Share

Chapter 31

Halos hindi na nakatulog si Caren ng gabing iyon habang binabantayan at inaalagaan si Jayvee. Maya't-maya niyang tinitingnan ang kalagayan ng binata dahil mas tumaas pa ang lagnat nito. Nanginginig na rin ang katawan ni Jayvee kung kaya't binalot na niya ito ng comforter. 

Awang-awa siya sa kalagayan ng binata, mabuti na lang at nagpunta si Jayvee sa bahay ng magulang niya. Dahil kung nagkataon ay mag-isa lang ito sa bahay habang may sakit at walang mag-aalaga dito. Ganito din kaya ito kapag nagkakasakit noon? Nag-iisa? Walang magulang o kapatid na nag-aalaga?

"Kulot.. Caren," nanginginig na anas nito kaya mas lumapit siya sa katawan ng binata. Paulit-ulit nitong binibigkas ang pangalan niya na tila ayaw ng binata na lumayo siya sa tabi  nito. Inilapat niya ang palad sa noo nito para damhin kung mataas pa ang lagnat ng binata at napahinga siya ng maluwag ng hindi na ganoon kainit si Jayvee. Umeepekto na ang gamot na pinainom niya dito. Bumababa na ang lagnat nito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status