Share

Chapter 2: The first kiss

"Ba't ang sakit ng ulo ko?" Tanong ni Nabi at tumayo sa kama. Sobrang sakit ng ulo niya mukhang mabibiyak na ata ito sa palagay niya.

Nang makainom siya ng tubig ay bigla niyang naalala na uminom pala siya kagabi, at hindi lang 'yon nanaginip pa siya na may hinalikan siya na isang lalaki. 

'If that was true, it was my first kiss! But with whom?'  Tanong ni Nabi sa kanyang isipan.

"Panaginip lang 'yon 'di 'yon totoo." Sabi ni Nabi sa kanyang sarili at dumiretso sa banyo para manghilamos siya ng kaniyang mukha. Pagka labas niya ng banyo ay biglang may kumatok ng kwarto.

"Ma'am? I-I mean Nabi? Gising ka na po ba?" Tanong ni James sa labas ng kwarto.

"Opo." Sagot ni Nabi.

"Ahm… kumain na po kayo." Sabi ni James kaya lumabas na ng kwarto si Nabi.

"Umuwi po ba siya?" Tanong ni Nabi kay James.

"Opo, kagabi pa. Hindi mo po ba siya nakita?" Sabi ni James kay Nabi.

"Hindi po eh. Saan na po siya ngayon?" Tanong ni Nabi kay James. 

"Maaga po siyang umalis eh, marami atang inaasikaso. May nangyari po ba kagabi? Parang wala kasi siya sa mood ngayong araw eh." Tanong ni James kay Nabi.

"Hindi ko maalala eh, nalasing kasi ako hehe." Nahihiyang sabi ni Nabi at kinamot pa niya ang batok nito.

"Nalasing?" Tanong ni James na ikinatango ni Nabi.

*FLASHBACK*

"Iyan! Ilagay mo ang mga 'yan sa kwarto nila ah." Rinig ni James sa matandang babae sa tablet ng buksan niya ang parcel na kakarating lang.

"Para saan po ito?" Tanong ni James sa amo niya.

"Para magka-apo agad ako." Sabi ng matandang babae sa tablet.

"You mean…" sabi ni James at pinoproseso niya ang mga sinabi ng matanda.

"Yes. My one and only, Love wine." Sabi ng matanda at ngumiti ng todo.

"Sige po ma'am. Noted." Sabi ni James sa matanda at saka pinatay ng matanda ang tawag.

'Sana walang mangyaring masama kay Nabi nito…' Sabi ni James sa kanyang isipan.

*END OF FLASHBACK*

"Teka, ano po ba ang trabaho niya at mukhang ang busy niya? Doctor po ba siya? Uhm… detective? CEO? Pilot?" Tanong ni Nabi kay James ngunit itinikom lang ni James ang kanyang bibig which makes Nabi confused.

"Siguro po, kayo na lang po ang magtanong sa kanya niyan." Sabi ni James kay Nabi at pumunta na ng kusina.

"They're all weird." Sabi ni Nabi at nagsimula nang kumain.

Matapos kumain ni Nabi ay inilibot siya ni James sa iba't-ibang parte ng bahay. Nadapo na lang ang tingin ni Nabi sa warehouse kung saan nakarinig siya ng mga pag sigaw kahapon.

"Uhm… kuya James, ano naman po ang laman ng warehouse na 'yon?" Tanong ni Nabi kay James.

"Diyan ka bawal pumunta Nabi, sa teritoryo ng asawa mo. Nakikita mo ang bakuran na 'yon? Simula doon, ay hindi ka pwedeng umapak. Maraming mga patibong papunta roon sa warehouse kaya huwag ka ng mag-isip pa na lumagpas sa linya roon. Kung 'di, hindi ka makakaalis ng buhay doon." Babala ng matanda kay Nabi, at saka itinuro pa ang linya.

'Then how the heck did I survive yesterday? Thank you God for guiding me back there.' Pagpapasalamat ni Nabi sa Panginoon gamit ang kanyang isipan.

