwan nang maalalang naputol nga pala ang hawakan nang basket.

“Putol na tuloy ‘yong hawakan nang basket ko,” masamang tingin ang pinukol ko dito tsaka hinablot ang bote nang Condense na inaabot nito.

“I’m sorry, I was looking to find my fiance.” paumanhin nito sa malalim na boses na ikina buntong hininga ko nalang.

“Ibili mo nalang ako nang basket.” Pakiki-negosasyon ko. Kumunot ang noo nito.

“What basket?” 

“Basket lang hindi mo pa alam?” kunot noo kong sabi na ikina kamot nito nang ulo.

“No, I mean are you refering to the eco bag that look like yours?” Tumango ako dito na ikina tango nito nang bahagya.

“Alright, wait for me here I’ll go buy you some.” anito.

Yinakap ko naman ang basket ko na puno nang mga pinamili ko at pumunta sa may gilid tsaka ito hinintay.

Takasan lang talaga n’ya ako, isusumpa ko ang kinabukasan n’ya.

Bumuntong hininga ako nang marinig na tumunog ang telepono ko hudyat na may tumatawag.

Binaba ko muna ang mga pinamili ko tsaka kinuha ang cellphone sa loob nang shoulder bag ko.

Mnebane Calling…

Napangiti ako tsaka masiglang sinagot si Mnebane, kaibigan ko s’yang lalaki at halos mag lilimang taon na kaming mag kaibigan.

“Maganadang hapon Lason!”  Bahagya itong tumawa sa kabilang linya na ikina simangot ko.

“May nakakatawa ba?” mataray kong ani na ikina tigil nito.

“Wala po Ma’am,“ anito.

“Oh bakit ka napatawag? Eh pupunta ka lang naman sa bahay bukas ah?”

“‘Yon na nga Louisse eh, hindi ako makakapunta may dalawang linggong business meeting ako sa NewZealand.” Napasimangot ako.

“Isang araw lang naman eh, hindi ka talaga pupunta?” nakanguso kong ani na ikina buntong hininga nito.

“I’m leaving this evening…” Humugot ako nang malalim na hininga tsaka tumango na parang nasa harap ko ito.

“Okay fine, basta ba bumawi ka ah!” Tumawa ito.

“Oo naman kung gusto mo dalhin kita sa ibang bansa para lang mag bakasyon? Kayong dalawa ni Nay Naomi.”

“Nako wag na, basta mamasyal nalang ta’yo pag dating mo.” May narinig akong kaluskus sa kabilang linya tsaka naman ito nag salita.

Sige na Louisse, dumating na iyong sekretarya ko. Mag iingat ka, Happy Birthday Louisse Nimby!” anito. Napangiti naman ako tsaka tumango.

“Thank you,  ikaw din ingat sila sa ‘yo.” tumawa ito tsaka umungot.

“Sila pa talaga? Hindi ka man lang ba mag aalala sa ‘kin? Ako nalang nga ang tumatawag sa ‘yong maganda eh.”

“Tigilan mo ako Lason, maraming tumatawag sa ‘kin nang maganda noh,”

“Sino?” seryosong sabi nito na tinawanan ko lang.

“Secret, sige na ingat sila sa ‘yo panget.”

“Loui—” Pinutol ko na ang tawag tsaka nakangiting kinuha ang aking mga pinamili sa sahig at binalik ang phone sa bag ko, nang iangat ko ang tingin ko ay napapitlag ako nang makita ang seryosong matang taimtim na nakatingin sa ’kin.

“Ano kaba? Nakakagulat ka naman!” asik ko dito na  bahagya nitong kina ngiti.

“I- I this is you’re basket, I’m sorry again.” Tinanguan ko ito ngunit nang tingnan ko ang basket na binili n’ya ay ‘yong malaki, labing apat na piso ‘to! Liningon ko ito.

“Bakit malaki na ito?”

“Para marami pa ang mailagay mo.” Ngiti nitong ani na ikina simangot ko.

“Marunong ka naman palang mag tagalog engles engles kapa, nako!” ani ko dito tsaka yumuko.

“Oh tulungan mo ‘ko dito."

Makapal ang mukha kong saad na ikina  iling iling nito at tinulungan ako na ilagay sa loob ng basket na nasira kasabay ang mga pinamili .

