Share

Chapter 3: Jealousy

"Sino ka? Kuya James? H'wag kang lumapit sa 'kin." Umatras si Nabi nang makita niya ang isang lalaki pagka-bukas niya ng kanyang pintuan.

"Ma'am este Nabi? Ano po ang nangyayari?" nag-aalala na tanong ni James, at pinuntahan kung nasaan si Nabi.

"Manong James! I miss you!" Sigaw ng isang lalaki kay James at niyakap nito ang matanda nang mahigpit. Nagulat naman ang matanda nang makita niya kung sino ito.

"Kailan ka pa naka balik?" tanong ni James sa lalaking kaharap niya ngayon, kaya nagtaka naman si Nabi.

"What is happening? That man is a stranger to me kuya James! Care to explain?" nagtataka na tanong ni Nabi sa kanyang isipan.

"Ah ma'am… I mean Nabi, si sir Genessi nga pala, kaibigan ni sir Luci." Tinuro ni James si Genessi para ipakilala ito kay Nabi. Genessi flashes a wide smile at wave his hands at Nabi.

"Hi Nabi-chan! Genessi Flynn, your soon to be guard." Kumakaway-kaway na pakilala ni Genessi sa kanyang sarili. He was still smiling at the girl in front of her.

"Nabi… chan?" tanong ni Nabi sa kanyang isipan.

"Teka, guard? Like… like as in bodyguard? Why do I need a bodyguard?" tanong ni Nabi kay Genessi at nagtaka pa ito kung bakit kailangan niya ng bodyguard.

"Uhm… ano kasi… sabihin mong gusto lang ni Luci na ligtas ka," sabi ni Genessi kay Nabi.

"So? Saan ka ngayon pupunta? Akala ko ba naka leave ka sa trabaho?" tanong ni Genessi kay Nabi na ikinagulat ni Nabi.

"Who really is that Lucifer? Bakit alam nila ang schedule ko? Bakit kailangan ko ng bodyguard? Am I in some kind of Mafia story na kailangan ng bodyguard? Hindi naman siguro 'di ba? Malabo naman ata 'tong iniisip ko," sabi ni Nabi sa kanyang isipan.

"I'm going to meet up with my friends, why?" tanong ni Nabi kay Genessi.

"Bibihis lang ako Nabi-chan! Tawagin mo lang ako kapag umalis ka na, medyo malayo 'tong bahay niyo sa city kaya mahihirapan ka talaga na mag commute sa labas," sabi ni Genessi kay Nabi. 

"Okay?" medyo patanong na sabi ni Nabi.

#

"Nabi-chan? Interior designer ka 'di ba? Tulungan mo akong mag design ng bahay ko sa susunod ah." Sabi ni Genessi kay Nabi na kakalabas lang ng bahay. 

"Ok? Uhm… may I ask kung ano ang trabaho mo?" tanong ni Nabi kay Genessi. Genessi keeps his face straight while inside he is cramming while searching for an answer inside his head.

"I'm a bar owner," sabi ni Genessi kay Nabi na kalmado ang boses para hindi siya mahalata ni Nabi. Hindi niya alam kung tama ba ang sinabi niya or hindi, pero iisa lang ang alam niya. Totoo 'yong sinabi niya kay Nabi. Him and Lucifer were bar owners.

"Bar owner? Eh, bakit ka nagtatrabaho bilang bodyguard ko?" nagtataka na tanong ni Nabi kay Genessi.

"Kasi 'yon ang utos ni Luci sa akin? He was my best friend after all, and I can't say no to him. He help me many times, and even save my f*cking life. If he didn't help me back then, I may be in the cemetery lying in the coffin." Natatawa na sabi ni Genessi kay Nabi, nang maalala niya ang mga katangahan niya noon ng muntik na siyang mamatay ng ilang beses.

"You're so clumsy huh? Baka mabunggo tayo nito," pabirong sabi ni Nabi kay Genessi at natawa ito.