"Halika na, mukhang may bisita ata tayo ngayong araw." Sabi ni James nang makabalik sila malapit sa bahay. May sasakyan silang nakita sa tapat ng bahay, pagka bukas ni James ng main door ay nakita agad nila ang batang babae na sumasayaw habang naka on ang TV. Pagka lingon ng batang babae sa main door ay agad lumiwanag ang mukha nito.

"Ate Nabi!" Sigaw ng batang babae at tumakbo saka yinakap si Nabi nang mahigpit.

"Shine." Sabi ni Nabi at yinakap pabalik si Shine.

"Totoo ba talaga 'to? Ikaw nga ba talaga ang asawa ng masungit kong kuya? Wahhh! Ate! This is the best moment of my life!" Sigaw ni Shine at nagtatatalon-talon pa nang bumitaw ito sa pagka yakap ni Nabi.

"Totoo ba 'to? Kurutin mo nga ako kuya James!" Sigaw ni Shine kaya mahina namang kinurot ni James ang batang babae.

"Aray! Ba't mo naman ako kinurot kuya James?" Naiinis na sabi ni Shine sa matanda.

"Sabi mo kurutin kita 'di ba? Sinunod lang naman kita." Sabi ni James dito kaya nag pout na lang si Shine.

"Nakakain ka na ba?" Tanong ni Nabi kay Shine. 

"Hehe, hindi pa eh. Gusto ko kasing makita ang asawa ng kuya ko, and worth it naman ang pagpunta ko rito!" Masayang sabi ni Shine.

"Gusto mo ba na pag lutuan kita? Ano gusto mo? Waffles? Pancake? Uhm… Mojo's?" Tanong ni Nabi sa batang babae na ikinaliwanag ng mukha nito.

"Waffles! And fried egg with garlic rice na rin po please!" Masayang sigaw ni Shine kaya dumiretso silang dalawa sa kusina habang si James naman ay nakasunod sa kanila.

Habang nagluluto si Nabi ay nakisabay din sa sa pag kanta kasama si Shine dahil pinilit siya nito, which is the worst decision of Shine. Kaya na atang gawin lahat ni Nabi pero ang pagkanta ay hindi niya talaga matonohan. Kaya instead of singing, Nabi just hummed the tune.

"We don't need permission to dance! Nanananananana~ Nananananana." Pasigaw na kanta ni Shine, at sumabay naman ang humming ni Nabi sa kanta ni Shine. They were both banging their heads, and vibing to the song.

"Ang galing mong kumanta Shine, sana all." Sabi ni Nabi kay Shine at saka linapag ang natapos niya na waffles sa mesa kaya nilantakan na 'yon ni Shine. Sinimulan na ulit mag luto ni Nabi ngunit garlic rice na ngayon ang niluluto niya habang ang isang maid namna ay hinugasan ang ginamit na waffle maker ni Nabi.

"Hmm! Ang sarap! Ang galing mong mag luto ate Nabi!" Masayang sabi ni Shine habang kumakain ito ng waffles.

"Juice?" Tanong ni James kay Shine na ikinatango ni Shine habang panay pa rin ang kain niya ng waffles.

"Ate Nabi?" Tawag ni Shine kay Nabi.

"Yes?" Tanong ni Nabi.

"Can I stay here with you po?" Tanong ni Shine kay Nabi.

"Su-," hindi natuloy ang sasabihin ni Nabi nang magsalita si James.

"No, absolutely not. They were still on honeymoon Shine, sa susunod ka na lang pumunta rito." Sabi ni James na ikinalungkot ni Shine.

"Ok… pero… pwede naman akong dumalaw 'di ba?" Tanong ni Shine kay Nabi.

"Ye-," sasagot na naman sana si Nabi ng putulin 'yon ni James.

"But not every day." Sabi ni James kay Shine.

"After a week, pwede ka nang matulog dito. Samahan mo ako." Sabi ni Nabi matapos sabihin ni James ang sasabihin niya. 