Nginitian ko ito nang malapad tsaka sinukbit ang bag.

“Salamat, nawa’y mahanap mo ang fiance mo–”

“Love?” Napakunot noo ako nang may makitang babae sa likod nito.

Tatalikod na sana ako nang biglang tinawag nang babaeng boses na sobrang pamilyar ang pangalan ko.

“Nimby?” anito na ikina lingon ko dito nang nakakunot noo.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Bleatish, isa sa aking kaibigan.

“Bleatish!?” Ngumiti ito at tsaka mabilis akong niyakap.

“Oh my Gosh! Nimby!” Nag yakapan kami at bahagya pang umikot ikot at tumalon talon.

“Ilang Buwan din kitang hindi nakita ah? Maliban sa mga palabas mo sa TV syempre.” aniko na ikina ngiti nito.

“I was busy on my shooting in Batangas last month kaya hindi ako nakauwi dito sa Makati.” tumango ako tsaka nilingon ang lalaking bakas sa mukha ang kalituhan.

Nilingon din ni Bleatish ang tinitignan ko tsaka s 'ya bahagyang nagulat at kumapit sa braso nang lalaking nakabunggo ko.

“Anyways Nimby, this is Hyrous my fiance,” anito tsaka naman ako lumingon sa lalaki, “and Hyrous this is my friend Nimby.” Tumango ako dito at pangiwing nakipag kamay.

Malambot na medyo malaki ang kamay nito na ikina ilang ko. Tumikhim ako tsaka ngumiti.

“Congrats sa inyo, Pumunta ka sa Birthday ko bukas ah!” masaya kong ani tsaka mag papaalam na sana nang biglang mag salita si Bleatish.

“Si Mnebane pupunta ba bukas sa inyo?” 

“Ah si Lason? ‘Yon hindi daw makakapunta ang kupal kasi may meeting s’ya sa Newzealand,” aniko tsaka bahagyang ngumiti dito.

“Pero Bleatish, mauna na ‘ko may bibilhin pa kasi ako eh.”

“Tsaka Hyrous tama ba?” Baling ko sa Fiance kuno nito tsaka ito tinaasan nang kilay.

“Wag mong sasaktan ang kaibigan ko ah? Malilintikan ka sa 'kin, malakas ako sumipa at sumuntok.” mahambog  na aniko rito na ikina ngiti nito.

“Rest assured, I’ll take care of your friend.” anito na ikina tango ko.

“Alis na ’ko ingat kayo pauwi!” Kumaway kaway ako sa  kanila tsaka na tumalikod at dumeretso sa botique na gusto kong puntahan.

Napaisip ako, ‘yon ata ‘yong palaging kinukuwento sa ‘kin ni Bleatish na nobyo n’ya mag mula no’ng college s’ya.

Napailing nalang ako, What a coincidence… 

“Pukinginang mamahal!” napamura ako nang makita ang preso nang mga bilihin sa Penshoppe, doon kasi ako  pumasok eh, akala ko mura lang , mahal pala jusko.

Mahal pa sa panty kong sonny, buy one take one!

Napailing ako at tsaka lumabas, pumasok naman ako sa department store clothing section.

Nag tingin tingin ako nang damit at may nagustuhan naman akong bestida na kulay asul.  Kinuha ko ito at tinignan ang presyo.

‘399’ Yawang 'yan hindi pa ginawang four hundred!

Kinuha ko iyon tsaka nakasimangot na pumuntang counter.

“Hindi ba puweding three hundred nalang Ate?” tanong ko sa cashier na ikina ngiwi nito.

“Hindi po ‘to tyange Ma’am,” Nakita ko pa ang bahagyang pag ikot nang eyballs nang mata nito na inirapan ko lang.

“Bibilhin ko na! Nag tatanong lang eh,” aniko.

Ito ang unang beses na bumili ako nang napakamahal na damit! Pinaka mahal kasing damit na nabili ko hanggang dalawang daan lang eh, ‘yong ibang branded na damit ko--- bigay o regalo lang naman nang dalawa kong kaibigan na si Mnebane at Bleatish, yayamanin ang dalawang ‘yon eh. Nang mabili ang mga kailangan kong bilhin ay dumeresto na ‘ko pauwi sa bahay…

Kinabukasan…

“Magandang araw! Magandang umaga sa pinaka maganda kong Mama!” ani ko sabay yakap sa baywang ni Mama na nag luluto pa nang umagahan.

