Share

Chapter 32

Medyo mabigat pa ang pakiramdam ni CJ nang magising siya pagdating ng umaga. Medyo nahihilo rin siya nang subukan niyang umupo sa kama para sumandal sa headboard. Nanghihina pa ang kanyang katawan pero hindi na mataas ang lagnat niya. 

Medyo mababa na rin ang temperatura niya at doon niya lang napansin na hubad pala ang itaas na bahagi ng kanyang katawan. At nang silipin niya ang sarili sa ilalim ng kumot ay tanging boxer short lang ang kanyang saplot. What the! Anong nangyari? May nang-rape ba sa kanya?

inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kwarto at napahinga siya ng maluwag nang mapagtanto na nasa kwarto siya ni Caren. Naalala niya din na umidlip siya kahapon sa tabi ng dalaga para magpahinga habang natutulog din ito. Aalis na lang sana siya paggising ng dalaga pero mukhang hindi na niya nagawa.

May naalala din siya na inaalagaan siya ni Caren pero hindi iyon naging malinaw sa alaala niya. Baka panaginip lang niya iyon. Parte ng isang maganda at masarap na pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status