They keep telling stories to each other, and laugh keeping themselves in a good mood. Nagkwento si Genessi kay Nabi kung ano ang mga katangahan niya noong muntik na siyang mamatay.

"I was hanging on the rope on the tree house, when I tried to reach the ladder Lucifer's cat bumps on the stairs making it fall. I was like screaming the sh*t out of me, guess what Lucifer did," kwento ni Genessi kay Nabi.

"What?" Nabi asked curiously.

"Instead of helping me by grabbing my hand, he cut the rope that was wrapping my foot so it could keep me from falling and dying. I screamed and cursed him again and again, and I just landed on a trampoline. And I was cursing Lucifer for frightening me and he just laughed!" kwento ni Genessi kay Nabi kaya malakas na tumawa si Nabi sa kanyang narinig, making Genessi pout.

"Nakakatakot nga 'yan, hindi naman kita masisisi," sabi ni Nabi at saka humalakhak.

"This girl is really interesting," sabi ni Genessi sa kanyang isipan, at napangiti.

"Andito na tayo Nabi-chan," sabi ni Genessi kay Nabi na ngayon at tawa pa rin nang tawa.

"Nabi-chan?" naiinis na tawag ni Genessi kay Nabi.

"Sorry, by the way. Why are you calling me Nabi-chan?" Nabi asked Genessi and wiped the small tears in her eyes because of laughing out loud.

"It's sounds so cute, kagaya mo." Genessi whispered the last 2 words he said which Nabi didn't even hear.

Bago pa mabuksan ni Genessi ang pintuan ng sasakyan sa side ni Nabi ay nabuksan na ito ni Nabi.

"Being a gentleman huh? Parang mga nasa movie lang, kaso nasira ko na ang atmosphere. Kainis!" kinikilig na sabi ni Nabi.

"So? Saan ka pupunta ngayon?" tanong ni Nabi kay Genessi.

"Susunod sa 'yo. I must protect you," sabi ni Genessi kay Nabi.

"Susunod ka talaga sa 'kin? P'wede ka naman na maglibot dito sa mall, don't worry kasama ko ang mga kaibigan ko." Naglakad na palayo si Nabi habang sinasabi niya 'yon, ngunit sinundan lang siya ni Genessi.

"I don't like shopping nor window shopping." Sabi ni Genessi kay Nabi.

"When was the last time you shopped?" tanong ni Nabi habang naglalakad papunta ng Starbucks.

"A few weeks ago," sabi ni Genessi kay Nabi habang sumusunod pa rin ito kay Nabi.

"Anong binili mo?" Tanong ni Nabi kay Genessi at nilingon ito.

"A yatch," sabi ni Genessi dahilan upang mapatigil si Nabi sa paglalakad.

"Seriously? Ang yaman mo ah," gulat na sabi ni Nabi kay Genessi.

#

"Sino 'yang kasama mo?" tanong ng kaibigan na lalaki ni Nabi sa kanya.

"Bobo ka ba Mikael? bodyguard niya 'yan. Tama ba ako Nabi? Pero in fairness ah, ang g'wapo ng bodyguard mo." Simipsip si Seah sa kanyang iniinom na kape.

"Yeah, but guess what," sabi ni Nabi sa dalawa niyang kaibigan.

"What? Don't make us hintay Nabi," naiinip na sabi ni Seah sa kaibigan niya.

"Ang conyo naman ng babaeng 'to," sabi ni Mikael, dahilan upang mainis si Seah sa kanya.

"Hindi ko pa rin alam ang mukha ng asawa ko ngayon, and I smell something fishy about it. Bakit ayaw niyang ipakita ang mukha niya sa 'kin? any theory about it?" naiinis na sabi ni Nabi at saka kumain ng strawberry cake.

"Siguro pangit 'yang asawa mo kaya ayaw niyang ipakita ang mukha niya," sabi ni Seah kay Nabi.