Nag Luluto kasi s’ya nang sopas, pampainit daw nang t’yan.

“Happy Birthday Anak!” Maligayang bati ni Mama na malapad ko namang nginitian.

“Salamat Ma.”

“Tikman mo nga oh,” Iniumang nito ang sadok na may sabaw sa aking bibig na pinaunlakan ko naman.

 Tumingin ako sa bubung naming anahaw na may kahoy tsaka napapikit pikit. Kapagkuwan ay bumaling kay Mama at ngumiwi.

“Masarap na po! Pero Kulang pa nang paminta at konting asin.” aniko na ikina iling ni Mama.

“Masarap daw pero may kulang pa pala,” bulong bulong nito na ikina ngiti ko nalang.

Magaling kasi si Mama mag luto, na namana ko lang rin naman sa ‘kanya.

Kinuwento pa nga sa ‘kin noon ni Mama na minsang naging isang taga-luto siya nang mayamang mag asawa kung saan ay mayordoma sa mansyon ang Lola ko na Nanay ni Mama. Hindi naman naisambit sa 'kin ni Mama kung sino ang mag asawang iyon pero sinabi n’ya naman na napakabait nang mga ito.

Labing limang taong guang s ‘ya noon nang kunin s‘yang taga luto sa mansyon pero, dahil daw nakilala n’ya si Papa, nakagawa s’ya nang kahihiyan sa parte nang Lola ko. Kaya’t umalis s’ya sa mansyon na iyon nang hindi nag papaalam. 

Nabuntis daw kasi s’ya noon sa ‘kin labing siyam na taong gulang palang s‘ya nahiya na s’ya sa mga ito kaya’t sumama na s’ya kay Papa.

Nang pinanganak ako ay doon n’ya lang naisabi kay Lola, at pagkatapos noong bisitahin daw s’ya ni Lola sa hospital ay umalis din s’yang hindi nag papaalam, Limang taong gulang ako noon nang mabalitaan ni Mama na patay na si Lola at binurol ito sa mansyon na pinag trabahuhan n’ya, Hindi ko na masyadong maalala pero ang sabi ni Mama tatlong araw kami noong pabalik balik sa mansyon upang tumulong sa pag asekaso nang pagkamatay ni Lola.

Ani pa ni Mama na inalok s ‘ya nang mag asawa na maging taga luto ulit pero hindi n ‘ya na ito pina unlakan dahil na rin sa sakit n’ya sa puso.

“Ihahanda ko na po ang mga plato sa lamesa,” 

Tumango naman ito at tsaka hinalo pa ng bahagya ang sopas.

“Pupunta ba mamaya ang mga kaibigan mo Nimby?”

Napasimangot ako, “‘yon na nga po Ma eh, Si Mnebane hindi makakapunta kasi may Business Meeting s’ya sa New Zealand, Tapos si Bleatish naman hindi ‘ko sigurado kung makakapunta kasi, no’ng inimbitahan ko, hindi naman sa ‘kin  umoo.

Umiling iling ito at muling tinikman ang sabaw na pinatikim n’ya sa ‘kin.

“Okay na ‘to tulungan mo ako dito,” pagkatapos ko ilagay ang plato at ang mga kutsara, ay pumunta na ‘ko kay Mama at  kinuha dito ang tasa nang sopas at ako na ang nag lagay sa lamesa.

Pag ka punta ko sa lamesa ay kumuha naman si Mama nang isang petsel na tubig at nilagay ito sa gitnang lamesa.

“Nag tatanong nanaman po Ma si Mang Kanor kahapon, nakasalubong ko eh,” aniko pagkaupo na pag-kaupo ni Mama sa kahoy na upuan. Umiling iling ito tsaka senenyasan akong maupo na.

“Hayaan mo nga ‘yang si Kanor, kulang lang ‘yon sa aruga,” anito na ikinahagikhik ko.

Nag sign of the cross naman si Mama na akin rin namang ginawa. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status