Share

Chapter 1: The Marriage

"Sure ka na ba apo? Hindi na magbabago ang isip mo?" Tanong ng lola ni Nabi sa kaniya habang inaayos ang veil niya. 

Pag-uwi ni Nabi sa kanilang bahay noong araw na 'yon ay agad niyang pinirmahan ang kontrata matapos niya itong basahin, kaya natuwa naman sa kanya ang kanyang ama.

It was now the time, the time when the wedding will be held. The time that he will see her soon to be husband.

"Bessy! I'm here na!" Maririnig na ata ang boses ni Seah hanggang sa kabilang barangay.

"Ito namang batang ito! Hinaan mo nga ang boses mo!" Suway ng matanda kay Seah pagpasok niya sa dressing room kung saan sina Nabi at ang lola nito.

"Sorry po lola, I'm just excited lang po kasi eh." Sabi ni Seah.

"Ang ganda mo gagi! How to be you po?" Tanong ni Seah kay Nabi. Nabi look at the reflection of her face on the mirror, she was gorgeous. The wedding dress fits her curved body well, her make up was just a light one, she was stunning. Para siyang model ng isang pinaka sikat na company.

"Halika na apo, mags-start na." Sabi ng lola ni Nabi at tinulungan si Nabi na maglakad. Hindi kasi ito sanay magsuot ng heels kaya tumulong din si Seah.

Pagkarating nila sa simbahan ay wala 'yong groom. Lahat ng tao ay nag bubulong-bulungan dahil sa nangyayari ngayon, making Nabi angry about the attitude of her soon to be husband.

"Hija, pasensya ka na. Hindi makakadalo ang anak ko dahil may importante siya na lakad, ayos lang ba sa 'yo na ikaw na lang ang tumuloy ng kasal at tatawagan na lang namin ang anak ko para sa ceremonya?" Tanong ni Mr. Melendez kay Nabi and she just confidently nodded.

"Ayos lang po." Sabi ni Nabi kay Mr. Melendez.

"Are you sure you're ok about it, ihja?" Tanong naman ni Mrs. Melendez.

"Yes po, ayos lang po talaga." Sabi ni Nabi but deep inside she wanted to slit the throat of her soon to be husband. She's embarrassed!

'That bastard! He didn't even show up to our wedding!' Galit na sigaw ni Nabi sa kanyang isipan.

Nabi held her chin up, and confidently walked on the aisle with her father after the other guests walked on the aisle. The ceremony ended and all Nabi knew about her husband was just his voice and name, that's all.

"Walang hiya naman ang lalaking 'yon, hindi man lang nagpakita sa kasal namin." Inis na bulong ni Nabi habang umiinom ng wine.

"Hindi ko man lang nakita ang prince charming mo bes, pero sure na akong gwapo 'yon. 'Yong tatay pa nga lang gwapo na, siya pa kaya." Sabi ni Seah kay Nabi habang nilalantakan nito ang Shanghai.

"Hinay-hinay lang nga, para kang hindi nakakain ng ilang taon. Tataba ka niyan." Tukso ni Mikael sa kanya na ikinainis ni Seah.

"Excuse me, this? This is a sexy body. Don't you dare say I am going to be fat, I exercise everyday kaya." Maarteng sabi ni Seah kay Mikael kaya ngumiwi naman ang binata.

"Late ka kaya palagi sa trabaho dahil ang takaw mo sa tulog. H'wag ako ang lokohin mo Seah, alam na alam kita." Sabi naman ni Mikael kay Seah, which makes Seah roll her eyes on Mikael.

"E 'di wow!" Inis na sabi ni Seah at kumain na lang ng Shanghai at 'di pinansin si Mikael.

Nagbangayan pa ang dalawa habang si Nabi naman ay uminom lang ng wine habang nag-iisip kung paano niya bubogbugin ang kanyang asawa kapag nakita niya ito.

Matapos ang event ay inihatid ng driver si Nabi sa isang bahay ng Melendez kung saan sina Nabi at ang asawa na niya ngayon ang maninirahan sa malaking bahay. 

Hindi na nagulat pa si Nabi sa bahay na tutuluyan niya, sanay na siya dahil minsan ganito kalaki ang bahay ng mga kinukuha niya na mga projects. It was 4 times bigger than the house she was living in before. Pagbukas ng main door ay sinalubong ng butler si Nabi, at doon na nagulat si Nabi.

"Teka, ikaw 'yong butler ni Shine 'di ba?" Tanong ni Nabi sa butler ng mamukhaan niya ito.

"Yes po, hindi ko rin alam na ikaw pala ang magiging asawa ni sir. Pwede niyo po akong tawaging James ma'am if comfortable po kayo." Sabi ni James kay Nabi.

"Sure, and drop the ma'am kuya James. Nabi na lang ang itawag mo sa akin." Sabi ni Nabi at nginitian niya si James.

"Wait! Ibig sabihin… 'Yong kuya na sinasabi ni Shine ay 'yong asawa ko?" Tanong ni Nabi kay James na bigla namang ikinatango ng matanda.

"Gusto mo na po bang matulog ma'am- I mean Nabi? Baka po pagod ka na. Ihahatid na kita sa kwarto ninyo ni sir." Sabi ni James kay Nabi.