"Talaga ba? O my gosh! Thank you ate!" Masayamg sabi ni Shine kay Nabi.

"Can we go out after this po? I want to spend some time with you po ate." Sabi ni Shine at nagpa-cute pa.

"Sure!" Masayang sabi naman ni Nabi sa kanya na ikinaliwanag ng mukha niya.

'Ba't nandito ang baliw kong kapatid?' Tanong ng isang lalaki sa kanyang sarili nang maparaan siya sa sliding door na malapit sa garden.

"Boss anong tinitingin niyo riyan?" Tanong ng kakarating lang na si Miche at tiningnan kung ano ang tinitingnan ng boss niya. He saw the wife of his boss, with the crazy sister of his boss eating happily with James.

"Ahhh si misis pala ang tinitingnan mo, okay… kaya naman pala ang lawak ng ngiti mo boss eh." Sabi ni Miche sa boss niya.

"Hindi ako nakangiti." Sabi ng lalaki at lumakad palayo. Bigla kasing nanumbalik ang mga ala-ala niya kagabi.

*FLASHBACK*

"Are you okay? Why are you drinking?" Tanong ng asawa ni Nabi sa kanya ng makita niya si Nabi na nasa sofa ng kwarto nila at mukhang lasing na ito. She is drinking like crazy, naubos niya kasi lahat ng bote na nakapatong kani-kanina lang sa lamesa na ngayon ay nakakalat na.

"Ha? May nakahanda na inumin dito eh, sayang naman kung 'di ko iinumin 'di ba?" Lasing na sabi ni Nabi at tinuro ang mga bote na ngayon ay wala ng mga laman.

"Let me get you to the bed." Sabi ng asawa niya. Nabigla na lang ito ng hinila ni Nabi ang tie niya at hinalikan siya.

"Ang gwapo mo." 'Yan ang huling salita ni Nabi bago siya tuloyang natulog sa mga kamay ng asawa niya.

*END OF FLASHBACK*

"Luci! I miss you!" Sigaw ng isang lalaking nakasalamin at niyakap si Lucifer pagka pasok pa lang nila ni Miche ng warehouse.

"What are you doing here Genessi?" Malamig na tanong ni Lucifer kay Genessi.

"Ito naman, parang ang laki ng utang ko sa 'yo ah." Inis na sabi ni Genessi sa kaibigan nito.

"Kailan ka lang bumalik?" Tanong ni Lucifer kay Genessi.

"Kanina, diretso nga ako rito kahit na gustong-gusto na akong makita ni mom eh." Sabi ni Genessi.

"May bago kang mission, h'wag mo akong biguin ah." Sabi ni Lucifer sa kanyang kaibigan.

"Sure Luci. Nga pala, balita ko may asawa ka na ah, naks! Congrats! Mas maganda at mabait daw 'yon kaysa sa ex mo." Sabi ni Genessi na ikinainis ni Lucifer at tiningnan nito ng masama si Genessi.

"H'wag naman ganyan, sabi ng lola mo 'yon sa akin." Sabi ni Genessi kaya mas lalong nainis si Lucifer dito.

"Relax! Mukhang mangangain ka na ng tao ah." Natatawa na sabi ni Genessi kay Lucifer.

"So… what's my mission?" Tanong ni Genessi dito, kaya sinabi naman ni Lucifer kung ano ang bagong mission niya.

"Sige! I'll see you later na lang my friend! Baka sabunutan na kasi ako ni mommy dahil matagal siyang naghintay sa 'kin." Paalam ni Genessi kay Lucifer.

"Sure ka ba boss na ayos lang sa 'yo na si Genessi na ang bahala roon?" Tanong ni Miche sa boss niya.

"I trust that man. Let him do his work." Sabi ni Lucifer at pasalampak na humiga sa sofa ng opisina niya.

'Ano ba talaga ang habol mo sa 'kin Nabriella?' Tanong ni Lucifer sa kanyang isipan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status