"Pero impossible naman ata kasi bodyguard pa nga lang g'wapo na, ang boss pa kaya." Seah look at Genessi and sipped her drink.

"Itong babaeng 'to, g'wapo lang ang hanap. Kaya palagi kang nasasaktan ih, do'n ka sa g'wapo na nga, mabait pa. Kagaya ko," sabi ni Mikael at nagpa pogi pa.

"Oh my gosh! Mukhang babagyo na ata Nabi ah, ang lakas kasi ng hangin. Umuwi na tayo baka maabutan tayo ng baha," insulto ni Seah kay Mikael.

"Wow ang kapal ng mukha mo ah, lakas maka insulto Seah ah. Mukhang ang ganda mo rin naman ah," inis na sabi ni Mikael kay Seah.

"Excuse me, I'm beautiful kaya," sabi ni Seah sa kaibigan nito.

"Excuse me, I'm beautiful kaya. Conyo mo, hindi ka naman maganda. Kapag ikaw at ang zombie na lang ang matitirang babae sa mundong ito sa zombie na lang ako sasama," Mikael said and mimicked Seah's voice in "excuse me, I'm beautiful kaya."

"D'yan nag-umpisa ang love story ng lola at lolo ko," biro ni Nabi sa dalawa kaya natahimik sila.

"Eww, yuck Nabi. Hindi ko 'yan papatulan 'no, it's disgusting kaya," nandidiri na sabi ni Seah kay Nabi.

"Mas hindi kita papatulan na conyo ka, ang conyo! Dios me, mas pipiliin ko na lang mag pakagat sa dinosaur kaysa sa magkatuluyan kami. Never akong mai-inlove sa conyo," diring-diri na sabi naman ni Mikael.

"Ako, never akong mai-inlove sa mahangin!" Pasigaw na sabi ni Seah.

"Ok? Mukhang magkakasakitan na ata kayo nito ah uhm… Genessi, why don't you seat here with us?" tawag ni Nabi kay Genessi na nasa kabilang table at mag-isang umiinom ng kape, kaya umupo si Genessi sa tabi ni Mikael.

"Hi, I'm Seah Laurine Santiago. It's nice to meet you," pakilala ni Seah sa kanyang sarili sabay lahad ng kamay niya kay Genessi para makipag shake hands.

"It's nice to meet you too, I'm Genessi Flynn," pakilala naman ni Genessi at makikipag shake hands din sana kay Seah ngunit kinuha ni Mikael ang kamay ni Genessi para siya ang makipag shake hands sa binata.

"Hello pare, Mikael Lapaz," pakilala naman ni Mikael sa binata.

"Hoy! Ako dapat ang makikipag shake hands sa kanya eh!" galit na sigaw ni Seah kay Mikael at saka hinampas niya ang likuran nito.

"There is something going on with this two," sabi ni Nabi sa kanyang isipan at tiningnan ang dalawa niyang kaibigan bago siya ngumiti.

#

"Boss, 'di ba asawa mo 'yon?" tanong ni Miche kay Lucifer at saka itinuro niya si Nabi na nakaupo sa loob ng starbucks.

"What are they doing? hindi man lang sila nagpaalam sa akin. Didn't I tell Genessi to keep me updated about him and that girl?" tanong ni Lucifer sa kanyang isipan nang hindi na naman siya sinunod ni Genessi.

"Gusto mong mag pa hi boss?" tanong ni Miche kay Lucifer, kaya tiningnan lang siya ng masama ni Lucifer.

"Do you think I will reveal my face to that woman?" inis na sabi ni Lucifer kay Miche at saka sinuot niya ang sunglasses niya.

"Halika na! I don't want to see that woman being happy," inis na sabi ni Lucifer kay Miche at nauna nang maglakad kaya sumunod naman si Miche sa kanya.

"Nagseselos si boss, first time 'to ah," manghang sabi ni Miche sa kanyang isipan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status