"Tabi kami matutulog?" Gulat na tanong ni Nabi kay James. Hindi niya naisip 'yong mga pangyayaring 'yon.

"Hindi ba't ganoon ang mag-asawa ma'am? Gusto mo po bang magkahiwalay ang kwarto ninyo ni sir?" Tanong ni James.

"A-ayos lang kuya. Sige po, bibihis muna ako bago maglibot sa labas habang may sinag pa ng araw sa labas. Bukas na lang ako maglilibot dito sa loob ng bahay." Sabi ni Nabi kay James na ikinatango ng matanda. Sinundan ni Nabi si James papunta sa kwarto at saka nagbihis na siya at lumabas ng bahay.

"Hayy… ang ganda ng amoy ng mga bulaklak!" Medyo pasigaw na sabi ni Nabi at hinanap kung saan nanggaling ang amoy ng mga bulaklak. Nang madapo ang tingin niya sa garden ay agad siya roon tumakbo at pinagmasdan ang mga bulaklak na nakatanim.

"Inaalagaan sila ng maayos ni kuya James dito ah." Sabi ni Nabi at ngumiti. She appreciates flowers. Napatakip naman ng ilong si Nabi nang madapo ang tingin niya sa isang bulaklak. Hyacinth, she's allergic to that flower. That flower can give her a dripping blood coming from her mouth.

"I need to cut that one." Bulong ng lalaki sa kanyang sarili nang makita si Nabi na napa takip sa kanyang ilong, assuming that she was allergic to that, at hindi nga siya nagkakamali.

"Makalayo na nga rito. Hello carnation ang ganda mo naman." Sabi ni Nabi at lumayo sa hyacinth na bulaklak at nakipag usap sa carnation na bulaklak. Ito palagi ang libangan niya kapag nag-iisa siya, kinakausap niya ang mga bulaklak na parang mga tao lang ito.

"Meow." Muntik nang matumba si Nabi sa kanyang pagka upo ng marinig niya 'yon. Galit niyang tinitigan ang pusa, ngunit linapitan lang siya nito. 

"Ay bakla kang pusa ka!" Napasigaw naman sa gulat si Nabi nang tumalon ang pusa papunta sa balikat niya.

"Hoy! Baka mahulog ka riyan. Baba riyan!" Suway ni Nabi sa pusa, kaya tumalon naman ang pusa palayo sa kanya at lumayo.

'Is that cat saying to follow him or her?' Napaisip si Nabi sa ginawa ng pusa, kaya sinundan niya na lang ito.

"Boss! We don't know anything! Binigyan lang nila kaming pera ngunit 'di namin alam kung sino sila!" Nang marinig iyon ni Nabi ay nag tago ito sa halamanan.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Nabi sa kanyang sarili at idinikit nito ang kanyang tenga sa pader upang marinig ang usapan sa loob ng warehouse.

"What are you doing?" Tanong ng isang lalaki kaya nagulat si Nabi at inayos niya ang kanyang sarili. 

'I smell something fishy about this.' Nabi said in her mind.

"Wala. Uhm...ito kasing pusa na 'to kung saan-saan lang pumupunta." Sabi ni Nabi sa lalaking naka mask. Natatakot si Nabi sa presensya ng lalaki at the same time she felt a little familiar about the presence of the man.

"Gray." Tawag ng lalaki sa pusa kaya agad itong tumalon papunta sa balikat ng lalaki na ikinagulat ni Nabi.

"I-ikaw pala ang amo niya." Sabi ni Nabi at pilit na ngumiti.

"I'm his dad, anong ginagawa mo rito?" Malamig na tanong niya kay Nabi.

"Ahh… I think I got lost? Sinundan ko lang kasi 'tong pusa, tapos hindi ko na alam kung nasaan ako." Sabi ni Nabi sa lalaki para kahit konti man lang ng takot niya ay mawala.

"Alis na, doon ka nanggaling." Masungit na sabi ng lalaki at tinuro ang daan para makauwi si Nabi.

"Thank you." Malapad ang ngiti ni Nabi ng sabihin niya 'yon. It was a genuine smile, hindi na 'yon pilit na ngiti.

"Boss! Nandito ka na pala, saan ka nanggaling?" Tanong ni Miche sa boss niya ng makalayo si Nabi.

"Kinuha si Gray sa babaeng palaboy-laboy. Ano na ang balita? Nalaman niyo na kung sino ang nag-utos sa kanila?" Tanong nito kay Miche at kinuha ang mask niya. Sobrang napakag'wapo ng binata. 

"Babaeng palaboy-laboy?" Tanong ni Miche sa boss niya kaya sinamaan lang siya ng tingin nito, kaya hindi na nagtanong pa si Miche.

"Ah, nga pala. Hindi raw nila alam kung sino talaga ang nag-utos sa kanila." Sabi ni Miche sa boss nito at pumasok na sila sa warehouse.

"Burn their skin, and threaten them that we will kill their family and their loved ones. Ah nga pala, bago ko makalimutan… paki sabi kay manong James na putulin lahat ng hyacinth na bulaklak. If I see even one hyacinth in the garden, I'll kill the gardener." Sabi ng lalaki at dumiretso na sa kanyang opisina.

"Hyacinth? Anong kasalanan ng bulaklak sa kanya?" Tanong ni Miche sa kanyang sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status